image
kesi's blog
image image image image
Saturday, August 30, 2008

my bag has a stalker


fun? hindi. sobrang hindi. hinding-hindi. hinding-hinding-hindi!!!!

1st quarter. nung araw na may mga nanghihingi ng donations para sa mga nasalanta ng bagyo. ok lang naman sa aking magdonate pero ung pera ko, pambayad ng batch funds. P300. cyempre nasa wallet. cyempre naiwan ko pa ang wallet ko sa loob ng bag ko na nasa "baggage counter" [hindi locker] ng library kasi pe ang last class namin. nung pauwi na ako, pagdating ko sa bag ko, nakabukas ung zipper at nakabulatlat ang wallet ko. cyempre di ko naman un iniwang nakaganun pagpasok ko sa lib. pagtingin ko sa loob ng wallet, wala na ang P300 ko! noooo... nagtitipid pa naman ako. ilang araw din ang katumbas niyan sa pag-aaral ko sa pisay. [in short, allowance ko 'yan...]

*sarcastic* pero salamat ha. iniwan mo ang atm ko. malamang. di mo naman siguro alam kung ano ang pin code ko. konti lang rin naman ang laman kasi special lang naman ako. P500 per month. so senseless nakawin.

dahil dito, naisip kong gamitin na lang ang lockers sa library. para may lock. hindi magagalaw. pero, isang beses ko lang nagamit ang locker nang may lock...nung bday ko. dun ko nilagay ang blueberry cheesecake kasi hindi kasya sa normal locker. matapos ang araw na un, biglang, POOF! wala nang lock. di ko na ulit nakita. susi na lang ang naiwan sa akin.

1st quarter pa rin. tinamad na akong maglagay ng bag sa library locker. wala naman akong mahalagang gamit sa loob so ok lang. PERO akala ko lang pala yun. pagbalik ko sa aking bag, parang may nawawala...tama nga. may kulang na naman sa mga gamit ko. nawawala ang baunan ko!!! gulay naman o...pati ba naman lunch ko, nanakawin? ganun na ba kalala ang rice crisis?! grrr. nakakainis talaga. so nung araw na un, wala akong kinain. :c

recently naman...2nd quarter...nung friday. ewan ko ba. nawala ba o ninakaw ang scical ko? basta ginamit ko un nung umaga sa p6 long test. nung tanghali naman, nung nagbihis na ako para sa cat, nakita ko naman un sa usual pocket niya sa bag ko. di ko naman iniwan ang bag ko sa kung saan mang lugar. pero kaninang umaga ko lang napansin na wala na akong scical! grabe! panic panic! kailangan ko na namang gumastos. kailangan kong hanapin ang scical ko or else kailangan kong bumili mula sa aking sariling pera. mahal ang scical. :c

*sarcastic ulit* if ever may kumuha nun, salamat ha...iniwan mo ang periodic table of elements ko. salamat.

ang malas ko talaga. ayoko nang manakawan. 3 months pa lang ang nakararaan, andami nang nawala sa akin. siguro dahil rin careless ako. pero...hindi naman 'to mangyayari kung walang gustong magnakaw at walang nagpapanakaw. huhuhu. kailangan kong bumili ng bagong scical :c


5:59 PM

Saturday, August 23, 2008

ang pakikipagsapalaran ni kesi [ikatlong bahagi. july]


nstw/astw
7/8: umaga...kasama namin si sir kawashima [cyempre], muon at "vlady-grand-daddy" ayon sa ibang electron [adviser kasi dati ni sir kent si sir vlad...so yun]. anlabo ng "seating arrangement" sa bus pero nag-end up na si jl ang seatmate ko...wala lang...pagdating namin dun, hintay-hintay lang. cyempre may picture-picture. tapos, pumasok na kami. [mga memorable stuff na lang ang ilalagay ko dito..
1. may nadaanan kaming funeraria. sabi sa poster nila, "online burol". amazing.
2. masarap ang squash pandesal/ensaymada lalo na kung free taste o may namimigay lang [salamat francis i!]
3. ang cute ni paro!!!
4. masarap tumambay sa sariling atin [in other words, sa pisay booth]
5. may roses at stationery pa rin...
6. at iba pa [van de graaf generator, hyperbola thing, underwater probe, robots, etc...]
lunch time na kami nakabalik sa pisay. namroblema nga ako nun kasi deadline na ng flipbook...tapos na ang viscom time. noooo. pero ok lang. napasa ko naman the next day. nakalimutan ko na kung may chem kami nang araw na yun. basta 1:40 ang uwian. yay!

ateneo career conference
7/11: un na. may career conference. bday rin nga pla ni cel yap. :D

review
7/12,7/19: may college entrance test review sa pisay. basta. nung isang araw, medyo nagstay ako sa pisay kasama ang ibang electron. sila gumawa ng pictomap at kami, nakatambay, slightly nag-isip para sa sigaw...

iliad
7/14-18: nung 1st mtg ng eng, grabe. akala ko buong iliad na ung quiz kaya nagpanic na talaga ako nung umaga para matapos ko ung buong epic. un pala chapters 9 ska 16 lang. hindi ko tuloy matandaan ung details. graaar. tapos nung tuesday naman, since maaga ang uwian, ginawa namin ung akhilleus' shield. pero nung nakita ko ung gawa ng ibang groups, napaka-simple ng amin compared sa gawa nila. oh well. ung sumunod pang quizzes sa iliad, halos perfect ko na. yaay! bawi! tapos ung tableau namin ng book 16, ako si patroklos. wow. si neon kasi eh.

acet form
7/18: deadline na. kaya nagcram na lang ako ng acet essay. as in CRAM. mga 30-45 mins ko lang ginawa dahil sobrang nagmamadali ako nun. kunganu-ano na tuloy ang pinagsususulat ko. filipino ang ginamit ko kasi ayoko ng english. :P pero may english terms pa rin ako. hindi tuloy mukhang formal.

tamarin ka sanang magbasa. :P

Hindi ako Diyosa

Sa aming nakaraang leksyon sa Filipino, tinanong sa aming klase kung ano ang kahulugan ng tao; at ang aking sagot: "Homo sapiens sapiens, pinakamataas na uri ng hayop na inilikha ng Panginoon". Napakalabo nga naman kung tatanungin kung ano talaga ang tao. Napakaraming iba't-ibang perspektibo ang maaaring panggalingan ng ating mga ideya. Pwede nating ilarawan kung ano ang tao sa maka-Charles Darwin o kaya sa maka-Bibliyang pananaw na may napakalaking pagkakasalungat sa kani-kaniyang isip. Pero para sa akin, batay sa aking mga karanasan, ano nga ba ang tao?

Magulo mang isipin, naniniwala ako sa unang dalawang mga kahulugan ng tao kahit na hindi ito masyadong nagtutugma. Ang mga iyon naman ay hindi itinuro sa paaralan o sa Simbahan para tayo’y lituhin. Ang kani-kaniyang depinisyon ng tao ay nakabatay sa sariling kaisipan at ang ideya ng ama ng taksonomiya at ng Simbahan ay pawang mga gabay lamang. Para naman sa akin, ang tao ay isang nilalang na hindi perpekto; nagkakamali pa rin kahit na ilang beses pang sabihan ng “practice makes perfect”.

Madalas nga akong nadadali ng kahulugan kong ito. Dahil mas matataas ang mga nakukuha kong marka sa mga pagsusulit kaysa sa iba kong mga kaklase, dumedepende sila sa akin sa tuwing may groupwork. Napakalaking PRESSURE ang dinadala ng pagdepende ng ibang tao sa akin. Para bang inaasahan nila akong maging perpekto sa mga ginagawa ko na tila isa akong diyosa, isang perpektong nilalang. At hindi lang ito sa eskwelahan nangyayari.

Miyembro ako ng isang koro. Sa korong ito, isa ako sa mga lider ng Soprano 2, at minsan ng Soprano 1 at Alto 1, dahil daw mabilis akong magbasa ng nota at naaabot ko nang tama ang mga ito. Tuwing may practice, habang kumakanta ako, halos nakataklob na sa mukha ko ang mga tainga ng mga kasama ko sa Soprano 2 para raw marinig nila ang tamang nota. PRESSURE! Napakalaking PRESSURE! Kapag nagkamali ako sa pagkanta, sisitahin an gaming grupo. Malamang napupunta sa akin ang responsibilidad para maitama ang aming mga kinakanta. Madalas ko tuloy na sinasabi sa aking sarili, tao rin ako…nagkakamali din. Pasensya na, hindi ako diyosa. Hindi ako perpektong nilalang.

Pero hindi ko naman masisisi ang ibang tao sa pagdepende sa akin at sa pag-asa nilang matatama ng isang diyosa ang kanilang mga kamalian. Mararamdaman din nila balang-araw na ang tao, hindi perpekto. At tulad nila, tao rin ako, hindi isang diyosa.


amazing. kunganu-ano na lang ang sinulat ko. oh well. di naman graded yan. :P

pero hanggang ngayon, di pa rin sinusubmit ng guidance ang acet forms. so kahit sa monday ko pa ibigay ung essay ko ok lang. grrr. sayang ang pagc-cram ko. onga pala. ung recommendation forms ko, pinasign ko kina maam dawn at maam docto. pero hanggang ngayon, kulang pa rin ang recommendation forms ko. nooooo...*panic panic*


4:20 AM

Sunday, August 10, 2008

dahil wala akong magawa...


...at ayoko pang ituloy ang aking p6 hw, eto na lang...mula kay bona

1. Pick up nearest book

2. Open to page 123

3. Find the 5th sentence

4. Post the next 3 sentences

5. Tag 5 people, and acknowledge who tagged you.

>> ayoko ng 5 sentences. tinatamad akong magtype.

"Salin sa Tagalog:

Tagalog na Manunubos! Ang banal na isip

Na ipinunla mo sa kaluluwang Pilipino Ay matipuno nang pananim ngayon

Na ninibol sa bawat dibdib at lumalaki

Pinamumulaklakan ng mga simulaing makabayan."

>> mula sa "Panitikang Filipino". *nosebleed*

un lang. aral na ulit. sa ibang wala ring magawa, gawin nio na rin 'to :]


6:16 PM

Friday, August 08, 2008

ang pakikipagsapalaran ni kesi [ikalawang bahagi. june-july]


manila to pisay
6/28: pagkagising ko, agad kong tinuloy ang paggawa ng flashcards. pero muli akong pinagalitan. nagmamadali na kasi nun sina mami at dadi para makaalis. so, di ko pa rin natapos ang flashcards. madaliang kain ng agahan tapos umalis na kami. binaba nila ako sa taft ave. kung saan nag-fx ako papunta sa pisay. memorable talaga un. ito ang kauna-unahan kong pagcocommute nang mag-isa mula manila hanggang pisay. sa fx na iyon, ayoko namang tumunganga lang. kaya habang nagb-biyahe, itinuloy ko ang paggawa ng aking flashcards. natapos ko naman nung nasa quezon ave na kami. grabe. akala ko mal-late na ako sa review. buti na lang late dumating si maam dacs. eniweiz, so un. may upcat review sa pisay at dala-dala ko dun ang aking mga bagahe mula sa manila. hehe.

uaap recording
o di ba? sosyal! isa ako sa 11 [Michelle, Ate Rasziel, Elayne, Raiza, Mariel, John Gil, Ria, Gidell, Ate oan, Pat, at siyempre, ako] na mga nag-recording ng uaap hymn para sa uaap season something opening. nung una, ang plano, magcocommute kami ni ate oan papunta sa bahay ni tita len sa teachers' village kasi dun daw magm-meet. pero, pagdating namin sa philcoa at pagsakay sa tricyle, sa ibang street kami binaba. wow. wattatricycle! kaya kami'y naging mga ligaw na bata. tanung-tanong sa guard kung paano makarating dun sa pagrerecordan namin. pinadiretso na kasi kami ni tita. so...nauna kami ni ate oan na makarating dun. nakalimutan ko na ung pangalan nung may-ari ng studio. >______< basta. pinapasok na kami sa kanyang studio at pinakinggan muna namin ang ginagawa niya habang naghihintay sa pagdating ng iba pang recording cherubs at sina tita len at tito robin. nakaka-lss nga ung kantang inaayos niya dun eh. "gusto kitang makita. gusto kitang makilala. gustong gustong gusto kitaaaa..." ang amazing nga eh. konting click lang, madadagdagan na ng main voice, second voice, at iba-ibang instruments. kamangha-mangha talaga. maya-maya, dumating na ang cherubim people. usap-usap muna tapos pumunta na kami dun sa recording room at sinuot ang aming mga headset. naka naman. feeling recording artist talaga. so, nakailang ulit kami ng pagkanta ng uaap hymn. tss...feeling namin ang galing namin. pero ang hirap pala mag-recording. maririnig mo ang lahat ng iyong flaws. pero nakakasawa man ang paulit-ulit na pagkanta ng uaap hymn sa iba't-ibang boses [minsan sop 1, minsan sop 2], masaya pa rin! hehehe... ang lunch namin ay pizza...yellow cab! kaya naman nag-iba ang pagkanta namin pagkatapos kumain. busug na busog na kasi. :d pero natapos naman kami nang maayos. sumabay kami ni ate oan sa van ni tita len papunta sa bhay nila at dun na kami nagpasundo kasi anlakas ng ulan...

paalam sir arias at ang long test week
hindi naging july 4 ang aming last day with sir arias. nakasalubong lang namin cya sa corridor nun. napaaga ang aming last eng meeting. naging wednesday. binigay lang yata ang results ng quizzes and stuff. saka parting words. awww. how sad. dahil iniwan na kami ni sir arias, si sir arghs na muna ang papalit sa kanya habang wala pang kapalit...[aww...jade memories...C.A.L.B.O.! hehehe.]

apat ang long tests. isa sa comsci, isa sa math, at isa sa bio. lagi akong kasama sa highest sa mga lt na 'to! yaaay! wala lang. masaya lang ako. happy and proud. and nerdy B-) kaya nga tumataas ang expectations. PRESSURE! isang malaking PRESSURE!

more uaap stuff

nung july 4, nag-general rehearsal kami sa chk. grabe. riot. pero cool. narinig na rin namin ang resulta ng aming recording. heehee. saka sinukatan na rin kami para sa aming UP CENTENNIAL SHIRT! yaaaaay!!! pero nalaman din naming naka-all-maroon kami sa uaap opening sa araneta. pero ok lang. GO MAROONS! GO UP!

the next day, uaap na! [kaya hindi ako nakapunta sa upcat review sa pisay. buti na lang isang subject lang...math...] maaga kaming pumunta sa chk. mga 6 am. pero sa totoo lang, hindi pa raw un maaga kasi ung ibang magp-present, nandun na ng 3 am. o_______o nag-assemble muna kami dun. binigyan na kami ng id. pero, dahil wala id na may pangalan ko, ako na lang si "elaine". meron ding ibang kakaibang pangalan tulad ni "juha" [julia] at "noriel" [noreen]. hehehe. naka-bus kaming pumunta sa araneta. cyempre, sa bus, di mawawala ang pusoy dos at picture-picture. hehehe. pagdating sa araneta, dun muna kami sa dressing room. sinuot na namin ang aming all-maroon attire: ang up centennial shirt at ang up jogging pants. weird pero masaya. proud to be part of UP!!! habang naghihintay ng gagawin, picture-picture at pusoy dos sa gambling table! hehehe. tapos, nag-sound check kami. andaming mic. halos tig-iisang mic ang bawat isa sa amin. cyempre, kinanta namin ang uaap hymn. tapos, bumalik na kami sa dressing room at kumain ng lunch. ang nakakainis nga lang, parang tubig galing sa cr ung tubig na binigay sa amin. haaay. eniweiz, habang kumakain, chika chika...pusoy dos...picture-picture... tapos bumalik kami sa aming platform at nag-practice ulit. nung binuksan na ung gates, marami nang pumasok. kami namang mga cherubs, umupo na lang sa aming napakagandang pwesto...napakagandang view ng stage. parang kapareho ng sa mga special people ng bawat kolehiyo...ang pagkakaiba nga lang, dun kami sa opposite side nila kaya parang baliktad ang view. maya-maya lang, labanan na ng drums! drum dito, drum doon. cheer dito, cheer doon. grabe. halos masira na ang eardrums namin sa pagbabanggaan ng mga tunog. sobrang ingay. lalo na nung nagsimula na ung show. ganun pala kapag live performance. may mga commercial breaks din... ang ganda talaga ng view namin. 1st time kong makapanood ng uaap sa mismong araneta center. at hindi lang 'yon. 1st time ko ring maka-perform at makapanood pa sa puwestong libu-libong piso ang halaga. iba talaga ang mismong performance sa practice. ansaya talaga. wala akong masabi. nakakamangha talaga ang lahat ng mga pangyayari. cyempre naman. once in a lifetime experience 'to. pagkatapos ng opening [nung magsisimula na ang games], umalis na kami. awww. akala ko makakapanood pa kami ng games. eniweiz, ok lang. masaya pa rin. bumalik na kami sa dressing room at nagbihis. tapos, lumabas na kami at tumambay sa food station sa labas. hindi naman kami kumain. tumambay lang talaga kami dun sa tent na may aircon sa loob. sosyal. hinintay lang namin ung bus. nagpaka-vain na rin. nung dumating na ung bus, sumakay na kami at muling nagbaraha at nag-picture-picture. napakabilis ng paglipas ng oras. biglang nasa gym [chk] na kami. pagbaba namin sa bus, hinintay namin ang aming merienda...yellow cab! kain-kain muna saka naghiwa-hiwalay. kaming mga natira doon, naglaro muna sa mga tire swing. fun fun fun! parang bumalik kami sa pagkabata. doon din nanggaling ang aking napakagandang swing pic.
yay! hindi na kami nakapagpasundo kay dadi. naglakad na lang kami papuntang commonwealth ave. at nagcommute na lang kaming magkakapatid pauwi...

oan and kesi escapades
7/7: may p6 lt and probset. may quiz sa eng tungkol sa iliad na akala ko, buong iliad. yun pala, ung simula lang. >______< hindi lang un. may quickie pa sa econ. grabe. napakabigat na load. wala na nga akong weekend, tinambakan pa ng ganito ang monday. hectic! pero sabi nga, all work and no play makes ___ (someone i don't know) a dull boy [?] ewan ko. basta something like that. kaya naman si ate oan...isang malaking BI. nagyaya ba namang mag-arcade? alangan namang tutulan ko pa kung nasa pisay na siya. naglibut-libot muna kami sa pisay at pinakita ko sa kanya ang bagong porma ng caf. tapos, binisita niya si maam regaya na kanyang favorite physics teacher na hindi ko naman teacher. sinilip din namin ang mga nakaka-nosebleed na mga str topics na naka-post sa harap ng str unit. saka lang kami umalis. buti nga hindi kami napansin ni dadi sa gate eh. si ate oan kasi eh. lakwatsera. so...pumunta kami sa ever. pero bago ang lahat, kumain muna kami ng california maki sa tokyo tokyo. :d california maki is <3 !!! saka lang kami nag-tom's world. first time kong makapunta dun. madalas kasi, jollibee, chowking, at supermarket lang ang nakikita ko sa ever. minsan ko lang masilayan ang ibang parte ng mall na 'to. nag-basketball kami, stop-the-clock-ish na game, at kunganu-ano pa. tapos, kumain kami ng icecraze special sa jollibee. grabe. napakaganda ng service...may nahulog na something sa tray tapos binalik sa icecraze ko. pero dahil ako ay masaya dahil sa arcade, pinagbigyan ko na si kuya jollibee person. binitbit na namin ang aming pagkain at naglakad pauwi. pero, habang naglalakad, sinalubong kami ng mga batang sobrang kukulit. namamalimos. ayun. binigyan ni ate oan ng icecraze. pero di pa rin kami iniwan. pinagdamutan ko na. sorry. pagpasensiyahan niyo na talaga. nakakapanghinayang lang talagang mamigay paminsan-minsan.


6:33 PM


ang pakikipagsapalaran ni kesi [unang bahagi. may-june]


intro...
napakaraming araw linggo buwan na ang nakalilipas mula sa aking huling blog post. hindi naman 'to exaggeration. pawang katotohanan lamang. kaya nga sobrang miss ko na ang pagb-blog. ayoko nang iwan ang keyboard at ang computer monitor. ayokong mawala sa aking paningin ang tab dito sa firefox na nagsasabing "Compose Blog Entry". ganyan ko namiss ang pagb-blog. ayokong may pangyayari sa buhay ko na palilipasin ko lang at hindi na maaalala pa...masama man ang pangyayari o mabuti.

kapansin-pansin nga siguro ang paggamit ko ng filipino. mas mahal ko kasi ang aking sariling wika kaysa sa ingles. [yes naman...] wala lang. ganun talaga...

dahil nga napakatagal na ng mga pangyayaring naganap, umaasa na lang ako sa aking long-term memory. ibig sabihin, kung hindi ko naisulat sa aking mahiwagang pisay planner, napakamemorable talaga at naaalala ko pa :D

[malamang, tatamarin kang tuluy-tuluyin ang pagbabasa. bigla mo na lang maiisip, "ano 'to? nobela?" hindi naman...tatamarin ka lang talaga. baka maisip mo, "ano'ng pakialam ko?" pasensya naman. kadalasan nama'y di tungkol sa mambabasa ang sinusulat ng blogger tulad ko. :) ]

ang cherubs lakwatsa
long time ago, ako'y nagpost:
may 22: cherubs lakwatsa. 9 am meeting daw sa vinzon's hall. pero dahil nanood pa kami ng konting ai, na-late. pagdating naming magkakapatid dun, walang cherub. dumating sina kuya gabby at sabi, diretso na lang sa trinoma. nagpahatid kami kay dadi. kasama namin si tintin. hinintay namin ang pagbukas ng trinoma. nung bukas na, pumunta kami sa timezone. tiningnan ang listahan ng movies, at [to be continued]
di ko naman na-continue. antagal na...kaya ngayon, icocontinue ko na. yehey!
...na-narrow down namin sa kaunting choices: speed racer at iron man. nung nagbotohan, speed racer ang panalo. kaya bumili na kami ng tickets...tapos, uhmm...libut-libot muna...naghanap kami ng mapapagbilhan ng cellphone stuff at lugar kung saan pwedeng mag-barkada pic na may maraming tao...Ate Mariel, Ate Rasziel, Elayne, Ysabel, Tintin, Ria, Kuya RA, AR, Kuya Gabby, Ate Kitel, Ate Joanne, ako, Liz, Patrick, & Maki. nung nakahanap na kami ng lugar, cyempre, kinuha namin ung set na maraming pose at maraming background. antagal tuloy namin sa studio. hehe. so...8 poses, 4 each background [bibe saka starry]. ang kulit talaga! naka-ilang take kami. hehehe.
tapos, naglunch kami sa sbarro. kami ni ate kitel, hati dun sa malaking pizza. ung deep dish something. tapos may garlic bread din at drinks. sobrang nakakabusog. at masarap! yaay! tapos, may dessert pa. m&m's na pasalubong ni ate kitel mula sa US. yaay!
matapos ang pagkain, naghiwa-hiwalay muna ang girls and boys. ang mga girls ay naglibut-libot sa kungsaan-saan. picture dito, picture doon. posing dito, posing doon. tapos, nagmeet ulit kami sa timezone. arcade, arcade. nakakatuwa ung jumping rope thingy. hehe. tapos, pumunta na kami sa sinehan para manood ng speed racer. tapos umalis para bumili ng sangkatutak na popcorn at drinks at bumalik sa sinehan. mga pasaway nga eh...nagp-picture-picture ba naman sa loob ng sinehan? :)) napakaganda ng speed racer. un lang masasabi ko. hehe. eniweiz...pagkatapos ng sine, pumunta na kami sa pinag-barkada pic-han namin. doon, sinort at pinaghati-hatian namin ang daan-daang pictures. napakarami nga naman namin tapos 8 EACH pa. bwahaha. matapos ang napaka-riot na paghahati-hati ng pics, naghiwa-hiwalay na kami. kaming magkakapatid, pumunta pa sa sm. doon, pumunta naman kami sa cyberzone. may mga taong nakatayo sa isang kanto na iniwasan namin. ung mga credit card advertisers-ish. hehe. naghanap kami ng bagong case para sa digicam, or sa cellphone, o kaya sa ipod shuffle. pero wala kaming nakita. ang napansin ko lang, napakaraming buy one take one na cellphone. hmm....parang gusto ko ng bagong cellphone. eniweiz, dahil ginabi na kami, tinext na kami ni dadi nun. sinabing pauwi na pero kumain pa kami ng strawberry cheesecake na sundae icemix sa mcdo. hehehe. saka lang kami pumila sa sakayan ng jeep at nakauwi...

hanep. ang tindi ng aking long term memory! lagpas 2 months ago na yan... B-)

4th week of classes

6/23: dahil nga napakatagal na nawalan ng tubig, na-appreciate ko ang halaga ng tubig sa pang-araw-araw na buhay. buti nga nagkaroon na ng tubig nung sunday night. akala ko hindi na ako makakaligo bago pumasok sa skul. yaaak. anyway, nung monday nga, lumabas na ang ranking sa upcat simulation...pero hindi ko agad nakita. nung flag cem lang, narinig ko ang mga usap-usapan. maraming electron sa top 50. at kasama ako dun. yaay! sabi nga ni jejo, mag-soulmate [except hindi kami magkaklase nung 1st year] talaga kami ni timmy...pati ranking sa upcat pareho. rank 41.5 kami kasama sina vince severino at gian dapul. ansaya. hehe. pero naisip ko lang, kung rank 41.5, may posibilidad na hindi masama sa oblation scholars ng up. hala! kailangan ko pang pagbutihan...pressure!!!

6/24: alam niyo, kina-career ang elective. kaya nga ikaw ang pipili ng sarili mong elective. hehe. dahil kina-career ko ang viscom, nagsisipag ako. maaga kong tinapos ang drawings ng aking flipbook. inayos ko na lang sa aming viscom class...naku! pinaghirapan ko talaga un dito sa bahay. halos magka-stiff neck na ako sa pagtingala habang gmuguhit para sa flipbook gamit ang ilaw na nagmumula sa fluorescent lamp na nasa kisame...

6/25: himig audition. hehe. ngayong 4th year lang ako nag-club. wala lang. naisip ko kasi last school year na kapag dl ako ng 4th quarter ng 3rd year, magh-himig ako. so, dl nga ako. nag-audition na rin sa himig at cyempre, natanggap. :D ako pa. yakang-yaka ang pagkanta! :P

6/26: oo nga pala. madalas na kaming nagh-hiphop abs sa pe o kaya naman tumatakbo sa oval at nagf-fitness testing. "you are so amazing." :)) tapos, saktong namove ang cherubs rehearsal ng thursday. may concert kasi ang medchoir sa original cherubs rehearsal day. hehe.

6/27: hapi bday lola auring! shortened periods pero may chem lt. mataas ang nakuha ko. pero pressure naman o...tumataas ang expectations sa akin ng mga electron. oh well. matapos ang klase, at pagdating sa bahay, naghanda na kami nina dadi, kasama ni tita lu na pumunta sa manila para manood ng US goodwill tour concert nina ate kitel. dinaanan pa namin si ate oan sa may gym. tapos, yun. nanood kami ng concert nila sa philam life theater [as usual] na natapos late in the night. kaya naman nag-stay muna kami sa condo. pagdating sa condo, nag-dinner pa kami habang nanonood ng tv. tapos, nag-cram pa ako ng aking flashcards para sa physics review. hindi ko nga natapos kasi pinapagalitan na ako. late na nga, nagc-cram pa ako. so, natulog na lang ako. magkatabi kami ni ate oan sa upper double deck. may shortage kasi para sa kama. woot. econ.


3:39 PM