image
kesi's blog
image image image image
Sunday, February 24, 2008

confirmation


confirmation kahapon. maagang ginising...mga 6:30. pero 7 yata dapat klangan sa immaculate concepcion! hala! so, naligo, kumain, nag-toothbrush, at umalis na. dumaan pa kami nina mami at dadi sa pag-asa para sunduin si tita lisa. ninang! wala lang...tapos pumunta na kami sa simbahan. pagdating namin dun, nakapila na ung ibang confirmants. sumama na rin ako sa pila. grabe...nakaka-op talaga. puro 1st yr yata silang lahat except kami ni marius. tapos may picture-picture pa. sooo...un. confirmation. si bishop honesto yata ung nag-confirm sa amin. [pasensya na. di ako magaling sa pag-alaala sa mga pangalan ng mga tao...] tapos, picture-picture ulit kasama ang ibang confirmants, si bishop, at si father mon. binigay ung souvenir [bracelet na rosary], tapos umalis na kami nina tita lisa, mami at dadi.

dun muna kami pumunta kina tita lisa. kuwento-kuwento lang...tapos binigay sa akin ni tita lisa [ninang!] ang aking late xmas gift. yeah. isang tshirt at maraming durian at mangosteen candies :d tapos, pumunta kami nina tita lisa, dadi, mami, joseph, johanna, at tito sonny sa ulu-ulo. :D nag-lunch kami dun. grabe! ansarap!!! nakakabusog pa di tulad ng mga fast food. tapos may desert pang yema! :d [hehe. pasensya kung nakakagutom] tapos hinatid namin pabalik sa mga bahay nila sina tita lisa at tito sonny. tapos, umuwi na kami.


3:17 AM

Sunday, February 17, 2008

no fancy title...


5:17 pm
02/17/08

hay naku! ayaw akong ipag-internet ng computer na 'to. more specifically, ayaw akong ipag-multiply. graar. oh well. konti lang naman ang pics na nakuha ko. di kasi ako vain. mwahaha. ung ibang pics, nanakawin ko na lang. :p

5:18 pm
02/17/08

hala! di ko pa pala nasisimulan ang pinoy dula ko which is 80% of my grade! ansaya di ba? napaka-responsible ko talagang bata. at sarcastic din. hehe. nag-iisip pa rin kasi ako ng topic...eniweiz, stuff for the previous week.

5:20 pm
02/17/08

>> monday: hindi mac-cram ang pag-aaral ng chem. walang mapapag-aralan para sa eng achievement test kaya bawas sa review time. pero di ko pa rin nakumpleto ang pag-aaral ng chem! waaah. kung makapasa man ako, aba! ang galing ko naman mag-shotgun! :p tapos, magaling! tinuluan pa ako ng kisame. nakakainis. basang-basa na ang papel ko. agh. [oops. exaggerated yata ung "basang-basa". ohohoho.] matapos ang achievement tests, nag-extract kami nina gabby at zaldy ng malunggay. nag-rotavap kami sila. umalis na kasi ako nung 11:30 para sa catechism. natapos ng 12 at bumalik sa str lab para tingnan kung ano na ang nangyari sa pagr-rotavap ng malunggay. maya-maya, tapos na! mahirap magtanggal ng malunggay extract sa flask ng rotavap [kahit na wala naman akong ginawa]. mga 1 pa yata kami natapos sa str stuff. pero cyempre, may kwentuhan pa kasama si maam dawn. hehe.

5:26 pm
02/17/08

>> tuesday: achievement test pa rin...physics at socsci. nakapag-review naman ako pero...ewan. useless kaya ang pagrereview ko? haaay. nakakatulugan ko kasi lagi ang pagrereview. masaya naman at hindi tumulo ang kisame. hehe. pero habang nagtetest, binigyan ako ni maam docto ng appointment slip galing sa guidance. hala! may problema kaya? malamang dahil sa questionnaire thingy...so, pagkatapos ng achievement test, dumaan ako sa guidance center. tapos, binigyan ako ng P50 gift certificate galing sa jolibee. yaaaay! tapos, catechism. 11-12. at lumayas na ako. daan muna sa jolibee para gastusin ang gift certificate at bumili ng chicken + spaghetti for lunch. tapos, nag-jeep papunta sa nsri. 1 pa raw dadating ung mga tao dun sabi ng guard kaya naghintay pa ako hanggang 1. tapos, pumunta na ako sa microbiology lab. blah blah blah. tapos, commute papuntang philcoa at bumili ng halo-halo. grabe. ang gastos ko talaga. :p nung hapon, dahil natuto na akong hindi dapat magcram sa pagrereview, nag-aral agad ako. sa bagay, 3 tests ang kukunin ko sa susunod na araw. bio, math, at catechism. haaay. grabe na 'to. andaming klangang imemorize. kunganu-anong acronym na ang nasa utak ko. may wucfkpf [gifts of the Holy Spirit], cgpepv [volvocine series], siny & cosx [trigo...], cscsinseccoscottaN [trigo pa rin], mcefan [precepts of the church], kas [#s 5-7 ng 10 commandments], at marami pang kanerdohan hindi lang sa acads, pati na rin sa spiritual life. haaaaaay.

5:41 pm
02/17/08

>> wednesday: sobrang nakakaiyak pagreview ng napakaraming bagay. [pero di ako umiyak ha..] parang sasabog na ang utak ko sa dami ng pinagsususuksok kong lessons. hindi ko na nga tinuloy ang pagrereview ng catechism kasi baka makalimutan ko na ang nireview ko sa bio at math at iba pang lessons sa catechism. hindi ko nareview ang spiritual works of mercy. kaya pagdating sa pisay, nagrelax lang ako. nakinig na lang sa pagrereview ng mga kaklase, kumain ng sandwich at cookies, at may konting review pa rin. tapos test na. haay. ulit na naman ang "this is an achievent test." ... "it is meant to measure your skills in " grabe! nakakasawa na. buti na lang last day na 'to. eniweiz, nagsimula na namang tumulo ang kisame. nakakagulat. akala ko wala na. natatawa tuloy sa akin ang mga katabi ko. pati ako, natatawa. tawanan na lang ang mga problema. [5:46 pm...merienda muna.] [5:59 pm. tapos na magmerienda] maayos naman ang achievement tests. di tulad ng sa chem, eng, socsci at p6. maayos kasi ang pagreview. matapos ang achievement tests, str naman. blah blah blah... pagkatapos ng str stuff, test naman sa catechism. grabe. hindi ko pa rin pala napag-aralan ung 7 spiritual works of mercy. nakalimutan ko na rin ung iba kong nireview. pero maganda naman siguro ang resulta. [6:04][6:06] pagkatapos ng test, masaya na. pero di ako nakapunta sa miting de avance. hehehe. kaya sumabay na lang ako kay dadi pauwi. pagdating sa bahay...[6:07] [6:14] relax na. sobrang relax na. feeling friday. wahaha. masarap manood ng tv. :p

6:15 pm
02/17/08

>> thursday: happy valentine's day! friday sked at shortened periods at teacher's day. walang st sa socsci, maam docto si koko. sir tayco si josh [kahit di cya rb]. maam de joya sina benetz at gabby. maam balangue si zaldy, maam bernal si jio, walang teacher sa comsci, at maam dawn si rb. what a valentines day! napaka-boring. madalas ay nakatunganga lang ako sa kinauupan ko. bago mag-health, natanggap ko ang kaisa-isang valentines gift. isang rose gumamelang mukhang rose at isang heart-shaped homemade container na may bear sa loob. sabi ng bear, "roar!". wahaha. nababaliw na ako. ikatlong eniweiz, naunahan pa ako ng mga kaklase kong buksan ung container. hehe. pagkatapos ng klase, str ulit. gumawa kami ng nutrient broth para sa e.coli. waaah. wala nang H. pylori. :(( nakakatakot si maam chupungco. waaah. maaga akong umuwi since shortened periods nga. relax pa rin. wahaha.

6:26 pm
02/17/08

>> friday: thursday sked. ewan. boring pa rin ang buhay. buti na lang may pe. nag-volleyball kami. pero di pa rin ako magaling magserve. pero magaling pa rin ang group namin. go group 3! go dianne a, jio, je, gero, nikolai, robert, jeffrey, and me! weehee! 2 out of 2 games, panalo kami! yaaaaay! wala lang. tapos, nung hapon, walang ginawa para sa str. aww. wala kasi sina sir jun at maam len. waaah...matapos ang lahat ng klase, nagpaka-socsci nerdo muna ako sa lib. pagdating nina liz at dadi, bumili kami ni liz ng pagkain. tapos, pagdating sa palma hall, kami naman ni ate oan ang bumili ng pagkain. tapos cherubs na. kumanta kami ng "this is the time". wahaha. sink or swim. pero mas nakaka-lss pa rin ang danza danza. nung gabi na, nanood kami ng stardust [ewan ko kung saan napulot ng kaklase ni ate kitel] tapos nanood ng tv. it's friday at last. grabe. ang ewan ng mga palabas. sa marimar [yep. nanood ako nun.], grabe. nag-freak out kami nina ate oan at liz. graar. bigla ba namang naging horror. x( tapos, bubble gang, malaking kaewanan. basta... nanood din pala kami ng mmk. nakakaiyak pero di ako umiyak. si ate oan siguro. hehe. 12 na kami natulog. magaling.

6:40 pm
02/17/08

di ko 'to matatapos ngaun. mahaba-haba pa ang post ko. waaah. 1 hour na akong nagb-blog. klangan ko pang gawin ang 80% ng aking grade sa pinoy. waaah. yan na muna sa ngayon. paalam na muna initial blog... :(


6:21 PM

Saturday, February 09, 2008

feb 2-10


feb 2:

matapos ang pagpost ng "madaling-araw post", natulog agad ako. tapos nagising. tapos naadik agad sa rubik's cube. nyaaa. hanggang 2nd layer pa rin ang kaya kong tapusin as of now... eniweiz, dahil nga absorbed ako sa paggawa ng 2nd layer ng lahat ng rubik's cube na nakita ko dito sa bahay, halos di na ako nakapunta sa basketball court para makipaglaro kina ate joanne at liz. kasama rin pala nila si rj. wala lang. tumakbo ako papunta dun, nanood sa ibang nagb-basketball, kumain ng potato chips, at umuwi para mag-agahan. hehe. ang ganda ng exercise ko. pagkakain, naghanda para sa pagpunta sa pisay para sa card giving. matagal pa bago kami nakaalis dito sa bahay. lagpas 9 na yata kami umalis. tapos bumalik pa ulit kami nina dadi at mami dito sa bahay kasi sasabay pala sa amin si ate kitel. :| 10 something na yata kami dumating sa pisay. tapos na ang card giving. pinuntahan na lang namin si maam docto sa bio 1 room. chika chika. ok...about my grades...matagal-tagal na ring na-spoil ang "excitement" ng card-giving. DL ako at 1.45 ang average ko. 2nd time ever ko pa lang nagiging dl kaya yehey! 3 is my lucky number! go 3rd quarter! :D

chem = 1.75 = 2 steps up! pero dahil 2.0 units, 4 steps up!!!
bio = 1.5 = akala ko bababa. whew!
physics = 1.75 = 1 step up...
math = 1.75 = as always..kung hindi lang mababa ang perio ko... :(
peh = 1.0 = 1 step up! yaaay!
socsci = 1.0 = hehe. lagpas 100 nga ung grade ko eh O_O
pinoy = 1.0 = yaaay! uno!
eng = 1.75 = as always .____.
robo = 1.5 = as always..
str = 1.25 = retain..
comsci = 1.25 = aww. di na uno.

matapos ang card-giving, nag-usap lang muna kami ni mami tungkol sa grades ko. sabi niya, pwede namang maka-1.0 sa physics. ganun si ate joanne eh. pero di naman daw ako kino-compare. :) mahirap lang talaga ang p6 di ba? o di ko lang ba nilalagyan ng effort na tulad ng binibigay ko sa mga uno-ey subjects...

nung mga 2:30 na, umalis kami ni mami papunta sa dentist. nag-braces na ako! waah! pero di naman masyadong halata kasi sa upper teeth, ung gilid pa lang ang may rubber para magdikit ung ngipin sa pagitan ng binunot na molars at saka sa baba, meron din...pero di nga kita ung ngipin sa baba tuwing nags-smile ako. hehe. eniweiz, naghiwalay na kami ni mami sa mrt station kasi pupunta pa sya sa pag-asa. cyempre...lakwatsera ako. bumili pa ako ng waffle. un lang naman. pero di ko masyadong makain nun kasi masakit ang ngipin ko. saka lang nag-fx pauwi.

dahil nga matataas ang nakuha kong grades, pati na rin si liz, nag-blowout kami sa jolibee pagkatapos mag-anticipated mass sa st. peter. pero di ko naman na-enjoy ang sarili kong blowout. palibhasa kung kelan may braces na ako, dun pa magj-jolibee. grrr. sayang ang fries at burger ko :(( mahirap kagatin...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 3

sa wakas! day 2 na! hehe. wala ako masyadong ginawa sa araw na ito. tinulugan ko na lang ang sakit ng ngipin. nanaginip tuloy ako ng malaking ka-weirdohan.

magco-commute kami ni liz. dun kami sa "sakayan ng jeep sa gitna ng university avenue sa up" (wow. may nage-exist na ganun). dala niya ang malaking stroller at dala ko ang black na backpack. ako lang ang sumakay sa fx-like van. AKO LANG. iniwan ko si liz. tapos nakatulog ako sa BIYAHE (supposed to be, pupunta ako sa pisay, at si liz, sa shs). nanaginip ako (so...dream within a dream). hinihintay pa rin ako ni liz sa sakayan ng jeep sa gitna ng university avenue sa up. wahahaha! kaya nagising ako (sa dream within a dream...so kakagising ko pa lang mula sa panaginip ko sa loob ng panaginip)! paggising ko, naisip ko na lang, nasa ermita, manila na ako! ewan ko nga kung saan un at kung pano ko nalamang nandun ako. pero un na lang ang naisip ko. gabi na nun. siguro mga 6 (recall: dapat pupunta ako sa pisay). ako na lang ung nakasakay sa fx. sabi ko sa driver, magcocommute na lang ako pauwi. umalis ako sa fx kahit umaandar pa. nakakapit lang ako sa pinto at tumatakbo habang umaandar ang fx. the end.

hehe. anlaking nonsense di ba? mwahahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 4

1st day of classes w/ braces. marami pa lang nakakita ng ym stat ko. "ouch. braces." hehe. pero di na masakit. nasanay na. eniweiz, mukhang manghang-mangha nga sina dianne sa braces ko. wahaha. ang kulit nung flag cem. responsible ako pagdating sa physics homework. pero sumuko lang ako dun. pero di ko naman kinram. sumuko lang nga. pero pagdating sa english, makakalimutin ako. nakalimutan kong mag-research ng middle east crisis articles. wah. nalabhan (literally) pa ung lib id ko kaya di ako makapunta dun para mag-research. buti na lang inanswer ni Lord ang dasal ko. :) sana di na muna klangan ung articles...hehe. tsk tsk. nagiging iresponsable na ako...onga pala! nung homeroom, prom ang pinag-usapan pagkatapos mangolekta ng cards. wala lang. kung paano sumakay sa kotse, umarte kapag nadapa, paano kumain, and lastly, kung paano itatago ang physiological function. hehe. nerdo. maam docto kasi...

malaking kaewanan din ang araw na ito. magbabayad kasi sana ako kay maam buenafe ng bayad para sa confirmation (oo...di pa rin ako nacoconfirm...) kaya pumunta ako sa cst faculty room. tapos, nakita ko si maam xavier.

ako: maam...nandito po ba si maam XAVIER?
maam xavier: ako un.
ako: uhhmm...si maam buenafe po pala...

graar...nawawala na ako sa sarili ko. :|

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 5

punung-puno ng teacher evaluation. blah blah blah. pagkatapos ng lahat ng klase, physical examination. pero dahil cn 1-15 ang mauuna, nagpagawa muna ako ng bagong lib id. waaah. goodbye P50. :( pero kahit wala akong lib id, pinapasok pa rin ako ng librarian. kilala naman kasi nila ako. salamat po! :D kumopya ng questions para sa p6 hw at nag-notes sa iba't-ibang subject hanggang 2:15. tapos, pumila na sa physical examination. 84.8 lbs, 5 ft 1 inch. woohoo! less than 20 lbs na lang ang klangan kong i-gain! tumangkad din ako ng 1.5 inch! :p

dahil late nang natapos ang physical examination, di na ako nagcommute pauwi dahil sayang lang ang pera...dumiretso na lang ako sa palma hall. nagi-isa lang ako dun sa room ng cherubs...gumawa ng p6 homework. tapos biglang dumating si kuya gabby. wahaha! nakakainis. nagulat pa ako. bigla na lang..."UY CEZ!" hehe. tapos dumating si ate joanne at nagpiano. tapos nagdatingan na rin ang iba pang cherubs. kain-kain lang habang nagpupusoy-dos. :P nakaka-lss ang mga bagong kanta ng cherubs. hehehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 6

umagang-umaga, may chem lt. pagkatapos pa ng klase sa p6! rawr. pero ok naman ang lt na ito. better than before (oof. feel the power, towns power!). writing period ang pinoy kaya nag-stay lang ako sa room kasama ang iba pang rb. nandun lang ang amoy ng katol sa room. hehe. naadik na sa amoy ng katol si shane. joke lang! :p nagbayad na rin ako kay gero ng P1000 mula sa ipon ko para sa utang kong P1140 sa class funds, batch funds, ramayana funds, at kunganu-ano pang funds :( puro P100 bills pa. sabi tuloy nina shane at zaldy, rich kid ako. .________.

ash wednesday. sa pisay sana ako magmimisa pero ewan...parang mas gusto ko sa st. peter. kaya nagbus ako papunta sa philcoa at nagjeep papuntang st. peter. grabe. andaming tao. marami pa ring may faith in God. :) pero marami ring pumunta sa simbahan para lang magpalagay ng cross sa noo at hindi para makinig sa mga sinasabi ng pari. :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 7

grabe ang p6 lt. parang di ako nag-aral...ganun ang feeling. waaaaah. oh well...iwan na ang bad memories. nung hapon, may str talk sa 3rd floor audi. attentive ako nung unang part pero nung bandang dulo na, inaantok-antok. mga pa natapos ung talk. pagkatapos nun, nag-setup kami ng bio experiment...........................supposedly, magsisimula na kaming mag-cold immersion para sa str pero...ewan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 8

may bio lt. pero wala naman ako masyadong naabsorb sa tinuro ni maam docto. grrr. di naman naturo ung ibang questions dun. buti nagbasa ako ng bio bookSSSSSS. pero di ko pa rin masagutan ung iba. grrrrr. fast forward! nung health na, klangang magreport ng alcohol group. kami un! hehe. may intermission numbers kaming mga non-reporters. ewan. hehehe. may commercial ni edu manzano, at arthro at poem nina jeffrey at alvin. hehehe. may chem experiment naman. pero bago makapag-experiment, cyempre klangan ng materials. hanapan muna ng lockers! hehehe. nakakabaliw. eniweiz, nung nahanap na namin ang lahat ng materials, experiment na. papagsamahin ang benzoic acid sa iba't-ibang alcohols. lalagyan ng sulfuric acid at ih-heat. tapos aamuyin. hehe. iba-iba ung amoy. merong amoy sprite, pentel pen, at kunganu-ano pa...

pumunta kami ni zaldy sa str unit. kumuha kami ng 250 ml methanol (CH3OH...nerdo.) at nag-weigh ng dried malunggay. yaaay! tapos ang ewan. bitbit ko lang ung isang malaking beaker ng malunggay at isa pang reagent bottle. hehehe. sobrang nagpanic na ako nung nilagay ko muna sa isang slot sa labas ng library (lalagyan ng bag) ung reagent bottle na may methanol at ung beaker ng malunggay. baka may ibang makakuha! waaah! kaya sobrang hinintay ko talaga si dadi.

nung kumpleto na ang lahat ng nasa school bus, dadaan na dapat kami sa up. pero nakalimutan. kaya dadaan na lang sana sa central. pero one way. kaya hinatid muna lahat. last na h inatid sina ate arianne at don. tapos doon kami dumaan ni dadi sa balara. pero traffic. late tuloy ako sa cherubs. 6:10 na yata ako nakarating. andami ko tuloy na-miss sa cinq chansons folklorique d'haiti (5 folk songs from haiti). waaah. pero at least may naabutan ako.

pagdating dito sa bahay, dinner, tapos nanood kami ni ate joanne ng conan. grabe. exciting! alam na yata ni conan na kapatid ni hondou si rena. eniweiz, nanood din kami ng tv pagkatapos ng conan...ewan ko kung paano pero umakyat na lang ako at natulog sometime...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 9

1 week before prom! cyempre klangang maghanda para sa prom. nagsukat muna ako ng gowns na meron dito sa bahay. una muna ung tube dress na blue na sinuot ni ate kitel sa debut ng someone. un na dapat tapos hahanapan ni mami ng chaleco pero pinasukat din sa akin ung maroon gown. tapos un na lang daw. naku! pinamodel pa ako sa harap nina dadi, ate kitel, ate joanne at liz. wahaha. pero klangang ipa-adjust. kaya nag-kotse kami papunta sa ilang-ilang. suot ko pa rin ung gown. di kaya ng kotse ung slope kaya klangan naming maglakad ni mami papunta sa modista. hala! para akong nagmomodel sa gitna ng kalsada...suot ang gown na susuutin ko sa prom! nakakahiya talaga...andaming nagtinginan. para bang...ano'ng ginagawa nito't naka-gown na nagmomodel sa gitna ng kalsada? waaaah... so un...pagdating namin sa modista, ok na sa wakas ang pakiramdam ko. di ko na klangang magmodel sa harap ng maraming tao. sukat dito, sukat doon. tapos, nagbihis na ako ng casual. tapos, discuss-discuss tungkol sa singilan and stuff tapos umalis na kami. naka-casual na ako. hindi na naka-gown. yaaay! bumili kami ni mami ng banana-cue :d tapos hinatid kami ni dadi papunta sa sakayan ng jeep.

nagcommute kami ni mami papunta muli sa dentista. matagal-tagal kaming naghintay dun pero ok lang. buti na lang may tv. nakinood na lang ako ng cinema fpj. nakakahiya namang maglipat ng channel kung may iba nang nanonood. tapos nung ako na, inadjust lang ung mga goma-goma. tapos, binigyan ako ng bagong toothbrush at umalis na kami ni mami. dumiretso kami sa st. peter para mag-anticipated mass as usual. kumain ng balot pagkatapos. :d matagal-tagal din akong di nakatikim ng balot...

andito sa bahay si tita lu kahapon hanggang kaninang umaga. gumawa cya ng grades.. kami namang magkakapatid, nanood ng tv. saka lang natulog...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

feb. 10

woohoo! matatapos na sa wakas ang blog post na ito. late akong nagising kahit di naman ako ganun ka-late natulog. nothing special. klangan ko lang magreview ng chem. ano ba naman kasi ang mare-review ko sa eng? ano kaya ang mangyayari sa achievement test bukas? haaaayy.

masarap kumain ng tikoy. lalo na kung tikoy na kapag kinagat mo, di mapapaso ang dila mo. masarap din kumain ng homemade pizza. lalo na kung alam mong magaling ang gumawa (edi ako ung gumawa! pati sina ate joanne at liz. si ate kitel walang tinulong. kain lang nang kain. tsk tsk tsk.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

oof. ilang oras ko ginawa ang post na 'to? kahapon ko pa dapat ito tatapusin pero kulang sa time. klangan talaga mahaba ang post na ito dahil di ko na alam kung kelan ulit ako makakapag-blog. si liz kasi...puro millsberry. hectic din ang sked ko. pagkatapos ng achievement test, may confirmation stuff. di pa rin mawawala ang str stuff... sa prom day, may confirmation practice on site pa. 10:00. tapos 1:30, confession and recollection sa pisay. hala! tapos 6:00 ang prom...tsk tsk. hectic.

onga pala. hanggang ngaun, wala pa rin akong phone. grrrr. kaya mga nagt-text sa akin, sayang lang ang load nio. di ko lang naman nababasa ang pinag-aksayahan nio ng piso or so. i-im nio na lang ako or email. un lang. :)


2:44 AM

Friday, February 01, 2008

madaling-araw post


aba. lagpas 12 na pero eto pa rin ako...nagl-laptop. hay...nasisira naman kasi ang lahat ng bagay. kahapon, este kahapon ng kahapon, ang timing nga naman! nasira ung computer! naku! klangan pa namang iprint ung pinoy. lahat na lang ng pinaghihirapan ko biglang poof! it became koko crunch! wala na! napaiyak na naman ako. ilang beses kaya ako naiyak sa week na 'to? isa dahil sa zero [see previous post, my friends] at isa pa dahil sa pangit na computer na yan. grabe talaga! dahil nasira ung computer na un, naghanap pa si ate oan ng downloader ng printer namin sa internet. naghanap pa ako ng cd ng installer ng microsoft publisher. kung minamalas nga naman...

dahil sa sobrang labo ng araw na un [jan. 31], hindi ako sumabay kay dadi papunta sa pisay. aba! 1st time by myself! [dati kasi, di ako sumabay kay dadi pero kasama ko si mami papunta sa pisay]. lagpas 7 na ako nakaalis dito sa bahay kasi tinapos ko pa ung written report ko sa pinoy tungkol sa dula at nagprint at naligo at kumain at nagtoothbrush at nag-ayos ng gamit at marami pang iba. haaaay! hectic! grabe! sobrang nagmamadali akong naglakad papunta sa tawiran sa st. peter at tumawid. buti na lang sinusuwerte...nakahanap agad ako ng jeep na masasakyan. pero since ayaw ako bigyan ni ate oan ng coins nung araw na un, at binayad ko ang P10 sa jeep at P1 na lang ang natira sa aking barya, klangan ko pang maglakad galing sa kanto ng agham rd. papunta sa pisay. nyaaa. naisip ko nga nun, wala na talaga akong pag-asang hindi maging late sa socsci. :(( pagdating ko sa pisay, may bag inspection pa. didiretso sana ako sa registrars office para kumuha ng slip pero naisip kong di pa naman ako late kaya dumiretso sa adelfa room. pero walang Rb dun. malamang nasa reading room. pumunta ako dun, hinihingal-hingal at pinagpapawisan pa. grabe! buti na lang di pa ako considered late kahit lagpas 7:30 na ako nakarating dun...

blah blah blah. nung bio na, biglang nagtanong si timmy, "ces, bakit ka zero?" dahil dito, naiyak ako. pero natatawa ako sa sarili ko. ambabaw-babaw lang iniiyakan ko. ano ba naman un? nakakahiya nga kay maam docto eh. sabi lang ng mga ka-table ko, stressed lang ako. pinatawa lang ako nina verna at dianne a sa pamamagitan ng pagkanta ng doraemon theme song at pagkukwento ng ending ng doraemon [na-coma pala si nobita?! at namatay pa!]. okay...nakakatawa nga ung ending...grabe. [halatang sarcastic right?!]

compared sa ibang robo classes, mas masaya ung robo class nung thursday. hehe. nag-sumo kasi ung robots eh. kunganu-anong mga kababalaghan ang nangyari sa kanila. hehehe. mas marami ring audience compared sa nung wednesday. wala lang...

kanina, di ako nakapaglunch. masyado kasi akong mabait eh. tinapos ko pa ung drawings para sa health pamphlet. tapos, dumiretso na sa 3rd floor audi nung 12 na [hehe. 11:30 yata dapat ung start ng bacon eh...]. may nagt-talk lang tungkol sa mga gagawin sa prom. especially para sa mga may date. ...

matapos ang lahat ng klase, cyempre may cherubs. so ihahatid sana ako papunta sa palma hall pero sarado ung kalahati ng university ave. naglakad pa tuloy ako mula sa road ng film center hanggang sa palma hall. hehe. masaya naman kasi masarap maglakad sa gitna ng kalsada :D pagdating sa room ng cherubs, konti pa lang ang tao. marami ngang hindi umattend. tsk. mas malapit ang high school papuntang palma hall kaysa sa nilakad ko :| eniweiz, marami na ngang bagong kanta. maraming bagong inaaral na kanta para sa concert sa nov. 21 yata...basta parang centennial concert din ng cherubs [kahit 37th year pa lang yata ngaung 2008]. punta kayo ha! so ang pinractice namin, "danza danza" something something. nakalimutan ko na. basta gentle maiden yata ung ibig sabihin nung 2 words na un. nakakalito pero cute. hehe. tapos, "silver apples of the moon". yeah. better than before! :P pero weird talaga ung sa dulong part kung saan magsasalita lang kami imbis na kakanta...tapos, ang pinaka-weird sa lahat, nakalimutan ko na ang title. basta parang chant na spell na exaggerated breaths pa lang ang nagagawa naming mga sop 2. hehehehe. haa- - - haa - ha- - - haa... :))

ansipag ko talaga. pagdating pa lang dito sa bahay, naghanda na akong gumawa ng health pamphlet. pagkatapos gumawa ng sauce ng fish fillet, at kumain, nagsimula na. natapos ng mga 12:15. grabe. ang hard-working ko naman. pero cyempre, may breaks din para sa pagdarasal, magch-check ng mail at multiply, at kunganu-ano. hehe. maganda naman ang kinalabasan ng pamphlet. cyempre naman ano? antagal kong inayos eh. salamat mga ka-group para sa lahat ng kinontribute nio! :D dahil natuwa ako sa kinalabasan, ginawaan ko pa ng album. oh di ba? sosyal! :P

hala! card-giving day na nga pala ngaun! hehe. pero spoiled na ako. dl ako at 1.45 ang average ko. sa tingin ko, di ko na naman mam-maintain ang pagka-dl ko. haaay. 2nd time ko pa lang 'to maka-dl. di pa rin nakakaranas ng 4th quarter dl-ship. awww...onga pala! baka mamayang gabi may braces na ako. hala...ano kaya ang itsura ko. hmmmmm...


7:51 PM