image
kesi's blog
image image image image
Friday, July 28, 2006

anlakas ng ulan!!!


*wooooooooooooooosssssssssssshhhhhhhh*
yan ang naririnig ko ngaun...sobrang lakas ng ulan e...

haaaaaaaaaaaayyy...andami pang kelangang gawing requirements...may speech choir pa bukas...nakakapagod...

onga pla...hapi bday patti at belated kay benj!!!

un lang muna...gagawa pa kasi ako ng project e...

6:24 PM

Tuesday, July 25, 2006

hapi bday to me...


wahaha! halatang ginulo ko ang time ng pag-post...pra sakto talagang bday ko! yay! hehehe... sa totoo lang, tulog na ako ng "oras na 'to"... :D

oki...nung umaga, 4:30 ulit ako gumising tapos wala na namang pasok! di ko nga agad nalaman kaya nung sabi sa akin ni mami na magsisimba kami ng 6, nagtaka ako...bka maiwan ako ni mang edwin at ma-late ako sa skul! tpos naisip ko, cguro mamayang hapon... tpos, cnabi sa akin ni liz na wala talagang pasok!!! haaaaaaaaayyy... kung kelan ba naman ako gumigising nang maaga eh...

nagsimba kami nina mami, dadi, at liz ng 6 am...sa simbahan...may nakita si liz na kandila sa may ledge...kinuha nia tpos binigay sa akin.sbi ko blik niya...pro binulsa na lang nia...pagkatapos ng misa, magsisindi sana kami ni mami ng kandila...kaso wala nang coins...LIZ TO D RESCUE!!! ang kandila ni liz ang ginamit namin...san kaya galing un??? :P

pag-uwi sa bhay, nood na kami ng tv...ansaya talaga ng mirmo!!! tpos, nanood ako ng vcd, umakyat papunta sa kwarto, tpos bumaba ulit para manood ng midori no hibi[humiram si ate kitel ng cd...]...kumain ng lunch, nanood ulit nung vcd ni ate kitel sa computer, kumain ng masarap na spaghetti... :d

pupunta sana kami sa mcdo kasi andami pa naming coupons...pro di natuloy... :(

pero...masaya pa rin 'tong araw na 'to...di tulad nung last yr... tapat sa sona ang bday ko... haaaaaaaaayyyy...

9:05 PM

Monday, July 24, 2006

wahaha!


may bagyo...may sona...WALANG PASOK!!! yehey!!!

haaaaaaaaaayyy...4:30 ako gumising at ginawa ko ang speech sa eng...wala plang pasok...
pro at least msaya! kasi mas maraming tym pra gumawa ng hw...

kanina rin, gumawa kami ng ref cake...pro bukas pa namin kakainin... :d

7:12 PM

Friday, July 21, 2006

grrrrrrrr!!! x_x


inis na inis ako...waaaaaaaaahhh!!!nakakainis!!!

1. inuubo ako, may sorethroat, gusto ko ng strepsils!!!
2. naiinis ako sa dalawang tao...grrrrrrrrrrr cla!!! grrrrrrrrrrrrrrrr!!!

6:39 PM

Thursday, July 20, 2006

nstw...


pumunta kami sa nstw...un lang...

6:16 PM

Tuesday, July 18, 2006

mukhang mabait...


Haaaayyy..ngaung araw, 1/2 hour old pa lang ang bagong printer...6 days-old na ang kittens ni kitty...1 week na lang...
















sikret!!!














wala lang...natandaan ko lang...sabi ni maam aguila mukha raw akong mabait...sa skul lang un...palibhasa di nio ako ganun kakilala...dito sa bahay, di nio alam ang ugali ko...mataray ako noh?!

10:18 PM

Sunday, July 16, 2006

4&1/2 days vacation!!!


haaaaaaaaayyy...kahit nkktamad, masaya nman...halos 5 days vacation!!! weehee!

pro para sa akin, bitin pa...

wed...
ngklase lng hanggang 11:40 tpos umuwi sa bhay ng tanghali, diretso proj sa eng, 3 pm na naglunch, at gumawa ulit ng proj, kain, gawa ng proj hanggang 8:30...nood ng tv...sure na kasing walang pasok sa next day... :P

thurs...
walang pasok...proj ulit...tpos nood ulit ng tv sa gabi...

fri...
yehey!!! walang pasok sa pisay!!! fumigation kasi e...mainggit kau other skuls...[jowk...]

sat...
hw at proj ulit...linis pa...haaaaayyy...nkkainis nga kc nacra ung printer nung gabi...di ko pa tuloy natapos ung storybook...

sun...
linis tpos nagsimba...tapos, pumunta sa jolibee at kumain ng sundae at peach mango pie... :d...pumunta sa mercury drug pra bumili ng first aid kit pra k ate joanne pro P800+ ung presyo...[P220 lng budget namin...]kaya nag-isa-isa na lang ng bili...umuwi sa bahay, nag-lunch[hindi pa lunch ung sa jolibee...], gumawa ng hw...

at dahil sira ang printer, naglakad kami ni dadi papuntang netopia sa convergys para magpa-print ng storybook at ng master notes sa socsci. laser lng ung printer nila dun, e bka raw matunaw ung pics pag nag-print sa laser...kaya naglakad na lang kami papuntang ever gotesco...nagpa-print...at naglakad ako pauwi[kahit binigyan ng P20 pra sumakay sa jeep] kasi may binili pa si dadi...

haaaaayyyy...sana nadagdagan pa ng isang araw ung bakasyon pra nakapag-relax nman ako... :(

pro at least merong bakasyon... :P

7:12 PM

Saturday, July 01, 2006

sa mall of asia...


umalis kami dito sa bahay ng mga 12:30 pm papuntang mall of asia. buong pamilya sana kaso wala si mami kasi pumunta siya sa binyag ng anak ng officemate nia.

natulog na muna ako sa kotse tpos nagising sa entrance ng nakakahilong parking lot. nakapag-park na si dadi ng sasakyan sa rooftop mga 1:30 pm. pumasok kami sa entrance pero andaming nakapila sa elevator. nagsisiksikan lahat ng tao para lang makasakay sa elevator...nang bumukas na, nagtulakan naman para makapasok. nakapasok nga cna dadi, rj, at liz sa elevator pero kami nina ate kitel at ate joanne, di na kasya saka na-overload na rin ung elevator. lumabas na lang cna dadi tpos nag-stairs na lang kami galing 6th flr. hanggang 2nd flr...haaaaaaaayyyy...nakakapagod un...

naglibut-libot muna kami tapos nagpahangin sa part ng sm na malapit sa manila bay. pictur-picture...ancute nga ni arjay kasi gustung-gusto nia ung view ng buildings at ng manila bay kaya ayaw nia tumingin sa camera e...

pumunta kami sa greenwich para kumain tapos naglibot ulit kami hanggang makarating sa ground flr... nagpa-pic kami kasama ung 3 "robots" [taong parang robot ang kilos]. umakyat pa ulit kami para makapunta sa kabilang side ng building. bumaba kami para makapunta sa manila bay.

sa manila bay, ansarap magpahangin. umupo kami sa side...nakakatakot nga kasi baka mahulog ung tsinelas ko sa mga bato e...pinicturan kami ni dadi na nakaupo tapos pinicturan namin sila ni liz na nakatayo sa mga bato. kami naman nina ate kitel at ate joanne ang pinicturan ni dadi na nakatayo sa bato...tapos nakaupo naman...tapos, bumalik kami sa inupuan namin bago pumunta sa mga bato. nagpahangin ulit tapos bumalik na sa loob ng building.

umambon na. nag-cr cna dadi at rj at lumabas kaming natira para manood ng marching band ng storyland. pagkalabas nina dadi, bumili na muna kami ng snowpy tapos umakyat na ulit sa 6th flr. sakay ng elevator.

5:30 na. pagkarating namin sa rooftop, anlakas na ng ulan. hinatid ng isang lalaking may payong si dadi paunta sa kotse tapos sinundo nia kami sa exit.

bumaba ulit kami sa nakakahilong parking lot. pupunta pa sana kami sa condo naming malinis na kaso nga lang, anlakas talaga ng ulan. nakarating na lang kami dito sa bahay ng mga 6:30 pm.

8:53 PM