Sunday, November 02, 2008
o.h.t.k.a.l.e.i.g.t.l.d.u.l.j.
nakaka-curious ung title di ba? pinapakita lang niyan ang combination ng mga first letters ng titles ng mala-nobela [as usual] kong blog post.
/*
10/30/08
6:37 pm
*/
[since sobrang bagal ng internet dahil nagd-download ng linux si ate oan, magb-blog na lang ako]
"of hitchhiker's thumb"isang gabi, galing sa cherubs practice, binend [extension ayon sa health] ni liz ang thumb niya. mga 10 degrees lang ang inabot. "wala akong hitchhiker's thumb. kayo ba?" kami nina ate kitel, at ate oan, kaya un. tinanong naman niya sina dadi at mami. kaya rin nila. "dadi, ampon lang ba ako?", malungkot na tanong ni liz. nagsitawanan na lang kaming lahat. XD well liz, there's the thing called heterozygous. malamang heterozygous sina mami at dadi sa hitchhiker's thumb [at ayon sa pedigree na ginawa ko, heterozygous sa birthmark si dadi samantalang homozygous recessive [no birthmark] si mami. wala lang.] kaya hindi mo kaya. i mean, since dominant ang h-thumb [for short], you're homozygous recessive which has the probability of 1/4! amazing! 8) so nerdy. eniweiz, wala lang. si liz kasi eh. dun sa review niya, pinag-aaralan na ang genetics! ano ba naman yun? nagets niya na ung mga homozygous heterozygous dominant recessive stuff samantalang pang-upcat at hindi pang-nce ng pisay un [o ganun na ba talaga ang entrance test ng pisay ngaun? o____________O ]
/*
10/31/08
3:58 pm
*/
[happy halloween!]
itong week na 'to. ewan. grrr. basta. pero simulan muna natin nung saturday...
-------------------------------------------------------------------
"kesi and liz escapades"so un. umalis na ako dito sa bahay matapos nagblog at maghanda. mga 4:20 na yata ako nakaalis. hehe. lakad, lakad papuntang ministop at bumili ng pinakamamahal kong CHOCOLATE SUNDAE!!! yaaay! kaso nga lang ambilis niyang magmelt nung araw na yun. global warming naman kasi. matagal ng ber month pero mainit pa rin. hindi pa nakaka-brrrr sa lamig. malapit sa overpass sa st. peter, nakita ko sina jombo at mga band-mates [see his blog. hehe] na kumakain ng fishballs. hehe. tapos umalis na ako. sa kabilang dulo ng commonwealth ave., naka-15 minutes siguro ako sa pag-ubos ng chocolate sundae na napakalala ang pagtulo. punung-puno na ng chocolate sundae ang kamay ko. sticky. duh. ayokong sumakay ng jeep nang hindi ko un nauubos dahil ayokong magkalat sa jeep. nung naubos ko na ung sundae, di naman ako makahanap ng basurahan. the joy. ayun. hawak pa rin ng malagkit kong kamay ang sticky paper thing ng sundae. tapos, nakarating na sa tandang sora, nagjeep papuntang balara, nagkaligaw-ligaw sa paghahanap ng jeep papuntang katips. kinabahan nga ako nun kasi hindi ko talaga sigurado kung tama ba ang jeep na sinakyan ko. pero buti na lang tama. hehe.
/*
11/2/08
4:56 pm
*/
[november na!]
dun ako bumaba sa street na pinagitnaan ng mcdo at shakey's at nagdire-diretso sa paglalakad hanggang makita na ang building na may fruit magic. hindi ko alam nun kung saan ako papasok. paikut-ikot ako dun sa building at may nakita akong isang pintong walang shop. pumasok ako dun at nagtanong sa guard tapos umakyat ako sa 2nd floor at nakita ko si liz! sa wakas! so mga 5:30 na yata nun. sabi ni liz halos 4:30 daw sila natapos. pumunta pa raw cya sa mcdo para tingnan kung nandun ako. hehe. tapos, naglakad kami papuntang mcdo at bumili ng burger value meal. yeah. anyaman ko talaga! samantalang kapag sina ate kitel o kaya mami ang sumusundo ka liz, mcflurry lang or something cheaper. malay ko ba. lakad pa. tapos tumawid sa overpass. maraming bata at isip-bata na nanlimos. binigyan naman ni liz ng pera. nagdahilan pa nga eh. sabi niya, kaya wala cyang naiipon ay dahil nagbibigay cya ng pera every week kapag may review cya. wooshoo. as if mga P100 ang binibigay niya sa mga nanlilimos. tsk tsk. sumakay na kami sa jeep pagkatawid. habang nasa jeep, kinain na namin ung merienda namin. nagpanic pa nga ako nun dahil akala ko, kulang pa ung barya ko para sa pamasahe namin dahil "nilibre" ko pa si liz ng mcdo. bumaba kami sa balara at nagjeep ulit papuntang commonwealth ave. at nagjeep ulit papunta sa meralco at naglakad papunta dito sa bahay. sabi ni mami, curfew daw namin ni liz ay 6:00. pero lagpas 6 na kami dumating. halaa... pero buti na lang, sabi pala nina mami, hindi pa sila ni dadi uuwi dito. so...relax-relax muna kami ni liz. kaming dalawa, si arjay, at sina ate josie at ate len ang andito. dahil relax-relax lang ang buhay, laptop sa kwarto nina dadi habang naka-aircon at nanonood ng tv [buti na lang may wireless router]. hehehe. ansaya-saya!
----------------------------------------------------------------------
"IMpossibilities"monday: due ang p6 motor pero hindi pa napagana. :( halos araw-araw, may quiz/sw sa p6. may reenactment ng don quixote na maling chapters pala ang na-present namin. ako lang ang gumawa ng bio labrep. x________X
tuesday: walang comsci buong week kaya cramming session un. 61/60 naman ako sa long test eh. 8) nerd. SA COMSCI LANG. [pero pwede rin sa bio...] napagana na nina neon ang motor namin kaya nagpacheck kami nung str. tagahawak lang ako. basta 8/10 kami since late na. nag-sample ng death mask si sir ortiz kay driza na iniwan na lang ng karamihan ng viscom dahil inabot na ng 2nd elective session. may math hw na kailangan pa nga palang iconvert to radians ang measurement ng angle. may grad pic orientation after class. namroblema pa ako sa pag-iisip ng pose [earth ako. agh. of all elements, ung wala pa akong idea.] may chem hw na nagawa ko na nung weekend kaya no need to cram. :) pero 1.75 tentative ko sa chem. 1.5 na lang ako. huhuhu.
speaking of grades, wala na. sobrang imposibleng maka-dl ako ng 2nd quarter. eng pa lang ang tumaas ako ng 1 step kasi 1.75 ang tentative ko from 2.25 last quarter. bumaba ng 1 step sa str [1.5-->1.75], chem [1.25-->1.5], bio [1.25-->1.5]. retain naman ang pinoy [1.25] at p6 [1.75]. imposibleng tumaas sa viscom, comsci, at pehcat dahil 1.0 na ako dun. malamang bababa pa ako sa math at hindi ko naman mapredict ang mangyayari sa econ. sana tumaas. huhuhu.
...nagshopping ako ng bagong pencilcase, gunting, paintbrushes, at pamaypay. hehe. tatlo na ang pamaypay ko sa bag. distraction si ate oan. nanood ng hana kimi special episode. tsk tsk tsk.
wednesday: may graded recitation sa eng. si kenneth ang natawag ko. peace! buti na lang hindi ako natawag. itong araw na 'to, super late kami sa eng. waah. binigyan ni dianne si sir monty ng stresstabs. peace offerring daw. wala lang. ginawaan ko ng death mask si theia. katulong ko si vince. pero hindi successful...nung tinatanggal na ni sir ortiz, nag-crack. inulit na lang namin nung thursday.
thursday: math lt. bagsak ako by 1 point. grr that 1 point. hindi talaga epektibo ang "sleeping with a book under your pillow". pero baka pumasa pa ako. baka hindi lang naintindihan ni sir petri ung isa kong sagot at akala niya, ibang letter yun. labo. basta. umaasa ako. so gumawa ng ulit ng death mask. kaming mga viscom na churon, pumunta sa is room nang maaga. gumupit na ako ng plaster bandage strips. tapos, nung dumating na si theia, medyo tumulong ulit si vince at tumulong na rin si sir ortiz. successful na an death mask! yaaay! kaso nga lang, sorry theia. nabunutan ka ng dalawang pilikmata [pero hindi ko rin naman kasalanan un dahil si vince naman ung naglagay ng tissue sa matang iyon]. may show ung mga art people nung hapon. hehe. aliw ang mga gitara nila.
ewanday: ginamit ko ung laptop ni mami. sabi niya, bibilhan niya ako ng sarili kong laptop kung mag-oblation scholar ako. asa ba? siguro nga. D:
friday: wala pa ring comsci. padaan-daan si sir vlad. este, count vlad daw. hehe. maraming naka-halloween costume. stressed ako. nakita na nga ung results ng math lt. pero smile pa rin as usual. stress relief. mabuti nang magsmile na lang kaysa magmukmok diba? sa p6, sw/quiz pa rin. sa str, kinausap lang kami ni sir at nagplanu-plano at nagcompute ng concentrations ng stuff para sa aming experiment. haaaay. STRess. nakita raw ni sir kent ang personal records stuff namin. hindi raw ako nagbago ng itsura samantalang antatanda na raw ng itsura ng mga atenista. hehehe. eniweiz, dahil nga sobrang stressed ako, nagdadabug-dabog pa akong nagpaikut-ikot sa pisay para ipasa ang bio group hw na ako lang ulit ang gumawa. grrrr. nakakainit ng ulo! pero binigay ko na lang kay francis dahil tinamad na akong maghanap kay maam cheng. 1.5 naman ako sa bio eh. :| mga 11 yata dumating si dadi sa pisay pero halos 12:30 na kami nakaalis. half-day lang kasi ang klase. tapos, dito sa bahay, gumawa kami ng smores. yummy yummy smores. nag-roast ng marshmallows sa stove [pero ayoko ng nagliliyab na marshmallow. carcinogenic. yuck.] at nilagay sa ibabaw ng kalahating pirasong chocolate na naka-sandwich sa graham crackers. :d :d :d pero bitter pa rin ako dahil inubusan ako nina ate kitel ng polvoron. pagkatapos kumain, load ulit ng hana kimi special pero...
----------------------------------------------------
"grr that linux download!"11/2/08
6:55 pm
nagd-download ng linux si ate oan. naaapektuhan ang bilis ng router. grr talaga. ilang beses na akong nagl-load ng pagkabagal-bagal na imeem para makapanood ng hana kimi. agh talaga! more than 24 hours pa ung download nun! X____________X kaya nga ngayon, blog pa rin ako nang blog sa aking temporary blog called "Notepad". T___________T eniweiz...
----------------------------------------------------
"undas"saturday: maaga kaming ginising kaso nga lang sobrang nakakatamad maghanda ng gamit para sa pagpunta sa batangas kaya mga 6 na kami nakaalis. hindi naman sobrang traffic pero matagal pa rin ang biyahe. pagdating sa batangas, breakfast muna ng goto <3 at dinuguan habang nanonood ng tv. nagbasketball kami nina ate kitel, liz, at wendell. pumunta rin kami sa perya at nagpaka-isip-bata sa paglalaro sa slide, swing, at monkeybars habang kumakain ng icecream. poor liz. nagpalibre si wendell ng jelly tongue kaya naubos na ang "halloween sembreak bonus" niyang P30. chipipay. medyo nagsipag ako. nagbasa ng doce pares sa kaharian ng francia at les miserables. halos tinulugan ko nga lang un eh. pagkagising, nag-prime suspects kami. hehe. dutdutan ng screen ng laptop ni mami. masarap din bumili ng franks. :d cyempre, nung hapon, pumunta na kami sa sementeryo. hindi mawawala ang mani at softdrinks. tapos, may nagtanong kay liz kung bakit ung ibang mga kabaong, patung-patong lang na parang walls samantalang yung kay lolo jose, may sariling bubong. sabi naman ni liz "eh kasi mayaman tayo!" hala...eniweiz, mga 6 na kami nakaalis. pag-balik sa bahay, nag-dinner ng spaghetti at maraming dessert at nanood ng sweeney todd. hehe. napaka-bloody. suko agad sina wendell at liz samantalang sabi lang ni nica, ketchup lang naman yan eh! XD pero 9 na yata un natapos. maaga pa para sa amin pero late na para sa mga taga-batangas kaya natulog na sila. manonood pa sana kami ng wall-e pero dumating na sina mami at dadi kaya natulog na kami.
sunday: pagkagising, naghanda na para makapagsimba, naglaro ng laruang napaglumaan na nina kuya jolo at joem na binigay na kay wendell. naglakad kami papunta sa simbahan, nagsimba, naglakad pauwi, at kumain ng agahan. tapos, naghanda ng gamit, nagdasal, at naghiwa-hiwalay na. pagkaalis, pumunta kami sa condo, naglinis sina ate josie, ate len, at mami, at bumili ako sa tindahan ng mga pagkain bago umuwi. pag-uwi, as usual, agawan computer. namomroblema pa rin ako sa creative pose ko sa gradpic. pero malamang parang earth goddess-like. corny. ewan. basta. bahala na. tapos, eto, nagc-computer, nagb-blog, nagn-neopets, nagbabalik-tanaw ng mga pangyayari sa nakaraang linggo.
---------------------------------------------------
"liz jokes". [sabi kasi ni liz sa kanyang napakagandang journal, "singing is not my talent. my talent is joking."
~~~~~~
"ano ang tagalog nito *turo sa lips* "
"labi."
"eh ano ito? *turo sa ilong*"
"ilong"
"mali. 2nd floor. eh ito? *turo sa tuktok ng ulo*"
"...terrace?"
"hinde. top floor."
ahahaha. ahahahahaha. [liz-type sarcastic tawa.]
~~~~~~~
jowk daw ni jc:
"use kalye in a sentence" --> "i'll kal ye [call you] later!"
nye. luma na yun. parang "calculator" lang eh.
~~~~~~~
jowk ni ate oan:
"ano 'to? *kamay upwards kiss position*"
"edi PUTO!"
"eh ito? *dalawang kamay upwards kiss position*"
ako: "puto puto"
"hinde. edi PUTOCOPY!"
*liz-type sarcastic tawa*
liz version:
"ano 'to? *kamay upwards kiss position sa kilikili*"
"ano?"
"edi PUTOk!"
ahahahaha. ahahahaha.
-----------------------------------------------------
marami pang jokes. pero baka sumakit na ang tiyan ko sa kaka-liz-type sarcastic tawa. mag-iisip pa ako ng earth creative pose. magre-reread ako ng don quixote. aaaii. magloload na naman ako ng part 8 ng hana kimi. manonood pa ng shakugan no shana. natapos na rin sa pagb-blog/pagsusulat ng nobela. at last. magb-beauty rest pa ako. joke lang. hehe.
5:01 PM