image
kesi's blog
image image image image
Sunday, January 27, 2008

quick!


wahaha. wala lang. nagmamadali akong makapagblog kaya as much as possible, summary na lang ito. mahaba nga lang ung 1st part kasi galing sa initial blog. teehee.

jan. 21, 6:38 pm

ymsat day 1: antagal kong naghintay sa gym. 7:15 pa lang andun na aq pero 8:30 pa yata nagsimula ung mismong opening ceremony. tapos, dire-diretso hanggang plenary session. haaaayy...wala naman yatang nakinig dun sa nagsasalita. ako, konti lang naintindihan ko. sobrang ingay kasi ng paligid...may kanya-kanyang ginagawa. si je, inayos ung nasirang necklace ni pao. sina zaldy, criselle, dianne c., at celina, gumawa ng bamboo stick bridge. marami pang pa-picture-picture at nagc-cram ng bio chicken wing at iba pang physics olympics stuff. matapos ang plenary session, pumunta na kami ng aking p6 olympics groupmates sa front lob at naghintay nang pagkatagal-tagal para sa pagsisimula ng aluminum foil barge. nagdiscuss muna ng rules sina julius tapos nagbigay ng aluminum foil at nagstart na. gawa gawa gawa...pinag-combine ang ideas namin ni verna. akin ung mismong container, kay verna ung uhh...finold-fold na tira-tirang foil. 2nd kaming magt-try ng aluminum foil barge. yeah! 660 g!!! kaso nga lang natalo ng be...675 g. awwww...pero ok lang. 2nd place kami! woohoo!

matapos ang physics olympics, naglibut-libot lang ako. tumingin-tingin sa mga exhibits at str posters, blah blah blah. nung bored na ako sa paglalakad, nag-lib na lang ako at gumawa ng comsci proj. tapos, chem intersection na sa 3rd flr audi. go jer at alvin! grabe ung mga tanong. easy pa lang, sobrang hirap na. pero go Rb! ung mga nasasagot na tanong, Rb lang ang nakasagot. congrats be, cs, k. :)

nagdiscuss pa ang uppc group sa chem bago ako nagcommute papunta sa mcdo. hehe. original plan ko sana, magj-jolibee at gagamitin ang discount coupons mula sa calendar. pero...gusto kong tikman ung bee something ng mcdo...ung may pineapple float at chicken nuggets w/ honey mustard dip. kaya yun...nag-mcdo na lang ako. tsk tsk tsk. wants not needs. :| hindi na talaga natutupad ang new year's resolution. tinake out ko na lang kasi gusto kong inggitin sina liz at ate joanne. hehehe.

pagdating ko dito sa bahay, nagbihis, nag-text kay dadi na di ako sasabay, at kumain. yeah! masarap mang-inggit. belat. masayang kumain habang nanonood ng tv. wala lang. pagkatapos kainin ang tinake out sa mcdo, str naman. tawag tawag sa nsri at institute of chem para sa soxhlet extractor. wala daw. :( kinulit ko pa si ate joanne kung ano ang ginawa nila. nag-soxhlet daw sila sa pisay. ngek. naghanap pa ako sa nsri. :| pero sabi niya rin, mas maganda ang cold immersion. [sige, reader...kung meron man...nosebleed] nagtanong din ako tungkol sa mga agar-agar, concentration ng extract, and many other stuff. [sige pa...nosebleed.] matapos ang pangungulit, nag-enjoy-enjoy na muna ako. hehehe...sa multiply ng bernadette, may american idol na kumakanta ng nakaka-lss na kanta. nyahahah! go simon follower! ~~i am your brother, best friends forever.~~ mwahahahahaha!!! eniweiz, habang nanonood nun, biglang nag-im si maam crisologo...

"maam dawn: hi anna and frances, just want to let you guys know that your projects got chosen for the str1 semifinals. judging will be tomorrow and oral presentation will be on thursday (?) good job! :)"

huwaaaaat?! am i that great? joke lang...napaka-unexpected. simple nga lang ung poster namin tapos...tapos...ganito? waaaahhh...nakaka-pressure. pero ang galing. di talaga akalain. waaahh...mago-oral defense na naman ba kami? pressure pressure! nanginginig na ako dito. nangangatog na ang tuhod ko. hehe. anlamig kasi. nasa tapat ako ng electric fan. *patayin ang electric fan* un lang. :P [har har. blog once a week. initial blog na naman ang notepad.]

ymsat day 2: sobrang nagpanic ako nang araw na ito. nagmeet ang uppc group sa chem sa caf para malaman kung sinu-sino ang magrereport tungkol sa blah blah blah. may mga prom table stuff din. nakaka-panic. dagdag pa sa panic ang pagka-late ni zaldy. wahaha. dahil nga kasama kaming mga Rb-5 sa str semifinals, may mga interview-interview pa. para sa akin, pinkamahirap ung pinakaunang nag-judge sa amin. andaming tinanong. pero salamat po. mas may idea na kami tungkol sa aming research. naku! tinanong kung gaano karaming glutamine ang meron sa malunggay. nyaaa. di ko nga masyadong sigurado ung glutamine eh. :| tapos, isa pang babae ang nag-judge. mas mild naman ang tanong niya. pero nakakabara. waah. may iba pa raw bang nakakagamot sa ulcer? tinanong pa ako tungkol sa mga setups. tapos, si sir de ocampo. pinaka-ok. :D buti na lang mga alam ko ung tinanong niya. mga tungkol sa zone of inhibition blah blah. parang ambilis nga naman ng lahat ng pangyayari kapag sinusulat ko dito sa blog ko pero antagal talaga naming naghintay sa tabi ng poster...nagr-rubiks cube, kumakain ng kunganu-ano, nakikipagkulitan sa iba pang tao. hehe. kung gusto kong pumasok sa finals? oo pero hindi. oo dahil mas magandang experience un di ba? saka para may representative na rin ang rb sa str finals. pero hindi. grabe naman kung mago-oral defense kami sa 3rd floor audi sa harap ng batch. nyaaa...matapos ang str oral defense, chem naman. wala namang ginawa ang buong group namin except kina pao na nagc-click ng aming interactive presentation at jio na nagreport ng lahat. matapos ang chem, boring na naman ang buhay. libut-libot, kain, BORING. walang klangang gawin. kaya, nag-computer na lang ako sa lib at inayos ang website namin ni robert :D nung 12 na, nadatnan ko sa bio room sina timmy, zaldy, jio at koko...kumakain ng lunch. hehe. ginawang dining room ang caf. naghintay lang ako dun hanggang dumating ang ibang kasali sa junk art. antagal bago nagsimula ang junk art. sobrang mind blocked kami nina koko at zaldy. wala masyadong materials. egg cartons, tela galing sa ramayana, liquid eraser, plastic bottles, at aluminum cans. wahaha. gumawa na lang kami ng kunganumang maisip. gumawa ako ng litson bank [hehe. nilutong piggy bank] samantalang si zaldy, gumawa ng daddy alkansya at rabbit alkansya at si koko, mommy container. hehe. sa ibang sections naman, lalo na ang potassium, naku! kinareer. hehehe. pagkatapos ng junk art, naghintay muna ako sa labas ng room kasi sabi ng facilitators pero dahil sa boredom, umakyat na ako papunta sa 4th floor audi para sa math games. pagdating ko dun, kakasimula lang ng sudoku. go shane, kelsy, pao! kasama sila sa finals. sila ung may pinakamaraming nailagay sa circular sudoku! go rb! tapos, problem solving relay na. waah! kasali ako dun! so...pumila na kami sa baba ng stage at umupo. explanation muna ng rules. half-half ang makukuhang problem ng bawat dulo ng linya. tapos icocompute ng nasa gitna. kami ni gabby ung nasa gitna. wah. tapos, si verna ang bubulong sa akin ng problem. grabe! tense! pagkabulong sa akin ng kunganu-anong mga bagay, mga cosine value of blank pi, year ng pag-graduate ni sir nat, at steps mula sa 1st floor hanggang 4th floor. haaay...kay gabby naman, kunganu-anong equations at year ng paggraduate ni maam de joya. nyaa. pano ba naman namin malalaman un di ba? kaya nanghula na lang kami. sabi ni gabby, binilang daw niya dati ung steps sa shb. 40 daw. mukhang konti pero bahala na. si graduation years naman, nanghula na lang kami. har har. exaggerated nga siguro...1950s si maam de joya at 1980s/70s si sir nat. hehehe. si gabby ung nagsuggest. oo lang ako nang oo. hehe. useless me. pero ako ung nagsuggest ng sign ng cosine of blank pi. so...mga 8000 something yata ung sagot namin. pagbalik sa upuan, grabe talaga. masaklap siguro ang magiging resulta ng problem-solving relay na iyon. sabi pa nga ni rb, wag na kaming umasa dahil mali yata ang nasabi niya sa simula pa lang. pagkatapos ng problem solving relay, picture relay [?] na. hehe. parang katulad din ng problem solving relay pero id-drawing ung picture sa likod ng papasahan mo. grabe kaya un. torture. si cookie monster ba naman ung pinadrawing?! nyahaha! maganda naman ang kinalabasan ng drawing ni verna...meron ding tangrams. yeah! go timmy, jio, zaldy! 3rd sa tangrams! :D tapos, meron ding mini-math intersection. hehehe. para daw sa mga nangangailangan ng bonus. ang pinasok ba naman ng rb, sina jio, gabby at darrwin? hehe. sabi tuloy ni sir nat, mali yata ang napasok ng rb. kaya pinapunta sina dianne c, celina, at robert. maganda naman ang kinalabasan. :D

ymsat day 3: ito na yata ang pinaka-boring na araw ng ymsat 08. wala akong ginawa kundi maglibot nang ilang beses sa pisay, magstay sa lib, kumain, at manood sa bio film showing since ibang schools ang bida para sa araw na ito. :| kahit siguro 2 na ako pumasok, wala akong namiss. di kami kasama sa str1 finals. buti na lang...di na klangang magcram ng oral presentation. whew!

ymsat day 4: masarap sanang pumasok nang 9:30 pero well...that's life. that's YMSAT LIFE. walang klangang gawin. mas gusto ko pang packed ang araw ko...nagtatatakbo sa kungsaan-saan. hinintay ko na lang ang pagbubukas ng lib at nagpaka-str nerdo. nyahaha. nag-research lang ako ng mga bagay-bagay para sa isef forms. tapos nung 9:30 na, pumunta ako sa 4th floor audi para sa math intersection pero late nagsimula. meron nga palang thea merchandise. hehehe. go thea! tuwang-tuwa ang ibang tao sa thea merchandise. hehe. ako rin nga eh. tapos, nagkainitan pa sina ram at ej. hehe. grabe. wala na akong masabi. late natapos ang math intersection. nag-isef research na naman ako sa lib hanggang sa pagsisimula ng str1 finals. hehe. buti na lang talaga di kami kasama. nakakatakot ung mga tanong ng judges. di ko maisip na nandun kami sa taas ng stage na un. pagkatapos ng oral defense ng finalists, umalis na ako papunta sa ever. bumili ako ng purple headband, takoyaki :d scented pink pen at pink na mech pen. tsk. hindi rin ako masyadong mahilig sa pink di ba? pink na coin purse, pink na highlighter, bag, kwarto, cabinet, stuffed toys, lahat na yata ng pink meron ako! :P

ymsat day 5: last day na ng ymsat! weehee! pagtatapos ng boredom! magc-cram na naman ako! isa pa 'tong araw na 'tong matagal na naman akong pinaghintay. 10 pa nagsimula ung mismong program para sa students kaya nag-str nerdo ulit ako. bago mag-10, nagulat na lang ako nang ako na lang pala ang nag-iisang estudyante sa lib. panic! pumunta agad ako sa gym. buti na lang di pa nagsisimula. nung nagsimula na, naisip ko, oo nga pala! may awarding. waaaah. itong mga katabi ko, siguradong iiwan ako. si zaldy, 3rd sa tangrams. si verna, siguradong nasa awardees ng picture relay. ako, mukhang walang pag-asa. nyaaa.. tapos, nung awarding na sa math, TENSE! EXCITEMENT! nang biglang...1st sa problem solving relay ang rb! weh? WeH? WEH?! baka nagkamali lang sila. baka naman picture relay un. pero tama nga ang pagkakarinig namin! yaaayy! so...akyat kami sa stage. 3rd ang mga picture relay ng rb kaya akyat din sila. 3rd sa tangrams kaya umakyat din sila. 1st din ang sudoku kaya umakyat din sila! buong rb na yata ang umakyat sa stage at nakakuha ng pins! yeah! go Rb! kaya nga ayaw na naming bumaba. malamang kami na ang overall. at kami nga! yaaaayy!!! bumalik na kami sa aming mga kinauupuan at nakinig pa sa program. awww...di man lang kami binigyan ng award sa physics olympics. 2nd din kami sa aluminum barge ha? buti pa ang math unit. namimigay sa lahat ng nanalo :(( hehehe. tapos, pinamigay na ung class prize mula sa pagiging overall champion sa math games ng rb: hati-hati sa m&m's, kisses na almonds, at crunch! yaaaayy!!! mukhang mayamang talaga ang math unit. mukhang masarap maging mathematician...yumayaman. nyahahaha! sarado ang lib from 12-1. awww... kaya dun na lang ako sa book fair...nagbasa ng captain underpants. hehe. bumili rin ako ng libro...the middle moffat. wala lang. mahilig ako sa kiddie stories...may pictures sa loob ng libro. isa pa, binasa ko ung intro saka book cover. marami nga kaming similarities. hehe. middle child, organ, at marami pang iba. hindi pinakamatanda pero di rin bunso...nung 1 na, pumunta ako sa bio room/homeroom para sa cleanup pero mukhang care na ang maglilinis dun kaya umalis na rin ako. nagstay na lang ako sa front lob at nagbasa ng libro hanggang 2. dumating pa nga sina ram, ysy at jo at nagkwentuhan, nagkulitan tungkol sa issues nung 2nd year [mga cronies or allies and stuff...]. maya-maya'y umalis rin naman. nung 2 na, sumilip ako sa bio room at nakita kong nagm-meeting ang care. tapos, naglakad na ako papunta sa likod ng grandstand. pagdating ng facilitators na halos lahat ay rb [dianne c&a, verna, cel, manuel, uhhh...and many more?] + na-er [arn-arn], nagsimula na ang paglilinis. matapos ang mga 45 mins ng pagpupulot ng basura, umalis na ako at naghintay hanggang 3 para iwan ang pisay. pagdating dito sa bahay, pichi pichi pitch marathon! hhehehehe!

saturday: maagang gumising--si liz. kasi shs fair...may field demo sila. maaga niya rin kaming ginising ni ate joanne. "NANGANAK NA SI KITTY!" sa unang pagkarinig ko, akala ko, "nanganak na si katie." eh?! si katie? as in ung sa mirmo? nyahaha. pero na-gets ko naman. bumaba na ako at nakita ko nga ang dalawang kittens. tapos, nagpiano ako. para magising na rin. piano concerto! :D kumain kami ni ate joanne ng pandesal. dumating sina mami at dadi mula sa palengke at umalis si liz. tapos, naghanda para sa pagpunta sa fair nina liz. pagdating namin sa shs, grade 5 na ang sumasayaw! sina liz na agad! so, nag-video na si ate joanne. tapos, pinuntahan namin si liz. nag-present ang lahat ng elem at hinanap ulit namin si liz. wala lang. libut-libot sa mga booths. naghanapan kami nina mami, dadi, ate joanne, at liz. nang himalang nagkita na kami, sumakay kaming lahat except si mami sa octopus. grabe! ansaya! parang matatanggal na ang ulo sa lakas ng pagiiba-iba ng gravitational at centripetal force! [nyaaa. nerdo!] nag-milo shake ako at nagmerienda kami ng pizza. :d tapos, iniwan na namin si liz. pauwi sa bahay, sabi ni mami, sa bakasyon na lang ako magb-braces para walang conflict sa 3rd year life. so...false alarm ung last week! hehe. tapos, sabi ni rin ni mami, magpapa-xray na ako ng ngipin sa robinsons. nung tanghali na, sabi ni mami, aalis kami ng 2 pm kasi pupunta kami sa dentista, ha?! false false alarm...magb-braces na nga ako?! nanood lang kami ni ate joanne ng pichi pichi pitch hanggang mga 2:30 kasi late kaming umalis ni mami. nag-merienda pa ako at 3 kami umalis. hinatid ni dadi papunta sa overpass sa ever tapos nag-jeep papunta sa mrt at nag-"fx" papunta sa robinsons. nagpa-xray ako sa zen dental spa. ang cool pala magpa-xray ng ngipin. may kakagatin tapos may umiikut-ikot pang something. hehe. pagkatapos makuha ang xray film, bumili kami ng bicho bicho. :d tapos, sumakay sa bus at jeep papunta sa dentista. pagdating dun, matagal pa kaming naghintay. nagbasa na lang ako ng the middle moffat. tapos, ako na! sabi ni dra. eba, bubungiin niya lang ang 2 smallest upper molars ko. waaaah. pero buti nga 2 lang. si ate joanne, 5. belat. so...false false false alarm. di pa ako magb-braces. next week pa yata. tapos, kinausap naman ako. sabi, kapag naka-braces na ako, mas maganda talaga ako compared sa mga ate ko. teehee. flattered. so...una muna, nilinis ang ngipin. tapos, nagmold na. nyahaha. sa simula, parang kumagat ng malambot na clay. pero after a few minutes, naku! ang hirap tanggalin. naisip ko pa nun, hindi pa kaya ako mabubungi sa lagay na un? tapos may cotton na nakaka-numb ng lips. tapos...ung syringe na! hala! may phobia ako sa syringes! anlaki pa nung gagamitin! dugsh dugsh! nung tinuturukan na ako, inisip ko na lang, sandali lang 'to...kaya ko 'to! halos naiyak na ako. andaming tinuturok papasok sa gums ko. pero mas ok na un kaysa maramdaman ang sakit ng pagbunot ng molars. nung binubunot na ang ngipin ko na matagal ko nang di nararanasan, grabe! parang pliers ang ginamit! halos hinihila na ang ulo ko at tinitwist ang ngipin ko! napapapikit na lang ako. ayokong isipin kung ano ang nangyayari sa loob ng bibig ko. nang biglang poof! nakapatong sa dila ko ang isang ngipin. kinuha na ng dentista at next tooth naman. hila! hila! poof! isa pang ngipin. tapos, pina-rinse na ako ng bibig. alam ko na kung ano ang makikita ko: blood! kaya ayokong tingnan ang lumalabas sa bibig ko. pero di naman yata mapipigilan un di ba? tapos, nilagyan na ng cottons ang mga spots na bagong bungi, nagbayad si mami, at umalis na kami. sumakay ulit sa jeep papunta sa boni at naghiwalay na kami ni mami sa mrt station. nag-mrt ako papunta sa quezon ave. tapos, pagdating sa sakayan ng jeep at fx, masyadong mahaba ang pila para sa fx kaya naisipan kong mag-jeep na lang. pero, di ko masasabi kung saan ako bababa kung puno ang bibig ko. [stuff happened. ang masasabi ko lang, nagmukha siguro akong bampira.] nagbayad na ako at sumakay sa jeep papuntang philcoa. pagbaba sa philcoa, dumaan ako sa chowking at nagmumog hanggang bumuti ang pakiramdam ko. tapos, nagjeep pauwi. mahirap kumain nang bagong bungi. nyaa...lalo nga akong mangangayayat. oh well...masarap namang uminom ng buko shake para tumigil ang pagdurugo. pero mahirap pa rin kumain. waaah.

ngayon: nothing special. nanood lang ako ng pichi pichi pitch halos buong araw dahil tinamad akong gumawa ng str. nag-blog din ng ilang oras...kumain ng puto bumbong [kahit matagal-tagal na ring natapos ang simbang gabi] at doughnut. ewan. klangan ko pa bang magcram? tapos ko na naman ang physics homework. hehe. bukas na lang ang str. :)


2:24 PM

Sunday, January 20, 2008

hell-like week [pre-ymsat: jan. 12-18] ... cont'd


hala...na-postpone na naman ang aking blogging. eniweiz...sana naman matapos ko 'to ngaun. :|

"...wala naman yata si ate michelle at di naman kasya sa revo ang organ ni tita lenette kaya umalis kami nang walang progress..."


so...from previous post 'yan. hehehe. jan. 13, 2007, saturday. continuation:

matagal-tagal din ang silence sa revo. maya-maya'y nakarating na pala kami sa bahay ng mga doquenia. pagkagilid ng sasakyan, bumaba na kaming mga aattend ng party. sinalubong ng mga batang para bang welcoming committee. wow. pagpasok naming lahat, hindi pa naman kami gaanong late. wala pa naman yatang program nun kaya sinakop na lang muna namin ang dalawang table sa ilalim ng tents. nandun na sina tita au, alaya, ria, ate bea f., ra, at ar. cyempre nandun din sina ate rasz at ang mga kamag-anak. matapos ang konting chika-chika, lumabas na ang debutante. yaay! tapos, pumila na kami para sa...PAGKAIN!!! san pa ba? :p andaming pagkain pero konti lang ang nakuha ko...awwww...nakakahiya naman kasi kung sobrang magtatakaw ako dun. nyahaha. kumain na ako sa table kasama ng mga KIDS. yeah. ibig sabihin, mga high school. ehem. ate joanne. jowk lang! kasama rin namin sa table sina tita len at tita au. masaya kumain. subo lang ng subo. sa sobrang dilim ng paligid, di na namin nakita kung anuman ang sinusuksok namin sa bibig. hehe. cyempre, di mawawala ang picture-picture habang kumakain. :D habang kumakain, nagpakita rin ng mga mini-videos ng mga kakulitan nina ate rasziel at elayne. hehe. pagkatapos kumain, cyempre may dessert...icecream!!! yeah. kahit inuubo at sinisipon na ako nun, di maiiwasan ang pag-enjoy ng icecream. wahaha. parang di kakanta later. tapos, may presentations din ang mga pinsan ni ate rasziel, video ni elayne, presentation ng upis batchmates, at kunganu-ano pa. tapos, 18 dances, [go walter! beep beep...ahhh...beep beep! :p ], kumanta na ang cherubs. wala nang diary of dickinson...awwww...wala kasing organ. wala rin si ate michelle. :( so...seasons of love at breakaway na lang. naku! siguro nakakatawa ang itsura ko habang kumakanta dun. mukhang inaantok na nagpipilit mag-smile. nyahaha. sinisipon nga kasi... cyempre, meron ding 18 wishes at 18 gifts. di ako kasama sa dalawang 'yan. si ate joanne, sa 18 wishes. di ko narinig kung ano ung wish niya. nakapila kasi ako ulit sa icecream nun eh. :p si ate kitel naman, sa 18 gifts. nagregalo ng green na basurahan...hehehe. tapos, dumating na sina mami at dadi. umalis na kaming tatlo matapos ang happy birthday song. kami ni ate joanne na nagno-nosebleed pa nun, bumaba sa tapat ng capitol medical center, tumawid sa overpass, at sumakay na lang sa fx kasi sina mami, dadi, at ate kitel, pupunta pa sa condo... nakaka-guilty ang pagsakay namin ni ate joanne sa fx. pinigil pa ng pulis ung fx driver. siguro dahil sumakay kami sa maling sakayan. waaaahh...guilty guilty. :| pasensya na po manong driver. bumaba kami sa tapat ng meralco at naglakad papunta dito sa bahay. nag-doorbell, pumasok sa bahay, nagbihis, at sinagutan ang chem probset hanggang makatulog.

jan. 14: cyempre maagang gumising. kailangang icram ang chem probset. natapos ko naman cya pero di masyadong sigurado sa mga sagot. palibhasa di ko masyadong inaabsorb ang mga turo ni sir tayco. nang araw na iyon, ansama talaga ng pakiramdam ko. pero kailangang pumasok. mahirap nang maka-miss ng requirements. pagkatapos ng flag cem, physics na naman. pinasa ang physics homework. nagdiscuss din si sir lim tungkol sa biglaang physics olympics. egg drop ang na-assign sa rb. ka-group ko sina dianne a, zaldy at verna. naku! pinapili pa ako kung anong group ang gusto kong salihan. kung group nina verna o group nina criselle, dianne c, at celina. mahirap pumili. pero tingin ko, mas di ako op sa group nina verna. :D eniweiz, wala lang...discuss discuss within the group. sponge sponge and stuff stuff...pagkatapos ng physics, since wala na kaming morning break, chem na. pinasa ang chem probset at discuss discuss. math...ewan. pinoy, as usual, dula. homeroom...pinagawa lang kami ni maam docto ng stuff for junk art gamit ang mga juice cartons niya. ang kulit nina je nun. natanong kasi ni zaldy kung bakit ako malungkot at kung may sakit ba ako. sabi ni je, nilalagnat ako. baka masunog ang buhok ko. ngek. ayoko namang pumunta sa clinic. ayoko ngang maka-miss ng requirements. isa pa, hanggang 2:30 lang naman ang klase namin. makakapaghintay naman ako. matapos ang lunch, nanood kami ng fahrenheit 9/11 sa eng at natutong mag-whistle sa pe. hehehe. pagkatapos ng pagkagat sa whistle at paghipan, pumunta na kaming mga bio team a sa tabi ng caf. nag-practice kami ng mga sayaw at nagplano na rin para sa video sa bio...tapos umuwi na. ginawa ko na ung revised str proposal sa tulong ni zaldy at nag-ayos na rin ng mga gamit para sa "shooting" ng aming bio video para sa susunod na araw.

jan. 15: normal day. matapos ang lahat ng klase, nag-discuss ang aking chem group para sa chem portfolio. tinawagan nina jio at gero ang uppc. naku! pinapunta ba naman kami sa mismong plant nila sa bulacan para malaman ang chemical processes in making paper x| sayang ang coins para sa pagtawag sa plant nila sa bulacan gamit ang pisay payphone. :| tapos, nag-practice na para sa bio video, nagbihis at nagshooting sa gilid ng oval. grabe...mukha kaming ewan nun. nyahahaha...nagsasayaw sa harap ng maraming tao. may mga taga-ibang sections nang nanood...nag-imbita pa. naku...dem...pinalayas ka na nga ni john...tsk tsk. :p tuesday nga kaya may cherubs. pagdating sa palma hall room, nagpiano lang kami ni liz habang nagpu-pusoy dos ang maagang dumating. namigay na rin ako ng mentos sa kanila. hehehe. nung nagsidatingan na ang mga tao, nagsimula na ang kantahan. nakakainis ang mga pathogens na dumapo sa aking katawan. mukhang di kinakaya ng aking immune system. [nyak. nerdong bata.] habang kumakanta, napapa-ubo ako. grrrrr...may card kami para kay elayne nun. bday kasi niya. so..nag-sign ako. duh. tapos, nag-design pa ako ng wrapper ng librong regalo namin nina joanne, ate joanne, tintin at kuya carl kay ate rasziel. at ang wrapper na un na pinaghirapan kong drowingan, pinunit lang! waaaahhh... ok lang ate rasziel. belated hapi bday... :'| binigyan nga pala kami ng loot bags na may candies at juice at cupcakes. yehey! [isip bata...] nang gabing iyon, ginawa ko na ang company background ng uppc para sa aming chem portfolio. nakatulugan ko na nga dito sa computer. pasensya na jio kung late kong nasend. waaaah...naghanap na rin ako ng materials para sa egg drop: tira-tirang bubble wrap at isang sponge. kumuha na rin ako ng mga itlog just in case...

jan. 16: pagdating sa pisay, sinimulan na namin nina dianne, verna at zaldy ang paggawa ng egg drop container. grabe...balut na balot ang itlog. hehehe. itlog na binalot ng bubble wrap na pinagdikit-dikit gamit ang masking tape na sinuksok sa corrugated cardboard roll na tadtad ng sponges sa loob na may bubble wrap pa. hehehe. may flaps din ung cardboard para mas soft ang landing. lumabas kami papunta sa back lob habang ang mga magbabagsak ng egg drop containers ay pumunta sa "5th floor" [rooftop ng shb] kasama si sir lim. cyempre, picture-picture... nung 10 mins na lang, saka lang nagsimula ang bagsakan. di na namin nalaman ang mismong resulta nung araw na yun. late na nga kami sa chem nung natapos ung egg drop. tsk tsk. may quiz pa naman. nakakainis ung chem quiz. naku! ung difficulty pa nun, *1.5 ng difficulty ng long test. waaah...bababa na naman ba ako sa chem? noooo... nung hapon na...3:20, nag-shooting ulit ang team a para sa bio. ang kulit ng sliding filament model namin. nyahahaha! GUMAGAPANG!!! hehehe...abangan sa ymsat week...
umuwi na agad ako nag-commute ako papunta sa philcoa para mag-takeout ng congee sa chowking [tsk tsk. di na nasusunod ang only new year's resolution: P150 or less per week for food. nagiging P200 na yata ang maximum]. yeah! celebration sa aking math grade! na-retain ko ang 1.75 kahit bagsak ako sa perio! yaaayy!!! saka lang umuwi.

jan. 17: hala! chem lt. tama nga siguro ang strategy ko. inuna ko ung ibang parts at last ang part 2: identification. hay naku. nakakainis talaga ung part na un. X| eniweiz,
since sabi ni sir jogon, wala na munang pinoy, tinawagan namin nina verna, jer, dianne a, at zaldy ang ust sa boys dorm. pero wala pa ring h. pylori o kaya s. pyogenes. waaaahh. pagdating dito sa bahay, tinawagan ko ang iba't ibang contacts para magtanong kung meron silang h. pylori and/or s. pyogenes. naku! pa-english english pa ako nun. may script pa nga ako eh. nyahahah! pagkatapos tawagan ang nsri lab, tama ang desisyon kong tawagan ang capitol medical center microbiology division. meron daw silang h. pylori...pero walang s. pyogenes. nagtatatalon ako sa tuwa. nakalimutan ko naman palang itanong kung paano makakakuha. tumawag ako ulit pero di ko naintindihan. oh well...basta may probable source na. :D gumawa ako ng junk art thing. wala lang...nakahanap ako ng mga scotch tape rolls at ginawa kong containers. :D saka lang ako nagsimulang gumawa ng eng essay at tinulugan ko na naman ang computer. [bakit lagi akong nakakatulog? kasi naman, umiinom ng neozep w/ drowse. :p ]

jan. 18: maaga akong gumising para ituloy ang eng essay tungkol sa fahrenheit 9/11. haaaayyy...kung kelan 1-page essay lang ang dapat gawin, dun ako maraming gustong ilagay. waaah. nag-review na rin ako para sa math quiz. hehehe. tungkol sa sequences...ung ni-research namin nung wednesday. ang ganda nga ng source ko eh...lumang math filler ni ate joanne. :p kaso nga lang ang hirap nung mismong quiz. waaah. eniweiz, halos wala naman kaming klase. puro walang teachers o kaya di aware na shortened periods. ang cute ng chem poster namin. nr naman si sir tayco. ung str poster naman, good sabi ni maam crisologo. nung str nga pala, pinakita sa amin ni maam ung card grades namin! yaaaayyy!!! mukhang magd-dl ako para sa 3rd quarter! 3rd quarter is my lucky quarter! :D lahat yata ng grades ko tumaas o kaya retain except comsci [waaaahh...no more comsci uno... :( ] pero at least dl. sana talaga maging dl na ulit ako kasi di na ulit ako nag-dl since 1st year 3rd quarter... :) :) :) pagkatapos ng str [2:10], nag-setup na ng str posters. pagkatapos nun, dumiretso kami nina timmy, jio, at dianne a sa library para gawin ang chem interactive blah. grabe. akala ko pa naman maaga akong makakauwi since shortened periods nga. hanggang 4:30 ba naman naming ginawa ung sa chem na un. nakakahilo mag-debug ng html at css. waaaahh...nakakainis pa dahil ayaw gumana ng scores sa quiz ng aming uppc html. ayaw ring mag-apply ng css formatting sa iframes. [naku...nagpapaka-nerdo sa comsci. apektado sa nawalang uno.] pagdating dito sa bahay, wala na...pichi pichi pitch kaadikan. mga bi sina liz at ate joanne. grrrr... mukhang may bagong anime na naman ako sa aking listahan...

~~~~~~~~~~~~~~~~

jan. 19: namalengke sina dadi at mami kaya nanood kami nina liz at ate joanne ng pichi pichi pitch. naku! adik talaga. pagkatapos kumain ng agahan, nanood pa kami ng everyone's hero. tapos, sabi ni mami, pupunta kami sa dentist sa hapon. bakit? magpapa-pasta [yata] sila ni ate joanne at MAGB-BRACES NA AKO! huwaaaat?! kaya naghanda na ako...last pics without braces. pero di ko pa ipopost...tinuloy lang namin ang panonood ng pichi pichi pitch at nung 3:30 na, umalis at nagcommute papunta sa dentist. matagal kaming naghintay kasi may pinuntahan pa ung dentista kaya nanood na lang muna kami ng tv. pagdating niya, si ate joanne muna, tapos si mami. tapos ako na...PERO di pa naman ako nilagyan ng braces. nag-usap muna sina mami at dr. eba. something about magpapa-xray muna ako ng ngipin sa robinsons and stuff para malaman kung anong ngipin ang bubunutin. BUBUNUTIN?! noooo... my poor teeth. eniweiz, di pa naman ako nagpa-xray nung araw na iyon. nag-commute na lang ulit kami pauwi. phew. akala ko pa naman pag-uwi ko, naka-braces na ako. hehehe. false alarm. kaya di ko muna ipopost ung "last pics w/o braces". hehehe. pero malamang, naka-braces na ako before prom. or not. ewan.

jan. 20: haaayyy...at last! matatapos na ang long long long 2-part blog entry na ito. ilang oras na rin akong nagt-type dito...cyempre may mga activities in between tulad ng dinner, pagtatago kay mami at dadi [hehehe], pang-aagaw ni liz ng computer, and other stuff...nanood lang ulit kami kanina ng pichi pichi pitch bago pumunta sa manila para sunduin si ate kitel sa condo at para pumunta sa 35th [?] anniversary ng verbum dei sa la concordia. wala lang...may misa [nakakahiya...nakatulog pa ako...kitang-kita ng pari. nag-offering kami ni liz ng candles...] tapos kainan. andaming chicken. hehehe. ansarap ng pagkain. as usual, nakakabusog pero gusto mo pang tikman man lamang ang lahat ng putahe. binalik namin si ate kitel sa condo at saka lang natulog sa kotse pauwi. tapos eto...nag-blog na.

yaaaaaaayyy!!! at long last! natapos na rin ang lahat ng dapat kong alalahanin para maipost dito sa aking blog. ymsat week na. hala...ano kaya'ng magandang design ng aluminum barge? makatulog na nga pagkatapos mag-ayos ng gamit :p


2:44 PM

Friday, January 18, 2008

hell-like week [pre-ymsat: jan. 12-18]


aba...achievement yata 'to. ngaun lang ulit ako nakapag-blog. palibhasa heller than hell week nga itong hell-like week...

jan. 12: naglinis ng bahay kasi darating ang ibang cherubs ng 1 pm para magpractice para sa debut ni ate rasziel...matagal kaming nagkantahan ng diary of dickinson, seasons of love, at ng breakaway. may mga breaks naman...kainan, nood ng tv [kakasa ka ba sa grade 5], picture-picture, at kunganu-ano pa. masarap kumain ng macapunong dala ni ate mariel, ng goldilocks na dala rin ni ate mariel na mas gusto ni kuya carl kaysa sa smidgets ni tintin, at ng rebisco butter sandwiches namin. :D

jan. 13: pagkagising ko, sobrang sinisipon na ako. ewan ko nga ba kung bakit. nag-ayos ako ng gamit at nag-time management. 8:30 sa sunken garden para sa cancer awareness day stuff ng cherubs pagkatapos, magsisimba from 10-11 sa up chapel, at pupunta sa pisay para sa socsci project. kapag malapit nang mag-1, pupunta ako sa mcdo tabi ng ever para makipagmeet sa iba pang cherubs n magp-practice sa bahay nina ate joy, at kapag magsisimula na ang debut, aalis na kami nang sabay-sabay. ang nangyari nga, nag-impake ako ng aking kiddie outfit na sinukat ko pa nung gabi ng jan. 12 at ng mga materials para sa project-making sa socsci, nag-breakfast, nag-toothbrush at naghintay para sa mababagal kumilos. late tuloy kaming dumating sa sunken garden. buti na lang hindi pa nagsisimula ung program nung 8:30 na. nakatayo lang sila sa "stage". pumwesto na rin kami nina ate joanne at liz sa "stage" at naghintay sa pagdating ng mga cancer-survivors mula sa kanilang pagtakbo sa carless oval [?]. pambansang awit, umaga na, at bata ang bukas. halos di ko na narinig ang sarili kong boses habang kumakanta sa harap mismo ng speakers na nagpapatugtog ng plus-one. baka dahil na rin siguro sa sipon ko. matapos kumanta, pinapila kami para sa pagkain: tig-iisang bagong pag-asa ensaymada na katulad ng baon ko nung grade 3, lagi kong ibinibigay sa mga kaklase ko, at isang boteng iced tea. kumain kami habang nakaupo sa banig na inilatag sa sahig at nanood sa magic tricks ni amazing arnold. naku naman si ate joanne. pati ba naman kay amazing arnold, tinukso ako. eniweiz...masaya ung magic tricks niya...may pagka-religious. dahil dun, parang unique cya. ang cool ng microphone niya na nag-iiba ng boses ng nagsasalita. cyempre, cool din ang magic tricks niya...lalo na ung huhulaan kung anong card ung pinili galing sa isang deck tapos idodrawing at papagalawin niya. mahirap i-explain nang maayos pero cool talaga. matapos ang panonood sa magic tricks, umalis na kami nina mami, dadi, ate joanne, at liz para magsimba sa up chapel. nakita namin doon sina tintin at joanna na nauna nang umalis kaysa sa amin mula sa sunken garden at hindi na nakapanood ng magic tricks ni amazing arnold. lumipat kami ng pwesto kasi masyadong mainit sa lumang pwesto [ung malapit kina tintin]...dun sa column ng chairs na kaharap talaga ng pari. so...nagmisa nga kami. ang cute nung mga bata sa harap ng altar na nagsasayaw habang kumakanta. natandaan ko tuloy ang 1st communion ko dun din sa up chapel...naka-palibot pa kami noon sa harap ng altar. :D pagkatapos ng higit sa isang oras na misa, bumili kami ng dirty ice cream at pumunta ako sa revo para mag-lunch dahil pupunta nga ako sa pisay. pero, sabi ni dadi, dapat mabilis lang ako sa pisay para makapagpahinga naman. so...pagdating sa pisay, halos nilibot ko na ang buong shb, nasa gazeebo lang pala sina zaldy at dianne co. binigay ko lang ung materials na dala ko saka umuwi. pagdating dito sa bahay, pinrint ko ung chem probset na kailangan ko pang icram sa gabing darating. nag-ayos na rin ako ng mga gamit na dadalhin sa pisay sa susunod na araw. 1:30 na yata kami nina ate kitel at ate joanne umalis dito sa bahay. pagdating tuloy namin kina ate joy, nangulit pa si kuya gabby kung bakit kami late. hehe. pero pagdating naman namin dun, nagku-kwentuhan lang sila. tulad ng practice namin dito sa bahay, patigil-tigil din ang pagkanta. nakakainis at bahing ako nang bahing. kumain kami ng munchkins ni tintin [aww kuya carl...wala si ate mariel para mamigay ng goldilocks...] at ng junk food at softdrinks. may picture-picture din si king walter at ang kanyang mga jalalays. hehehe. ang kulit. nung mga 4:45 na, nagbihis na kami ng aming kiddie costumes. si tintin, naka-sunday dress, pigtails. ako, naka-jumper, pigtails. si ate kitel, maong na dress na ewan, inayusan ko ng buhok na mukhang palm tree [nasa tuktok ang tali]. si ate joanne, korni. tshirt at pants lang tapos pigtails. sina kuya carl at walter, naka-suspenders. sina ate cla at ate joy at ate jane at kuya gabby, kunganu-ano na ang pinagsususuot. may scarf, malalaking teddy bears na binitbit, woven hat, necktie [di naman kiddie], etc. etc. nyahaha. nakakatuwa talaga tingnan ang mga college people at college to be next year na nakasuot ng kiddie costumes :D matagal kaming naghintay. 5:45 lang dumating sina dadi para ihatid kami papunta kina ate rasziel. humabol pa sa amin si ate mela...naka-buntot si kuya carl sa revo kasi di niya alam kung saan nya papapuntahin ang kotse niya. dumaan muna kami kina tita lenette para tanungin kung pwedeng dalhin ang organ niya at kung darating si ate michelle para tugtugin ang diary of dickinson. wala naman yata si ate michelle at di naman kasya sa revo ang organ ni tita lenette kaya umalis kami nang walang progress...

[to be continued...gabing-gabi na eh. mahaba-habang istorya pa ang katuloy...]


6:47 PM

Wednesday, January 09, 2008

UP @ 100


1:40 ang uwian kahapon. buti na lang. buti na lang rin at hindi natuloy ang socsci interviewing thing namin...naglakad ako papunta sa quezon ave at sumakay sa jeep.

grabe ang traffic. sa north ave pa lang, andami nang sasakyan para sa motorcade...antagal bago nakarating sa circle ung jeep. bumaba ako sa phicoa. si ate oan kasi eh. sbi niya nasa abelardo hall daw cya kaya nag-fairview jeep ako imbis na up campus :| kaya matapos bumili ng gulaman, naglakad ako mula sa philcoa papunta sa right side ng oblation plaza. oo... NAGLAKAD MULA SA PHILCOA. ok lang naman maglakad pero sobrang init. masarap tumingin sa paligid at makakita ng iba't-ibang tao mula sa iba't-ibang branches ng up, hehe...

mga 2:15 ako dumating sa oblation plaza. mula sa mga oras na iyon hanggang mga 4:30, pinagsawaan ko na ang kantang UP Ang Galing Mo. haaayy...lss... ansaya nung cherubs. parang reunion na ito! nagsidatingan ang mga college na dating [at forever nang...] cherubs... kahit ung mga galing pa sa manila. hehe. cyempre, sa paghihintay, di mawawala ang picture taking. :D

ansaya nung parade. nandun ung mga lantern sa lantern parade. meron ding nagpresent na mga mascot ng iba pang colleges. nyahaha! ang cute ng mascot ng up... :)) ang ganda ng view namin. dun mismo kaming mga cherubs nakapuwesto sa harap ng torch. kaso nga lang andaming taong pumunta rin dun. nakulitan na nga siguro ung mga nag-oorganize kasi pabalik-balik ung mga pinapaalis nila. may confetti mula sa helicopter [pira-piraso at buu-buong confetti :)) ], balloons mula sa helicopter, at tao mula sa helicopter [wooh! sky divers! ansaya!]

nang malapit nang matapos ang parada, dumating ang ilang pulis at tumulong sa organizers na magpaalis ng mga tao sa "stage".

PULIS to other people: oi. alis muna po kau. dyan po dadaan ang performers.
PULIS to cherubs: alis muna po kau. dyan po dadaan ang performers.
CHERUBS to pulis: ahm...kami po ung performers... [pa-shy pa..]
PULIS to cherubs: ay. ganun ba? pasensya na.

hehe. cute. :)

matapos ang parada, mga 5 siguro, tumunog na ang mga tambuli...hudyat ng pagsisimula ng presentations...teehee. ang cute ng tambuli blowers. lalo na nung 2nd blow...:D

tapos, lumabas na ang cherubs at kumanta ng alleluia round song at umalis na para sa pagkanta ng manila chorale ng lupang hinirang. kami naman, sa "backstage" kumanta na rin with voicing. hehe. tapos, napansin kong nawala na pala ang 1-month old kong pamaypay. waaaaahhh...sandali oras lamang ang lumipas nang ika'y nawala sa aking paningin. ika'y lumisan na... :((

pumunta kaming lahat sa van ni tita lenette sa tabi ng nbn van. doon, nag-picnic kami. wheee...mcdo. tamang-tama't gutom na gutom na ako sa mga oras na iyon. nakita ko nga rin pala sina dominic at boss. wala lang! habang nagp-picnic sa grass, binigyan ng mcdo ang mga cameramen ng nbn [channel 4]. tingin ko, dahil doon kaya tinapat nila sa amin ang recording camera...live na live! COOL! sikat na ang cherubs dahil binigyan namin ng burger at fries ang mga cameramen! :P

maya-maya'y nagtaka na kami ni ate joanne kung nasaan nga ba ang mga bags namin. pumunta kami nina ate oan, at badong sisters sa 2nd floor ng quezon hall para kunin ang bags. pagbukas ng pintuan ng unang room, oops! wrong room! teehee. tapos, 2nd room naman. sinalubong kami ng isang babaeng nagsabing kinuha na ng ibang boys ung bags. okay...ang napala sa pag-akyat, na-wrong room... :|

pagbaba at pagbalik sa picnic area, tuloy ang kainan habang nakikinig sa program. torch bearing na. ang cool! ang 1st torch-bearer, 100 years old na up alumni...one of the oldest nga daw. at sumama pa cya sa parade ng torch bearers! ang cool talaga! tapos 2nd si alaya. wooh! cherubs yan! pero di ko cya nakitang may hawak na torch. ayon sa tsismis, nawala daw ung torch :| antagal ng program. unti-unting nagsialisan ang ibang cherubs. kami na lang nina ate oan, noreen, julia, josh, michelle, sierra, ate mariel, ate rasziel, elayne, at ysabel ang natira sa picnic area. maya-maya, umalis na rin ang doquenia sisters. umupo lang kami sa tabi ng malaking puno at nagkulitan...pasahan ng fries ni kuya gabby...picture taking, at kunganu-ano pa. tapos, lumipat kami ng venue dahil naisip naming hindi magiging maganda ang view namin ng fireworks kung dun lang kami pupwesto kaya lumipat kami sa kanto...sa gitna ng puno at lamp post...MALAPIT SA NAGTITINDA NG UMIILAW SA SAHIG :P <-- description ni ate oan sa kinaroroonan namin para mahanap kami ni dadi... habang papunta doon, nakasalubong ko si angelica at ang kanyang pamilya. ansaya naman! :D matagal-tagal din ang hintay namin. after long hours of waiting, the 99th torch bearer, michael dumlao! 6th grader from UPIS! yeah! go maki! youngest torch bearer! sikat sa tv!!! wooh! tapos, 100th torch bearer...UP president emerlinda roman. tapos ni-light na ung main torch. ang ganda! pero hindi nakuhaan ng pic. awwww...tapos, message niya at up naming mahal by up los banos choir. nagpresent din ang up pep squad. ang galing nila! nakita ko pa silang nagp-practice sa oblation plaza. cool! :D mga 7 na nun. innannounce na may concert pa bago ang fireworks. awww...malamang daw ay 10 pa matapos ang concert kaya 10 pa ang fireworks. sayang talaga! kung wala nga lang kaming pasok, nakapanood pa kami ng fireworks.

naghiwa-hiwalay na kami. kasama ko sina dadi, ate oan at michelle. cyempre picture-picture! nakasalubong ko rin si maereen. picture-picture ulit!

naglakad kami papunta sa parking lot ng abelardo hall, hinanap ang kotse, at umalis na. goodbye fireworks...awwwww....


4:41 PM

Monday, January 07, 2008

himala sa pisika! :) adelfa? read last part.


wala lang...1st monday of the year...nagiging iresponsable na ako. wah.

kaninang flag cem, narinig ko ang ibang rb...nag-uusap tungkol sa physics this and that. ako naman, walang kamalay-malay. may quiz nga pala sa physics tungkol sa ch.8-1: rotational motion! hala lagot! di ko man lang nabuklat ang physics book ko ngayong taon :|

pagkatapos ng flag cem, panic! PANIC! pagdating sa physics room, PANIC!!! [kahit di halata] naki-tsismis na lang ako sa pagrereview. andaming formula!!!! waaaah!!! at wala man lang akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nina dianne, verna, zaldy, at criselle. nyaaa. naisip kong, imememorize ko na rin lang ang mga pinagsasasabi nila at ia-apply na lang kung saan man pwedeng maiapply. sa isip ko, siguradong babagsak na ako sa nakaabang na quiz. kaya naman, nagdasal ako..."Lord, sana wala po si sir lim ngayon...kahit makalimutan niya lang ang quiz, ok na." how nice. pero ganyan talaga ang dasal ko nang mga oras na iyon. desperado na ngang talaga. na-praning na nga ako. sa bawat tunog na ginagawa ng pinto ng physics unit, napapalingon ako sa pintuan ng physics room, handang makita ang pagpasok ni sir lim. matapos ang ilang ulit ng pangyayaring ito, nangyari nga ang inaasahan ko...pero imbis na si sir lim ang pumasok sa physics room, si sir reggie [tama ba spelling? basta ung lab techinician ng physics unit...] ang dumating. gumaan ang pakiramdam ko. alam kong sa pagpasok niya, ipapaalam niya sa amin na kung hindi mal-late si sir lim, absent siya. maya-maya lang, innannounce niya, "absent si sir lim ngayon. sorry ngayon ko lang nabasa ung text niya." tapos isinulat ang "read chapter 8" sa blackboard. aba naman! himala yata ito.! pinagbigyan ako ni Lord...SALAMAT PO!!! MARAMING MARAMING SALAMAT!!!

matapos ang physics, hindi na break. chem na. ang aming 1st chem with sir tayco. naglakad ang rb papunta sa astb pero sa chem room naman pala kami. nyek. sayang ang gold [time is gold si ba?] at ang energy. pagdating sa chem room matapos "palayasin" ni sir ang li, simula na ang intro. about organic chem. pinag-usapan ang hybridization and stuff. eh kami naman, walang kaalam-alam. pinag-aralan nga nung 1st quarter...kay maam marla. sabi naman ni sir, "oh. that's why." tsk tsk. >:| dahil wala kaming maisagot sa mga katanungan niya, dinismiss niya na lang muna kami. magbasa raw muna kami tungkol sa hybridization. haaaaay...back to beginning...

nung math, binigay na ang perio results. di na ako nasurpresa. alam ko na ang mangyayari. :'( halata naman sa reaction ko... OO. BAGSAK AKO. how nice. pero inexpect ko naman ito eh. sa bagay, di naman ako masyadong nakapagreview dahil sa pag-aayos ng regalo ng mga rb... kahit siguro i-adjust ni maam de joya ung scores namin, di pa rin ako papasa. ganun kababa ang score ko :(( pero well...makakabawi naman siguro ako dahil sa quizzes, homework, at long tests ko. matataas naman ung scores ko dun eh. sana ma-retain ko pa rin ang 1.75.

walang pinoy. nag-review lang ako ng mog. un lang.

nung homeroom, nag-charades kami tungkol sa code of conduct. it's kinda fun pero di lahat nagparticipate. busy sa pagc-cram ng pagbabasa ng mog. at least panalo kami! go TEAM A!!!

nagbasa ulit ako ng mog matapos kumain ng lunch. halos nalimutan ko na nga ang istorya kasi antagal ko nang natapos ung buong libro :|

eng. ok naman ung test sa mog. [some portions. NO LEAKAGE! :) ]

imbis na chem ang sunod sa eng, since na-move nga ang chem, break dapat. pero na-move din ang pe para 2:30 ang uwian namin. so...pe. parang replay lang nung meeting nung thursday. alam ko na kung ano ang sasabihin niya. teehee. wala lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

ADELFA!!!

grabe. dumarami na ngang talaga ang natatagpuan ko dito sa bahay. may nakita pa si mommy na baby powder at naiwan din ni sam ang 'devil wears prada' dvd niya. haaaaayyy... oi mga adelfa...claim nio naman... crowded na ang locker ko. penshoppe paper bag w/ umbrella, flowery bath towel, baby powder... :|


4:52 PM

Sunday, January 06, 2008

adelfa reunion and post-adelfa reunion


last year pa "pinagplanuhan" ang adelfa reunion pero ngaun lang naganap. all because of internet. thank God for internet. eniweiz, narito na ang mga pangyayari :D

mga before 5, nagmeet ang mga adelfa sa back lob...kung sino ang sasakay sa kung saan mang sasakyan, blah blah. ung mga sumabay sa school bus, sina onats, manuel, arnold, ska uhmmm...iba pang adelfa boys. anlabo nga eh. may inassign na sa akin si timmy tapos iba na pala ang sasakay sa van namin. wooshoo...meet the parents daw?! hehe. funny. :| cyempre hatid-hatid muna ng mga ka-school bus saka lang nakarating dito sa bahay. sa kanto ng courage st., naroon ang iba pang adelfa boys. sumama na rin sila sa amin sa pagpasok dito sa bahay.

pagpasok dito sa bahay, maraming reaction...mga "wow. mansyon" or something like that. weh. di naman...ang mansyon, ung bahay ni quintin. hehe :p dahil wala pa masyadong dumarating, walang magawa ang mga tao. nagbihis na muna ako tapos maya-maya, pagdating ni dadi, nag-magic sing na lang sila. kunganu-anong kanta ba naman ang pinagkakakanta. nyahahaha! ako naman, nakatunganga lang...tawang-tawa deep inside :D

maya-maya, dumating na ang iba pang girls. dumating na rin ang mga pagkain...isang malaking bucket ng kfc chicken at ewan ko kung kelan dumating ung yellow cab. tuloy pa rin ang pagk-karaoke. ansaya naman. halos lahat ng adelfa 09, nakarating: manuel, kevin, nikolai, sam, john, jombo, prince, paolo, kenneth, [wala si aldric] arnold, [wala rin si jerous] julius [wala si francis], runer, wapi, siosy, ram, ysy, patti, [wala si criselle] jo, [wala si bea], ako [cyempre], guia, rej, at baj. so, 5 lang ang wala. cool.

sa kalagitnaan ng walang-sawang 'king and queen of hearts' ni nikolai, napakanta rin ako nina guia at rej ng 'bakit ngayon ka lang'. teehee. dire-diretso ang taas ng score...sa dulo, 90 na ang score ko. yaay! tie kami ni julius sa top scorer! :P habang nagkakaraoke, nagstay sa kwarto namin ni liz ung iba at ung iba pa, naglaro ng twister o kaya ng cards. tapos, dinner! nagdasal muna kaming lahat [sabi ni mami, para kaming nag-prayer meeting. hehe] saka lang kumain. kahit konti lang ang pagkain, nakakabusog cya. :D matapos ang dinner, tuloy ang karaoke hanggang halos 11 yata. onga pala! mga 9, dumating si sir segs, dala ang 2 buckets ng kfc...hehehe. nakipagkwentuhan na lang muna siya habang humahabol sa pagkain. nung 11 na nga, nanood na kami ng dvd: 1408. grabe talaga. thriller. di naman ako napasigaw. nakakagulat nga lang. gory. wah. past 12 na nung natapos ang movie. natapos na ang sigawan at gulatan at thrill. hehe. halos naubos na rin ang midnight snacks. pagkatapos nun, break muna. pumunta sa cr ung ibang boys. naapektuhan nga siguro ng 1408. nagpanic nang narinig ang pag-buzz ng toilet at lababo. pasensya na. ganun talaga dito sa bahay kapag gabi...nagwawala ang tubig. :p pagkatapos ng mga ganyang eksena, step up naman ang pinanood. since napanood ko na un, bored na ako. nagsimula na ang pagkaantok ko. masarap na nga ang tulog ni guia sa kwarto nina ate kitel matapos ko ibigay ang bday gift ko sa kanya :). nakatulog na nga ako habang nanonood. mga 2 na nung natapos na ung movie. tinuruan ko na lang sina jombo kung paano ioperate ang dvd player tapos natulog na rin ako. waaah. ako pa naman ang host...ako pa ang 2nd na natulog :| light lang naman ang tulog ko. nagising pa ako ng someone [di ko matandaan. half-asleep and half-awake kasi...] at kinuha ko ang pink mattress. tapos, bumalik sa tulog.

6 na ako nagising [or bumangon]. naroon na ang girls sa kwarto. nakatulog na rin silang lahat. nagising na nga rin pala ako nung dumating sina rej at baj para matulog. hehe. ang kulit. :p sayang nga lang at naubusan ng battery ang cellphone ni dadi. pipicturean ko sana ang mga natutulog. ang girls, mukhang sardinas na nakahilera, habang ang boys, sardinas na nagkalat. hehe. pasensya na kung nagsiksikan kayo. waah. pinapunta ko naman ang ibang boys sa kwarto namin ni liz para dun matulog eh [actually si nikolai lang, pero sabi ni liz, may iba pang natulog dun so i suppose sinabi niya sa ibang boys...]. dun lang ako sa kwarto at nagbasa ng mog hanggang sa paggising ng mga magluluto ng breakfast. pagbangon nina patti at guia, tinulungan ko na sila sa paghanda ng mga gamit. bumangon na rin si jo para tumulong. habang tumatagal, dumami ang tumulong sa paghanda ng pagkaing omelette, scrambled eggs, at kunganu-ano pang lutong itlog at hotdog. nagluto pa yata ng bacon pero di ko naabutan. naligo na kasi ako kasi pupunta kami nina ate joanne at ate kitel sa simbahan sa pag-asa dahil sa request ni tito sonny. pagkakain, nagpaalam na ako at iniwan ang mga nagb-breakfast.

sa kotse, nagpractice kami nina ate joanne at ate kitel ng dalangin sa pasko saka ng umaga na. dapat nga kasama namin si liz kung wala nga lang siyang saturday classes. pagdating sa simbahan, nag-talk kaming tatlo sa mga church choir members tungkol sa kung paano kami nagt-time management between choir, school, and other stuff, at iba pang mga bagay-bagay. ang tagline ko nga nung nagk-kwento ako tungkol sa mga summer camps ng cherubs, "kung kaya namin, kaya nio rin." hehehe. naubusan lang talaga ako ng pwedeng sabihin. :p tapos, kumanta na kami ng impromptu songs at nagpaalam. pumunta naman kami kina tita rose para isauli ang hiram na magic sing kasama ni tita lu. napatagal nga kami dun eh. nanood pa kami ng david blaine street magic sa youtube kasama ni joenards, kumain ng macaroni salad, at cyempre, di mawawala ang pagkanta. naku! may plano pa nga yata sa paggawa ng sariling banda ang mga matanguihan. sina kuya jolo at kuya dj sa drums at electric guitar habang kaming magkakapatid sa vocals :| pag-alis namin, konting kwentuhan muna sa kotse at bumawi na ng tulog. pagdating dito sa bahay, nandito pa rin sina ram, jo, rej, at uhmmmm...baj? nagkwentuhan lang sila sa kwarto nina ate kitel at nang dumating ang sundo ni jo, nagpaalam na sila at umalis. dito nagsimula ang maraming feedback mula sa pamilya.

sabi ni mommy, ung prayer meeting thing nga. tapos ambabait daw. yes naman...tapos si ate kitel, nagulat daw nung nagtilian ang mga nasa kwarto paglabas nia sa cr. akala daw kasi nila, walang tao dun sa cr. tsk tsk. epekto ng 1408... si ate joanne naman, tuwang-tuwa sa panunukso sa akin :| si dadi, ewan ko. hehehe.

andaming nakaiwan ng gamit. sa pag-alis nga nina ram, binigay sa akin ang naiwang sweater ni timmy since kaklase ko naman cya. maya-maya, habang kumakain ng halos isang bucket ng chicken na dala ni sir segs at sangkatutak na tirang fried rice, napansin ang naiwang paper bag at payong sa kitchen. tapos, may nakita pang red and black cube ewan at bath towel. sabi nga ni ate joanne, baka sa monday, meron na akong dalang maleta ng mga naiwang gamit dito sa bahay. wag naman sana :| bukod sa iniwang chicken bucket, meron pang midnight snacks: dalawang e-aji at isang clover chips. pasensya na sa mga may-ari ng tatlong ito. kinain na ng matakaw kong kapatid [sino pa ba? edi si ate kitel! :p] matapos ang pananghalian, nagcomputer ng konti [nanood ng coffee prince ep. 2-3], bumaba papunta sa sala nung 2 pm na, at bumawi ng tulog hanggang 6 ng gabi. yaaay! 8 hours of sleep na! pero anlabo ko talaga kapag nakakatulog ako hanggang madilim na ang kalangitan. akala ko madaling-araw na nung ginising ako ni liz para sabihing binaluktot na naman ng aming love birds ang lalagyan ng pagkain para ipaalam sa aking ubos na ang bird seed nila [cool huh? san nga kaya nila natutunan un?] dinner ng chicken bucket pa rin at nanood ng tv. puro 'best of ---' sa gma. nung mga 9 na, nanood kami ng pbb big night. andaming commercial...
nakakainis. walang sawang labanan ng gma at abscbn sa ratings ng agb nielsen and stuff. gah. mga 11 lang nagsimulang mag-announce. 4th si will, 3rd si gaby, 2nd si riza at 1st si ruben. yaay! grabe talaga. bakit 2nd si riza?! marami ngang naiinis sa kanya eh. :| hehe. 11:30 na kami nina ate kitel at ate joanne natulog. contented na sa resulta ng pbb celeb edition season 2. teehee.

~~~~~~~~

grabe. distracted talaga ako. di na nga ako masyadong nakapagbasa ng mog kahapon, nagb-blog pa ako ngayon. hehe. andami pa namang klangang gawin. str. pinoy, eng, health review, socsci. waaah...


10:17 AM

Thursday, January 03, 2008

boredom. impatience. rubics cube. bird's eye view. the 1st day of classes.


1st day of classes na naman. mag-aabang na naman ako para sa bakasyon. gigising na naman ng at least 5 am. magc-cram na naman. no more weekday tv. no more everyday blogging and internet. awww...

5 am 5:15 am ako nagising. hay naku. si liz kasi eh. pinatay ba naman ang alarm ng cellphone ko at di ba naman ako ginising? pagbangon ay naligo na ako at nag-ayos ng gamit para sa muling pagpasok sa pisay, nagshoe-shine. dahil nga walang kailangang icram para sa 1st day, maaga kong natapos ang pagkain ng agahan. nakapanood pa ako ng spongebob at nakatugtog pa ng white houses at konting flight of the bumblebee sa piano. tapos dumating na si dadi.

pagdating sa pisay, dinala ko na ang bag ko sa adelfa room [wheee...adelfa!] nag-ayos ng buhok sa cr, bumalik sa room, medyo nagbasa ng mog, at nang nagbell na, pumunta na sa may flagpole area para sa flag cem. matapos ang flag cem, socsci na. actually, hindi pa talaga socsci. parang ambagal ng takbo ng oras. ang agang natapos ng flag cem kaya antagal naming naghintay para sa pagdating ni maam bawagan.hindi pa agad dumating si maam. ibang teacher ung dumating [nakalimutan ko na naman ung pangalan. waaah] at dinisplay niya ang score sheet...naghintay pa rin sa pagdating ni maam. nang dumating na siya, blah blah blah. tinginan sa grades, checking ng objective part ng perio. masaya naman... 5 mistakes ako sa objective pero 5 points naman sa essay. 50 points na ako. yaaay!

katakut-takot ang pinoy. ipapaperform ba naman kami ng dula?! waaah...grabe na 'to. tapos sino'ng ka-partner ko sa dayalogo? si ej. well...mas maganda naman un kaysa sa iba dyan >:)

nung physics, pinakita ang perio score at binigay ang lt results. pasado naman ako. yaay! eh sa math kaya? waaah. tapos as usual, mechanical universe. wala akong maintindihan sa sinasabi nung guy. parang blah blah blah blah. sana may maglagay ng subtitles dun. wah.

bio. pinapili kami ni maam docto: discussion ng perio o bird's eye view ng quarter + xmas break happenings sa kanyang buhay. since wala pa namang perio results, bird's eye view na lang. mahirap makinig. ambagal nga ng oras. parang ansarap kung...POOF! tapos na ang bio. haaaaaayy...

break. dun lang ako sa library. di na naman naglunch kasi walang spoon and fork. nyaa. nagdesign lang ako ng stair-climbing robot at nagnotes sa mog. naghanap na rin ako ng dula para sa pinoy at nagpaxerox. that's it! i love breaks because they're...uhm...nice :)

robo. antagal naming naghintay sa room in front of robo room. nanood na lang sa nags-solve ng 2 x 2 x 2 na rubics cube, nagchikahan, o kaya tumunganga ang mga robo people. may urgent announcement kasi si maam xavier. gumagawa ng documentary ang singaporean people tungkol sa science high schools. and they will take shots from us, robo people in action. wow. pero waaah. grabe. pressured tuloy kami na makagawa ng maayus-ayos na robots. rawr you stair climbing bot! :|

comsci. naghintay lang kami sa labas ng room hanggang 1 pm para sa walkout. pagka-walkout, pumunta ako sa library para magbasa pa rin ng mog. walang chem kaya dire-diretso ang break hanggang 2:30. panirang pe. pero mas maganda naman yata un kaysa sa walang matinong nagagawa.

pe. volleyball and sports management. parang...uhmmm...wth? mga pito-pito daw. ngek. basta. bird's eye view na naman. toink. yan na siguro ang words for the day. :|

matapos ang pe, bumalik na naman ako sa lib at nagbasa ng mog habang nagt-type ng notes sa computer. nung 4:05 na, bumaba na ako papunta sa caf para sa emergency meeting ng adelfa tungkol sa adelfa reunion dito sa bahay bukas. tapos, libut-libot hanggang dumating si dadi. sa school bus, bday yata ni jana. nagbigay siya sa amin ng donuts. yaay! wala lang. nakauwi dito sa bahay at nag-"lunch". tapos nagblog. tapos dinner na. probably magp-piano, medyo magcocomputer ulit, at matutulog na. what a day.


2:41 PM

Tuesday, January 01, 2008

new year and below.


sa last weekend ng bakasyon, puro paglilinis ang ginawa namin dito sa bahay. masaya namang maglinis. nakikita ang pagprogress [o hindi pagprogress] ng bawat isa. pagkagising ko pa lang, nagsimula na akong mag-ayos ng kwarto namin ni liz hanggang sa agahan na. pagkatapos mag-agahan, naglinis ulit. tapos study room naman. haaaaayy... nakakapagod. nakakabahing. fun. andaming kulitan. magaling maglinis ang outstanding cleaner na natutulog lang sa isang tabi. :P tapos after a few days, wala na. magulo na naman. :|

sunday--bday ni ate kitel. HAPPY BDAY! happy bday na rin kina zaldy at john f. at uhmmm...happy [?] rizal day! nauna na naman akong gumising nung umaga. nagresearch sa internet ng pwedeng card para kay ate kitel pero wala naman akong matinong nakita. sa pagtatanong ko ng "what to do?" kina liz at ate joanne, walang makaisip. o kaya pareho na rin sa ideya kong "OC".

sa pag-alis ni ate kitel nung hapon, ayan...brainstorming na. ang gagawin sana namin ni liz, rubics cube na OC. later, sabi ni ate joanne, gumawa na lang daw kami ng OC na libro. matapos ang pag-iisip at pagkakita ng lumang kalendaryo, ito ang napagpasyahan:

page 1: noong unang panahon, may isang babaeng nagsasabing siya ay isang...
page 2: OC
page 3: outstanding cleaner?!
page 4: baka naman over sleeping. o kaya...
page 5: O-- C--
page 6: pero kahit na ganun cya, siya pa rin ang aming...
page 7: only christel.

nyek. so, may title page pa yan...8 pages in total. hehe. sakto sa kalendaryo. ginawa na namin yan. naghanap ako at si ate joanne ng words beginning with O and C. gumupit si liz ng mga construction paper para sa background. gumupit ako ng O at C sa corrugated box. gumupit na rin ako [saka ung 2 pages, si ate joanne] ng OC sa calendar pages. grabe...nakakapagod. ansakit sa kamay. nung mga 6 pm na, sabi ni dadi, pupunta daw kami sa kfc. kaya, nagbihis na kami at dinala na rin naming tatlo [ako, liz, ate joanne] ang materials sa paggawa ng card sa revo para makagawa pa rin kahit wala sa bahay. so, dun nga sa revo, ako ay gumugupit, nagdidikit, nagsusulat, at kunganu-ano pa. si liz ang materials manager ko at si ate joanne ang moral supporter. hehehe. para bang kay bilis ng takbo ng oras. naroon na agad kami sa kfc tandang sora. pumasok na kami nina rj, liz at ate joanne at nagpunta sa 2nd floor. baka sakaling naroon na si ate kitel. pero wala pa siya nun. maya-maya, dumating na siya. may dala siyang...uhmm...basta. ung 2 metals na magkadigtong na paghihiwalayin. parang brain teaser. siyempre kinuha ko. learn from the master ika nga. napaghiwalay ko na sila at later later, napagsamang muli. maya-maya'y dumating na sina mami at dadi dala ang pagkain. masarap talaga ang mashed potatoes ng kfc. pagdating ng bucket, kainan na! pero bago yun, picture picture muna. hehehe. grabe...sarap talaga ng buhay sa kfc...masarap na [kahit ung gravy lang...], nakakabusog pa. pag-uwi sa bahay, tinuloy na namin ang paggawa ng card. pagkatapos nun, binigay na kay ate kitel, nakinig sa kanyang reactions [nyahahaha!] at nanood ng pbb. hehe.

last day of the year, ang sabi nga ni liz na minsang nawawala imbis na feb. 29, using the computer was banned. pero ung isa jan, pasaway... tsk tsk. merong kakaiba. hehe. buko pansit. weird pero ok naman ung lasa :D nung hapon na, nag-brother bear marathon kami [wooshoo...marathon daw...brother bear at brother bear 2]. maganda ang story. cute. :) matapos un, naligo na ako at nanood naman ng tv habang kumakain ng sangkatutak at walang-kamatayang ube. nag-waltz nga rin kami ni dadi eh. how unusual. mga before 6, umalis ang buong pamilya para pumunta sa st. peter at magconfess. nang hindi nakaabot, nag-misa na lang kami. sabi nga ni mami, we should end the year right...and start the new year right. matapos ang misa, pumila sa confession pero wala naman pala. kaya umuwi na lang kami. kumain kami ng hapunan at nanood ng tv. ako, tv lang hanggang mga 11. sina ate kitel at ate joanne, nagcomputer na rin. si liz, nakatulog na sa kabilang dulo ng sofa. sina mami at dadi, natulog na lang sa kwarto nila. si rj, kasama ko sa sala, nagbabasa ng libro. dahil wala nang matinong palabas nung 11 kasi puro countdown na lang, umakyat na lang ako sa study room at naghintay ng libreng computer. habang naghihintay, pumupunta rin naman ako sa kwarto nina ate kitel para manood ng napakagandang fireworks. nagd-drawing rin ako ng mojo jojo sa libro ni liz. wow. what a year-ender. mga 15 minutes na lang before 12 am [so...11:45 for short...], natapos na sa paggawa ng mga testi sa friendster si ate kitel. nakapag-computer na ako. so, naghanda na ng mga messages sa ym para saktong 12 am masesend. andaming countdown ni ate joanne. nakakalito. kainis nga eh. nung tamang countdown na, biglang na-dc ang dsl. grrrr... sayang ang pagsesend ko...inulit ko pa tuloy. pagkatapos nun, sumilip-silip sa terrace para manood sa fireworks ng kapitbahay [di kami nag-fireworks. awwww]. grabe talaga. ang ganda ng view. halos magka-stiff neck na kami sa panonood. parang sa taas talaga namin sumasabog ang fireworks. nagpost sa blog [?], nag-media noche [mmmm....chicken macaroni soup, fiesta ham with pineapple flavored honey and keso de bola sandwich, hot chocolate :d ] at nag-greet na rin sa multiply buddies :) 1 na kaming lahat nakatulog. dun kami natulog sa kwarto nina mami at dadi...naka-aircon pa. hehehe.

7 na ako nagising. at sa lagay na un, ako ang pangalawang nagising [nauna si mami...]. breakfast tapos sinimulan ko ang paghuhugas ng pinggan. to start the year right, nagsimba na kami. yaay. un lang. c:

10:26 AM


continuation to be posted [new year and below.]


HAPPY NEW YEAR!!!

un lang. probably mamaya na ang iba pang kwento. hehehe... :D

12:53 AM