image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, January 28, 2009

colorgenics thingy


hehe. ngaun ko lang naisipang ipost. :P

Name: frances
Date: 1/28/2009
Colorgenics Number: 56413207


You are tired of the various 'ups' and 'downs' of life at this time. If only you could win a lottery - or better still, be the heir to a large inheritance which would allow you to afford a life of absolute luxury. This day dreaming will shortly pass and whether you like it or not, sooner or later you will have to face reality.

Most people are conditioned by their environment and you are no exception. You are an extremely emotional person - so much so that 'the wrong word' can lead you to tears. You feel other people's pain. You feel the need of sympathetic relationships and a pleasant work environment in order to develop and grow. You are an impulsive, loving individual with a great deal of inherent feeling.

Nothing seems to be going right for you and you are thwarted every way you turn. You are not at all happy with the situation but it would appear that there is very little that you can do about it at this time. Sit back and let the situation take its course, because at this time you feel that there is nothing you can do to change whatever needs to be changed.

You are being unduly influenced by the situation that is all around you. You do not like the feeling of loneliness and whatever it is that seems to separate you from others. You know that life can be wonderful and you are anxious to experience life in all its aspects, to live it to the full. You therefore resent any restriction or limitations that are being imposed on you and you insist on going it alone.

You don't like conflict and you endeavour to avoid criticism. You want to do your own thing and to be able to decide what is right for you. You have considerable personable charm - and this is used with considerable effect on those that keep your company.




5:04 PM

Monday, January 26, 2009

walking backwards. [january 2009]


simulan natin sa pinaka-recent...paatras...hehe.

pero, for the most recent updates, click me.

prom, ymsat days 2-5, and retreat to follow.

jan 26. simula ng ymsat week. flag cem tapos may program sa gym. napagana na ni neon ung zoopraxiscope [p6 proj] namin pero medyo malabo ung image na nap-produce. minsan di gumagana ung motor. minsan sobrang bilis. wahaha. pero ok lang. at least may grade na kami :) nag-ribbon cutting na ng str exhibits tapos pinapunta kami ni maam yazon sa astb-avr para makinig sa talk ni mr. cristobal [?]. tapos, manning ng str exhibit. antagal dumating ni cyd sa poster namin. :| hindi na ako masyadong nakapag-aral para sa p6 quizbee. nung hapon naman, p6 quiz bee na nga. electron group: ako, neon, neil. medyo nakakasagot naman ako. medyo lang. sobrang nakalimutan ko na kasi ung mga p6 topics dati. waah. mali naman kapag nag-smart guess ako. :( ayun. last place kami. fifty something points. haaaay... tapos, nung hapon, gusto ko rin sanang tingnan ung partial solar eclipse. pero maaga kaming umuwi. cloudy pa kaya kahit dito sa bahay di ko pa rin makikita. aww.

jan 25. nag-aral ako para sa p6 quiz bee. pero 4th year topics lang pinag-aralan ko. hindi pa thorough. sorry electron. pumunta rin nga pala kami sa verbum dei. may misa, games, at kainan. hehe. masaya ring mag-continuous shots. :D

jan 24. "maaga" akong nagising. mga 6:30 am or so. pero masaya ako dahil halos naka-8 hours of sleep ako di tulad nitong mga huling araw. haaay... masaya nga palang manood ng ploning. malungkot ung story pero aliw ung pag-arte. ang galing talaga. kahit ibang dialect ang ginagamit, nae-express pa rin ng artists nang mabuti. may bago na rin akong smilies sa plurk. hehe. as of 6:44 am, 33.06 ang karma ko. may bago na rin akong smilies! yippeedoo!

jan 23. napakalabong araw. di ko alam kung magsasaya ako o magluluksa. nung umaga, sa comsci, buong period kong sinubukang mag-login sa plesk pero ayaw talaga. ambagal pang magdownload ng flash. tapos, p6. tinanong ako ni oj, "oble ka ba?" huwaat?! may listahan na? since nakasmile lang ako as usual, sabi niya, oblation nga siguro ako. ok. balik sa p6. hindi napagana ni neon ung motor. nasira ko pa ung disc ng zoopraxiscope. muntik nang masira ung photocopy machine nina ate roxy dahil sa maliit na piraso ng acetate ko. sorry po. :( ayaw na nilang mag-xerox sa acetate. dahil dun, parang banned akong dumaan sa front lob buong araw. >< nung str, masarap tumunganga. nagpa-check kami ni quilab ng str poster. buti na lang maayos na daw ung gawa ko. konting adjustments lang. yaay! edit-edit at ayos ng sked para sa buong week na manning ng str exhibit. :| grabe un. tig-7 hours yata kami sa group. o___o bawal pa raw ung entertainment devices. haaay. ayun. habang str, inannounce ni jejo ang oblation scholars. isa ako dun! yaaaaaay! pero hindi agad ako naniwala hangga't hindi ko pa nacoconfirm for myself. intarmed candidate din ako. halaaaa...mbb or intarmed?
ewaaaaan! dahil sa pagiging oble, maraming gustong makihigop ng talino. sabi nga ni quilab, "ces, di pa ba sapat ang 2 years na pagiging magkaklase natin para may masagap man lang ako sa talino mo?" toink. buong str at ub, andun lang kami sa str room. maikli lang naman un kasi shortened pds. umaasenso ang dugo sa bukang-liwayway ko. :D pinacheck ko rin kay ate kitel ung upcat results pero antagal bago niya nakita ung txt ko sa kanya. tapos, eng na. nag-announce lang si sir tungkol sa essay. tapos, p6 project. ayaw pa ring gumana. sumusuko na ang groupmates. nooo.... don't lose hope... nagkwento naman si sir monty tungkol sa scholarship meeting. halos half daw ng batch, may bagsak. ako, malinis. yebah! hindi ako bagsak sa econ! naghahanda pa naman ako sa isang 2.75 sa card ko. pero kailangan pa ring pagbutihin ang pag-aaral. tapos, sabi ni sir, "frances, why are you so quiet? balita ko, galing ka sa upis. ang contradicting." ayy. madadaldal pala ang mga upis ayon sa mga pisay teachers. hala... pero sa bagay. may pagka-madaldal naman ako sa upis eh. heehee. ewan ko lang kung bakit naglaho ang lahat na parang isang bula. haaaaay...tapos, walang chem. halos wala na ring bio at wala talagang cat. kinuha ko kay dadi ung materials para sa p6 proj sa caf. nagbasa ako ng dugo sa bukang-liwayway [tawagin na lang nating dubuli], kumain, uminom, naglibot. dala ang pinabili kong wax paper, nakasalubong ko si neon. sabi niya, suko na daw sila ni jut. kahit anong kalikot ang gawin nila sa motor, ayaw gumana. naisip ko, goodbye 15% of my p6 grade...pero sabi niya 5% daw. ewan ko ba. basta. hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil sa pagiging sobrang stressed at sobrang gc. wag ka mag-alala, neon. hindi ka bully. :) pero, ewan. basta kailangan ko na lang na pagbutihin lalo ang pag-aaral para at least ma-retain ko ung 1.75 ko. [ang gc talaga...] nung hapon lang nagreply si ate kitel sa txt ko sa kanya: "Haha. yabang mo kikay bonbon! Oo nakapost! Manlibre ka hahaha. At kung magimed ka mgbasa ka na ng makakapal na libro. ü" hala...ayokong magbasa ng makakapal na libro. pero kahit naman cguro mbb ako, makakapal na libro din ang babasahin ko. well, that's life. later, nagtext si mami. sabi niya nga, "Congrats, anak! Grabe oblation ntarmed ka! Ang galing! Thk d gud LORD!" pero naisip kong p6 grade ba ang kapalit ng pagiging oblation-intarmed? haaay. pabalik sa front lob, nakasalubong ko si dadi. proud na proud sya. heehee. pinagyayabang niya na ako ang 3rd oblation scholar & intarmed candidate na anak. woot. may tatalo pa kaya sa strike 3? malay natin mag-oblation-intarmed din si liz after 4 years. hehehe. pero pero pero, namomroblema talaga ako. intarmed o mbb? si ate kitel kasi nag-imed. si ate oan, nag-concede. comsci na lang cya. eh ako? haaaaayy...help me decide.

jan 22. hay-naku-pumasok-pa-ako day. boring day. sobrang wala talaga kaming klase. may scholarship meeting nung umaga. tapos puro announcements o kaya walang teachers o kaya mabait ang teachers nung hapon. wahaha. pero boring.

jan 21. nag-icecream kami nung econ. bday ni sir vlad eh.

jan 20. bumili na si ate oan ng bagong cellphone. sony ericsson. pumunta cya sa pisay para ibigay sa akin ang cellphone ko at ipakita ang "bago" niyang cellphone. may gvc overnight dapat. pero hindi na ako nakasama. gusto kong makapanood ng tv eh. pero nakatulog lang ako. late na kasing nabasa ni maam andres ung text ko sa kanya. haaay...sayang talaga. pwede rin sana akong makaranas ng pagtulog sa dorm kung sakali.

jan 19-23. super busy ako sa paggawa ng str poster at sa pagpapanic dahil sa p6 project

jan 19. disastrous ang bio quiz. nakaka-discourage mag-mbb. oyeah. andaming mbb sa batch. halos kalahati ng lahat ng mage-mbb, pisay. 7 yata dun, electron. ahyy. balik sa bio quiz. madalas kasi akong nah-half-asleep sa bio. ansarap kasi ng aircon. wala tuloy akong masyadong naiintindihan. 1.75 na lang ako sa bio. 1 step lower each quarter. :(( tapos, may surprise quiz sa eng. super disastrous talaga...waaaah...my grades will suffer...[gc! gc! gc!]

jan 18. binisita ng buong pamilya si lola charing sa capitol medical center. nadapa kasi cya tapos nabalian ng balakang [yata]. soo...pagdating sa ospital, congrats congrats! pero sabi nga ni tito lito, "expected naman". well, hindi naman sa nagyayabang ako pero true. mataas naman ang passing rate ng pisay. kumain lang kami dun ng yummy yummy food kasama ang mga tito, tita, at pinsan, at cyempre si lola. tapos, umuwi na kami at "nagsipag". nung mga 4:30, ininvite ako ni julius na magplurk. hehe. http://www.plurk.com/kesiburesi. onga pala. sikat na sikat na si bebe gandanghari. "rustom is dead!"

jan 17. 4:30 am, ginising ni mami kaming magkakapatid. may upcat results na! pasado ako sa mbb! yaaay! ansaya-saya! tapos, cyempre gusto kong ipagpatuloy ang mahimbing na pagtulog ko. pero hindi agad ako nakatulog ulit. mahirap magrelax kapag sobrang saya. hindi makakatulog agad kung hindi relaxed. naisip ko, pano na kung intarmed ako? mbb o intarmed? mag-ooble kaya ako? nanood kami nina ate oan at ate kitel ng ploning. hinihikayat pa kami ni ate kitel na manood ng slumdog. the wonders of torrent...

jan 16. quadruple str period. double period kasi kami sa str tapos may ub pa. soo...ginawa na namin ang phase 2 ng research namin. nagdala na si cyd ng katapa or something. basta. andami namang namatay na sa lalagyan niya. unti-unti silang namatay. salamat kay dianne sa pagkuha ng mga patay na isda at sa paglalagay sa kanila sa loob ng beakers. salamat din kay michiko para sa pagp-picture ng mga patay na isda. hehe. nilagay namin ung ibang mga isda sa tubig na may salicylic acid. nagtalunan sila galing sa beakers. grabe. violent reaction. kapag binabalik sila, talon ulit. paulit-ulit hanggang sa namatay na sila. aww. nabalutan sila ng white film. aww. pero pero, pinabili ako nina quilab at cyd ng manila paper/cartolina sa caf. aun. bumili ako. pagbalik ko sa str lab, nag-uubuhan na sila. may mga fumes daw galing sa sumabog na soxhlet extractor. dedma lang ako. deep inhale. wala naman. pero paglunok ko, aaaaah! ansakit sa lalamunan. nakakaiyak. parang nakalunok ka ng napakaraming chili powder. umubo na rin ako tulad ng iba. pinalabas na kaming lahat papunta sa corridor. galing ung fumes sa experiment nina jill. capsaicin...sili extract. nag-evaporate na kasi un...solute nila. hindi naman sumabog ung soxhlet. pumunta kami sa str unit pero cyempre kadugtong nun ung str lab. evacuate! evacuate! pinalabas kami ng building. id-dome na ang pisay katulad ng sa simpsons para hindi makalabas ang capsaicin! xp binlock ang str corridor. sarado na ang str room. kawawa naman ung mga nabubuhay naming isda doon. inuubo na rin kaya sila? may mga daga rin doon para sa experiments ng ibang tao. inubo kaya sila? haaaay...naiwan pa dun ang bag ko. bumili pa ako ng lunch sa caf. may quiz pa sa eng. hindi ako nakapagreview kasi andun din ang readings ko. anubayan. halos end of 2nd ub na pwedeng pumunta sa str lab. patay na ung mga isda...kahit ung sa walang salicylic acid. nakuha ko na ang gamit ko, kumain ng sandwich paglabas at nagreview para sa eng.

jan 14. diffraction grating expt sa physics. sobrang nagpanic ako kasi wala ako ng groupmates. wala si jut nung comsci. nasa singapore si neon. wala akong laser. wala ring cd. sabi ni maam torralba sumama na lang ako sa ibang groups. pero dumating naman si jut at nagawa namin ang expt. yaaay. [aliw ung reflected/diffracted/interferenced laser. hehe]

jan 13, 15. boring normal days...

jan 12. back to reality. nakakatamad pumasok kasi galing sa retreat. ang hyper ni sir monty. masarap pa rin ang buko tart. :d

jan 9-11. retreat. see next post. :)

jan 8. long test dun sa einstein and his inflatable universe. ewan.

1.75 ako sa eng! yay! 1.75 din ang physics ko! yay! pero nanganganib ang econ grade ko. oh no.

pero dapat optimistic. uhmmm...if ever 2.75 ako sa econ [which should be my first and last bagsak final grade], wheee! 1 step up na lang pasado na ako! [no need for these. pasado naman pala ako. :D ]

jan 7. back to school. gagawa kami ng mural sa viscom. kina-career ko naman ang design. tsk. magawa ko naman kaya nang maayos?

jan 6. wala pa ring pasok. pero may pasok na sa up. masarap mang-inggit. wahaha. :P dahil last day na ng bakasyon, nanood ako ng bruce almighty at evan almighty. hehe. ansaya. nag-agawan din kami ni ate oan sa pagbili ng cellphone. bumili na nga ako ng bagong cellphone dahil ayoko nang magtiis sa lowtech cellphone ko. hehe. bumili ako ng nokia 6120 sa ever. kasama ko nun si ate oan. pagkatapos namin bumili, pumunta na kami sa cherubs. hehe. masaya naman ako sa bagong cellphone. :) [oj, hindi ako binilhan ng parents ko ng cellphone dahil oble ako. halos 3 weeks na 'to nung napansin niyong "bago" ang cellphone ko. wahaha] bumili nga rin pala ako ng cellphone dahil ayokong wala akong cellphone pagdating ng retreat.

jan 5. wala pang pasok sa pisay. hehe. ansarap inggitin si liz. nung hapon, pagdating ni liz galing sa school, pumunta sila ni dadi sa dentist. tapos, pinasunod ako ni mami kaya nagcommute ako papunta dun [ang ewan talaga. nung nag-mrt ako, sa shaw ako bumaba imbis na sa boni. akala ko sobrang nakalimutan ko na ang daan nung nasa shaw ako. >< ] so un. nagpa-pasta si liz at nagpa-adjust ako ng braces. dumating din nga pala si mami nun. tapos, pumunta kami sa mcdo at nag-happy meal kami ni liz! yay! [isip-bata. ^^ ] tig-isang mcdigi kami ni liz. sa kanya, high jump. sa akin, basketball. hehe. ang cool nga eh. touch screen-ish. XD tapos, umuwi na kami.


4:34 PM

Friday, January 02, 2009

yeah.


pasado ako sa lasalle. 2 to go. :p

Case No. : 08511
Examinee Name: Mendoza, Marie Frances Matanguihan
School : Philippine Science High School, Qc
Degree : BS-BIO
Status: Accepted (1st Choice)

check results here: http://enroll.dlsu.edu.ph/dlsu/freshmen/freshmen


12:37 AM


year-starter more-than-a-month-late blog entry


dahil more than a month late ang post na 'to at dahil blog post ko ito, malamang mahaba. nobela-ish. hehe. para makagawa ng ganito kahabang blog-post, kailangang malupit ang long-term memory. at cyempre kailangan din ng planner at memories na mailalagay. hehehe. ^___o

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

pisay fair
nov 28-29
maaga kamin nkarating sa pisay fair. hindi pa open. nag-ayos ng booth blah blah blah. napaka-uncooperative ng mga tao. wala kaming extension cords na pwedeng pagsaksakan ng tv sa main both namin sa gitna ng field. halos buong araw, nakatambay lang ako sa main booth o kaya sa "branch" ng kara-ok booth sa may gazeebo. kami-kami lang naman ang pinagkakitaan ng sarili naming booth. salamat nga sa mga tanging customers ng booth naming kumanta nang tig-1 hour: raymond, ange at michiko, at iba pa. wah. cyempre mga konting lagpas sa P100 lang ang kita ng booth namin. todo advertise pa man din. :( masarap ang ice monster...lalo na ung blueberry and peaches. hehe. nung hapon naman, nag-bingo marshal ako. wala lang. may konting briefing at tumambay lang ako sa harap ng booth namin. cyempre, immuned sa jail booth. un ang masaya sa pagiging bingo marshal. ansarap ipagmukhaan sa jailers na immuned ako. wahaha :P dumating din nga pala si ate oan pagkatapos ng bingo. hehe. nag-perrya games kami att cyempre, kumain sa street food uhmmm...seller? habang nagchichikahan naman kami at naglalakad sa field, nakilala naman cya ni sir vlad. akala ko umalis na si sir vlad kaso nakikinig pala cya sa likod namin. hala. bisto ang aking kadaldalan! :P tapos, sandali kaming tumambay sa karaoke booth branch at kumanta at nagligpit ng magic sing namin. tapos pumunta na kami sa cherubs...

day 2. kasama ko si liz na pumunta sa fair. nakasama pa namin dun si jc. wala na ang karaoke booth. wala naman kasing customers. :c kaya nagbike na lang kaming tatlo. nag-ice monster ulit kami at nagtago sa jailers. cyempre, nag-inflatables na rin kami. hehe. ansaya tumalon sa pinakataas na part ng slide. kaso nga lang pinagalitan kami nung nagbabantay. tapos, nagkakadaganan din kami. hehe. kaso nga lang nagkasugat din. ouch. kinlaim din nga pala namin ung chipipay balloon na may flour sa loob. un ung prize namin sa baril-barilan.. >< tapos, nung umalis na si jc, nag-inflatables ulit kami ni liz at bumili ng gulaman at umalis na.

sponge days dec 1 onwards
dec 1. walang pasok. bonifacio day. kaya nag-playground kami nina ate oan at liz. hehe. tapos, pagdating dito sa bahay, nanood ng freaky tagalized cartoons. sobrang sakit sa tiyan tumawa sa tagalized nick cartoons...lalo na ung spongebob.

may kanta nga si ate kitel. tagalog translation ng theme ng spongebob:
sinooong nakatira sa pinya sa ilalim ng dagat?
isponghabobaparisukatpantalon!
[absorbent and] dilaw, butas-butas cya!
isponghabobaparisukatpantalon!
[corny na raw pag tinranslate pa ung andito]
isponghabobaparisukatpantalon,
isponghabobaparisukatpantalon,
isponghabobaparisukatpantalon,
isponghabobaparisukatpantalon!!!

yehey.

naglipana rin ang sponge [crunch] sa pisay. [hindi ako sanay na sponge CRUNCH ang tawag sa sponge. nakakatamad]

magpa-Pasko na? december...
simula na ng disyembre pero hindi pa feel ang pagsapit ng pasko. matagal pa kasi ang bakasyon. aww. saka hindi ako nakakatanggap ng regalo sa kris kringle. tinamad na tuloy akong magbigay sa nabunot ko. gumawa rin kami ng chess belen sa viscom na hindi masyadong maganda at kapansin-pansin ang itsura. sana naman na-appreciate ng mga taga-tapat ng pisay... pero kahit na ganun, enjoy pa rin ung paggawa. :P go viscom!

papalapit na nga nang papalapit ang Pasko. cyempre maraming gustong magpakanta sa cherubs. hehe. shooting sana namin para sa jessica soho reports...tungkol sa children's choirs... nung dec. 2 pero na-cancel na. paiba-iba kasi sila ng sked kaya umayaw na lang si tita lenette. awww. tapos nung isang saturday na nanonood ako ng tv, ang topic nga sa jsr, children's choir. sabi ko kay ate oan, sayang. dapat kasama tayo dyan. aww. oh well. marami pang opportunities. :P

paalam, timby...
december 2&4
dec 2. late kami sa flag cem. napakalungkot ng aura ng pisay. maraming oras ng katahimikan...

dec 4. pumunta kami sa bulacan nung hapon. magkasama ang electron at charm sa bus. sa una, tahimik lang. tapos may kainan, kwentuhan, tawanan at kulitan na. katabi ko si franel. 2nd time na raw akong kawawa. una nung pumunta sa EK nung 1st year. hehe. pagdating dun, may mass. naiyak ako sa sinasabi nung pari. anytime nga naman pwede tayong mamatay. hindi natin alam kung hanggang saan ang kayang abutin ng "splash" natin galing sa waterfall. naiyak ako pero ung patago lang. tapos, sinulyapan namin si timby. parang kailan lang...kasama namin cya sa batch, kasama sa mga kasiyahan. :c tapos, kumain habang tinitingnan ang slide show ng pictures sa cellphone niya... nang natapos na ang kalungkutan, move on. masaya na ulit. kainan ng butong pakwan. nagpabilisan pa sina ram at cel na magbalat at kumain nun. tapos, balik na sa bus. masaya na. meron pang kabaliwan sa bahay kubo. ung mga tipong "kundol, tinola, labanos, mustasa. at saka meron pang labanos mustasa". ewan. XD

cherubs xmas party december 6-7
12-1 ang test ni liz sa kisay. si ate oan ang susundo sa kanya. since katabi lang ng kisay ang sm north, pinasunod ako ni ate oan sa sm. pero pagdating ko dun, antagal ko cyang hinanap. tumawag pa ako sa kanya sa payphone. P8 un. :c nagmeet kami sa department store. pero sabi ni ate oan, susunod daw sina mami at dadi dun kaya lagot ako kung makita ako. ayun. bumili lang cya ng tsinelas at medyo pinilian ng pantalon si liz. tapos, pumunta kami sa grocery, uminom ng iced coffee jelly, at tiningnan ko ang presyo ng sponge. tapos, umuwi na ako. hindi ako nakita nina mami. :p

later, 6:00 ang cherubs xmas party. pero late kaming apat. pagdating namin sa bahay nina tita lenette, nagg-getting to know you na. kailangan ng 3 things about nakilalang apprentice. grabe. wala akong alam. basta maraming 4-bataw. XD tapos, kainan na! maraming mga taong nagbalik...specifically mga cherubs na pisay 011: sina nelson, iego, at sierra. hehe. andami at ansarap ng pagkain. hehehe. dun kami nina ate oan, ria, tintin, at walter kumain sa may harap. pagkatapos kumain, kris kringle na. magtatanong ng yes or no questions tapos 3 tries. ang kulit nga eh. andaming "cute ba?" "naka-green ba? [naka-green kaming magkakapatid]". tapos panalo ung kay ate kitel eh. boy staff ung nabunot niya. sabi niya, nagsisimula ba sa R ung pangalan? XD cyempre naman diba? tito robin at tito ringo lang ang pagpipilian. :P so...si christian ang nakabunot sa akin at si kakai ang nabunot ko. yeah. may series ung panregalo naming apat. tuwalya kasi. description ni ate kitel, para mabango. description ko, pwedeng dalhin sa camp. si ate oan naman, magagamit araw-araw. at si liz, "alam niyo na kung ano'ng laman niyan". hahaha. pagkatapos nun, hiwa-hiwalay na. nakakabaliw ung "ito ang mundo". andaming nabiktima. XD tapos, walang sawa sa pusoy dos. dun sa kainan, kalaro ko sina jacque, rai, kuya ra, at ar. never akong natalo dun pero umalis na lang ako kasi na-ldmu na ako. nakakasawang manalo paulit-ulit. tapos dun na kami sa kwarto sa kabilang bahay. kalaro naman dun sina walter, maki, ate oan, jc, tapos nakisali na rin sina rai at jacque. doon, never naman akong nag-survive ng isang game. wahaha. na-cancel out na ung pagkapanalo ko sa kainan. kaya ayoko nang maglaro. tinawanan ko na lang ung nilalaro nina maki at iego sa laptop. pikachu!! pikachu! aaah! labo. tapos, nagbasa lang ako ng 6-7 volumes ng ranma. natulog ako ng isang oras nung madaling-araw na. tapos tuloy pa rin sa pagbasa. nung umaga na, kainan na ulit. masarap ang banana chips. masarap din ang hot chocolate at tinapay. tapos, sinundo na kami. pagdating dito sa bahay, halos buong araw lang akong patulog-tulog...

bisita sa upis & time machine december 9
1:40 nga natapos ung klase. tuesday kasi. kaso nga lang, napaka-timing nasira ng atm machine sa pisay. grr. kaya ang ginawa ko, nagpadyak ako hanggang sa kanto papunta sa kanto ng north ave. at naglakad hanggang sugar regulatory blah blah at dun nag-withdraw ng pera. tapos, naglakad ako papuntang intersection ng north ave. at elliptical rd. at naglakad, naglakad, at naglakad hanggang sakayan ng jeep papuntang tandang sora. so halos mga hanggang philcoa ako naglakad. bwahaha. tapos, sumakay ako ng up jeep hanggang vinzon's hall at naglakad ulit papuntang highschool. doon, nanood ako ng talent/variety show kasama ang ibang 09 na nangungumusta. tapos, pumunta ako sa booth nina angelica, kwentuhan, kumustahan, sulatan ng messages, bigayan ng regalo. binigyan ako ni gidell ng candy cane. :D sayang nga lang...hindi ko nasulit ung oras na andun ako. :c

kaya nga naisip ko...sana may time machine para nagstay na lang ako sa upis imbis na lumipat sa pisay. naging mas masaya siguro ang buhay ko kung ganun. go back in time at itama ang lahat ng pagkakamali...para masaya ang mundo. pero sabi nga ni einstein sa "albert einstein and his inflatable universe", gravity SLOWS down time. hindi pwedeng pabalikin. kaya lang na pabagalin. sa black hole, ewan. pero senseless din daw kung may time machine na bumabalik ng oras. kasi uulitin lang ang choices na ginawa noon. kung pipigilan ng grandson na magkatuluyan ang grandparents niya noon, hindi cya mag-eexist at parang walang pumigil sa grandparents niya at balik na sa dati. senseless. kung magt-time machine man ako, dapat hindi mag-iiba ang pag-iisip ko at alam ko na kung ano ang dapat gawin. pano nga kaya kung hindi ako nagpisay? -____-

ayun. tapos, nahuli pa ako nina geia. pinabili pa ako ng ticket kahi paalis na ako. sayang pera. ayun. tapos, tuwing naku-kwentuhan naman ang mga tao tungkol sa akin at sa mga nagka-crush daw sa akin sa elem, naririnig ko naman sila. hehe. umalis na kami at naglakad papuntang vinzon's hall. doon, naghiwa-hiwalay na kami. pumunta na ako sa palma hall...

cherubs @ vargas
december 9
oo na. pasaway ako. hindi ko dinala ang costume ko. pagdating sa palma hall, buti na lang andun pa sina tita lenette, ate rasziel at maki. pumunta kami sa vargas, kumain ng jolibee burger value meal, nagbihis [at nagbigayan ng regalo] sa library, at naghandang kumanta. kinanta namin ung "sa aking mga kababata" with accompaniment ng revived piano ni carlos pizarro...ung composer ng song na un. hehe. tapos, kumain na kami at nagbigayan pa ng regalo at naghiwa-hiwalay na.

keynesian multiplier model december 15
ito ang kaisa-isang topic sa 3rd quarter econ na nagustuhan ko. wala lang. masaya lang ako nung long exam. number 3 lang ung hindi ko masagutan. pero tama daw [ayon kay sir vlad at sa kanyang flash point]. whoopeedoo! [sorry naman. sobrang minsan lang akong sumaya dahil sa econ.]

perio december 16-18
ayoko nang alalahanin pa. >< tapos na lang agad.

last day of perio. may batch party pero hindi ako sumama sa basaan. suuuuupeeeer busy ako. kailangang magbalot ng regalo para sa mga churon [sponge + happy item. labo.], magpaalam para sa xmas party kina pao, gawin ang health poster draft, gumawa ng 4-page research tungkol sa sustainable development, gumawa ng essay para sa eng, ihanda ang str portfolio, at gumawa ng final paper. haaaay. stress. umuwi na lang ako at nagpakasipag. tapos, bumalik na ako sa pisay...4:00...para sa churon xmas party!

churon xmas party december 18(-19)
hmm. ayun. meeting namin sa front lob nung 4:00 pero later pa kami nakaalis. dun kami nina baj, dianne, franel, ar-jay, at jl sa sasakyan nina jl at medyo nanood dun ng hsm 2. pagdating sa bahay nina pao, may mga nagt-tekken. tapos, nagbilliards tutorial ang ibang tao. sinubukan ko ung tekken. ambano ko. kailan pa kasi ako last na nagtekken? mga panahon pa ni gon [hehe. kilala ko un, franel]. tapos, mga 6:30 kami naglakad papuntang eastwood at kumain sa fazoli's. nag-sampler platter ako. hehe. antakaw ko. kasama sa table sina franel, tinnie, belsha, at mae. masarap ang bread sticks ng fazoli's :D hmmm...matapos kumain, pumunta kami sa arcade. may mga nagbarilan, sayawan, at kantahan. nakakabaliw ung bohemian rhapsody. "let me go, let him go!" na paulit-ulit. grabe. parang nakainom ung mga tao dun. hehe. tapos, bumalik na kami kina pao. doon, nag-revelation na ng mga nabunot sa kris kringle. si james ung nakabunot sa akin [geecee...girl]. yeah. magka-codename kasi kami ni jejo. tsk tsk. gc naman talaga ako eh. pero pati ba naman spelling pareho? hmm... ayun. wala pang regalo sa akin si james since beginning ng kris kringle. sana naman mabigyan na ako ng regalo ngayong darating na pasukan. tapos, si ar-jay nga ang nabunot ko. pagkatapos ng revelation, namigay na ako ng regalo sa mga kaklase. tapos, nanood lang ulit ako sa mga nagt-tekken at nagb-billiards nang may nagyayang mag-cards. hehe. sumali ako. wheee. ansaya-saya. [tapos dumating si sir kent.] kalaro ko sina jer, franel, pao, at maynard [at jejo?]. gulat na gulat sila...marunong pala akong mag-pusoy dos. hehe. habang nagbabaraha, may strip match naman sina cyd at jut sa billiards...tapos dumating si mami. hala! nakita si cyd na naka-shorts lang. tsk tsk. ayun. dahil sinusundo na ako, kailangan nang matapos ang laro ng baraha. buti na lang matataas na baraha na lang ang natira sa akin. sunud-sunod na baba at sunud-sunod na "pass!". tapos, nag-end sa trio kong dos. yebah! matapos un ibagsak, diretso tayo at kuha na ako ng bag at umalis na...11:00 pm. the end. ^^

dnd. busy. december 19 & 21
nung gabi ng xmas party namin, pagdating dito sa bahay, sinimulan ko ang eng essay ko sa kwarto. pero nakatulog ako nung mga 12 na. nagising akong nakabukas pa ang laptop. tsk tsk tsk. tapos tinuloy ang paggawa ng essay, nakatulog ulit, nagising, at gumawa ng essay. basta paulit-ulit na tulog-gising-essay. ang ewan nga siguro ng essay kong yun. tapos, mga 4:00 ko natapos ung essay at tinuloy ang paggawa ko ng research tungkol sa sustainable development. pamatay. nilagyan ko na lang ng konting pictures at nag-1.5 spacing para maka-4 pages. maaga akong dumating sa pisay. di pa nagsisimula ang paskorus. inedit ko na lang ung research at essay ko nun. tapos, pumunta na sa gym, hintay, at paskorus na. basta panalo ang adelfa at truth. whee! go nelson! :P kasali rin sina paulo at dalzy sa finals. diamond sila eh. aun. matapos ang paskorus, pinasa ko na ang mga kailangang ipasa tapos nagbasa lang ako ng einstein hanggang sa dumating na si dadi. bawal kasing umalis nang maaga. ~~

watchlist undated~
[x] naruto shippuuden the movie
[x] bolt
[x] twilight
[x] madagascar: return 2 africa
[...] bigbang theory
[x] prisonbreak season 2
[ ] mai hime
[ ] code geass

i shall wait for the summer vacation. o___o

kainan na! undated~
masarap ang ube. hehe. nagtanim kasi si dadi ng ube nung holy week yata. kaya andami naming ube. nakakangawit maghalo. pero fun fun fun! masarap naman ang ube eh. hindi ako nagsasawa :P

masarap din ang smores. lalo na ung hindi carcinogenic ang marshmallows...hindi na namin tinusta sa stove ang marshmallows. sa turbo broiler na lang. hehe. nakakatuwa panooring nanginginig ung mga marshmallows sa broiler. :P

pwede rin namang pagsamahin ang smores at ube. actually, marshmallows at ube. gumawa si ate oan ng ube mallows at gumawa nman ako ng devil ghostmallows. hehehe.

trip to palawan STREET december 20-21
not to be confused with palawan as in palawan. basta kina tita norms. may pre-reunion ang mga matanguihan. lahat pumunta dun. hehe. dumating kasi si tita mel galing sa canada. cyempre may pasalubong. ung mga sapatos, tiningnan kung kanino kasya. kami nina ate kitel, ate oan at liz, merong pare-parehong sapatos [kahit pinagpilitan lang ni liz na humaba ang paa niya]. lucky girls daw kami. hehe. tapos cyempre hindi mawawala ang kantahan. concert na naman kaming apat.

the next day, may magic sing din. pero hindi sumama si ate kitel kasi may pinuntahan cyang debut sa manila hotel. richie-rich kids. anyway, ayun. sabi ni mami, bibigyan niya ng P100 si liz kapag naka-97 cya sa magic sing. naka-98 naman cya. ayy. walang P100. jowk lang. binigyan naman cya. tapos kami naman ni ate oan. naka-100 cya. cyempre ako rin...sa my heart will go on. hehe. pero tig-P50 lang kami [na hindi pa binibigay ni ate oan]. aww.

may araw ding pumunta kami sa palawan. nung araw na un, pinahanap kami ni mami ng mga napaglumaang bagay na magagamit pa at pwedeng ipanregalo. ayun. naghalungkat kami nina ate oan at liz ng gamit. aww. memories. meron kaming tigatlong package ng regalo. chipipay regalo. ung akin, mga tira-tira sa mga ireregalo ko sana sa mga churon. sponge crunch at paper clip + another thing. sa package 1, ang another thing ay mechpen. package 2, tickler. package 3, address book. hehe. samantalang ung ipapanregalo sana ni mami, mga plato. >< kaawa-awa ang makakatanggap ng mga regalo namin kung ganun. pero hindi naman natuloy itong kris kringle na ito. buti na lang. hehe.

nung gabing un, sobrang nagmadali ako. hindi pa talaga bakasyung-bakasyon. gumawa pa kami ni cyd ng final paper para sa str...11:59 pm ang deadline. hala. sobrang nagmamadali akong matapos at masend un. kinabahan nga ako kasi ambagal ng pag-attach ng file sa email. pero nakaabot naman kami sa deadline. :D

karnabal sa circle december 23 [yata]
pumunta ang buong pamilya except mami + ate josie sa ksc. ang aga naming nakarating dun...wala pa sigurong 5 pm. ang konti pa ng tao. ang mahal ng entrance fee. hindi pa ride all you can. parang paskong pasiklab lang ha... haaay...mas sulit pa ang ek. unang sinakyan ang octopus. kunwari pa kami nina ate oan, ate kitel, at liz na hindi magkakakilala para hiwa-hiwalay na cart kami. kaso nga lang masungit ung andun. magkasama kami ni liz at magkasama sina ate oan at ate kitel. boooooring. mukhang masaya lang pero wala lang. parang taas-baba lang. walang seatbelt kaya kailangang humawak lang sa harap. booring. tapos, pumunta naman kami sa ferris wheel. pero sina ate josie at arjay lang ang sumakay. tapos, sa flying fiesta naman. [hehe. as if nasa ek ang pangalan. hindi ko na inaalala ang totoong tawag dun. boooring] pero sobrang tagal naming naghintay dun. dumilim na. nagpa-refund na ung ibang sasakay sana. ganun katagal. habang naghihintay naman, kunganu-anong kakulitan lang ang ginawa naming magkakapatid. ginawa ba namang bumpcars at swing ang mga upuan? bwahaha. nakakasawa ang pagpapaikut-ikot at pakiramdam na masisipa mo na ang mga taong nakapaligid. pero mas masaya kaysa sa octopus. ang cute ng tabinging view. nakakahilo ang radially-outward view. pagkatapos nun, baril-barilan. naiinis lang talaga ako sa hindi aligned na pellet gun. magaling pa naman akong umasinta sa target. hmph. pero ako ung pinakamaraming tinamaan sa aming apat. tapos, picture sa xmas tree at kain ng popcorn. sumakay naman sa carousel sina arjay at dadi. kaso kj si arjay. ayaw umupo sa kabayo. ayun. nakatayo lang sila. habang nakasakay naman sila sa carousel, nag-jumpshots lang kami. hehe. nakakabaliw. tapos, nag-caterpillar sina ate kitel at arjay samantalang nag-rollercoaster kami nina ate oan at liz. sobrang saya. nakakaubos ng boses sumigaw. enjoy talaga kapag sumisigaw. hehe. tapos, picture-picture ulit at si ate kitel naman ang nag-rollercoaster at sumakay kami nina ate oan at liz sa ferris wheel. sumama rin sina dadi at arjay. sobrang nakakahilo sa ferris wheel. as in. mas nakakahilo pa sa rollercoaster at flying fiesta. un na ang huli naming sinakyan. paglabas sa ksc, cyempre picture-picture! hehehe. ang c-cute naming magkakapatid :P

bisperas ng Pasko december 24
1st and last time ng simbang gabi. isang beses lang ako nakapag-simbang gabi. buong pamilya except arjay. masarap ang puto bungbong at bibingka. maagang gisingan, maagang kainan, wala nang magawa. haaay...cyempre kailangang magbalot ng regalo. pasaway si liz kasi wala cyang kahit isa man lang na surprise gift na hindi pa nabubuksan nang 12 am dec. 25. haaay. sobrang excited sa stuffed toy na bigay sa kanya nina mami at dadi na binalot ni ate oan. oo nga pala. basta naglinis kami ni ate oan. gumawa ako ng overdecorated box. hehe. sobrang sipag namin. 0:) tapos sabi ni dadi, "very good 'tong dalawang ito ha. parang gusto ng regalo..." waah. gusto namin ng bagong cellphone...ASA. sira pa rin ang cellphone ko. sira rin ang cellphone ni ate oan. waaah. kailangan na talaga naming bumili. goodbye my money. :c anyway, ayun. nagsimba kami ng 9:00-10:00 at maagang nag-noche buena. tapos, nanood ng konting peter pan at nag-magic sing naman sina mami at dadi habang nanonood lang kaming iba. nag-wine naman sila. minor pa lang ako kaya bawal. duh. bago mag-12, bukasan na ng regalo. konti lang ang regalo ko. marami pang hahabol. wala pa akong nakuhang regalo sa kris kringle at bibigyan pa yata ako nina lea at angelica. galing kay jc, isang heart springy note clip. goat's milk soap naman galing kina patrick at walter. galing kay kakai [nabunot ko sa cherubs], tatlong face towels. galing kay christian, isang thermomug. planner naman galing kay ate kitel at mga chocolates galing kay timmy na sobrang thankful ako kasi hindi nilanggam sa ilalim ng xmas tree. binigyan rin kaming apat nina mami at dadi ng tig-8 gb na flash drive. :D binigay ko naman ang 3 packages ko [refer to "trip to palawan street"] kina ate kitel, ate oan at liz. hehe. tapos, dire-diretso nang greet sa ym at multiply ng merry xmas hanggang mga 1:00 bago nakatulog.

bakasyon sa batangas
december 25-28
wow. bakasyon. hehe. bago nga pala dumiretso sa batangas, dumaan kami kina tita chona. may regalo cya sa amng magkakapatid. nakakuha ako ng belt. pero dahil masyadong malaki para sa akin, nag-exchange na lang kami ni ate kitel. bag na ung nakuha ko.

dec 25. kahit late na kaming nakaalis dito sa bahay at nakarating sa batangas, nag-breakfast pa rin kami. hehe. halos lunch na nun. basta. nag-family feud muna. girls vs. boys. sobrang nakakatawa. nung nagpabigay pa ng examples ng pinoy parlor games, sabi ni wendell, tinikling. wahaha. basta panalo ang girls. may P20 each kaming nawala ni liz at chocolate. tapos may game pang parang right left forward stuff at hephep hooray. hehe. tapos, kainan. tapos, hagisan ng bola. ang cute nina wendell at nikka! hehe. may skandalo naman si wendell. hehe. basta. nasa album. nung wala na talaga kaming magawa, nag-basketball lang. grabe talaga. pigilang magshoot. huwag papasukin ang bola sa ring! paano? edi i-block talaga ng kamay ang ring. hehe. tapos, meron pang jeep ni wendell. ansaya-saya talaga. matapos ang pakikipaglaro sa mga pamangkin, ravenhearst naman. tapos, bingo na. mahirap magmarka ng bingo card na walang flaps na nafofold. grabe. wahaha. hindi ako nanalo. tapos, family feud ulit. pero talo na ang girls team. aww. ayun. may P20 sila. tapos, blindfolded drawing na. sina liz at wendell lang ang contestants. nakakabaliw ung drawing ni wendell. hiwa-hiwalay ung body parts. tapos inangkin pa niya ung drawing ni liz. XD tapos, concert ulit kami. carol of the bells naman. tapos, exchange gift na. si joenards ang nakabunot sa akin at nabunot ko si ate ghee. binigyan ako ng jewelry set [earrings, necklace, ring], post-it notebook, maliit na bag, at malaking tshirt. pantalon naman yata ung niregalo ko kay ate ghee. matapos ang exchange gift, bigayan na ng pera sa lahat ng apo [sa aming magpipinsan] at bingo ulit. hindi pa rin ako nanalo. sayang. sobrang close fight. hahaha. nung gabi, nanood na lang ng laban ni pacquiao ang iba. umuwi na sina tita norms. nagravenhearst lang kami. ang aga ng gabi sa batangas. hindi ako sa kama natulog. aww. sa sofa lang. hehe. paiba-iba pa ako ng sleeping posture. pero ok na un kaysa sa banig lang. :P

dec 26-27. late akong nagising kahit maagang nakatulog. hehe. basta pumunta kami sa calingatan nung gabi at kinantahan ulit namin ang mga kamag-anak dun. palaging may basketball at ravenhearst ["hanapan"] at pagbabasa ni ate kitel ng breaking dawn sa laptop. cyempre may paglalaro [ung tracks ni wendell, growee balls, at lutu-lutuan ni nikka. meron ding sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, pakembut-kembot pa, saka bilug-bilug-bilugan, assignment, assignment, suntukan. ayun si palaka. walang kaawa-awa. abukaka, abukaka, siyang palaka!], franks, yakult, icecream, maraming pagkain, pangungutang, at panlilibre. haaay.

dec 28. nag-agahan tapos nagsimba kami nung umaga. nung paalis na kami, tinanong ni tita mel kina wendell at nikka kung sino sa aming magkakapatid ang pinakamaganda. sabi ni wendell, si liz. sabi naman ni nikka, AKO. ohohoho. dapat kasi nanlilibre para gumaganda. :P

bday ni ate kitel december 30
hehe. nung 12 na, nanonood pa rin kami nina ate kitel at ate oan ng prisonbreak season 3...last episode. hehehe. may tumawag pa sa nagsimba sina ate kitel, mami at dadi nung umaga. habang nasa simbahan sila, nag-photoshop kami ni ate oan ng para sa regalo namin sa kanya. diwatang kumakanta...pero yung nasa bote. hehe. nung dumating na si ate kitel, patakas-takas na lang kami sa paggawa. maraming spoilers. grr. pagkatapos mag-agahan, pumunta kami sa la mesa ecopark...9:00. nakita namin sina tita rose. hehe. walang kaplano-plano. poof! mags-swimming kami! poof! meet w/ mga pinsan, tito at tita. :P sumakay sa egypt ejeep, pumunta sa swimming pool. nakakainis kasi nakalimutan ung bathing suit ko. buti na lang may dalang extra si liz na kasya pa sa akin. XD ayun. swimming hanggang tanghali. ansaya! nag-monkey in the middle kami dala ang smiley ball. may racing din ng swimming at ipinakita ni ate oan ang mga natutunan niya sa mbs [marine biological society]. tapos nagbanlaw at kumain. ansarap talaga kumain kapag gutom! nagkita na rin kami at sina tita rose, tito nards, kuya dj at joenards. :p tapos, naglibot. hehe. mga 2 na yata kami natapos at sumakay ulit sa ejeep tapos umuwi na. dumaan muna nga pala si mami sa ever at bumili cya ng pizza bar sa greenwich at burgers sa jollibee. kinain namin sa bahay. sobrang hating-kapatid. tig-1/6 pizza bar at 1/2 burger each. :P tapos, un nga. patakas-takas lang sa paggawa ng diwatang nasa loob ng bote. hehehe. tawa lang kami nang tawa ni ate oan habang gumagawa at nung nabigay na :P

last day of 2008 december 31
bawal tv. bawal computer...hangga't hindi nakakapag-ayos ng gamit. kailangan nang maghanda para sa pasukan. tinapos ko na ang einstein ko. nag-ayos ng mga damit sa kwarto, at ngayon, naghahabol ang blog ko. ayokong paabutin 'to ng new year. ayun. kaso nga lang sobrang tagal bago matapos. nakakainis ung internet kasi paputol-putol. ambagal pa nitong computer...naghahang. grr. sayang ung tinype ko kanina. ><

happy new year! january 1, 2009
andami pa ring nagpapaputok. tumigil na ang ulan. nakakagulat. wahaha. wala man lang kaming kahit isang paputok. pero sobrang dami pa ring paputok. mausok sa labas. torotot torotot! wheee! 2009 na! happy new year!

masarap mag-media noche. kaso nga lang hindi kasama sina liz at arjay. si liz, tinamad nang gumising. si arjay, baka hindi na matulog kung gigisingin. ayun. masarap ang hot chocolate. masarap ang toasted pandesal na may keso de bola. masarap ang finn crisps na may keso de bola. masarap ang siomai na tumulong ako sa paggawa. masarap ang homemade ube. basta masarap. masarap kumain. kahit tahimik lang ang pagsalubong namin ng new year dito sa bahay, masarap, este, masaya pa rin ang bagong taon!

piyesta sa mataasnakahoy january 2-4
jan. 2. ang aga kong nagising. 3:00 am. pero natulog ulit ako at nagising ulit ng 4:00. naghanda na ako ng gamit para sa pagpunta namin sa batangas. tapos, nag-internet [tiningnan ang dlsu results] at nagblog hanggang sa umalis na kami...mga 6 am. ayun. back to batangas kami. nung araw na un, sobrang wala kaming magawa. prime suspects na lang sa laptop ni ate kitel at crossword puzzle at sudoku ni liz. narinig lang din namin ang pagkatay sa baboy at kambing na lulutuin para sa piyesta. nung gabi, pumunta kami nina ate kaye, kuya andy, kuya jolo, joem, nikka, ate oan, at liz sa perya. puro sugal lang nga. mga hagisan ng piso. walang pellet gun. :c tapos, later later, pumunta naman kaming apat sa kabila [sa bahay nina lola auring at lolo maning. tawagin nating MENDOZA HOUSE]. dun kami nanood ng tv kasama sina tita chona at natulog.

jan 3. piyesta na! mga 7:00 pa lang, may mga banda nang nagmamartsa. buong araw kaming kumain ng super sarap na pagkain at nanood ng parada. masayang manood ng parada sa terrace. pero naalala ko...nung mga huling part na ng parada, may nag-kwitis...pero hindi lumipad. naglanding sa kalsada. grabe. takbuhan ung mga tao. tsk tsk tsk. mapanganib. nung pumunta kami kina tita bessie, kainan din ang inabutan namin. halos pare-pareho lang ung mga handa. iba-ibang venues lang. pagbalik namin sa MATANGUIHAN HOUSE [kina lola charing], may banda palang nag-stay dun. hehe. ang special. basta. masaya. nung gabi naman, pumunta kami sa harap ng city hall kasi may program dun. may banda saka may mga artista at komedyante. nung na-bore na kami, pumunta na kami sa mendoza house. maya-maya lang, sobrang dami nang fireworks. ang ganda. lalo na kapag sabay-sabay. tapos, nanood ng tv at natulog na.

jan 4. 5:30 kami ginising ni dadi. bumalik kami sa matanguihan house at nag-ayos ng gamit at kumain at nanood ng tv [contest ng tricks sa billiards. cool.] at umalis na. hinatid namin sina tita chona at pumunta sa condo bago umuwi...yay. home sweet home.

pasukan na [ni liz] bukas. hehe. loser. sa wednesday pa ang pasukan ng pisay. gagawa pa ako ng palanca para sa retreat. sino'ng gustong magpagawa? :P


12:35 AM