image
kesi's blog
image image image image
Sunday, April 30, 2006

...


ang init talaga! buti pa sa tagaytay, malamig pa rin kahit summer...

inoperahan ung lolo ko kahapon...napaaga nga kasi dapat bukas pa...pero, baka raw mag-rupture na ung blister sa artery...aneurysm yata un... ngaun, ok na cya...nag-rerecover na lang...

9:26 PM

Friday, April 28, 2006

camping sa cherubs...[apr.25-27]


grabe... ansaya talaga ng camp sa cherubs!!! di tulad sa bahay kung saan wala talaga akong magawa...

~~~~~
tuesday...
maaga ako gumising para maghanda...si ate kitel naman, madaling araw lang nagsimulang mag-inpake...kumain nang maaga tapos pumunta na sa abelardo hall...

pagdating dun, naghintay muna...nagbigay na ng aquamarine ribbons para ilagay sa bagahe...sinabi na rin ung buddy system...buddy ko si raiza...

nung marami nang dumarating, pumunta muna kami ni liz sa cr...pagbalik namin, sinasabi na ung para bang class number... ako--24... tapos nag-assign ng groups...isa para sa game, isa para sa presentation...
game grp. 6--ate mela, noreen, raiza, ako
big grp. 3--kuya carl, ate bo, elayne, ako, beebop, patricia, josh, paulo, at gab

pagkatapos ng pag-aasign, nag-baggage chain[pasapasahan ng bags...] at pumasok na sa bus...

sa bus, sinabi sa aming magkakaroon kami ng "newlyweds game"... dapat magusap-usap ang game grp. tungkol sa mga members nito dahil may mga itatanong...un...nag-usap-usap lang kami...whole name, fave food, cartoon character, movie, section, at kung-anu-ano pa...

pagdating namin sa mariapolis, tagaytay, nag-baggage chain ulit...tapos, kumain ng snacks, at nag-orientation. dun sa orientation, cnabi ung room assignments saka mga special rules para sa big grp... sa grp. namin, isususot ang tshirt inside-out tuwing may activities. sa ibang grps. naman, tatawagin ang buddies sa kanilang middle name, dadalhin ang toothbrush na may toothpaste tuwing kakain, or isusuot ang tsinelas nang pabaliktad sa loob ng dorm...haaaayy naku...si ate kitel talaga...kung-anu-ano ang pinagsususulat na rules...

pagkatapos ng orientation, dinala ang bags sa mga rooms... dun ako sa room 5 sa dorm...kasama ko dun sina liz, raiza, noreen, ate cla, ate mela, ria, alaya, at patricia...9 lang kami sa room pero pang 12 talaga un...free time hanggang lunch...ansaya, makakapagpahinga na...

pagkatapos mag-lunch, nag-"newlyweds game" kami...ansaya nga kasi ung mga pinag-usapan talaga ng grp namin ung mga tinanong... sa huli, grupo na lang namin at ung grupo nina kuya carl ung natira...pero nanalo cla...

sunod dun ay ung art attack by big grps...naglabasan lahat ng mga damit, pagkain, at mga pinakatagu-tagong mga gamit...una muna, nasa kainan kami...mga 15 mins. na lang ung natira bago kami lumipat sa garden...ung sa amin, si gab ung tao...pinapakita niya ang mga traits ng cherubs sa pamamagitan ng konting galaw...

pagkatapos nun, nagsulat kami ng short stories tungkol sa karanasan namin sa cherubs...tapos, nag-merienda, at nagsulat ulit...cnulat ko ung tungkol sa first recording ko kasama ang cherubs...nang tapos na lahat, nag-share ung iba...may tungkol sa mindblock [ate kitel], kung paano binago ng cherubs ang buhay [ate bo], at iba pang karanasan...

tapos, naglaro kami ng marco polo...iba-ibang klase ng "pagtakbo"...may naka-squat, may duck walk, may nakaluhod...sa hanapan naman, madaling nakilala si gab dhil cya lang ang kalbo sa amin...nakilala naman ni gab si kuya carl sa paghawak lang ng legs...wow! sunod, pinag-blindfold lahat tapos pinahulaan kung sino ung katapat...nakakainis nga kasi si liz ung nagi kong katapat...napaka-obvious tuloy...

tapos nun, nag-dinner na...pagkatapos naman kumain, nag-discuss kami tungkol sa mga activities ng araw na yun...

pagkatapos ng discussion, nag-meet ang big grps...kami lang ni elayne ang pinakamatatanda sa grup kasi kami lang ang high skul...di kasi kasama ung mga 06 eh...may sarili silang presentation...

naisip namin..."ano kaya? american idol o kaya csi..." "hindi ko alam un! iba na lang!" "basta..." haaaayyy naku...ang hirap talaga pag walang mas matandang kasama sa grupo...pero sa huli, napag-desisyunan na lang namin ang american idol at naghiwa-hiwalay na...

ung mga lalaki, pumunta na sa rooms nila...kami namang mga babae sa grupo [elayne, beebop, pat, ako], nagsamahan na lang sa dorm...nung dumami na ung mga nandun, saka kami natulog...

~~~~~
wednesday...
ako ang pinakaunang bumangon sa amin...pagka-hilamos, humiga ulit sa kama para maghintay sa pagpapainit ng tubig na panligo...

pagkaligo, nag-exercise kami...sa una, matino...pero, sa "pagtatanim ng palay", nagkagulo-gulo na...ang hirap kasi e...pero masaya...

pagka-exercise, naglaro kami ng agawan base...boys vs. girls. nakakatawa nga kasi nag-kuryente kami tapos naabot na namin ung base ng boys...naglaro rin ng habulan...

nung breakfast, habang kumakain, dumating ung mga koreano na humahabol sa mga gumugulong-gulong na melon... :D

pagkatapos kumain, pumunta kami sa workshop ng focolares [cla ung may-ari ng mariapolis]...ang mga gumagawa dun, galing pa sa iba't-ibang bansa...may mga gumagawa ng bags, stationeries, bookmarks, cards, paintings, at iba pa... ang gagaling talaga nila!

pumunta naman kami sa lugar na mahangin at gumawa ng bracelets...isa para sa sarili, isa para sa aking buddy [raiza], at isa para sa gusto ko pang makilala nang husto [isabel]...tig-aapat na lalagyan sa bawat table [kasama ko sa table sina ate mela, kuya carl, raiza, noreen, at nelson...]...halos magkakapareho nga ung mga ginagawa namin e...enjoy na enjoy talaga ako pero ung iba nainis na kasi laging nahuhulog lahat ng beads nila...ako, kahit isang beses, hindi ako nahulugan ng beads...

pagkatapos gumawa ng bracelets, pinasuot kami ng white shirt at nag-discuss tungkol sa grooming...

nag-merienda kami tapos nag-songs as poetry...parang i-rerecite ung lyrics w/feelings tapos lalagyan ng actions... ung sa grp namin, umaga na...nagplano muna kami sa harap ng dorm...cnulat ung lyrics at ang plano ng actions...

umaga na

sa pagsapit ng umaga-->pat(sun) center
sa paglipas ng gabi-->kuya carl push sun out of stage
ay tuluyan nang sisikat
ang araw mong minimithi

dadalawin ka ng ilaw-->sun hellos gab
aakitin ng dilim-->josh(dilim) akits gab
iiwanan ang pag-ibig-->everybody heart break movement
paalam na takipsilim

sa iyong paghimbing
ikaw ay gumisi---i---ing-->gab gising

umaga na sa buhay mo
ang oras ay tumatakbo-->paulo running clock movement
pag-asa ay naghihintay sa iyo-->kuya carl impatient

umaga na batiin mo
ang araw ng pagmulat mo-->gab hellos sun
liwanag ay tumatawag sa iyo

*sulat ni kuya carl*
GAB IS THE MAN!
GAB IS THE STAR!


un lang...
una, bunutan muna kung sino ang mauunang mag-present gamit ang barya ni tito abby...nung presenttion namin, tuwang-tuwa ung mga judges sa tumatakbong orasan...hehehe... meron nga ring nag-present ng bright child, quiet solitude, at sa umaga/pipit

pagkatapos nun, meeting na ng groups para sa presentation sa gabi...sa una, lahat tinatamad...lalo na si gab na gusto munang mag-badminton. kaso nga lang, hindi cya nakapaglar kasi nagpa-practice na ung kalaro niya... nag-break muna kami tapos nag-practice paulit-ulit... nagsawa na nga kami sa kaka-practice at naisip namin na magpahinga muna...

naghiwa-hiwalay ulit kami tulad nung 1st night...nagkanya-kanyang pahinga na rin kami hanggang dinner...ako, dun lang sa kwarto, nagbasa ng libro at nag-ayos ng gamit...tapos, naisipan kong lumabas muna. pagkalabas ko, nakita ko si noreen at si pat kasama cna ate cissy, ate mariel, at ate tara na gumagawa ng bracelets sa room 3. sumama ako sa kanila pero nagkulang ang oras kaya singsing lang ang nagawa ko...magdi-dinner na kasi e...

nung dinner, magkakasama kaming magkakagrupo sa isang table...pinag-usapan namin ung presentation namin...ung iba, inalis na kasi raw, napaka-boring...kaya kailangan na namang mag-isip ng bagong ipapalit...

pagkatapos mag-dinner, nagpractice ulit kami...kasama na ung changes...

program na!!!
una muna, salita salita...tapos, nagbunutan ulit kami gamit ang mga P1 coin ni tito abby at ni kuya johnmar tapos, presentation na!!!! pangatlo kaming nagpresent.

ang presentation...

*girl watching american ibol*
american ibol!!! our 1st contestant, kellis clarkston!!!
kellis [ako]: break--a--way...
simon: i hate it...you suck!

our 2nd contestant, william hang
william [paolo]: she bangs, she bangs, lalalalalalalala...
simon: i loved it!

*dumating ung kapatid nung girl*
*agawan ng remote, nilipat sa quizon ave.*

host: good evening sa inyong lahat, blah blah blah, name that tone!!!
contestant 1! joshua fajardo!
contestant 2! he's the star! he's the man! and what's more, he's bald!
contestant 1: bkit ako walang intro?
host: sige na nga. he's tall! he's thin! and what's more, he's black!
start na tayo...blahblahblah
*buzzer sound*
contestant 1: i can name thate tone in 3 notes
*3 notes from piano*
*sumagot clang dalawa.* grasshoppers three!!!
*nauna si c.#1 ng millisecs...*
host: cge nga riya cayugyug...tugtugin mo nga...kitchee nadull, sing that tone
*tugog, kanta...*
host: tama kayong dalawa pero nauna si josh! ang panalo ay si...*drum roll* gab!
josh[c.#1]:bkit cya panalo??? dapat ako!!!
host: kasi naman, he's the star, he's the man, and what's more, he's bald...

[commercial]
the new guyl talk
*3 guys at center*
how do you say i have kuto??? *scratch head w/ left hand*
how do you say i have dandruff??? *scratch head w/ both hands*

*agawan ulit ng remote...lipat sa american ibol*
and the american ibol is...william hang!!!
william: she bangs, she bangs...

un lang...tapos, ung presentation ng ibang grps, csi[chinuha si iryl], super kima part 2, at cinderellang-kampanerang-kubang-b**ba...nakakatawa talaga lahat...

pagkatapos, awarding...ansaya talaga kasi di ko akalaing kami ung mananalo sa presentation naming american ibol!!!

presentation na ng 06!!! ang 1st part ng pinresent nila, mga spoof ng presentations namin...ung 2nd part naman, para bang, dramedy...drama na may halong comedy...hehehehe...

pagkatapos ng presentation nila, nag-bigayan na ng regalo...
ung mga gr. 10, nagbigay sa amin ng maliit na dream catcher...tumulong nga kami ni ate joanne sa paggawa nun kaya alam na namin na un ung ibibigay sa amin e...kami namang binigyan nila ng dream catcher [nag-lead ung mga gr.9], nagbigay sa kanila ng plants at mga gardening tools...binigyan rin sila ng papel na may dedication naming lahat...bilang pasasalamat namin sa kanila...

tapos, iyakan na at yakapan...napaiyak nga ako at sinabi sa akin ni ate cla: "ba't ka pa umiiyak? magkasama naman kayo lagi sa bahay ha..." weeehhh...

nung paalis na kami ni raiza sa kainan, sabi niya, "answerte mo ces. kapatid mo si ate kitel"... wow...na-touch ako... :'(

pumunta na kami sa dorm...tinulugan ko na lang ang iyak...

~~~~~
thursday...
ako ang pinakaunang nakatulog nung gabi kaya cyempre, ako ang pinakaunang nagising...mga 6:00 pa lang nun...

ung mga room mates ko, mga 7:00 na nagising...saka lang ako nag-impake...aalis na kasi kami e...

nag-agahan kami tapos tinuloy ang pag-iimpake. nung paalis na kami, kinantahan namin ung mga miyembro ng focolares at binigyan rin namin sila ng bracelets. binigyan rin namin cla ng dedication paper...

pumunta kami sa tagaytay dasha para mag-swimming at mag-badminton...ang ganda ng swimming pool doon...may jacuzzi pa [kahit di 'ko nasubukan]...ung iba, nagswimming. ung iba naman, naglaro na lang ng cards o kaya'y nag-badminton. nagswimming lang ako...tapos, nakisali sa kwentuhan ng ibang cherubs. nung dumating si kuya johnmar, nag-hanapan kami ng piso. ansaya talaga!!!

nung 11:30 na, umalis na kami doon. magta-tanghalian na kami sa d original bulalo...nung papunta na kami dun, humiwalay na sina kuya gabby, ate kitel, at ate cla para mauna nang pumunta sa up kasi aattend pa sila ng meeting ng mga oblation scholars...

kumain na kami dun sa bulaluhan...ansarap talaga ng pagkaing matagal-tagal na ring hindi natitikman!!!

pauwi sa qc, nag-stop over muna kami...bumili ng pagkain, at dumiretso na pauwi...

pagdumating kami sa abelardo hall ng 3:00, nag-baggage chain ulit kami at naghiwa-hiwalay na...kami na lang nina alaya, ate bo, kuya carl, liz, at ate joanne ang natira...nainip na kaming magkakapatid...wala man lang kaming cell para i-text si dadi. bigla naming napansin na nilalanggam na pala ung tarts ni alaya kaya nagtulungan naman kaming alisin sila...pagkatapos nun, nag-cards na lang kami....pagkatapos, naisipan naming tumawag na lang sa payphone...umalis si ate joanne. pagbalik niya, sumabit ung legs nia sa plate no. ng motorsiklo...nasugatan siya...waaaahhh...kadiri...

nung umalis na silang lahat at kami na lang nina liz at ate joanne ang natira, napansin naming andaming nakaiwan ng gamit nila...namomroblema na kami kung paano na ibabalik...

5:00 na...saka lang dumating si dadi...pupunta raw kami sa reception nina ate kitel...

sa reception sa nismed[actually, wala kaming naabutan kundi kainan], kumain lang kami tapos, umalis na...

nag-commute lang kaming magkakapatid papunta sa bahay dahil may pupuntahan pa sina mami, dadi, at tita lu [kasama cya sa reception]...

pagdating sa bahay ay nag-relax na lang kami at nanood ng tv...

balik na naman sa "walang magawa" mode...

3:28 PM

Monday, April 24, 2006

pizza!!!


gumawa kami [ate kitel, ate oan, ako, at liz] kanina ng pizza... para bang, nagpaggandahan ng design... ang toppings: onions, hotdogs, mushrooms, cheese, green bell peppers, at talong & kalabasa ba naman?! si ate kitel kasi e...

at...ito na ang kinalabasan...

ate kitel's flower pizza w/talong...

sayang nga lang kasi nag-slide ung toppings nung niluto na...

ate oan's ring pizza...


mushroom & hotdog pizza ni liz...


at, last but NEVER the least...ang aking electric fan pizza...

pinakamaganda at pinakamasarap ung akin... :D

2:43 PM

Monday, April 17, 2006

holy week [days...] sa batangas


day 1--maundy thursday

tanghaling tapat kami pumunta sa batangas. grabe, sobrang init talaga nun. dumating kami dun ng mga 4:45 pm... sobrang init kaya sarap na sarap talaga akong kumain ng icecream...
pagdating sa bahay, nagpaka-busy sa paglalaro ng rubik's cube at nanood nang nanood ng tv. nung hapon, nagpagupit ako ng buhok...bumalik na naman sa dati ang buhok ko... [maigsi na naman...]
nang gabi na, dun kami natulog sa kwarto ng mga pinsan ko. pero, bago matulog, nanood muna kami ng tv... [movie: if only]

day 2--good friday

late na akong nagising...tinapay lang tuloy ang agahan ko...pagkatapos kumain, nanood na naman ng tv, bumili ng snacks, nanood na naman ng tv, at sumubok ulit na mag-solve ng rubik's cube. natulog ako nang tanghali na...pagkagising, nagsimba kami ng pamilya ko. pagkauwi, nanood ng tv tapos sumilip sa prusisyon. ung kapatid kong sumama sa prusisyon [si liz], dumiretso sa bahay nina tita bessie. kami namang nasa bahay, kumain na ng hapunan tapos sinundo si liz...pagdating sa bahay, nanood na naman kami ng tv... [movie: the passion of Christ] grabe, nakakaiyak...hindi ko na nga kayang makita ung crucifixion kaya nakinig na lang ako nang nakapikit hanggang makatulog.

day 3--black saturday

late ulit akong nagising...nagmadali akong kumain ng tinapay[almusal na naman] kasi magsi-swimming kami sa el madero... pagdating namin dun, kahit maaga pa, andami na ng mga nagsi-swimming!!! kaya naman sinamantala na namin ung oras bago dumami pa ung mga nandun... ang saya talaga... may nambabasa ng watergun, may habulan sa tubig, swimming contests, at kung anu-ano pa...nakakainis nga lang kasi nung hapon na, andumi na ng tubig sa pool. nakakawalang-gana na tuloy ang pagsi-swimming...
nung hapon naman, aalis na sina ate kaye[pinsan ko], kuya dj[asawa ni ate kaye] at nica[yung anak nina ate kaye at kuya dj]. ang cute talaga ni nica...kiniss niya ako...first tym talaga...

day 4--easter sunday

maaga dapat gumising kasi uuwi na kami sa qc at may pupuntahan si ate kitel...hinatid namin ung iba pa naming mga pinsan sa makati tapos pumunta sa bahay nina tita norms at tito joel sa palawan[ung street sa pag-asa, hindi ung...probinsya]...galing dun, pumunta kami sa bahay nina mam poli[teacher ni ate kitel] para kunin ung edited speech...tapos, umuwi na kami sa bahay namin...

o, wala na pala 'to sa batangas...ibang usapan na...

*************

ah...oo nga pala... happy graduation sa batch 06 ng upis!!! congrats sa inyo.... :)
at, ok na ba ang blog ko??? comment naman sa bagong blog skin...

10:07 AM

Tuesday, April 11, 2006

narda...the animation


panoorin nio, narda the animation...

http://joanne3927.multiply.com/video/item/2/narda_lipad.swf

wag mag-comment dyan ha...baka magalit ate ko... [account kasi yan ng ate ko e...]


>>> note: kung hindi nio kilala si kesi, ako po yun... :D

8:57 AM

Thursday, April 06, 2006

kung anu-ano


post 'to para kahapon...;)

I.
card giving kahapon...
grabe, sayang talaga
dl na sana ako e...kaso nga lang average ko >>> 1.536
sayang talaga

II.
nag-swimming ako nung umaga...
ang sarap talaga mag-swimming kapag mainit ang panahon no?!
pero may nangyari...nakakahiya talaga...
nung mga 2:00 pm, magsu-swimming sana ako
naka-swimming outfit na ako tapos nakita ako ng dad ko
akala ko kasi puwede na talaga...may narinig na kasi akong parang splash sa pool...
akala ko si liz, ung younger sis ko...
nakakahiya talaga...
x_____x

III.
nakakatawa talaga ung bagong commercial ni angel locsin...ung sa head and shoulders...sa huling part..."get the power"...ang ewan ng boses niya
hahahahahaha!!!

10:28 AM