image
kesi's blog
image image image image
Saturday, April 10, 2010

home sweet home. kuwento ng akyat-bahay sa sariling bahay.


galing sa fontana, at sa sm clark, at sa sm north, [next blogpost na lang ang kwento] umuwi na ako dito sa bahay sa qc. mga 4:30 ako nakarating dito. at...napakagaling. sarado ang bahay. walang tao. walang-wala. as in WALA. doorbell doorbell. wala. sige pa. dingdongdingdongdingdong. wala. 5 mins yata ako nag-dire-diretsong doorbell. wala pa rin. nakakapagod nang magdoorbell, sooobrang init ng araw, at ayoko nang magbuhat ng backpack kaya un. nagpaka-akyatbahay gang na ako. joooowk. pero pwede rin. chineck ko kung naka-padlock ung maliit na gate [madali lang naman kasing abutin]. naka-lock. oh noooo... tapos, sinubukan ko namang buksan ung malaking gate. ung para sa kotse. ayun! hindi naka-lock. kaya nabuksan ko na. sana naman walang akyat-bahay na gumagala-gala nun at nakita ang tactics ko sa pag-akyat-bahay sa sarili kong bahay. XD sana talaga walang naghinalang akyat-bahay ako kasi mukha nga akong nag-aakyat-bahay. anyway, pagpasok ko, chineck ko naman ang main door. sarado. ang glass sliding door sa likod. bukas! pero ung metal grills, sarado. ang pinto ng pinapaupahan. sarado pa rin. kaya sumuko na lang ako. alangan namang sobrang mag-akyat-bahay talaga ako at icheck pa kung nakabukas ang pinto sa terrace. wala rin akong balak kumalikot ng mga lock ng pinto. umupo na lang ako sa bench sa harap ng bahay pero sa loob ng gate para may shade naman, at laking-pasalamat kong dala ko ang laptop kong fully-charged. bukas ng laptop, at may wireless network detected! woohoo! pero sa kapitbahay pala. kailangan ng password. maya-maya, connected to mendoza network! woohoo! naiwan palang nakabukas ang internet dito sa bahay! ansaya-saya! kaya, nag-internet na lang ako sa bench, tapos, lumalabas ako ng gate occassionally para mag-doorbell ulit, nagbabakasakaling nakatulog si ate oan sa kwarto habang nag-iinternet kaya naka-on ang router. plurk plurk, fb fb, blah blah blah. hanggang sa dumating na ang kotse! andyan na sina mami at dadi! woohoo! ansaya-saya talaga. nakapasok na ako ng bahay sa wakas. mga 5:10 na siguro. masaya akong makauwi sa bahay. pero cyempre, mas masaya akong MAKAPASOK ng bahay kung saan minsan lang maka-aircon, araw-araw ang brownout, at minsan, nawawalan pa ng tubig. mas masarap pa rin dito kaysa sa labas ng gate, magpakainit sa summer sun. mas masarap kaysa umupo sa matigas na bench habang nasa lap ang laptop na nagbubuga ng mainit na hangin. mas masarap dito sa LOOB ng bahay. home sweet home. bow.


1:23 PM