image
kesi's blog
image image image image
Saturday, June 30, 2007

4th week...end of 1st month


~memorable moments~
monday:
> nagparty kami nung homeroom...naglaro muna kami ng dodgeball habang naghihintay dumating ang maraming pizza!
> gumagaling na pala akong magswimming. npapansin na ng teacher eh.
tuesday:
> as usual, lakwatsa day...pumunta ako sa ever para bumili ng oishi manju :p tapos NAGLAKAD kahit na ANLAKAS NG ULAN papunta sa bahay...
wednesday:
> nung physics, ang cute nung presentation ni sir lim...ung may nagr-rocket na bug :D
> meron kaming long test sa 3.5 units [chem at math] x_X
thursday:
> grabe...ang wacky pala ni maam bawagan...
ang hilaga pataas, pataas nang pataas.
ang timog pababa, pababa nang pababa.
silangan pakanan, pakanan nang pakanan.
kanluran kaliwa, kaliwa nang kaliwa... :))
> ansakit sa paa mag-kick board...
> grabe, nakalimutan ko na ung mga ginawa namin sa robo nung grade 5 & 6...waaahh...sir mario...help...
friday:
> hindi kapani-paniwala pero mataas ang nakuha ko sa chem lt :D
> final na siguro ung research topic na "Moringa oleifera (Malunggay) as cure for gastric ulcer"...nyaa...ang nerd...

hay naku...ngaun naman andami kong icacram. str, pinoy essay, comsci ebook, atbp...waahh...

7:00 AM

Sunday, June 24, 2007

advanced advanced hapi bday to me!


grabe...ang advanced ng bday giftS sa akin ni mommy...may dalawang pants at isang bag. :D wala lang. napadaan kasi kami kagabi sa robinsons sta. mesa galing sa pagsisimba [pumunta kami sa condo kahapon eh] tapos un na. bumili si mommy nun habang nagg-grocery sina ate joanne at dadi. wheeee! saya! \(^_^)/

1:35 PM

Saturday, June 23, 2007

:D


nyii...may napulot si ate joanne na pics ng concert sa multiply ng di namin kakilala... mwahaha...

sa oblation... [wala ako dyan...duh...]
"musika" [nasa 2nd row sa left...]
at company choir! [sa 4th row malapit sa gitna O_o ]

6:15 AM

Friday, June 22, 2007

3rd week...[part 2]


1st week: -_-
2nd week: ~_~
3rd week: >_<

ergh...naiinis ako! wala talaga akong maabsorb sa chem!!! waaaaahhh...long test na next week!!! may magulong homework pa! [well, kinopya ko na ung answer key ni maam butaran sa chem unit...pero iintindihin ko pa rin naman..]

sa eng naman, ramayana...waaaahhh

sa str, topics. sikreto ko na kung ano ung idea ko [or ng internet] :P

isa pa 'tong internet! grrr...ambagal tapos nadi-disconnect lagi! >_<

9:28 PM

Wednesday, June 20, 2007

3rd week...


grabe...napaka-distracted ko talaga ngaung linggo...kung hindi nagne-neopets, nagt-text twist o kaya nanonood ng tv o kaya nagpopost dito sa blog. naku...

buti na lang masipag-sipag ako. gumagawa ng hw tuwing lunch o kaya break.

ngayong linggo, 3rd week na nga ng pasukan, hindi pa rin ako maka-absorb lalo na nung tinuturo sa chem. wah! hybrid orbitals!!! 2 units pa man din ang chem pero hindi ako maka-absorb!!! waaaaahhhh...

at dahil nga 3rd week na, may officers na ang rb [at last!]
president: jio!
vice president: timmy!
secretary: as usual, ako!
treasurer: gero!
auditor: gabby!
pro: dianne a!
class mascot: "big boy!" [manuel]
muse: koko!
escort: john!

mwahaha! halos lokohan lang nga ung eleksyon namin eh...[vote maam docto for muse!!!]

meron na rin kaming cast ng ramayana...at ako'y isang NARRATOR! magsaya tayong lahat!

at...hindi lang rb ang may class officers! meron din ang robo! pres. dmitri at ang kanyang secretary *slash* treasurer, ced! grabe kanina...nag-inventory kami...ka-group ko sina manuel at kevin [wooh! go adelfa!] group 2 kami. ang hirap magbilang ng lego. lalo na't ang init sa exhibit hall...kulang pa ang isang buong period [50 mins] para makatapos! wah!

onga pala. nung monday, may concert kami. isang daan sa isandaan. may link pa oh...sosyal! --> link!. nakarating ako sa dressing room mga 4:30 at kumain ng macaroni :d ah...grabe ung dressing room. share-share kaming tatlong choirs. tapos nag-makeup na at nagbihis. nag-ayos din ako ng buhok. sabi nina tintin, ang ganda! [yeah...flattered...] mga 5 dumating si ate joanne. kumain na siya habang mine-makeup-an ko cya. naku, senyorita! kulang na lang, bihisan ko siya. hehehe...tapos, nag-vocalize, bumaba para sa company call, nagdasal, uminom ng juice na tinimpla sa timba, at umakyat ulit para mag-dinner ng manok na may red OIL. grabe nga nun eh. andaming natapunan ng OIL sa costume. hala! buti na lang may treatment kami..hehehe...pagkatapos kumain, ansakit na ng tiyan ko. punung-puno na kasi eh... nag-retouch kami ng makeup tapos bumaba na sa backstage. ansaya kasi nakita namin sina ryan cayabyab at candy pangilinan. nung nagsimula na, naghintay kami ng pagkatagal-tagal. pang-10 pa kasi kami eh. dahil sa wala kaming magawa, picture-picture na lang at inom ng juice [kaya lalong sumakit ang tiyan ko]. kumanta na kami ng musika tapos balik sa backstage para maghanda sa "tagumpay". nung bumaba na ung curtains para sa speech ng president, nag-formation na kami sa likod. dahil naman antagal nung speech, kunganu-ano nang pinaggagagawa namin sa likod. tapos, nagsimula nang tugtugin ung intro pero hindi pa rin tumataas ung curtains. nakatatlong ulit na yata hindi pa rin tumataas. pero nung tumaas na, parang...AT LAST! kumanta kami ng tagumpay tapo up naming mahal tapos musika ulit. habang kumakanta ng musika, andaming confetti! halos di na namin makita ung audience! ansaya pa dahil natapos na ang production na pinaghirapan naming icram :p

pagkatapos nung concert, naku! cram na ng homeworks! nyehehe...

o sige...tama na muna ang pagb-blog. cram na muna :p buti na lang tapos ko na ung pinoy essay tungkol kay liz at ung part ko sa math pairwork 8D

7:08 PM

Saturday, June 16, 2007

haaayyy salamat


salamat naman at tapos na ang 2nd week ng klase...haaayyy...
~ grabe ung chem...ang gulo. waahh...
~ robo. who's marvin? what does asimo mean? ...wikipedia!

waahhh...ang hirap ng 3rd yr!!! waaaahh!!!



ah...onga pala.
99th anniversary ng UP
June 18, 2007, 7 pm
UP Theater
kakanta ang cherubs dyan! hindi ko lang sigurado kung may ticket/anong price.



un lang! punta kau ha...kung pwede...

8:01 AM

Sunday, June 10, 2007

yaaayyy!


yay! ansaya! tapos na ang 1st week! tapos, long weekend pa! saka may elective na ako! ROBOTICS! uhmm...cguro...yaayy!!! hmmm...wala lang. nag-sign lang ako dun kasi ayoko mag-journ. pwede rin ung data com kung hindi ako natanggap sa robo. hehe...tapos para ma-screen kami ni maam xavier, pinasulat ng essay blahblahblah. wala lang. sinulat ko lang na nag-robo na ako sa elem kaya may konti na akong nalalaman. tapos natanggap na ako. wheee...

wahahaha...anlabo :P

4:27 PM

Wednesday, June 06, 2007

2nd & 3rd day


waaahhh...naiinis ako...

2nd day: kung pwede lang, 10:50 na ako umuwi...wala pa naman kasing elective, wala ring chem...waaahh... [tapos nung hapon, may cherubs. ang hirap nung mga kanta para sa centennial ng up...XD ]

3rd day: uh...na-mind block ako dun sa diagnostic sa chem! waaahhh...buti na lang hindi pa graded. saka kanina, nakisama ako sa mga lab tech applicants :P tapos nagsign sa robotics at data communications [waaahh...desperado na ako sa mga electives na 'to! kung hindi pa ako makapasok, magj0journ na lang ako]

6:39 PM

Monday, June 04, 2007

1st day as a junior...


haaaayyy...1st day ng klase...grabe. nakakaantok.

flag cem: parang getting-to-know who your classmates are...
hr: tentenenen! si maam docto ang adviser namin [we love bio, and maam docto...]. wala lang...nagpakilala lang kami saka nagpakasaya sa sked namin...1:40 kasi uwian tuwing tuesday eh \(^_^)/
break: sa caf lang kami--hiwalay ang girls sa boys. wala lang...chikahan.
math: maam de joya.
filipino: "magandang umaga po, ginoong gonzales." wow...ginoo...anlalim...wala lang. usap-usap lang tungkol sa walang katapusang pagsulat. :P
hr ulit: code of conduct -_-
lunch: magkakasama ulit ang girls :D nung tapos na akong kumain, nakita ko si sierra [2011]... palakad-lakad...naghahanap ng table na pagkakainan. tapos, silang mga dating upis, nagkumpulan sa isang table...hindi man lang nila ako napansin...
eng: maam bernal. kumopya lang kami at nakinig nang mabuti...
chem: maam i-still-dont-know-who. grouping lang tapos konting discussion ng mga gagawin for the quarter.
pe: sir rojas. "hindi ako nananakot." errmm... :|

uwian...nagpaka-nerd na lang ako sa lib...siddhartha!

7:43 PM

Sunday, June 03, 2007

huling araw ng bakasyon


waaaahhh...maraming hws, tests, at iba pa...bukas na magsisimula...tapos na ang maliligayang araw ko!!!

kaya naman, nagpakasaya na ako dito sa huling araw ng bakasyon. may tv, dvd, internet, computer games, kain, blahblahblahblah...

haaaaayy...sana masaya sa rubidium...

...

[ayoko nang habaan 'tong post ko...para makapag-enjoy pa...]

3:48 PM

Friday, June 01, 2007

hapi bday dadi!


hehe...bday ni dadi ngaun kaya kagabi, pumunta kami sa chowking at naghalu-halo, buchi, at fortune cookies...

"Try to avoid treating your partner casually for it is by giving importance that relationships are strengthened." "Lucky Fortune 12 16 20 28 32"

O_o ano ung mga numbers? lucky numbers para sa lotto?

ngaun naman, buti na lang at may meeting si daddy sa manila. nakagawa pa kami ng bday gift from 11-1. oo...more or less 2 hours naming ginawa...at ito ang kinalabasan:


































mwahahaha! inedit namin ung mukha nung chef sa commercial ng chowking tapos dinikitan ng mukha ni dadi. tapos, imbes na chowking, jun king na! saka ung nakasulat sa gilid, pinalitan namin ng "children" ung "customers"...nyehehe!

ano kaya magiging reaction ni dadi dito? :P

2:01 PM