image
kesi's blog
image image image image
Sunday, December 24, 2006

merry xmas!!!


andami nang nangyari pero ngaun lang ako nakapag-post...sige, summarize ko na lang...

thurs: natulog lang ako simula 12:30-7:00 pm!!! antagal nun kaya di na ako nakatulog nung gabi
fri: xmas party nina mommy. kasama kami ni liz at binigyan kami ng pera!!! :D tapos, pumunta kami sa condong titirhan ni ate kitel para tingnan ung itsura ng pagkaka-pintura...ang ganda na compared dati.
sat: xmas party sa verbum dei. ang haba ng biyahe papunta dun. dumaan pa kami sa palengke kasi nagsuka sina rj at liz. doon, may dalawang babaeng nagsabunutan dahil pinag-agawan nila kami sa pag-offer ng goto nila...haaaayyy...dun sa verbum dei, wala kaming ginawa kundi kumain, tumulong, at mag-enjoy. namigay kami ng mga pagkain at laruan sa mga taga-tagaytay. tapos, nung pauwi na kami, nasiraan pa ung van...buti na lang daw hindi kami sa edsa dumaan...
ngaun: simbang gabi ng buong pamilya pero di kasama si rj. pang-5 ko na ito... :) pumunta naman kami nina ate kitel at mommy sa sm para bumili ng susuutin sa kasal ni ate criselle sa 27. tapos, pumunta kami ni ate kitel kina tita norms para mag-lunch at umuwi na rin pagkatapos.

xmas na!!! malapit nang magpasukan!!! waaaaaaahhh...goodbye tv :((

2:16 PM

Monday, December 18, 2006

???


uh...boring pa rin. maya-maya, home alone na naman ako... :P

3rd day na ng simbang gabi pero isang beses pa lang ako nakakapunta. lagi kasi akong 12 natutulog eh. ~_~ kagabi kasi, pinanood pa namin ung pag-iilaw sa up...ung kinantahan namin nung day before perio. ANG COOL! na-closeup pa ako... =^_^=

wala na...naadik na rin ako sa goong...

7 days na lang before xmas! pero andaming kasamaang nangyayari sa ph*e**_09 <-- di yan bad word [kinda]. sorry na lang...di ako makikisali...

wheeeeee...gusto ko nang magbakasyon!!!

10:52 AM

Saturday, December 16, 2006

oh great...


naiinis ako kasi more than 1 year ko nang di nakikita ang upis friends ko... :((

kahapon, pumunta ako sa high school pero ibang 09 lang ang naabutan ko. nandun lang ako simula 1:30 hanggang 2:15 tpos umalis na ako. naglakad ako simula sa high school papunta sa sunken garden papunta sa oblation papunta sa philcoa. nainis kasi talaga ako at wala ring jeep na may space pa...pupunta pa nga sana ako sa lantern parade pero pag-uwi ni ate kitel, sabi niya, hindi daw tuloy kasi may bomb threat at rally. sa philcoa, dinaan ko na lang ang inis at lungkot sa pagkain...habang nagbabasa ng things fall apart [tfa] tapos nag-commute na pauwi [inisip ko pa nga kung maglalakad ulit ako pero marami namang jeep eh].

eto ang nilakad ko...


ang sarap umiyak. miss ko na talaga kau angelica & lea!!! waaahhh...

malungkot nga ako at pinagyabang ko pa ang haba ng nilakad ko...

maya-maya, nanood na lang kami ng princess hours [goong] sa internet upto sawa...hanggang hatinggabi. kaya tuloy napuyat kami nina ate joanne at ate kitel at hindi nakapag-simbang gabi :(

11:25 AM

Friday, December 15, 2006

bored pa rin...



kaya nagpapaka-nerdy...wala lang. nakita ko lang itong envelope na may stamps ng species ng butterflies. [sorry...malabo ung pics]



di ba dapat Hebemoia glaucipipe philippensis at Moduza urdaneta aynii ? [dapat italicized/underlined!!!] wala lang...

11:22 AM

Thursday, December 14, 2006

wheeeee...


uhmmm...bored nga talaga ako kaya ngaun lang siguro ako magdi-disconnect...

wow...2 hours and 45 mins... :D

3:39 PM


bakasyon...


haaayy...ang boring naman dito sa bahay...pare-pareho lang ginagawa ko araw-araw...

6-8 am tulog/nood ng tv
8-10 am kain/nood ng tv
10-12 piano/computer/dvd/cellphone/things fall apart
12-12:15 pm kain
12:15-5 pm computer/tulog
5-6:30 pm nood ng tv
6:30-8:30 pm kain/piano/computer/something else...
8:30 onwards nood ng tv/dvd/tulog

lalalalala...*bored*

uh...pupunta ako sa upis bukas...para naman maiba ang sked ko! wahaha! makiki-extra ako sa mga xmas party!!! nyahahaha!

1:12 PM

Saturday, December 09, 2006

pahabol!


onga pala! nakalimutan kong sabihing bakasyon na ang pisay! woohoo!!! *nagpaparinig sa mga upis at iba pang skul dyan* ansarap talaga ng bakasyon... haaaayyy...

saka, nung thursday, may narinig akong nag-uusap sa banyo [yeah...tsismis]. sabi nung isang girl, "sabi ni sir mike [albano], wala raw tayong karapatang maguilty kasi kapag galit tayo sa ginawa natin, parang nagalit tayo sa Diyos. Siya naman kasi ang may plano ng buhay natin di ba?" oh di ba? nakaka-inspire...sabi pa yan ni sir albano :)

8:44 PM


updates...recent to oldest


aaagghh...andaming nangyayari...

kaninang umaga, naglaro kami nina liz at cladette ng basketball...tpos, nanood ng mulan 2 at princess hours. tpos, nag-cram...hindi ng homeworks/projects kundi ng pagbalot ng mga regalo para sa cherubs. pumunta kami sa sta. maria dela strada church para kumanta sa kasal ng di naman namin kilala [pero maya-maya, nalaman naming si jay taruc pala, ung reporter sa gma]. parang WOW!!! andaming reporters at kungsinu-sino! nandun si mike enriquez, mel tiangco [tama ba spelling?], maki pulido, noli de castro, pati si susan roces...pero may di inaasahang nagyari...nahimatay ako habang kumakanta...ewan ko, wala akong matandaan. sino ba ako? [jowk...] nag-black na lang bigla ung paningin ko tapos nung binuksan ko ung mga mata ko, nakahiga na ako sa sahig, maraming umaalalay...basta, ang gulo. pinahiga ako sa upuan, pinainom ng tubig, pinaypayan, minasahe. nakakahiya nga kasi nagtinginan na sa akin ung mga nandun...waaaahhh...tapos, binuhat pa ako mi tito robin papunta sa van na pumunta naman sa infirmary. right...binuhat ako. binuhat rin ako papunta sa kama sa er sa infirmary. doon, may mga temp. check, blood test, blood pressure eklat. ok na ako nun...tpos, hinintay ko si mommy na dumating. nung dumating naman siya, sinabihan naman akong hindi na ako makakapunta sa xmas party ng cherubs T_T nainis lang talaga ako...dumating rin si tita lenette na nagsabing umiyak si liz dahil dun sa pagkahimatay ko. pagkaalis nina tita, pumunta na lang kami ni mommy sa rodic's sa shopping center at kumain ng tapsilog habang sinisermunan ako [actually, it's what i call gentle sermon]. tapos, kumain ako ng icecream at nag-commute na kami pauwi. waaaaaahhh!!! gusto ko pa naman sana pumunta sa party...lagi na lang ganito [dati rin kasi nagkasakit ako nung party na]!!! waaaaaaaaahhh!!! siguro ngaun, pa-enjoy-enjoy na lang sila dun at nagbibigayan ng mga regalo...waaaaaaaaaaahhh!!! T_T

friday: tech skills perio! puro drawings at may konting essay. ido-drawing ung mga tools, clay animation character, pati kaklase...nyak...pagkatapos, nag-cram na ng pinoy proj at nag-practice ng paskorus. nung hapon naman, paskorus na! ang galing! hindi kami last! congrats adelfa at dahlia! [kahit talo sa 1st yr :( ] umuwi na lang ako pagkatapos nun kasi nakakainip maghintay pa ng fireworks. actually, bago umuwi, dumaan sa simbahan at nag-shopping ng mga pangregalo sa friends :) . tapos, uwi na sa bahay [naglakad from ever...].

thursday: perio! algeb, ok lang. pinoy, uh...ewan. socsci, panic!!!!!!!!!!! tapos, paskorus dry run [ready? ready?! READY!] tapos, xmas party ng sophs...and as i expected, people asked me to dance.

wednesday: perio ulit! physics, medyo nakalimutan ko na ung mga pinag-aralan ko. valed, ack! memorization ba naman ng article ewan. bio, uh...wala na akong matandaan...

tuesday: perio! geom, eng, chem. un lang natatandaan ko...

monday: nakakalito.

7:34 PM

Wednesday, December 06, 2006

ugly day


...hindi ngaun...nung sunday...

umaga, nag-cram ng txv. tpos nung 12:30 na, nagTAXI papunta kna tita lenette para kunin ung excuse letters namin nina ate joanne para sa concert kahapon. first time ko ung sumakay sa taxi ng ako lang mag-isa...hindi ko talaga matandaan ung dinadaanan papunta sa kanila pero naalala ko pa ung liliko bago mag-philcoa.sinabi ko un sa driver pero di yata niya naintindihan kaya pumasok pa kami sa up at nagka-ligaw-ligaw na!!!nagtanung-tanong kung saan ung malinis st. tpos hinanap pa namin ung bahay...so, naka P97 ako nun!!! [nagpanic na nga ako kasi P100 lang ang budget ko para sa taxi]tapos, nag-doorbell at kinuha ung mga sulat tpos sinabi sa akin kung paano makabalik sa philcoa: "didire-diretsuhin mo lang yan hanggang sa gate tapos sasakay ka sa tricycle.P6 lang un." tapos naisip ko...waaaaaaaaaaahhhh!!! kung hindi ako nagtaxi, mga P20 lang ang nagastos ko!!!!!!!! waaaaaaaaaahhH!!!!!!!!!!!! naglakad na ako at sumakay sa tricycle.tpos, naghintay ako sa mcdo kung may dadating na adelfa paskorus kasi magpa-practice kami dito sa bahay...pero wala namang dumating.kaya nag-commute ako mag-isa papunta sa bahay...JEEP na ang sinakyan ko...P20 na lang ang pera ko :(( pag-uwi sa bahay, nandun na si ysy. tpos dumating si jo...tapos si julius...namili kami ng kanta, nag-practice, merienda, practice, enjoy,umalis sa bahay si julius kasi raw susunduin niya ung ibang dormers [iniwan niya ung bag niya], enjoy pa rin, konting practice, sinabi ni julius na hindi na siya babalik [kaya dadalhin ko pa sa pisay ung bag niya], kinausap si ram sa telepono, at nag-dinner...tapos, nag-alisan na rin sina ysy at jo. tapos na ang practice kaya cram ulit ng txv. 4 days na akong nagca-cram [cram pa ba un?] pero monday ko lang natapos kulayan kasi nagising ako ng 3:30 [wlang alarm! o di ba?!]

un lang...ugly day kasi sayang ang pera ko...well, maghihintay na lang ako ng pamasko! may stipends na rin nman ako e... :)

7:12 AM

Sunday, December 03, 2006

...


wala lang...gusto ko lang mag-post...lalalala...

onga pla...
adelfa paskorus: be @ mcdo philcoa. 1:00 pm. other stuff emailed. overnight possible [especially 4 dormers]. txt me if u can/'t go. tnx :)

un lang ;)

6:19 AM