image
kesi's blog
image image image image
Monday, June 23, 2008

1st 3 weeks of classes = grabe


grabe. ngayon lang ako ulit nakapag-blog. buti walang pasok. hehe.

week 1
sobrang wala ako sa mood para sa klase. napaka-bakasyon mode ko pa. hindi ako nakikinig sa mga itinuturo ng teachers. haaaay. malabo pa ang assignment ng sections, teachers, at rooms. mula kay sir duli, si sir vlad na ang naging adviser naming mga electron. yaaay! ngunit...abangan...

hindi ko alam kung anong elective ang dapat kong kunin. nag-sign up na ako sa viscom at sa eng journ [kung sakaling hindi makapasa sa viscom].

napaka-overwhelming ng 4th year. grabe. nung nag-math diagnostic, naisip ko...waaaah! ano'ng nangyayari sa akin?! nakalimutan ko na ang math. ~_____~ tapos ung physics...waaah!!! panic panic. grabe talaga. sa str, mahirap nang mag-isip ng topic na i-aapprove ni sir kawashima. huhuhu.

onga pala. hindi ko maalala masyado pero nag-celebrate yata kami ng bday ni dadi sa chowking [as usual] nung june 1. walang halo-halo pero may raffle coupon papunta sa macau. hehe.

nung 2nd day of classes nga pala, nag-makeup kami ng homeroom kasama si sir vlad. nag-"election" kami pero hindi na tinuloy. pagkatapos ng makeup homeroom, nagcommute ako papunta sa convergys. hehe. nag-starbucks ako, believe it or not, for the 1st time. hindi kasi ako gaanong mahilig sa kape. bumili ako ng mocha frappucino. ang gastos ko... kailangang ilagay sa exlogs.

nung gabi ng june 5, pumunta pa kami sa bday party ng pinsan ni dadi sa malayong lugar sa bandang novaliches. grabe. mahirap mag-isip ng str topic para sa susunod na araw nang walang computer. >___<

sooobrang belated hapi bday kina jer [1], ate cla [5], ate mariel [5] , maam bennagen [5], at kelsy [7]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

week 2

dahil walang pasok nung monday dahil na-move ang independence day, extended ang weekend. pumunta kaming lahat sa batangas at nagcelebrate ng bday ni eman. hehe. sobrang bonding talaga! harutan kasama ang mga pinsan to the max!!! pumunta kami sa la virginia upang magswimming. nagpagupit na rin ako ng buhok kaya short-haired na naman ako. nakipag-bonding din kami kina wendell at nica. dahil dito, may natutunan kaming batangas word: isud=usog. yaaay!

webdev na talaga ako sa comsci. hindi ako magsusurvive sa programming, nakaka-nosebleed. pinasa ko na rin ang aking upcat application forms.

up diliman:
1. mbb [nosebleed...]
2. comsci

uplb:
1. comsci
2. food tech

wow. eniweiz, nung tuesday, viscom na talaga ako. nung screening kasi, out of 60++ na nag-sign up, less than 30 lang yata ang pumunta kaya kami na agad ang final viscom-ers. nag-drawing kami ng sariling kamay at bagay na mula sa circle, triangle, at square. tapos, nung hapon, may cherubs rehearsal. pero, halos puro pahinga lang kaming non-up people. nagpractice kasi ang up people para sa june 16 program kung saan paparangalan ang mga national artists and up presidents mula sa up. isang elective day that week [wednesday or thursday], sobrang flattered ako sa viscom. hehe. wala lang. nagustuhan kasi ni sir ortiz ung drawing kong baboy sa viscom screening at ung ulo ng exquisite corpse ko. hehe. two in a row daw.

nung friday naman, walang morning classes dahil may upcat simulation. grabe. ang hirap ng upcat simulation ng pisay compared sa simulation ng expert guides. huhuhu. proctor nga pala namin si sir talaue. speaking of sir talaue, originally, plano ko talagang mag life sci para sa aking elective pero hindi ko na tinuloy dahil may test pa. ok lang naman kung sa viscom "test"...magd-drawing lang naman eh. :P so...deadline nga rin pala ng math hw. isang mahabang essay tungkol sa koneksyon ng math, specifically calculus, sa napiling course. kunganu-anong nosebleed-ing stuff ang nilagay ko dun. grabe. tapos nung hapon, may cat. nag-memorize kami ng cadet's creed at 5 blah blah. basta parang rules...itong ipopost ko, ayon lang sa aking pagkakaintindi o pagkakatanda. pasensya na kung may mali. ang purpose nito ay para matandaan ko lang kung kinakailangan.

cadet's creed: unity is the beginning. success is the ending. thou our ordeal is hard, let patience be our guard. for our hope is high and our time is nigh.

5 stuff: 1. obey first before you complain. 2. the fault of one is the fault of all. 3. my body is my body. 4. i shall be stable under nrt/v [ayon sa iba. kasi nga, pv=nrt...where p is pressure] 5. if it is not for the good of the group, i will not sacrifice my self.

yebah. upang ma-memorize ang mga ito, naka-ilang ulit kami ng pagrerecite. buti na lang mabait sa amin sina neon at ange. :D nung hapon, may cherubs ulit. nagsukat kami ng bagong costume. hehe. wala lang...

wala akong weekend. nung june 14, may college entrance test review sa audi from 8-11:30. na-late nga ako eh. buti na lang hindi pa nagle-lesson si sir nat pagdating ko. nagkwento lang siya ng mga bagay-bagay. saka lang kami nag-review lang talaga sa math. tapos, si maam aguila naman ang nag-review sa amin sa filipino...

nung sunday naman, may refresher sa expert guides...8-5 as usual sa abada e room. ayun...review-review ulit ng konti tapos simulation ng upcat nung umaga. dun kami naglunch nina yen, marie, kar, janelle, jico, at ang sumama sa amin later, si luis, sa kfc. awww. ang last lunch with expert guides buddies... nung hapon naman, simulation ng acet. ansaya nga eh. ako ang highest sa klase namin. :D 80 something percent. :D dahil sa sobrang kasiyahan, nakalimutan ko na ang tungkol sa comsci web challenge. waah. sayang ang bonus... oo nga pala. father's day... pero halos di naman kami nagkabuong pamilya. uhh...dito yata kami pumunta sa chowking. ewan ko ba.

may bali-balita nga pala. mula kay sir duli at sir vlad, si sir kawashima na ang aming homeroom adviser. nooo...paalam sir vlad, ang aming vlady grand-daddy. :(

beeelated hapi bday kina ange [10], gero [12], dem [12], at jut [12]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

3rd week

nung homeroom, nagpaalam na kami kay sir vlad. huhuhu. si sir kawashima na ang adviser namin. may activity kami. nag-sulatan sa likod ng mga bagay-bagay. grabe. parang ginawa ko nang mga palanca ang mga papel sa likod ng mga electron. hehe. generally, ang mga sinulat sa likod ko ay tahimik ako. naku. kung gaano ang katahimikan ko sa pisay, ganon ang kakulitan at kabaliwan ko dito sa bahay. mwahahaha!

nung tuesday, nagpasa na ako ng viscom thingy.. di ko alam kung ano ang itatawag ko dun. basta correction fluid bottle na dinikitan ng paper clips para sa pakpak at thumb tacks para sa mata. voila! it's a bird!

nung wednesday naman, may p6 long test. ok naman. hula-hula. bwahaha. napaka-crammed nga ng aking review. nung gabi kasi, nakatulog lang ako sa computer habang nagn-notes sa powerpoint presentations ni maam bonix, tapos nung umaga, habang naghihintay sa bell ng 1st class [comsci] at habang gumagawa ng comsci exercise lang ako nakapag-review nang matinu-tino. hehe. kaya fresh pa ang formulas at ideas nang nag-test na kami. :p pero dahil sobrang nakatuon ang aking pansin sa p6 long test, hindi naging maganda ang kinalabasan ng aking eng speech. huhuhu. 10/20 lang ako. ako pa naman ung last. :(

nung thursday, kinareer ko ang viscom. gagawa kami ng flip book. una kong plano ang big bang na magiging tsokolate na mapupunta sa foil pack ng big bang na chocolate. tapos, meron ding magnet na magiging earth. pero, ang final decision ko, egg shell na magiging shell ng hermit crab. wow. oo nga pala. meron nang results ang p6 lt. kaming dalawa ni belsha ang highest. yaay! 30/40. ang galing ko talaga tsumamba! mwahaha! pero kapag ganun, nakaka-frustrate lang kapag may napaka-simpleng pagkakamali. dun sa isang number, napag-baliktad ko lang ang < at >. sa problem solving, ginawa kong subtraction ang dapat ay addition. sayang talaga. oh well. pwede na rin.

nung friday naman, ginawa ko ang str proposal ko. katulad din ng last year. binago lang ung halaman at bacteria. pero hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung approved na. ~_____~ speaking of str, groupmates ko nga pala sina francis at francis. hindi yan typo. magkaka-group lang talaga kaming mga francis at frances. hehe. trip lang. :P saka masaya ring magkaroon ng ka-group na kilala mo na di ba? kami rin ang magkaka-group sa bio at minsan sa chem kapag groups of 3. nung hapon, may quiz sa eng. nakakainis kasi str ang inatupag ko nung ub at nakalimutan kong may miting se avance pa. hindi ko natapos ung book of job. >____< masaya na lang kung magaling akong tsumamba. tapos, nung chem, nag-open notes probset kami. nakakainis nga lang kasi hirap na hirap akong i-balance ang equation na mali naman pala talaga ang isa sa mga product chemical. waaah. ang carbon tetrafluoride, ginawa kong CF3. huhuhu. kaya naman pala hirap na hirap ako. :(( tapos may cat ulit. hindi na by section. charlie 2 ako. co namin sina rachelle, airah, at benetz. natutunan namin ang mga paraan ng pag-upo, pagtayo, at iba pa. pagkatapos ng klase, may cherubs ulit. nag-uaap hymn kami tapos summer songs [the gift of song, lullaby, we beseech thee] at handog sa ina.

nung saturday, may review ulit sa pisay. si maam andaya ang nag-review sa amin sa chem at si sir alfer sa english. haaaay. pagkatapos ng review, pumunta ako sa trinoma. doon, bumili ako ng mga kinakailangan kong mga gamit para sa viscom at cat tickler. tapos, nag-lunch ako sa kfc. kinabahan nga ako nun kasi baka maubusan ako ng table. buti nga may tables pa pagkakuha ko ng order ko. pero kung minamalas ka nga naman. ang nakuha kong table ay nag w-wobble. pagkalagay ko ng pagkain ko, parang babagsak na yung buong table. parang mabububuan na ako ng softdrinks at mushroom soup. pero pinagtiyagaan ko muna. pero nung nauubos na ang pasensya ko, lilipat na sana ako ng table nang kinuha ang tray ko! noooo... so hindi na ako nakalipat ng table. habang kumakain, marami akong nakitang mga ka-batch. nauna si berto. pumunta cya sa chowking. tapos, ang grupo naman nina quintin at jut. naglakad lang sila. di ko alam kung may nakakita sa akin. tapos, sina kevin roque at trish naman. pinagtaguan ko na. pagkatapos nun, nag-hallucinate na ako...taga-pisay ang lahat ng taong nandun sa trinoma. >____< umalis na ako at pumunta sa mrt station para pumunta sa dentist. mali pa ang pinilahan ko para bumili ng ticket. tapos dumating ako sa dentist saktong 2:00. sabi kasi ni mami wag magmadali dahil 2 pa darating yung dentista. pero pagdating ko dun, andami nang tao. halos wala na akong maupuan. nanood na lang ako ng tv at nilagyan ng page numbers ang aking bagong tickler. mga 4 pa yata nasimulan ang pag-aadjust ng braces ko. tapos, umalis na ako.

kahapon, relaxed naman ako. malakas ang ulan. naisip kong mawawalan ng pasok ngayon. at un nga ang nangyari. pero tinapos ko naman ang aking light drawings sa aking flip book. pagi-ink na lang ang kulang...

ngayon, nood lang ng tv, ng anime, computer, blog, tulog, bake ng cinnamon bread :d, at kain lang ang ginawa ko. di ko pa nga pala nasisimulan ang bio hw. hehe. magrereview pa pala ako para sa math quiz. monday sked bukas. may flag cem. wala pa ring tubig dito sa bahay. gusto ko nang maligo. pano na bukas kung walang tubig?! oh no!!!!!!!


3:45 PM

Sunday, June 01, 2008

huling araw ng bakasyon


may pasok na naman bukas. haaaaay. nakakainis talaga. ako may pasok na samantalang sina ate oan, ate kitel, rj, at liz [in short, mendoza kids except me], next week pa. huhuhu. kainggit.

bday ngaun ni dadi. hapi bday dadi! wala lang. di pa namin naf-finalize ang aming bday gift para sa kanya. sudoku-ish. basta. hehe. anlabo nga eh. ung mga nauna kasing plan, dadibee vietnamese noodles, jun king ulit [kumain kasi kami ng buchi sa chowking ever kagabi. buchilang! hehe], at kunganu-ano pang mga bagay-bagay na tungkol sa mga kinakain namin lately. hehehehe.

so kahapon nga, matapos mag-7:00 mass at matapos magdinner, pumunta kami sa ever. dahil naubos na ang halu-halo, nag-buchi na lang kami. ok lang naman un. nakakabusog at masarap naman :D pwede pa kaming manalo ng trip for 4 to macau. [wow...connection...] habang naghihintay para sa aming buchi, umalis si mami papunta sa grocery. nagkataong doon din pumunta si dadi at sila'y nagkasalubong doon. si dadi pa ang nagbayad sa sarili niyang bday card mula kay mami. hehe. matapos kumain sa chowking, mags-sundae sana kami sa jolibee pero ubos na rin ang sundae. bumili na lang si mami ng drumstick sa grocery at kumain kaming lahat sa labas ng ever, sa tapat lang ng jolibee. the end.

kanina, pumunta kami kina tita norms at doon nagcelebrate ng bday ni dadi. as usual, kainan, nood ng tv [wooh! pirates of the carribean 2!]. maraming pagkain. kahit konti lang ang kinuha ko, nakakabusog pa rin. so...andun lang kami nang pagkatagal-tagal. kumain ng lunch, ng sineguelas, ng lugaw na ubod ng sarap, at ng turong napakasarap din habang nanonood ng tv. un lang.

pag-alis namin, hindi pa diretso dito sa bahay. pumunta pa kami sa shopping center. dahil sa boredom, ayun, nagpaka-vain na lang kami nina ate oan at liz. hehe.

may pasok na naman bukas. pero di ko feel ang pasukan-pressure. hehe. di pa nga ako nakakapaghanda ng kahit mga ballpens man lang. wahaha. crammable naman yan. enjoy muna sa last day of bakasyon. yaaaay!


2:39 PM