image
kesi's blog
image image image image
Thursday, May 29, 2008

paalam, bakasyon


parang kailan lang. pasukan na naman. mahigit kumulang dalawang buwan na ang nakalipas. napakabilis ng paglipad ng oras. napakabilis...










okay. anlabo. so...magpopost lang ako ng isang summary ng mga pinaggagagawa ko ngayong bakasyong malapit nang magtapos. huhuhu.

dahil maaga ang bakasyon ng pisay, masarap mang-inggit ng mga kapatid na pumupunta pa sa skul habang ako, nakatambay lang dito sa bahay. hehehe. kapag wala namang kailangang gawin, kakain na lang. o kaya naman, matutulog, manonood ng avatar [sana mag july 14 na para lumabas na ang bagong episodes...], shugo chara [ongoing pa rin. naghihintay lang akong magkaroon ng subs], pichi pichi pitch [ayoko nang panoorin ung 2nd season kasi baka mainis lang ako], coffee prince [yaay! tapos ko na!], yucie, hana kimi japan at taiwan [meh. disappointing endings...], prince of tennis [may hiniram kasing dvd eh], prince of tennis live action [mwahaha], at witch yoo hee. wow. ngayon ko lang narealize. andami ko na palang napanood ngayong bakasyon. hehe.

may cherubs camp sa 1st week of april. pumunta kami sa sierra madre. 

may youth camp sa verbum dei. doon naman kami sa tahanan sta. monica.

umalis si ate kitel papuntang amerika bago pa ako mag-upcat review.

mga 4th week of april nagsimula ang review. speaking of review, di pa pala ako nagpopost tungkol sa review! waaah! ito ung nasimulan ko...

expert guides. batch 5 8. abada b e. april 23-may 7. 8 am to 5 pm.

okay. anlabo. basta ang mga kuwento dito ay ang mga karanasan ko sa review classes.

day 1. hinatid pa ako ni dadi sa expert guides. nagsimula ang araw sa english. teacher namin si maam maida. gumawa kami ng index cards at nag-test kaagad sa logical reasoning, general info, at filipino. ung general info, grabe! 2nd year socsci. ung logical reasoning, ewan ko ba. at ung pinoy, 2nd year pinoy. mga correct usage stuff. grabe. umagang-umaga, tatlong tests agad. tapos konting discussion lang at english test tungkol sa vocab, correct usage at kunganu-ano pa. nakakabaliw...83/135 lang ako. nung tanghali, dun ako naglunch sa kainan sa baba. nakita ko nga pala ang ibang upis people. hehe. pagkatapos maglunch, math 1 naman. masaya naman ang math 1. basics pa lang kasi. teacher namin si sir russel. pagkatapos ng discussion, test na. 37/40. ako'y isang malaking CARELESS. nakakainis. isa pa, sobrang naninigas na ako nun. ang hirap nang galawin ng mga kamay. nangangatog na rin ang mga tuhod ko nun. ang hirap tuloy mag-isip. oh well. pagkatapos ng review, naroon na si dadi sa labas, hinihintay ako. umuwi na kami.

day 2. tinuruan ako ni dadi na magcommute papunta at pabalik. 

so ganito. summary na lang. tinatamad na ako eh. ang aking teachers:
math 3: sir rai
chem: maam genelyn
math 4: sir leo
bio: maam cathy
eng: maam maida
math 1: sir russel
math 2: sir marrick
physics: sir gary.

2 subjects a day. tapos merong at least 1 test per subject per day. grabe. nakakabaliw. 

math 1: mahal na mahal ko 'to. easy math :P
math 2: killer math. hindi man mahirap ang mga tanong, super time pressure 'to. kaya ansarap mag-laser eh. B-B-B-B-B-B-B-B-B-B-B!!!! wahahaha. 3 questions lang yata ang talagang nasagutan ko sa 1st test eh.
math 3: masayang teacher si sir rai. marami akong natutunan. dahil dito, na-memorize ko na ang pythagorean triples at mga formula ng area at volume.
math 4: ok lang naman nung unang mga araw pero na-information overload ako sa conic sections. wooh!
chem: ayoko ng naming! ganun na talaga yun. pero masaya ring teacher si maam genelyn kahit inaantok ako sa kanya minsan. may games kami sa kanya...so masaya. interaction w/ the teacher. hindi salita lang nang salita ung teacher. :D
bio: grabe yung genetics. ngayon ko lang na-take up. pero ok naman. medyo naiintindihan ko na rin naman. :D useful ang bio 2.
physics: laging special mention kaming mga pisay [namely ako, si jiggs, at si luis]. alam na ang mga formula ng uniformly accelerated motion stuff, etc. saka pisay yata cya or yung kapatid niya. siya ang kasama namin sa aming class picture :P
eng: nakabibighani ang vocab. un lang.

nang mga unang araw ng review, dun lang ako nagl-lunch sa carinderia sa first floor. pero, nang maglaon, naglunch na kasama nina kim, car, yen, marie, sam, janelle, at jiggs sa box-o-rice [antagal ng service T______T ], kfc [maraming pisay-ers], sisig hooray [nakita ko sina timmy, isay, at bea], at reyes barbecue [tsismisan to the max. sabi ni jiggs may bf daw ako. hala... as if; matagal rin ang service pero masarap at nakakabusog naman].

sa huling araw ng review, nag-upcat at acet mock. grabe. ang galing ko tsumamba sa vocab. hehe. sa upcat mock, 320/420 ako. grabe. 100 mistakes. 76.2%. sa acet mock naman, 229/300. 76.3%. wow. 0.1% higher than upcat mock...

may refresher sa june 15. whole day pa rin, 8-5 sa abada e...

pagkatapos ng review, grabe. nag-propose pa si mami na magreview rin ako sa lsc kasama ng pisay people. waaaah! buti na lang di na natuloy. sasabog na ang utak ko kung ganun. so tuloy ang saya. kain, tulog, tv, computer, at rubiks cube.

dumaan ang art workshop noong may 10. dapat, si rj ang kasama dun. pero dahil nagliligalig lang cya dun, pinapunta kami ni liz doon ni mami. marami kaming natutunan kasama si mr. rolando rosal. hehe. so...kasama naming naga-art workshop ang iba pang autistic tulad ni rj. kinareer ko naman ang mga gawa kong art works. hehehe. sayang naman ang art workshop kung babasta-bastahin ko di ba? kaya naman impressed sa akin si mr. rosal. mwahahaha. :D

mother's day, wala kami dito sa bahay. dahil ang mother's day 2008 = pentecost 2008. dun kami sa verbum dei nagpalipas ng araw.

bday ni liz, may 13, gumawa kami ng mga cake. nagcram din kami ng mamibee spaghetti bilang mother's day gift ni mami.

pagdating ni ate kitel dito sa pinas, maraming pasalubong. may bago nga akong mp3 pero ngayon, isa na lang siyang bagay na naisasaksak sa usb port na pwedeng lagyan ng battery, may buttons, nagb-blink...not even a flash drive! waaah! di ko ma-format man lang. huhuhu. kung ako sana ang bumili nito, sana pwede kong papalitan kasi 1 year warranty naman. huhuhu.

may 22: cherubs lakwatsa. 9 am meeting daw sa vinzon's hall. pero dahil nanood pa kami ng konting ai, na-late. pagdating naming magkakapatid dun, walang cherub. dumating sina kuya gabby at sabi, diretso na lang sa trinoma. nagpahatid kami kay dadi. kasama namin si tintin. hinintay namin ang pagbukas ng trinoma. nung bukas na, pumunta kami sa timezone. tiningnan ang listahan ng movies, at [to be continued]

araw-araw na kaming nagsisimba. sabi kasi ni mami, habang bakasyon, magsimba araw-araw. i feel so holy. :P

nung isang sunday, nag--uhhh--- welcoming party para kay ate kitel at iba pa kina tita norms. hehe. tapos nung isa pang araw, nakalimutan ko na kung kailan, nandun ang lahat ng mga matanguihan. pumunta dito sa qc ang mga taga-batangas. parang surprise party lang. maraming picture-picture. hehe.

may 26: orientation. bayad-bayad muna ng fees tapos yun. orientation na. grabe. overwhelming ang coverage ng seniors. waah. di ko pa rin sigurado kung anong elective ang kukunin ko.

may 28: enrollment. sobrang malas. maaga akong ginising ni dadi para makapaghanda ng mga gamit. tapos pagdating namin dun, dapat pala, naka-uniform. so bumalik pa kami dito sa bahay. sayang ang maagang gising. sayang ang gasolina. sayang ang co2 na na-contribute sa atmosphere...dagdag sa global warming. sayang ang gold! kasi naman, time is gold, right? pagbalik sa pisay, kumuha ako ng enrollment form. ang haba na ng pila sa guidance. grabe. natapos na ni dadi ang medical, sa, at nakapagbayad na cya ng mga kailangang bayaran, di pa rin ako tapos sa guidance. tapos nung binigay ko na kay kuya ed ang mga kinakailangan, sabi niya, hindi raw nso ung birth certificate ko. waaah. grabe. tapos, nung pumila naman ako sa registrar's office, napansin kong sobra pala ang naibigay kong copies ng income tax return sa guidance. oh well...optional na lang naman ang scholarship categorization data stuff. asa pa akong magdadagdagan ang stipends ko. haaaayy...so, nalaman ko na na ang aking section ay electron. kinuha ko na ang mga libro ko, isinulat ang property no. stuff at inilagay na ni dadi ang mga ito sa kotse habang ako'y pumupunta sa digital blah blah room para sa id processing. no. 81 yata ako. pero nauna pang magpapicture sina 82 [frances p] at 83 [ange]. [wag kayong mag-alala. hindi ako galit :) ] salamat, patti cruz [84] sa pagpapa"singit" mo sa akin :)

ngayong araw naman ang upcat orientation blah blah. pero dahil akala ko, sa hapon un, at dahil hindi ako nagbabasa ng email, ayun. hindi ako nakapunta. 8 pala ang simula. haaay.

naghahanda na ako para sa pasukan. inaayos ko na ang mga libro ko. nirerevive ko ang libro ko ng panitikang pilipino. gumawa na rin ako ng labels para sa mga gamit. hindi na kailangang magpabili ng mga pang-english na libro dahil meron na kami ng lahat. un din kasi ang hrr ni ate oan. 

oo nga pala! marunong na ulit akong mag-3 x 3 x 3. marunong na rin ako ng 4 x 4 x 4. ansaya-saya! ipopost ko na dito para di ko na makalimutan.

3 x 3 x 3
> 3rd layer stuff:
~ 9:00 = F U R U' R' F' --> cross!
~ 9:15 = F R U R' U' F' --> cross!
~ switch 2 right corners = L U' R' U L' U' R UU
~ rotate corners clockwise = R U R' U R UU R' UU
~ rotate corners counterclockwise = R' U' R U' R' UU R UU
~ switch edges clockwise = RR U F B' RR F' B U'
~ switch edges counterclockwise = RR U' F B' RR F' B U

4 x 4 x 4
1. buuin ang middle squares [white-yellow, green-blue, red-violet]
2. gawing 3 x 3 x 3-ish [pagtapatin ang parehong blocks sa iisang face (front).  (Bb)2 R F' U R' F (Bb)'] 
3. buuing tulad ng isang 3 x 3 x 3
4. last layer

~ switch top-back and top-front edges = rr UU rr (Uu)2 rr uu
~ flip front-right edge = [?] nawawala ang solutions sheet! nooo...


7:55 AM

Wednesday, May 21, 2008

mga bagay-bagay


di pa pala ako nagpopost tungkol sa review. sa susunod na lang un :P

nanood kami ng AI kanina. wala lang. grabe. finals na. panalong-panalo na raw si david archuleta laban kay david cook. sa akin naman, kahit sino, ok. pareho naman silang deserving eh. :D 8 am na ang results bukas. kaso nga lang, malamang di ako makakapanood dahil bukas na ang cherubs lakwatsa. hehe. oh well...makikibalita na lang.

masarap kumain ng ferrero rocher. gusto ko nang kainin ung ferrero rondnoir...ung dark version ng rocher. speaking of dark chocolate, gusto ko na ring tikman ang dark m&m's. hindi dapat kinakagat ang gobstopper dahil jawbreaker un, di ba arjay? tsk tsk. masarap ang snickers. pero mas masarap kung almonds. cool sa pandinig ang space icecream. pero para lang cyang merengue na pinasosyal. [ginugutom ko lang ang sarili ko. pasensya na.]

ang kulit ng puchi puri yuushi. gusto ko na ngang tapusin kasi aabot pa sa pasukan. pero -- pero -- ewan. di na nga namin natutuloy ang panonood ng pot [prince of tennis]. nyaa.

gusto kong magswimming!!! di pa rin ako nakakapagswimming since cherubs camp.

parang kailan lang. pasukan na naman. nooooooooo...

[hehe. labo ko talaga.]


5:20 PM

Sunday, May 18, 2008

ang pagbabalik


bumalik na si ate kitel galing sa amerika kahapon ng kahapon yata cya nakabalik dito sa bahay. ewan. so cyempre, maraming pasalubong. kahun-kahong chocolates, cookies, isang plastic ng ballpens at post-it, mga bagay na inarbor ni ate kitel mula sa eroplano, pake-paketeng toothbrush, toothpaste at sabon, damit at sapatos; sangkatutak na keychains mula sa las vegas, new york, etc. at ibang "personalized" [may "joanne", "liz", "#1 dad", "#1 mom" at ang akin, "♥throb". okay...] meron ding techie stuff. kami nina ate oan at liz, meron nang tig-iisang mp3 player. kay ate kitel naman napunta ang ipod shuffle. awww... oh well... meron ding double-sided dvd. ang cool talaga. pwedeng magburn back-to-back. pero baka hindi rin convenient kung konti lang ang kailangang iburn... tapos meron na ulit kaming digicam after many years of waiting. hay naku. si ate oan kasi eh. nawala ang aming digicam sa stargazing nung 1st year pa lang cya. :|

dahil nga andami-dami naming chocolates, at napaka-mapagbigay naming mga tao, ang karamihan sa mga ito ay ipinamigay na lang namin sa mga tito at tita. awwww.

pero cyempre masaya pa rin. kumpleto na naman ang pamilya. kahit na hindi talaga kami madalas na nagkakasama-sama bilang isang buong pamilya, mas maganda pa rin 'to kaysa sa nasa ibang bansa ang isa sa amin. :) [nyak. andrama...]


11:04 AM

Wednesday, May 14, 2008

araw ng mga ina at kaarawan ng bunsong kapatid.


magandang araw! napakaganda ng panahon ngayon. hindi sobrang init, hindi sobrang lamig. tama lang. kahit makulimlim, tamang-tama ang lamig ng simoy ng hangin...

wala lang.


mother's day nung sunday. pentecost din. kinailangan naming gumising nang maaga sapagkat kailangan naming pumunta sa verbum dei. hindi kami pumunta sa pandacan. doon kami pumunta sa gitna ng sucat at alabang. nakalimutan ko na kung anong lugar iyon. [aba. tila makata ang aking pagsusulat sa ngayon. tigil na muna sa pagiging makata.] basta dun kami sa chapel street. may chapel dun. halata naman sa pangalan ng kalsada... pagdating namin doon, umalis muna kami at pumunta sa bahay ni tito gerry [?]. doon muna kami tumambay, nanood sa paglangoy ng mga isda, pinagmasdan ang iba't-ibang mga dekorasyon sa bahay na iyon. matapos ang ilang minuto, naglakad na kami pabalik sa chapel, nag-register, at program na. sinimulan sa isang talk [pero nakatulog lang ako ~_____~ ], tapos merienda ng mga biscuits, game [sip sap soup], talk, discussion tungkol sa fruits of the Holy Spirit, group sharing [wooh! go knowledge! hehe. ka-group ko si mami]. tapos nag-presentations kami, at nag-lunch. pagkatapos ng lunch, may talks ulit. nakatulog na naman ako. tapos may break. ansaya nga eh. buti may dumaan na nagbebenta ng icecream... tentenenten-tentenenten-tentenenten-tentenen-tenenenenenententenen! hehe. anlabo. basta. so kumain kami ng icecream. tapos, balik ulit sa talk, handa para sa misa, tapos mass. pagkatapos ng mass, bumalik ulit kami sa bahay ni tito gerry at nagbihis. tapos, umalis na kami. pumunta kami sa pag-asa...kina tita norms. doon kami nag-celebrate ng mother's day. cyempre may kainan... nandun din si freckles. hehe. ang cute niya talaga. oo nga pala. habang kumakain, napakaganda ng pinanood namin sa national geographic. "the science of babies". nakaka-nosebleed. ansarap pa kumain habang may nakikitang babaeng nanganganak. [wooh. sobrang sarcastic ko na yata]. pero ang cool. grabe pala ang instinct ng baby. marunong mag-math, pigilin ang hininga at maglakad sa ilalim ng tubig, at marami pang iba! nakakamangha talaga. dahil manghang-mangha ako, sabi ni ate oan, bio na lang daw ang kunin kong course dahil dun din naman ako mapapadpad. pinag-iisipan ko pa rin...

the next day, dahil hindi pa kami nakapagbigay kay mami ng mother's day card, nagplano lang kami nung umaga. scrapped na ang "free burger steak/spaghetti receipt". nung hapon, gumawa na lang kami ng "mamibee spaghetti". grabe. nakakabaliw. wahahahaha! wala lang.

bday naman ni liz kahapon. gagawa na sana kami ng cake nung umaga pero ubos na ung cocoa kaya gumawa na lang kami ng cake nung tanghali pagkatapos makabili si dadi ng cocoa. dalawang cakes ang ginawa namin. ung una, ung original recipe...ung cake na lagi naming ginagawa simula noong mga bata pa lang kami. tapos gumawa rin kami ng double chocolate cake mula sa cookbook. mga 3 pa kami natapos gumawa ng cake at icing. tapos, nagluto naman sina ate josie at ate lenlen ng spaghetti at barbecue respectively. mga 4:15 dumating ang mga kalaro ni liz at nag-merienda kaming lahat dito. at iyon na ang handaan. yehey!

ngayon, pinaplano namin ni ate oan na gumawa ng belated gift para kay liz. natapos ko na ang "liz is berry.com" logo. what's next? ewan ko. mukha namang walang plano si ate oan. oh well...


7:46 AM

Monday, May 05, 2008

days after the cherubs camp...


april 9: nag-practice ang ibang cherubs ng mga kakantahin para sa inauguration ng phil. pediatric society building at para sa concert kasama ang loboc children's choir. grabe. ambabait talaga namin. nagp-practice kahit hindi naman required. :P nagkabaliw-baliw na kami sa pagkanta ng light of a mil-YEN--este-- million mornings. peace! masaya pa lalo kasi maraming pagkain. whee! fiesta ham sandwich!!! :d cyempre, di mawawala ang picture-picture! :D

april 10: pumunta ako sa dentista at kinumpleto na ang aking braces. ngayon, halata na talagang naka-braces ako...

april 11: pumunta kaming magkakapatid sa palma hall. dun kasi ung assembly papunta sa peta. napadaan nga dun si kuya carl eh. nabalitaan daw niyang may kakantahan kami para sa fund raising para sa US tour. akala pala niya, cherubs ang pupunta sa US. wooh! sosyal! pero sabi namin, ung loboc ang pupunta. nagpractice ang cherubs kasama ng loboc children's choir sa peta. grabe nga eh. ang init. buti na lang may break. nagpapresko muna kami sa backstage habang nagme-merienda at nagpakilala sa mga loboc. so un. nag-practice pa kami. isa sa dalawang soloist sa light of a million mornings si ate mariel. grabe. ang galing din nung soloist ng loboc. wooh! idol! oo nga pala. bago umalis si ate kitel para sa kanyang medchoir practice, saka lang niya napansin ang upper braces ko. nyahahaha! wala lang. kasama ko dito sa bahay pero hindi niya man lang napansin. :p nung hapon na, pumunta kami nina dadi somewhere. naghintay lang kami ng konti dun. tapos dumating na si mami. konting hintay pa. dahil tumawag si ate kitel at sinabing wala siyang susi dito sa bahay, iniwan na lang namin si mami doon at umuwi. sa bagay, masama rin naman ang pakiramdam ko. kaya pagdating dito sa bahay, pahinga agad.

april 12: 7:30, supposedly ay naroon na kami sa pps building. pagdating dun, konting practice, tapos hinintay namin ang pagdating ng mga bisita at kinantahan sila bago kumain ng jolly hotdog. pagkatapos kumain, konting kanta pa at umalis na kami. pumunta kami sa bahay ni tita lenette. doon kami naglunch ng yellow cab pizza. :d pero dahil kaka-adjust lang ng braces ko, hindi ko masyadong na-enjoy. waah. nagpasukat din kami sa modista para sa magiging bagong costume ng cherubs. tapos, nagpahinga na lang ako sa taas. hindi kasi masyadong maganda ang pakiramdam ko nun. tapos, kinailangan na naming umalis. pumunta naman kami sa peta. doon, nag-practice pa ng konti. tinuloy nga ni ate mariel ang plano niyang actions para sa kanyang solo part. tapos, nagbihis at nag-makeup na kami sa dressing room namin. hinintay lang namin ang oras na tatawagin kami para magperform. habang naghihintay, nakipaglaro na lang ako ng pusoy dos o kaya natulog lang sa isang sulok. habang kumakanta naman sa stage, ginawa ko ang aking makakaya para hindi bumagsak sa aking pagkakatayo. feeling ko nga ang weird ng itsura ko. 1st time ko kasing makasama sa concert nang naka-braces. tapos nandun pa sa tapat ko sina jayvee at ang kanyang pamilya. nakaka-conscious. grabe. tapos nung light of a million mornings na, nagulat kaming lahat dahil biglang may actions na rin sa kanyang solo part ang soloist ng loboc. wow. impromptu ba 'to? pagkatapos ng concert, nag-merienda na kami at nagpaalam sa mga loboc. inayos na rin namin ang mga gamit namin sa dressing room. pagkatapos nun, umalis na kaming magkakapatid kasama si noreen na hinatid namin sa bahay nina tita lenette. bumaba pa nga sina ate kitel, ate oan at liz doon pero nagpaiwan na lang ako sa sasakyan dahil wala na talaga akong energy. masarap magpahinga...

un lang.


5:02 PM


ang month-late post.


april 26/27 [madaling-araw...tatapusin ko na sana ang blog post na ito pero hindi ko natapos...]

"wahaha. malapit nang mag-1 month late ang post na ito. well...better late than never...

kasi naman masyadong busy ang buhay. o kaya naman masyadong masarap mag-enjoy ng summer, masarap mag-relax pagkatapos ng review classes. hehehe. isa pa, relax-relax lang ako ngaun. wla kasi sina mami, dadi, ate oan, at liz dahil nasa condo/batangas sila. cyempre, wla rin si ate kitel. nandun na cya sa amerika eh...kaya eto ako, solong-solo ang laptop, ang wireless internet dito sa master's bedroom na may aircon at tv. bwahaha! "


3/31
9:00 kami nina ate kitel, ate oan, liz, at dadi umalis dito sa bahay kahit 9 dapat klangan andun na sa palma hall para sa cherubs orientation para sa summer camp '08. tsk tsk. pasaway talaga. pagkatapos ng pagp-practice ng baggage chain, usap-usap tungkol sa dos and don'ts, pag-aayos ng kama, paga-assign ng buddies [buddy ko si jc...], pangongolekta ng mga bayad sa camp at pagbigay ng pera kay tita len, umalis na kaming magkakapatid papunta sa trinoma para bumili ng snacks at goggles at sunblock para pa rin sa cherubs camp. tapos, kumain kami ng "lunch" sa greenwich. nag-shopping pa sina ate oan at ate kitel ng bathing suit sa landmark. nagpaiwan na lang si ate kitel dun tapos humiwalay na ako kina ate oan at liz para pumunta na sa pisay. naglakad lang ako papunta sa pisay galing sa trinoma. pagdating dun, libut-libot para hanapin si dadi. buti nasalubong ko si zaldy at nakapagbayad na ako sa kanya para sa str namin. onting libot pa tapos nakita ko na si dadi sa bio 1 room. tiningnan ko ung report card ko...

bio 2 - 1.5 - retain :)
chem 2 - 1.5 - up 1 step!!! malamang 1.5 or 1.25 tenta ko. :D i <3 chem!!!
physics 2 - 1.5 - up 1 step din! yaaay!!! :D
str 1 - 1.0 - up 1 step for the 3rd time ngaung 4th quarter! wheeee! ansaya! :D
math 4 - 1.75 - as usual. di na nagbago since 1st quarter.
comsci 3 - 1.25 - haaay. di maabot ang uno sa last 2 quarters
eng 3 - 1.5 - buti hindi nagaya sa math na 1.75 forever... :D
pinoy 3 - 1.0 - :D
socsci 3 - 1.0 - whew! akala ko bababa ako sa 4th quarter!
peh 3 - 1.25 - tsk. kuripot sa grade. joke lang :p
robo - 1.5 - isa pang as usual...

so...4 units ang tinaas ko! whoopee! kaya obvious na DL PA RIN AKO!!! ansaya! 1.370 ang average ko! grabe! 1st time ko lang talagang maka-DL sa 4th quarter. 1st time two-time DL in a school year! 1st time maka-DL nang hindi 3rd quarter. 3rd time DL ever!!! wheeee!!!

matapos magpakasaya sa kaloob-looban ko, umalis na kami ni dadi papunta sa pag-asa para bumili ng tinapay at para humiram ng bags para sa cherubs camp mula kina tita norms at tita rose. pag-uwi dito sa bahay, nag-impake na kami ng gamit para sa cherubs...

-------------------------------------------------

4/1
april fools! hapi bday din kay tito joel!

1st day rin ng cherubs camp. cyempre maaga kaming gumising. pero kahit maagang gumising, late naman kaming umalis dito sa bahay. pagdating sa palma hall, konting hintay sa pagdating ng iba pang cherubs tapos assignment ng count-off numbers [17 ako...], baggage chain at pagsakay sa qc bus. haayy...napaka-lonely ko dun sa bus sa buong biyahe. dumiretso na lang kasi sa sierra madre ang mga larracas...so wala akong buddy :( maya-maya, napaka-traffic na dahil daw sa isang garbage truck. nasira pa ung aircon ng bus. haaaaay...

dumating kami sa sierra madre bago mag-9 am. nauna nang dumating dun sina jc kaya pagdating namin dun, yay! andito na ang aking buddy! tapos, nag-assign na ng rooms. kami nina ate rasziel, anne, rai, at jc, dun sa henry suite. so nung dinala namin ung bags namin papunta sa room, naka-dalawang baba ng hagdan pa kami. kasi naman nasa pinakababang floor ung room namin di ba? matapos ilagay ang aming mga bags sa kwarto, nag-relax muna kami ng konti tapos nagmerienda ng egg sandwich at pineapple juice. matapos ang napakasarap na merienda, naglaro kami ng marco polo. wahaha! nakakabaliw sina gab at nelson...hehe. matapos un, bumilog kami at nag-"my name is ____". basta. nag-voice-placing. pinag-pasyahan ni tita len kung saang voice kami ilalagay. konting hintay pa tapos inannounce na niya ang aming voices. ako ay 1-2-1 [pero sa sumunod pang mga araw, 1-2-1-3 na]. ibig sabihin, voice 1 kapag divisi-2, voice 2 kapag divisi-3, balik sa voice 1 kapag divisi-4 [at voice 3 kapag divisi-5]. sabi nga ni tita len, para akong bodhisattva. ready to be buddha pero nags-stay kasama ang iba para turuan sila. wooh. lunch, break. nung break, pusoy dos!!! hehe. nag-tutorials pa nga ng pusoy dos sa room namin. ansaya di ba? mas marami nang makakalaro ng pusoy! :P tapos, 1st actual rehearsal na. grabe. andaming bagong kanta. pero ang cool naman ng lahat. kahit mahirap at palipat-lipat pa ako ng boses, masaya naman! tapos, nag-merienda na ulit kami. bilu-bilo naman. :d tapos balik sa rehearsal, at break hanggang 6:30...kaya naglakad-lakad lang muna kami ni jc sa may hanging bridge, habang ang ibang tao, pumunta sa swimming pool. nung 6:30 na, naglaro kami ng pass the message na charades...hmmm...para bang pass the charades. grabe nga eh. nakakabaliw. mula sa tabo, naging ligo [malapit-lapit pa], at mula sa "the gift of song", naging box, light, stars, ewan...nagdinner na. 8-8:30 ang free time. pagkatapos nun, may activity na naman. sabi nga ni ate mariel, "title-less"...basta bigayan ng peace sign at sad face. binigyan ako nina liz at pat ng peace signs. binigyan ko naman ng sad si liz at peace si gab. parang ambilis lang ng mga pangyayari kapag sinulat ko dito sa blog pero oras ang binilang para sa activity na ito. sobrang nakakaantok. naka-blindfold lang kami. ansakit sa mata nung pinaalis na ung blindfold ng mga 10:30. tapos nag-discussion pa tungkol sa activity na un. pagkatapos ng activity, lights out na raw ng 11 pero 12 pa ako nakatulog. nag-takutan pa kasi sina jc at anne...takut na takot si anne kaya ayaw raw niyang matulog hangga't hindi dumarating ang kanyang buddy na si raiza. hindi naman dumating si rai kasi dun cya nakitulog sa room nina ria...nung tumahimik na, saka lang ako nakatulog.

----------------------------------------------------

4/2
cherubs camp day 2.

ako ang unang nagising...mga 5:30 para makaligo nang walang kaagaw sa banyo o kaya walang conflict sa sked para sa araw na iyon. grabe! anlamig ng tubig! anlamig-lamig na nga dun sa taas ng bundok, wala pang heater sa banyo. napakalaking tulong talaga ng pagkakaroon ng jacket. so...dapat daw 20 mins lang ang pagligo pero umabot pa ako ng mga 35 mins kasi nga malamig ung tubig. pero ok lang naman cguro un...pagkatapos ko naman kasing maligo, wala pang ibang nagigising at naghihintay para makaligo. nag-ayos muna ako ng mga gamit ko kasi naman 7:15 pa ang exercise. nung 7:15 na, pumunta na kaming lahat sa hole 1 sa golf course at nag-stretching sa pamumuno ni KUYA ar. hehe. kuya. junior staff kasi agad cya kahit 2010 cya. matapos ang stretching, mga 7:30, nag-breakfast na. cyempre, pagkatapos ng breakfast, konting pahinga tapos rehearsal na naman hanggang 10, merienda, balik sa rehearsal, lunch, konting pahinga ulit, rehearsal, merienda, rehearsal. woot. halos buong araw kaming nagre-rehearse! pero mga 5:00, pahinga na. kasama ang iba pang gustong mamasyal, naglakad-lakad kami...inattempt na pumunta sa swimming pool pero sabi nina tita marvie, dumidilim na...di tuloy kami natuloy. naglakad na lang kami sa golf course at nag-picture-picture. may cute pa nga kaming pic eh...silhouette...katabi ng puno, against the sunset. pero di ko pa rin makita ung file. poink. pagbalik namin sa aming room, kwento-kwento at kulitan...tapos dinner. at activity hanggang mga 10:30. hehe. sayawan nina dani at walter, shaggidy-popo, at kunganu-ano pa :P

akala ko dahil camp na, wala nang homework. pero well...binigyan kami ng home--este--roomwork pala. kaya nung gabing iyon, late na rin kami natulog para gawin ang roomwork. napaka-career nga raw nung akin eh. basta. pang-poster-making contest daw. sa kwarto, pinagdikit-dikit na namin ang mga kama namin para masaya :D

----------------------------------------------------

4/3-4
cherubs camp day 3-4.

*copy, paste* [pareho lang ang ginawa. kaya memorable stuff na lang :p ]
> day 2-3 rehearsals: sectionals. hiwa-hiwalay ang 1st, 2nd, 3rd voices. dun kaming mga 2nd voice sa kwarto nina tita len. ako ang piyanista at backup ni ate mariel [yes naman...]. sobrang nakakapagod talaga. ang hirap pa sa aming mga 2nd voice, kapag divisi-2 o divisi-3 o divisi-5, nagdi-divide din kami. haaaay...buti na lang tinutulungan kami ni tita len...

> day 3 exercise: led by ate mariel. wahaha. parang dance lesson. "likod-likod-harap-harap-pisil-pisil-left-right!" nakakabaliw talaga!
> day 3 hapon-pampalipas-ng-oras: tumambay lang kami sa terrace at nagpahangin [kahit nanginginig na kami sa lamig habang nagpu-pusoy dos ang iba pa sa ilalim ng puno malapit sa golf course. ang kulit nga eh. nag-attempt pa nga kaming mag-day baling mingawa. pero kj ung mga nandun. jowk. peace tayo! sabi rin nina tita marvie at tita au, kailangan namin i-conserve ang aming mga boses. kaya nag-sayawan na lang. hehe. connection.
> day 3 night activity: ginawaan namin ng sulat ang aming mga buddy. hehe. mga 30 mins ng pagsusulat un. tapos ung sulat ko pa dun, bloggish. o kaya pang-nobela. hehe. pero hindi ko pa agad binigay kay jc. binigay ko lang ng day 4, umaga. :D binigay niya rin sa akin ung kanya. andrama! pero nakakatuwa pa rin. nalaman kong naa-appreciate niya ang pagiging "big sister" ko sa kanya :)

> day 4 exercise: may groupings kami. ka-group ko sina jc, jacque, beebop, patrick at sandy. basta may footstep relay. kakanta ng "sasara ang bulaklak", iinom ng milo, maglalakad papunta sa dining hall. grabe. nakakatawa. bigla pa ngang may dumaan na bus sa kalsadang dinadaanan namin kaya napatigil pa lahat...habang nagb-breakfast, "nagplano" na kami para sa last-night presentation. pero walang ideas. ngek.

half-day lang ang aming rehearsal. nung tanghali, pagkatapos kumain, naghanda na kami para mag-swimming. naglakad kami nang pagkalayu-layo papunta sa swimming pool at nagswimming. may racing, at volleyball. boys vs. girls tapos naging 1st and second voice vs. 3rd voice. ang kulit nga ni kuya ra eh. cya ang gumagalaw na net. nakakabaliw. minsan kumakampi ang net sa 1st-2nd, minsan sa 3rd. labo talaga. speaking of kuya ra, kapag nandyan cya, cyempre may buko pie. hehe. ansarap talaga ng buko pie lalo na kapag kaka-swimming mo lang. :d matapos mag-swimming, bumalik na kami sa aming mga kwarto at saka lang nag-banlaw. grabe. napaka-chorinated ng pool. nagre-react sa shampoo at sabon ang tira-tirang chlorine sa buong katawan. >____<

matapos mag-swimming, nagmeet ang aming grupo sa room nina jacque. may naisip silang csi-ish. kinidnap daw ako tapos suspect si jc, dahil cya ang huling nakakita sa akin, at si sandy dahil mahilig cya sa marie [hehe. anlabo] meron ding are you smarter than a cherubim member pero scrapped pa lang. tapos lumipat kami sa terrace para i-practice ang csi. maya-maya, lumipat naman kami sa room nina beebop. scrapped na ang csi. are you smarter than a cherubim member na lang daw. so gumawa kami ng questions and answers, nag-assign ng roles, tapos un na. nung dinner, nag-suggest pa ako ng isang malaking kaewanan. narinig ko lang sa isang cherub long time ago. since nasa grupo naman namin sina sandy at patrick, spongebob na! pero well...nung actual presentation na, hindi effective. di agad na-gets ng mga manonood. dapat talaga nilagyan pa namin ng spongebob theme song...tapos ung are you smarter than a cherubim member, ewan. haaay. ansaya nga pala ng presentations ng ibang groups. ang kulit! hot si nelson...tk [refer to 'wala' song]. pagkatapos ng presentations, awarding na. nakuha ni liz ang tulog mantika award dahil mahirap daw cyang gisingin. ako naman, nakakuha ng metamorphosis award. yes...tapos may speech pang napaka-ewan. ang henry suite ay nanalo pa ng 3rd place sa cleanest room! yaaaaay! pagkatapos ng bigayan ng awards, nag-sign na kami sa mga cards para sa senior staff. late na kaming nakatulog. walang iyakan dahil hindi naman kami mag-iiwanan. wala rin naman kasing 08 eh. naubos na. wala na kasi sina ate givette at ate bea f. nung gabing iyon, naglaro lang kami nina jc at anne ng pusoy dos hanggang sa pinatulog na kami ni ate rasz.

----------------------------------------------------

4/5
cherubs camp day 5.

later than usual ang aking gising dahil sobrang inaantok pa ako nun. [paggising ko pa nga, nadagdagan na pala ako ng room-mates. katabi ko na sina tristine at trizia. nagtaka nga rin si dani nung sumilip cya sa kwarto namin eh.] pero kahit na mas late ang gising ko, ako pa rin ang pinakaunang nagising. naligo, at nag-ayos ng gamit kasi papalayasin na kami sa aming kwarto...tapos wala nang exercise. diretso kain na lang tapos konting practice para sa aming mini-concert. mga 10 nagsimula ung concert. hehe. andun ung iba pang mga tao sa sierra madre at parents. cyempre andun din sina mami, dadi, at rj. pagkatapos ng concert, merienda ng nilupak. tapos nilipat ko ung bagahe ko sa room nina liz sa sorsogon. doon, nag-sign kami ng mga cards para sa junior staff. nakakatawa nga eh. labas-pasok ang mga junior staff sa kwarto. pinakita ko pa sa ibang mga tao ang paraan ng pagbuo ng 2 x 2 x 2 rubik's cube. tapos, naglunch na kami, at naghiwa-hiwalay. kaming magkakapatid, naiwan kasama ang iba pang cherubs sa conference hall. dun kami sa may stage habang nakikinig sa 1st album ng cherubs...batch pa nina tita au yun! doon sa stage, kumain lang kami ni aly ng cheese balls habang nakiki-agaw si rj. anlaking kakulitan! grabe. ang kulit nilang dalawa. si rj, humiga pa nga dun sa carpet ng stage. tsk tsk. matapos ang ilang minuto o oras ng paghihintay, naghanda na kami sa aming pag-alis. kasabay naming mga mendoza si patrick. pero nung hindi pa kami umaalis, si patrick muna ang naging photographer para sa aming family picture. hehehe.

sa biyahe, dumaan pa kami sa expert guides para i-register ako. originally, batch 5 ako. pero dahil may youth camp sa verbum dei, pinalipat pa ako sa batch 8. natawa nga ako nung nabasa ko ung email ni jiggs sa pisay09. batch 8 din pala cya. tsk. coincidence ba 'to? so un... galing sa expert guides, binaba na namin si patrick sa philcoa at dumiretso na dito sa bahay.


4:31 PM