image
kesi's blog
image image image image
Thursday, March 11, 2010

Lord, salamat po sa pakikinig. :)


disclaimer: hindi ito malanobelang blog post tulad ng madalas kong ginagawa. next time na lang yun. siguro pagkatapos ng finals ng 2nd sem. XD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lord, salamat po. maraming maraming maraming salamat. :D

grabe. akala ko, ito na ang araw na hindi na ako makakakuha ng 0.25 bonus sa hum dahil sa pagiging late. [kasi nga, sa hum, may 1 step up ka kapag wala kang late o absent. late is defined as arriving >15 mins after the assigned time.] 7 am ang hum at 7 am ako nagising at sa vito cruz ako nakatira. 5:30 kasi ako nag-alarm eh. am un sigurado. pero dahil halos 2 am na ako nakatulog, ayun, napasarap ang tulog. kadalasan nga kasi, kapag 7 am ang 1st class, 5:30 ako gigising, diretso ligo, ayos ng gamit, kain, at alis na! saktong 7 ako darating sa klase kung ganun. kaso un nga. 7 ako nagising. soooobrang panic. at nagising lang ako, hindi dahil sa sikat ng araw na madalas na nagiging dahilan ng paggising ko ng 7 kundi dahil nagkacramps pa ako. hindi ako makabangon dahil ansakit ng binti ko. nung nakabangon na, tingin sa watch na nakapatong sa computer table sa kwarto. whut? 7 naaaa! ayon. sobrang nagmadali akong maligo, magbihis, magsalaksak ng gamit sa bag, at nag-super super brisk walk papunta sa kantong sakayan ng jeep, sumakay sa pinakaunang jeep na dumaan [taxi na dapat pero puro may nakasakay na], bumaba sa leon guinto-estrada, at saktong may dumaang taxi na walang sakay. nagtaxi na ako papuntang faura-taft, tumakbo patawid ng taft, at nagsuper super super super brisk walk papunta sa hum room. pasensya na inah, di na kita pinansin dahil sobrang panic mode na ako. habang nangyayari ang lahat ng yan, dinadasal ko, Lord, sana po hindi ako late. sana po hindi ako late. grabe. todo dasal. at, nakarating ako sa room, saktong 7:15. o 7:16 ba? oh well. sabi naman ni maam basta maunahan cyang dumating. sino ba namang mag-aakalang mauunahan ko pang makarating sa room si maam roque? yippee! salamat, Lord. safe na safe pa ang 0.25 ko. oo. gc na kung gc. kailangan ko lang talaga itong 0.25 dahil kaawa-awa ang hum grades ko. basta, salamat, Lord sa pakikinig at pagtupad sa dasal ko! :D


5:55 AM