image
kesi's blog
image image image image
Sunday, October 19, 2008

3rd quarter na...bukas


wah. last day na ng sembreak. kaya naman nagsipag na ako. ngayon lang. pero pwede na ring iconsider na pagsisipag ung econ case work. pero ngayon nga lang ako nag-ayos ng mga gamit ko, nagligpit ng mga lumang handouts ng 2nd quarter. ubos na ang stock kong cream-o, presto creams, dream, at cream sandwiches. nagsisimula na rin ako sa pagbabasa ng don quixote. magpapabili pa ako ng bagong les miserables dahil sabi ni ate oan may kulang na part dun sa libro namin na lumabas sa perio nila dati. T_T sayang ang 40+ pages na nabasa ko na. natapos na akong magbasa at manood ng school rumble. natapos na rin ang yamato nadeshiko. tapos na ang shugo chara. season 2 naman. nahabol na ng blog ko ang present sa pamamagitan ng mga mala-nobela kong blogposts. nakapunta na ako sa dentista para makapagpa-adjust ng braces. nag-eexist nang muli ang cellphone ko. pero di pa rin nag-eexist ang mp3 kahit kinalas na namin at kunganu-anong programs na ang nag-attempt na ayusin yun. may bago nang laptop si mami na hindi pa nai-install-an ng os. matatapos na ni liz ang pot holder niya. puno pa rin ng virus ang flash drives ni ate kitel. 14 years old na si arjay. nakatulog na ako nang 8+ hours.

...pero simula bukas, PASUKAN NA! PASUKAN NA! [tono ng simbang gabi, "Pasko na, Pasko na". amazing.] di ko pa feel pumasok. pero hindi naman pwedeng sembreak FOREVER! asa naman. ipapag-exercise naman kami ng room assignments namin ngayong hindi pa pwede ang shb. may cherubs practice pa sa ncuc araw-araw. may paskorus pa yatang dadagdag. gagawa pa ako ng yearbook writeup. may str pa. come on. balik stress. sana Pasko na... halos 2 months pa...


2:35 PM

Saturday, October 18, 2008

nalalabing araw ng sembreak...


haaaaay...matatapos na ang sembreak. di ko pa feel pumasok kahit na wala ako masyadong magawa dito sa bahay. puro computer, piano, nood ng tv, kain, at tulog lang ang ginagawa ko. pero naging productive din naman. nakagawa ako ng econ case work thing. sobrang pinaghirapan un. hehehe. napakalaking ka-weirdohan. :P inupload ko sa youtube at dito sa multiply. wala lang. hehehehehehehehehheehehehehehee.

kahapon naman, pumunta kami ni ate oan sa sm. nauna akong dumating dun kaya kumain muna ako sa sisig hooray ng sisig [duh.] hanggang dumating cya. tapos kumain din cya at nag-shopping kami ng tsinelas for 1 hour. pumunta rin kami sa arcade kaso nga lang walang gitara. booooring. kaya umalis na lang kami at bumili ng cereal to go. sobrang nakakainis. maliit na paper cup lang tapos P50 and above na ang presyo. sabi nga ni ate oan parang 3 packs ng choco flakes lang ung laman ng kanya na nilagyan ng wala pang tatlong pirasong oreo. tapos ung so-called "milkshake" ay parang tubig na white na may white particles. nakakakilabot. melamine...P65 un. eek. kaya un. nakapanghihinayang. umuwi na lang kami. boooring. trinoma na lang ulit kami next time. o kaya mags-skating sa megamall. :P


5:32 AM

Friday, October 03, 2008

nakikiuso. mwahahahaha!


Leaderboard
Create your own Friend Test here

o di ba? sino ba kasing pauso niyan? nyaa. wait. andami ko na palang mga ganito. hehe. joketime na ung quiz ko sa friendtest [iba pa sa TRUE friendtest] nung 2004. tapos naglaho na ung mga test na ginawa ko nung 2005 sa quizyourfriends. pero nag-eexist pa ung quizyourfriends na ginawa ko last year. hehe. link 1! link 2!

wala lang. hehe.


9:02 AM

Wednesday, October 01, 2008

D:


akala ko sa weekend pa ako magpopost. pero...pero...walang pasok halos buong week. pumasok lang kami nung monday. nasilayan ko lang naman ang silkscreen namin sa viscom. nakita ko rin naman si arfie, ang aking viscom proj. ipinasa ko lang naman ang aking cheat sheet para sa toafk [na sana inuwi ni sir monty].

kahapon ng umaga, late akong nagising. mga 5. pero tiniis ko un. di pa ako nakapag-review ng pinoy at konti pa lang ang naaral ko sa econ. nung mga 6 na, may tumawag. di ko masyadong naintindihan ung pinag-usapan ng nasa telepono at ni dadi. ang naintindihan ko lang, walang pasok. pero di agad ako naniwala. tuloy lang ako sa pagrereview ng pinoy. amuyan - wigan. kalauitan - bugan. namongan, don juan, ilog amburayan, etc etc etc. napakarami ko nang namemorize. ilang versions na ng mga epiko ang nabasa ko. tapos dumating si dadi at sinabi ngang walang pasok dahil nagkasunog sa pisay. napatigil na ako sa pag-aaral. nag-online. nakita ko nga sa mga status ng mga tao. walang pasok. hindi ako masaya.

sayang ang nireview ko. nung umaga, di ko pa alam kung ano ba talagang part ng 2nd floor ang naapektuhan ng sunog. tapos nabalitaan kong ung faculty room pala. pinakamalala sa side nina maam aguila at sir vlad. nasira na raw ang mga silkscreen namin. P200 yun. si arfie, nakita ko naman sa pictures pero baka nabasa ng mga bumbero. dahil sa sunog na 'to, next week na ang perio. pero tiyak na mag-eexpect ng matataas na scores ang mga teachers. nabasa kaya ang lockers sa pagpapatay ng sunog? nasa locker ko pa naman ung toafk ko, labgown, physics clearbook, at elechuron shirt kong hindi maganda ang pagkakaprint.

napakalaking pinsala ang dinala ng sunog na ito. sa pictures pa lang, nakakaawa nang tingnan ang pisay. sa actual pa kaya? grabe talaga. tinupok ng apoy ang iba-ibang parte ng faculty room. nagbaha ang 2nd floor. nangitim ang kisame. wala na ang mga artworks na nakadisplay sa corridor. yung gawad supremo bulletin board na nakita ko pang inaayos ni maam bawagan nung monday, nilalagyan ng bagong gold card at kurtinang pink, ano nang nangyari? nag-melt na ang mga computer monitors, cpu, at mga keyboard. nabasag na ang mga bintana. nahulog ang mga ceiling fans na nagmelt na rin. sobrang gulo ng mga gamit sa faculty room. nasira na ang mga sofa.

nakakalungkot talaga. kahit mas marami nang oras para basahin ang toafk at mag-aral para sa perio at magcram ng mga requirements na due ngayong week at makapagblog at makapanood ng tv at magcomputer, kung ang kapalit naman nito ay ang sunog sa pisay, thanks. but no thanks.


5:03 AM