image
kesi's blog
image image image image
Friday, May 21, 2010

pahingi ng panyo.


iniiyak ko na ang lahat ng sama ng loob ko. iyak lang hanggang wala nang luhang mailalabas. iyak lang hanggang mapagod na ang napakaraming facial muscles...

kanina pa. bago ako sumakay sa jeep pauwi. maluha-luha na ang mga mata. habang nakasakay sa jeep, maluha-luha. pinipigilan ang pagbagsak ng luha. habang naglalakad sa kalsada, ayan na. mahirap pigilin pero kailangan. mahirap na kung may makakitang umiiyak ako sa gitna ng kalsada. buwan lang ang pwedeng makakita. pagpasok sa kwarto, eto na't nilabas na ang lahat ng lungkot na naipon sa mga nakaraang araw. kung saan walang makakarinig. walang makakakita. kahit ang buwan sa kalangitan.

...mahirap mawalan ng isang kaibigan. hinding hindi nakukumpleto ang araw ko. sana'y bumalik ang dating masayang pakikitungo natin sa isa't isa. mamaya. bukas. sa makalawa. sa susunod na linggo. sana'y bumalik ang pagkakasundo. ang tahimik na kulitan at tawanan. sana...sana. hihintayin ko ang araw na magiging maayos na ang lahat...

----------------------------------------

gah. ang emo 'no? mahirap naman kasing magtago ng lahat ng sama ng loob sa likod ng isang maskara ng mukhang nakangiti. hindi naman bawal umiyak 'di ba?


6:23 PM