image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, June 22, 2010

slurpee.


may pasok ngayon. kaya dala ko ang lahat ng kailangan sa klase [clearbook, small envelope, pencil case, etc.]
pe day ngayon. kaya dala ko ang arnis.
may "break" ngayon kasi walang physics...at biglang wala na ring natsci. kaya dala ko ang laptop pang-noteworthy o in case mabore ako sa kawalan ng klase.
baka umulan...at umulan nga. kaya dala ko ang payong.
buddy stuff day ngayon. kaya nadagdagan ng tatlong libro ang lahat ng kailangang bitbitin.
napakarami kong gamit a.k.a. magbubuhat na naman ako ng bato. kaya cyempre kailangan ng bag na paglalagyan ng gamit.
napakainit ng araw. kaya dala ko ang mineral water bottle at pamaypay.

mainit nga. kaya bumili ako ng slurpee. 22oz slurpee sa 7-11 st.scholastica. hindi sakto ung takip sa paper cup. pero wala lang.

biglang nawalan na kami ng 8:30-10 at 10-11:30 class. araw-araw na lunch break ko ang 11:30-1. 1:00 pa ang pe. kaya pagkatapos ng imedchoir jamming jamming at practice kina sed, umuwi na ako. bitbit ang bag na halos nag-ooverflow na sa dami ng laman. kilo-kilo ang bigat. bitbit ang tatlong librong buddy stuff. bitbit ang arnis. mahirap sumakay sa jeep. madali namang bumaba. at dahil nga mainit, bumili ako ng slurpee na nasa cup na may maluwag na takip. lumabas na ako sa 7-11 at sumakay sa jeep. nagbayad. biglang umulan na nang malakas. nilabas ko ang payong sa bag. nung pababa na ako ng jeep, bitbit ko ang tatlong libro, isang bag ng "mabibigat na bato", isang nakabukas na payong, arnis, at isang basong slurpee na may natatanggal na takip. dalawa lang ang kamay ko. goodluck.

pero yan. nakauwi na naman ako. ubos na ang slurpee. buhay pa naman ang laptop ko kahit nadaganan na ng lahat ng mga bato sa loob ng bag ko. hindi naman siguro lalagpas sa sampung patak ng ulan ang tumama sa ulo ko. tuyo pa naman ang mga libro...buti hindi ko sila nahulog sa mga tubig-tubig.

pagkapasok ko sa unit, biglang nawala ang ulan. great. :|


6:57 AM