image
kesi's blog
image image image image
Friday, December 28, 2007

"initial blog"


yaaaayy!!! nagbalik na ang asus laptop! nagbalik na rin ang aking initial blog. hehehe. :)

11:26 am, dec. 24

"maaga ang pasko"

pasko na kahapon sa bahay. hehehe. nagbukasan na agad kami ng mga regalo. ansaya nga eh. andami kong natanggap. sa lahat ng nagregalo sa akin, maraming maraming salamat! haaayyy...sa aming lahat, ako yata ang may pinakamaraming natanggap na regalong inilagay na sa ilalim ng xmas tree. wheee...cyempre naman kasi may kris kringle pa. hehe. tatlo agad un galing kay jeffrey. ung something useful, grabe! unexpected! "ang paboritong libro ni hudas" by bob ong. wow. di pa un ung final gift [P100 cash ang final gift...hehehe]. may price tag pa nga mula sa national bookstore. P180. waaahh. feeling ko tuloy sobrang tinipid ko ang regalo ni koko. ung something rat naman, nasilip ko na dati sa pisay. isang rat armadillo [ayon kay ate kitel] na keychain. tapos, ang something brown, ang akala kong isang basket, isa palang bag. grabe! ginastusan talaga ako 'no? pero sabi naman ni ate joanne, baka gusto lang niyang bumawi. late kasi cya nagbigay ng regalo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

3:21 pm, dec. 25

"maaga ang pasko [cont'd]"

...si angelica naman, nagbigay ng stationery at hello kitty stuffed toy. si walter, nagbigay din ng hello kitty pero sprayer naman. ang regalo ni lea na halos agawin na ng bata sa philcoa, isang stuffed toy at sulat ang laman. haaay...napaka touching :) binuksan ko ulit ang regalo ng officemates ni mommy: isang pencil case, magic pencil at mini notebook. ung nakuha ko naman sa cherubs, ung bigay ni paolo ay isang cd case. nilagay ko rin nga pala ang bracelet na bigay ni celina at ang cellphone chain na bigay ni timmy sa ilalim ng xmas tree at "binuksan" ko na rin :P naroon din sa ilalim ng xmas tree ang regalo ni liz sa akin: isang coin purse na may lamang mga hair clips :D matapos ang bukasan ng mga regalo, napag-alaman naming magkakapatid ang isa pang regalo nina mommy at daddy sa amin: isang jollibee game box. yaaay! [hehe. isip bata. pasensya na] masaya naman cyang laruin. cute. pero ung iba, boring. hehe. pero salamat pa rin po!

"kahapon [dec. 24]"

nagsimbang gabi kami nina mami at liz for the last time. so ito ang aking 5th out of 9 simbang gabi [-1 dahil di ako ginising ni liz, -1 dahil tinamad ako, -1 dahil may cherubs xmas party, at -1 dahil di ako ginising ni mami nung natulog kami sa condo]. pag-uwi sa bahay, nag-ayos na ako ng gamit para sa pagpunta namin dito sa batangas. 7 na kami nakaalis sa bahay. 9:45 naman yata nkarating dito sa batangas. grabe. ang haba ng biyahe. masarap ngang matulog kaso nga lang gigising ka nang may stiff neck. gah. so, pagdating nga dito [sa bahay nina lola charing...naka-lock kasi ang kwarto namin kina lola auring] nag-agahan na kami [fiesta ham and cheese sandwiches]. naglaro na rin sina wendell at liz ng game box. tapos, nanood kami nina ate kitel, liz, at ate joanne ng nodame cantabile [?]. hehe. the best! naglunch, at nanood ulit. tinapos na agad namin. sayang nga lang kasi nakakabitin. may nodame cantabile 2 pa kasi eh. waaaahh. pano na mapapanood ang school rumble ni gakki? sa summer vacation na lang ba? noooo... nung gabi na, nag-dinner at nanood na lang ng tv. nagbasa rin ako ng ang paboritong libro ni hudas. nakatulog na nga si ate kitel sa sala habang nanonood kami ni ate joanne ng home alone :D napakaaga nga talaga ng gabi dito sa batangas. wala pa ngang marimar [early 9:00s...hehehe], pinatulog na agad kami ni mommy.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

4:02 pm, dec. 25

"maligayang pasko! [dec. 25]"

pasko na nga. pero hindi ko talaga cya ganun ka-feel. wala kasing noche buena since napakaaga nga ng aming mga celebrations. walang gising nung 12 am para magsimba o kaya mag-noche buena man lang. awww... pagkagising ko, naligo na ako para maghanda sa pagpunta namin sa 8:00 mass. late na nga akong nagising kahit ang aga naming natulog. pagkaligo, nag-tacos na ako at hinintay ko na lang sina ate kitel. napaka-crowded ng simbahan. iisang misa lang yata ung 8:00 mass na un kaya dun lang kami nina dadi, ate kitel, rj, tita aida, at wendell sa gilid ng simbahan. mahirap na ngang magkasakit kasi umambon na sa labas nun. maya-maya, dumating na rin sina liz at ate joanne. pagkatapos ng misa, lumakas na nga ang ulan. sumilong na lang kami ni ate joanne sa ilalim ng kanyang pisay jacket papunta sa bahay. pagdating dito, nag-agahan ulit. kumain kami ng spaghetti w/ olives. simula noon, kunganu-ano na ang nangyari. naglaro kami nina liz, joenards, ate kitel at ate joanne ng prime suspects, naglunch ng pagkarami-rami, naglaro ng game box, kumain ng bertie bott's beans [wooh! grabe talaga! kuhang-kuha ang lasa! :P cool! sa ngaun, ito pa lang ang natitikman ko: black pepper, booger [?], buttered popcorn, cherry, earthworm, grape jelly, earwax [?], grass, lemon drop, pickle [har har har.], soap [fabric conditioner?!], at vomit [gah. ambaho! x|]], naging dj, at heto, nagpopost ulit sa aking "initial blog". wala naman kasing internet dito sa batangas. nakakatamad namang pumunta pa sa internet cafe. sa bagay, paskong-pasko. baka hindi bukas ang internet cafe. nagpapaka-productive pa rin naman ako. multitasking. nagbabasa ng mog at nagn-notes habang nagb-blog. baka maya-maya magrereview na rin ako para sa health perio 8| hay naku. paskong-pasko, wala akong madama. malamig nga ang simoy ng hangin pero lagi namang ganyan dito sa batangas. haaaayyy...para bang ang ibig sabihin ng pasko, malapit na naman ang pasukan. matatapos na ang xmas vacation. nooooooo!!!

10:55 AM

Thursday, December 27, 2007

"initial blog" [cont'd]


ha?! bakit continued agad? wala pa namang "initial blog" na post ha?

pasensya na. nakalimutan kong ipalagay sa flash drive ni ate joanne kahapon mula sa asus laptop. waaaahhh...wrong timing naman kasi. ipapaayos ung burner ng laptop. dun pa naman ako nagb-blog for the past few days w/o internet. waaaaahhh. eniweiz, abangan na lang ang "initial blog" in the future -____________-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

7:26 am, dec 27

bumaba na ako mula sa kwarto matapos gawin ang aking "blog post" nung dec. 25 at buksan ang regalong small bag mula kay tita chona. nagmerienda habang sumisilip-silip sa bagong youngest ng mother's side: ang baby nina ate aileen at kuya rio. awww...pinanganak nung dec. 23. ka-bday ni angelica! :D so, hintay-hintay lang. kain-kain. gain ng 20 pounds :p tapos, start na ng aming exchange gift. blah blah blah. as usual, idedescribe ng nakabunot ang kanyang baby. ang ilalagay ko lang dito ay ang memorables. description ni tito egad kay ate joanne: mabait, matalino, tahimik [weh.]; description ni kuya oli sa akin: MATANGKAD [yippee! flattered!], isa sa anim na magkakapatid [ha? anak sa labas? :P ]; description ni ate ghee kay ate kitel: siya na lang ang hindi nakakatanggap ng regalo sa kanilang magkakapatid...; at description ni ate kitel kay ate ghee: isang letter lang ang pangalan [acronym...........], nag-exchange gifts lang silang dalawa. hehehehe. matagal ang program. may kunganu-anong games. pero hindi masyadong energetic ang mga tao. late na kasing nagsimula ang party. gabi ni ring natapos. may bring me, longest breath, meron ding pataasan ng value na lalabas sa dice... at dito ako sumali. kalaban sina joem, kuya jolo, joenards, at liz, hagis ng dice! 6 ang nakuha ni joenards. 6 din ang nakuha ko. tie breaker! 4 ang nakuha ko, 4 din ang nakuha ni joenards. tie tie breaker! 6 ang nakuha ni joenards, 4 lang ang nakuha ko. awwww... pero meron ding pababaan ng makukuhang value. si joenards, kahit ilang bato, high values ang lagi niyang nakukuha. hehehehe. habang may mga kunganu-anong gawain, binuksan na naming magkakapatid ang mga regalo namin. ang natanggap ko mula kay kuya oli, isang set ng tshirt at jogging pants. naku! pinapa-exercise pa ako. lalo akong papayat. :p tapos, bigayan na ng pera sa mga apo. namigay ulit ng tig-P100 si lola sa maraming marami niyang apo. hehehe. cyempre, di mawawala ang "concert" ng mendoza sisters. hehehe. kaso nga lang, si liz, may s. naku! nag-walkout ba naman nung sinabi namin nina ate joanne at ate kitel na silent night na lang muna imbis na dalangin sa pasko. grabe. ambabaw. so, kaming tatlo lang ang kumanta. tapos, kainan ulit. dinner naman. pero busog na ako. di na ako nagdinner. nanood na lang kami nina ate joanne at ate kitel ng harry potter. nyaaa. hanggang pasko ba naman, harry potter and the order of the phoenix pa rin ang palabas sa hbo?! nyaaa...matapos ang panonood ng harry potter, umakyat na kami papunta sa kwarto para matulog. maaga ngang talaga ang gabing batangueno.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

8:01 am, dec 27

kahapon, 5 akong nagising. nag-ayos na kami ng gamit tapos kumain ng hamon at kesong sandwich. tapos, lumuwas na kami papunta sa office ni mommy [para ihatid si mommy...], tapos kina tita chona [para ihatid sina tita chona], sa condo [para mag-ayos ng gamit, kunin itong acer laptop at maglinis ng inidoro...eeeek. ate kitel kasi.], at dito sa bahay. mahaba ang biyahe. masarap matulog. :D masarap ang walang ginagawa. masarap i-enjoy ang mga nalalabing araw ng bakasyon :(( gusto kong panoorin ang nodame cantabile 2 at school rumble ni gakki. waaaahh. nakakainip maghintay pa para sa summer vacation! noooooo...

7:22 AM

Saturday, December 22, 2007

concert, party, PARTY!!!


nung thursday, poof! nagising ako sa aking pagtulog sa sofa [tinulugan ko ang wowowee. hehehe]. sabi ni dadi, pupunta daw kami kasama na rin si ate joanne sa condo, sa concert, or something like that. wahaha! di pa nga ako nakakaligo nun. so, nag-ayos na nga gamit na dadalhin. para sa concert nina ate kitel sa manila hotel, para sa xmas party sa office ni mommy, para sa xmas party ng cherubs. haaay...parang napaka-sudden naman! eniweiz...sakay ang bagong kotseng probably taxi-to-be, pumunta kami sa manila hotel. may concert nga ang medchoir. kasama si ate kitel. duh. bakit naman kami pupunta kung wala man lang kakilala? :P naghintay muna kami ni ate joanne dun sa mga upuan. usap-usap, tingin sa price list ng mga bagay-bagay [wooh! P695 ang glass of champagne! :P ang san miguel beer, P125 yata. aba...more than P100 compared to srp...] habang naghihintay sa pagdating ni dadi mula sa parking lot. maya-maya, dumating na si mommy at maya-maya pa, dumating na rin si dadi. pumunta sila dun sa lobby-like hall tapos sumunod na rin kami ni ate joanne. dahil sa boredom, pumunta na lang kami sa cr. tapos bumalik ulit sa hall. hintay-hintay lang, tapos nung mga 7 na, nagstart na ung concert. [...sabi nung isang babae sa isang tabi, "anong choir yan?" tapos may sumagot sa kanya, "up madrigal singers". EH?!] basta maraming songs...hehe. ung 1st part, hindi na-videohan ni dadi kasi sira ung videocam :| pero ung 2nd part, navideohan naman niya. grabe si ate kitel. talagang kapag napapatingin ako sa kanya, kitang-kita...bigay na bigay. to the max ang facial expressions! hehehe :D pagkatapos nung concert, picture-picture, at umalis na kami papunta sa condo. past 9 na kami dumating sa condo. nag-dinner habang nanonood ng tv... at pinatulog na ni mommy nung 10:30 na [as usual, "tv curfew"]. dun kami natulog ni ate joanne sa kama ni ate kitel tapos sina mommy at daddy sa kutson sa sahig. hay naku. si ate joanne, ang hirap katabi. pinapatungan ba naman ako ng mabigat niyang legs?! :p

friday, hindi na naman ako nakapag-simbang gabi. di ako ginising ni mami eh. paggising ko ng 6, kumain na lang ako ng bibingka at nag-ayos-ayos. pag-alis ni dadi para ihatid si mami sa office, nanood lang kami ni ate joanne ng tv. maya-maya, pagdating ni dadi at pagkatapos maligo at mag-ayos ulit ng gamit, pumunta na kami sa pdic. pero pagdating namin dun, usap-usap muna sina mami at dadi tapos hinatid ako kasama ni ate joanne sa walter mart. bumili kami ng junk food, softdrinks [para sa cherubs party], at nestle cream. hinintay pa namin si dadi para makuha na ung mga binili namin tapos naglakad kami papunta sa office nina mami. doon, tumambay lang kami. kumain at nag-internet...grabe...nakakabusog talaga ung mga pagkain. tapos, meron ding games. meron din kaming mga natanggap na regalo...hehehe. nag-intermission pa nga kami ni ate joanne kaya may additional prize :D nung hapon na, dumating na sina liz at dadi. blah blah blah. nag-intermission number ulit kami pero ngaun, kasama na si liz. later, nung wala na kaming magawa at tapos na ang party, naglaro na lang kaming tatlo. wahahaha! it's what i call balloon relay. hehehe. higupan ng balloons 'to! :P

past 5 na kaming nakaalis dun. dumaan pa kami sa condo. eh 6 ang start ng xmas party ng cherubs so late nga kami. dumating lang kami sa bahay nina tita lenette nung mga 7 na. haaaayy...1 hour late. kinantahan muna namin ng musika, paraiso, at ang aming bati. hehehe. ansaya lalo na nung kinanta namin ung "ang aming bati ay magandang Pasko". nakisabay ang mga aso sa "aw! aw aw!" namin. nyahahaha! pagkatapos ng kantahan, nag-dinner na kami. tapos, exchange gifts na. ang nakabunot sa akin, si tito ringo. tapos.....buti na lang elem boy ang nabunot ko. 5 lang ang choices eh. pero nakakainis nga lang. nung huhulaan ko na kung sino ung nabunot ko, 2 na lang ang choices: sina paolo at macky. kaya 1 try lang. grr...worst case scenario! si macky ung pinili ko pero si paolo pala. beso daw pero ewan ko dun kay paolo. later, ang inakala pala nina gidell, high school na si macky. weh. so wala na ang beso ko...supposedly. hehehe. pagkatapos ng exchange gifts, binigay na ni tita ang aming mga regalo [coin purse] at xmas bonus. yaaayy!!! may pera ulit ako! meron na akong P1100! yippee!!!! tapos, nag-cards lang kami nina walter, ate joanne, michelle, patrick, josh, jacque, at kungsinu-sino pa hanggang mga hating-gabi. hehe. walang sawang pusoy dos at tong its habang nanonood ng wheel of fortune :p tapos, umakyat na kami ni ate joanne para manood ng anime...melancholy of haruhi suzumiya. maya-maya pa, nagkagulo na sa baba. nabasag ang picture frame ni tital len. tsk tsk. eniweiz, dahil sa ilang boring scenes dun sa anime, nakatulog na ako. sakto nga naman! kung kelan ako nakatulog, dun nagsimulang magsulatan sa mukha ng mga nakakatulog. grrr...30 mins lang naman ako nakatulog...waaaah! tuloy pa rin sa panonood ng anime, tapos princess diaries, blah blah. nag-discuss ang 09 + college people tungkol sa kahun-kahong drinks, breakfast, and something i would really like to forget. :| bad memories. si liz, nawala ang kanyang xmas bonus. tsk tsk. sayang ang money! bad memories. dumating na sina dadi, naghanap pa kami nina liz at ate joanne ng nawawalang pera, at nang sumuko na, sumakay sa kotse pauwi dito sa bahay.

pagdating dito, kain-kain, nakatulog na rin. sa bagay, 30 mins lang ang tulog ko excluding iglip-iglip. hehehe. pagkagising, lunch. tapos computer na. hehehe. how nice.

wow. 3 days to go. pero lalo akong nap-pressure...imbis na maisip kong malapit nang mag xmas, ang naiisip ko, malapit na namang magpasukan. roar. tatapusin ko pa ang school rumble ni gakki. magbabasa pa ako ng mog. magrereview sa health perio. aaaaggghhh!!! T_________________T

5:20 PM

Wednesday, December 19, 2007

school rumble!


wooh! grabe. 6 hours of sitting in front of the computer, watching school rumble. hehehe. pero may breaks naman ng merienda. grabe talaga ang school rumble! nyahahahaha! nakakabaliw! lalo na ung last episode. nyahahahahahahhahahahahahah! so...bukas, since wala akong klangang gawin, school rumble season 2!!! hehehehe. adik! :p

7:11 PM


dec. 18-19, 2007


buti ang week na 'to hindi kasing boring ng last week. laging may klangang gawin...hehehe.

kahapon, ginising ako ni liz ng before 5 am para sa simbang gabi. nagbihis tapos nagsimbang gabi kami nina mami, dadi at liz. buti nga konti lang talaga ung tao compared sa nung dec. 16 [simbang gabi 1st day] haaayy...akala ko pa naman makakakumpleto ako ng misa de gallo ngaung taon...kaso di ako ginising ni liz nung monday...pero kung iisipin nga naman, wala talaga akong pag-asang makakumpleto ngaung taon kasi may overnight xmas party kami sa cherubs sa friday...eniweiz, dahil konti nga ang taong nagsisimba, nakaupo na kaming lahat sa loob ng simbahan. masarap talagang makinig sa misa habang pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw at pag-iiba ng kulay ng langit. haaaayyy *dreamy eyes* pag-uwi sa bahay, kumain kami ng puto buMbong at bibingka tapos nagbalot ulit ako ng mga regalo na ibibigay ni rj para sa xmas party nila sa bridges.

past 9 am na kami nina dadi, ate joanne, rj at ate josie nakaalis dito sa bahay. hehe...may picture picture pa kasi kami eh. binaba si ate joanne sa philcoa at ako naman, nakatulog sa l300 hanggang sa bahay nina aj [ung kaklase ni rj] . pagdating sa bridges [mga 10 ata], di pa tapos ung am classes sa kanilang xmas party kaya naghintay muna kami nina ate josie at rj sa benches sa labas. picture picture at pagtunganga. :| nung natapos na ung party sa 2nd floor, umakyat na kaming lahat. hintay-hintay ulit tapos nagsimula na ung program. masaya naman. cute naman ang presentations ng mga estudyanteng tulad ni rj considering they're special children :) nagpresentation din ang mga yaya nila...hehehe. cyempre, pagkatapos ng lahat ng presentations, di mawawala ang kainan. andaming pagkain. may spaghetti, cassava cake, empanada, meatballs, at iba pa...grabe talaga! nakakabusog. maya-maya, dumating si dadi at kumain na rin cya. tapos, umalis na kami. hinatid namin sina aj sa bahay nila tapos hintaid naman ako sa trinoma para makabili na kami ni ate joanne ng panregalo sa cherubs.

pagdating sa trinoma [mga 1 pm], at nung nagkita na kami ni ate joanne, since di pa cya nagl-lunch, pumunta kami sa burger king at kumain ng whopper jr. hehehe...nakakabusog. pero ang ewan nga lang. tig-isa kaming burger at tig-isang tissue. pero ung isang tissue, ginawang lalagyan ng ketchup para sa fries kaya share kami sa isang tissue. nyahaha! pagkatapos kumain sa burger king, pumunta kami sa landmark para i-check out ang mga panregalo-to-be. ung mga nakita namin last last time na nagpunta rin kami sa trinoma...ung alarm clocks na may bell. ung kinda old-fashioned but cool. hehehe. may nakita rin kaming alarm clocks na hologram. choice 2 un...namromblema naman kami kung ano ang ibibigay namin sa elem boys [nabunot namin ni ate joanne] at sa elem girl na nabunot ni liz [andami masyadong choices] naglakad na kami papunta sa sm. sa sm, pumunta muna kami sa national bookstore at nadagdagan ang aming choices. choice 3: pugad baboy comics. choice 4: bingo set :| naglibot pa kami. may nakita kaming mga tindahan ng stuffed toys at may nakita akong kamukha ni wacko [oops. it's not hershe]. tiningnan ko ang price tag...P500+ . gah. ang mahal ni wacko! read on... napunta naman sa sm department store. nakita namin ang bone-shaped pillows na tulad ng niregalo ni maki kay liz long time ago sa cherubs xmas party din. napagpasyahan KONG iyon na lang ang iregalo namin sa elem boys. may mga nahanap din kaming cute na stuffed toys at napagpasyahang iyon na lang ang iregalo sa nabunot ni liz at ang alarm clocks sa landmark sa trinoma ang ipapanregalo sa nakabunot sa amin. nung 4 na, binili na namin ang mga stuffed toy at pillows at pumunta naman kami sa foodcourt para magmerienda. kumain kami ng snowpy :d pero maya-maya, sumakit na ang tiyan ko. bumalik kami sa trinoma para bilhin na ang bell alarm clocks pero napagpasyahan namang bilhin na lang ang hologram clocks [cool!] kaya matapos ipa-testing ay binili na namin. nakita ko pa nga noon sina christine a., rogie, at timyas. hehehe. matangkad daw ako *flattered* samantalang isa ako sa pinakamaliliit sa pisay :P dahil nga good shoppers kami ni ate joanne [sa P1000 budget para sa cherubs gifts, wala pang P600 ang nagastos namin...hehehe. kahit na P100 each ang minimum], pumunta kami sa timezone at naglaro. hehehe. unang-una ang horseback riding. grabe talaga! unang game pa lang, pagod na pagod na talaga kami. tapos, nag-stop the clock ulit kami. 1 ticket lang ang nakuha :| tapos, nag-car racing. tapos, si ate joanne, nag-basketball at nakakuha ng 1 ticket [sayang nga kasi 1 shoot na lang, 2 tickets na sana cya]. ako naman, naglaro nung donald duck thing. may dalawang pingpong balls na ishoshoot sa buckets. nashoot ko naman clang dalawa kaya may 2 tickets ako. gah. 2 tickets from 2 pingpong balls...naglaro rin kami nung other thing na may gold something...pero peke naman yata un. wala kaming nakuhang ticket. nag-redeem na kami [tig-isa kaming snoopy pin] matapos mag-check ng balance ng card at lamang tickets. ung nasa harap namin sa pila, grabe! may 1675 tickets. waaaaahhh!!! adik! paglabas sa timezone, dumiretso kami sa mcdo at nag-coke float. ansaya nga eh. dahil sa timezone, PANSAMANTALANG nawala ang sakit ng tiyan. pero pag-alis sa mcdo, masakit na naman ang tiyan ko. bumaba na kami tapos anlayo ng nilakad namin para lang makapunta sa terminal ng trinoma. sobrang sakit talaga ng tiyan ko nun! grabe! halos maiyak na ako. kahit hangin man lang, ayokong patamain sa tiyan. gah. nung nakaupo na kami dun sa terminal, nagtext si dadi. sabi niya, pumunta na lang daw kami sa simbahan kasi ipapabless ung bagong kotse. kaya naglakad na kami papunta sa simbahan kahit sobrang mahirap ang pagpigil... :P

pagdating namin sa our lady of hope parish, nagdasal lang kami ni ate joanne. ang dasal ko: "Lord, sana po mapigil ko 'to. kahit pagdating na lang po sa bahay...sa cr...Lord, tulungan nio po ako." :P believe it or not, unti-unting nabawasan ang sakit ng tiyan ko. later, lumapit naman kami ni ate joanne sa pinto ng simbahan at kumanta ng xmas songs w/ voicing...hehe...hanggang sa pagdating nina mami at dadi. pagdating nila, nakita namin ang bagong black na kotse na may super lamig na aircon. pumasok na kami. di naman natuloy ang pag-bless ng kotse kasi walang pari dun sa simbahan noon. kaya pumunta na lang kami sa bulaluhan nina tito lito at naghintay hanggang mga 7. umalis na ulit kami at pumunta naman sa st. peter parish. doon, sinamahan pa namin ni mami ang pari papunta sa parking lot ng convergys para ibless ang kotse. hehehe. tapos, umuwi na kami. pagdating dito sa bahay, nagbihis, nagdinner, naghugas ng pinggan tapos nagbalot ng mga regalo habang nanonood ng tv. hehe. ansipag ko talaga. onga pala. tungkol sa aking stomach ache, noong gabing iyon, pag-alis sa simbahan sa pag-asa, nawala na itong tuluyan. cool! it's a miracle! thank you Lord!

~~~~~~~~~~~

9:45 na ako nakaalis dito sa bahay para pumunta sa upis...may xmas party kasi sila eh. makikikain ako :p pagdating ko sa high school, parang wala namang tao kaya naglakad ako papunta sa elem. tapos, nagtext si angelica. nasa multi daw sila. so, nagmadali nga akong pumunta dun. naabutan ko ang games nila...hehehe. nagbigay na rin ako ng mga regalo. tapos, kainan na! ansarap ng pagkain. kaso nga lang nakakahiya...wala man lang akong contribution...nakikikain lang po! tapos games ulit at tapos na ang party. masaya naman...maraming muling nakita. nung powerdance kasi konti lang ang mga napansin ko. haaaayyy...pano kaya kung hindi ako nagpisay? ano na kayang nangyari sa buhay kong ito??? :)

nagjeep ako papuntang philcoa para maglunch, dala-dala ang regalo sa akin ni lea. naglalakad ako papunta sa jolibee nang biglang may tila kumiliti sa akin sa baiwang. sa paglingon ko, nakita ko ang isang gusgusing bata. hinihingi niya sa akin ang regalo ng kaibigang mahigit sa isang taon ko nang di nakita [yata :P ] hindi ko na muna cya pinansin. pumasok na lang ako sa jolibee at kumain. nakita ko sa repleksyon ng glass pane...sa likod ko, sa kabilang gilid ng salamin, naroon ang bata...lumilingun-lingon. naisipan kong ibigay na lang sa kanya ang peach mango pie ko. maya-maya, may isang lalaking kumausap sa akin. may fund raising daw sila, blah blah. wala ako masyadong naintindihan sa sinabi niya kasi busy ako sa pagkain ng spaghetti at burger. basta uhmmm...dahil daw sa tradisyong fund raising na iyon, ngayon ay nasa 3rd year college na siya. nagbebenta siya ng religious calendars. bumili naman ako. masaya at nakakatulong ako sa mga nangangailangan ngayong pasko. pagtayo ko sa aking kinauupuan, nakita kong nakatingin pa rin sa akin ang bata. pumunta muna ako sa cr at lumabas na. paglabas ko, sabi niya, "ate, akin na lang 'to", sabay turo sa regalong natanggap ko. sabi ko naman sa kanya, "ito na lang oh. regalo kasi sa akin 'to ng kaibigan ko," habang inaalok ang peach mango pie na kahit gustung-gusto ko talaga ay binibigay ko pa rin sa kanya. awwww...pinagpilitan pa rin niya pero maya-maya, tinanggap na niya ang peach mango pie.

masaya talaga ako. alam kong nakakatulong ako sa kapwa ko. marami na naman akong natatanggap na blessings eh. may mga mapagmalasakit akong mga kaibigan, isang maayos na eskwelahan, pamilya, basic needs, may bagong kotse at laptop, at marami pang iba. di ba nga may kasabihan..."share your blessings". marami kasing mga nangangailangan kaya hindi dapat maging gahaman. :) kaya sa mga gastador diyan...lalo na sa gumagasta ng mahigit sa P1500 para sa akin na hindi ko naman magulang, sa susunod naman, ibigay nio na lang sa charity or something like that. mas marami ang mapapasaya. :)

~~~~~~~~~~~~

mommy just called. may cancer daw ang aking closest ninang, si tita lisa. waaaahh...magpapasko pa naman... i prayed for her. go tita lisa! kaya mo 'yan! :)

2:07 PM

Monday, December 17, 2007

simbang gabi + trinoma concert + upis powerdance :)


grabe talaga kahapon. 3:30 ako ginising ni liz para sa simbrang gabi. pagdating namin dun, super daming tao. hanggang sa kalahati ng overpass at sa convergys na rin. andami talagang tao kahit ang aga pa ng simbang 4 am. anlamig pa ng hangin...buti na lang nagjacket ako. kami nina liz at mami ang magkakasama. tapos nung communion na, natapos na ang dalawang kanta, hindi pa kaming dalawa ni liz nakakapasok sa mismong simbahan. nyaaa...very high density. :| pagkatapos mag-simbang gabi, cyempre di mawawala ang puto bungbong at bibingka. bumili kami tapos kumain sa bahay. nung 5:30 na, natulog na ulit kaming lahat...

later, 3 klangan nandun na sa trinoma pero 3 kami umalis dito sa bahay...nyahaha! kaya mga 3:30 na kami nakarating dun. grabe...nakakahiya. naka-costume at nakamakeup na kami nina ate joanne at liz tapos naglakad pa kami papunta sa backstage sa activity center. para bang ang kulang na lang, magsisisigaw kami habang may dalang poster: "may concert po kami mamayang 6 kasama si pops sa activity center! punta po kau!" hehehe. pagdating namin sa so-called backstage, 4 pa naman daw magsisimula ung mismong sound check. so, wala lang...kwentuhan, vanity, etc etc. nung nag-sound check, andami nang nanood. hehehe. grabe nga lang kasi kahit sarili ko, di ko marinig. pagkatapos ng soundcheck, chika chika ulit. tapos, pumunta kami kasama ang ibang girls sa cr at naghintay nang napakatagal. grabe...ang init dun sa cr. andaming nakapila. wah... tapos, pagbalik namin sa backstage at pagdating ni pops, sabi ni tita len, pwedeng magpa-pic kasama si pops. wow! so later, nag-group pic nga ang cherubs kasama cya :D tapos, nag-sound check ulit at final positioning tapos nadasal na.

ansaya ng mismong performance. para kaming nasa isang boxing arena. ung boses kasi nung nag-introduce sa cherubs, parang ung sa mga laban nga sa boxing. nung kumakanta na naman kami, parang feeling ko sobrang hina ng boses namin. pero highest volume na talaga un. grabe... sa aming last song na silent night, kasama na si pops. hehehe. pagkatapos nun, bumalik na kami sa backstage at kumain ng jolibee burger steak habang nagsisigawan dahil sa lakas ng drums sa likod namin [uhmmm...front stage?] pagkatapos kumain, nagbihis na kami sa dressing room backstage. chika chika ulit tapos tinawag kami ni tita dada. sabi niya, kumakanta si walter. paglabas nga namin sa backstage, nakita namin si walter, ka-duet si pops! yess naman! pagkatapos ng pagch-cheer namin sa kanya at ng kanyang pakiki-duet, may pa-kiss pa! aba walter! instant celebrity! :P

tinapos namin nina ate joanne, liz, mami at dadi ung concert. tapos umuwi na. wala lang. nanood lang ako ng tv hanggang 10:30 pagkatapos mag-dinner ulit. hehe. nanood pa kasi ako ng mib. :p

kanina naman, sayang at di ako nakasama sa simbang gabi. 5 pa naman ako nagising...maaga kaming umalis ni ate joanne dito sa bahay. ambagal kasi ni ate kitel eh. pumunta ako sa upis para manood sa powerdance at pumunta naman si ate joanne sa klase niya. wahaha! go 09! ang ganda ng costume nio... :p maganda nga ang sa ibang batches pero para naman sa akin, 09 da best! :D hehe. ansaya...andami kong nakitang muli. mga naka-fishnet stockings, spag strap, short shorts, at flower sa leeg at mga naka-long sleeves w/ uhmmm...jumper stuff. hehehe. wala lang. may vaas na naman akong nakilala. si paula. :) kwento kwento rin kasama si angelica, kulitan nina dominic, rjoy, maereen, and all others. wheee!!! mga long time no see! baka bumisita ulit ako sa wednesday at makikain sa xmas party nila :p

umalis na ako ng 10...para kasing wala na silang activities...nagcommute ako papunta sa philcoa tapos papunta sa ever. pagdating sa ever, nag-california maki ako sa tokyo tokyo. grabe...na-feel ko ulit ang pinakaaasam kong anghang ng wasabi :p ansakit sa ilong...nakakaiyak. hehehe... tapos, pumunta ako sa expressions para bumili ng iba pang panregalo at nag-jeep pauwi. at ngaun, andito na naman ako sa harap ng computer, nagbblog at nagpapakaadik sa anime [wheee! school rumble, ouran high school host club, princess princess, detective conan! ano pa kayang susunod???] ;) grabe...di pa ako nakakapag-lunch...hehehe. pwede na siguro ung sushi kanina :D

1:46 PM

Friday, December 14, 2007

bakasyon week 1


grabe...nagpaka-emo talaga sa previous posts. eniweiz... :D

nasimulan ko na ulit ang pagbabasa ng mog. ~____~

uhmmm...natuloy nga ang pagpunta namin ni ate joanne sa trinoma nung tuesday. sa kfc na kami nag-lunch tapos naglibut-libot sa landmark para bumili ng ipapanregalo niya sa mga friends niya. ansaya talaga maglibot! kunganu-ano ang nakita namin. meron pang mind-reader...cool! haaaayy... gusto kong bumalik sa trinoma. ang boring dito sa bahay. wala akong ginawa kundi magpiano, magcomputer, manood ng tv, at kumain. natapos ko na ang princess princess pati na ang ouran highschool host club. nyahahaha! i love them! :p [yeah...nagiging anime adik.] balik sa trinoma story. after many hours of--uhmm...libot-ing, napagpasyahan ni ate joanne na bilhin ang kinda-piggy stuffed toys na cellphone rack. kumain din kami sa chowking ng merienda set [ako, congee...as usual. si ate joanne, halo-halo.] whoopeee! pero na-late kami sa cherubs. tsk tsk.

ubos na ang kisses. hala...wala nang panawid-gutom! :P

pupunta ako sa upis sa monday para manood sa powerdance. kung manood kaya ako mamaya sa pastores? hmmm...

tinatamad akong mag-aral ng techniques sa rubix cube.

gusto kong maglakad bukas papunta sa ever para bumili ng takoyaki at kumain ng sishi sa tokyo tokyo. :d

ahm. un lang. boring ang buhay. lalalalala...well...mai-post nga lang ang weekday sked [weekday lang. iba-iba ang ginagawa tuwing weekends eh.]

? - 8 am: ANYTHING [kain, basa ng mog, piano, or something else...]
8 - 10:30 am: tv!!! [yay! spongebob, all grown up, remi, digimon, hamtaro, detective conan. nyahahaha!]
10:30 - ?: ANYTHING [usually computer, lunch, and computer]
? - 6:30: tv!!! [gah.]
6:30 - 9: ANYTHING [GAH.] then dinner then ANYTHING -________-
9 - 10:30 [preferably]: tv!!! [woot.]

wow. puro anything. =_________= pero mas maganda naman 'to kaysa may pasok. :)

3:21 PM

Tuesday, December 11, 2007

pagbabalik-tanaw [cont'd]


matapos ang ilang oras ng panonood ng tv, napag-isipan kong mag-ayos na lang ng drawer para may magawa man lang akong productive at may kwenta. sa pag-aayos ko ng aking drawer, napakarami ng mga bagay na naalala ko...

naroon ang koleksyon ko ng boxes ng nerds...ang kinolekta ko nung 2nd year...

naroon din ang enchanted kingdom ticket at brochure galing pa sa outing ng 09 nung 1st year.

maraming bookmarks na napag-lumaan na,

mga unsent letters galing pa sa retreat 07 at recollection 06

quiz booklet at projects sa 1st year eng

rejected origami para sana sa geom 2nd year

mga regalong mula sa puso...awww...


grabe. andaming flashbacks. di man namamalayan, andami nang oras ang lumipas. merong nasayang, merong sulit naman. pero kung iisipin nga naman, sa dinamirami ng oras na lumipas sa ating buhay, di natin alam kung kapiranggot lamang ito ng ating buong buhay o kaya kung ang buhay ay maigsi lang pala. so...sa ibang bagay, take your time. at sa iba, huwag sanang sayangin ang oras dahil "it might be your only chance"...




~~~~~~~~~

nyaaa. emo. bakasyon kasi eh. toink. pupunta kami ni ate joanne sa trinoma mamaya. wheeee. [ohanoha. gagastos na naman ako. tsk tsk.]

11:17 AM

Monday, December 10, 2007

pagbabalik-tanaw


i've been reading my blog posts since march 06...1st year clearance days. haaayy...andami nang nangyayari sa buhay. may parties, masasayang camps, at kunganu-ano pa. haaaaayy...nakakamiss talaga ang mga panahong masaya, maraming kakwentuhan...pero ngaun, palakas na nang palakas ang ulan. ang lonely. kaming dalawa lang ni ate emily ang nandito sa bahay. wala akong magawa kundi manood ng tv at magcomputer. pero pwede na rin. sabi nga ni ate joanne, hindi maiiwasan ang panonood ng hamtaro kapag walang klase. :P

kay lamig ng simoy ng hangin...kahit dito sa loob ng bahay, napapasuot pa ako ng sweater. ang malakas na ihip ng hangin ay sumusuot sa bawat butas na kaniyang namamalayan. nyaaa... tila nagiging makata na naman. ano pa bang magagawa ko ngaung bakasyon. ayoko namang maglakwatsa nang ako lang at hindi pa nagpapaalam dahil malapit na ngang magpasko at nagpapakabait na ako [wooshoo...tinatamad lang tumayo sa kinauupuan eh]. malapit nang magpasko. konting araw na lang. haaayy...puro nga siguro advanced ang Pasko ko. ang aga ng bakasyon. ang aga ng xmas party. ang aga ng mga regalo. haaayy...speaking blogging of pasko ko, meron akong tula. ung pinasa ko para sa pinoy.

Parating na ang araw ng Pasko.

Tila hindi na ako makapaghintay!

Para bang isa akong batang sabik

Sa pagdating ng regalo ni Santa Claus.


Sa kaunting araw na palilipasin

Para sumapit ang araw ng pagsilang,

Tila kay bagal pa ng takbo ng oras

Dahil andaming homework na sasalubong sa pista.


Hay naku! Iyan kasing mga teachers diyan,

Sinasamantala ang mahabang bakasyon.

Project, essay, homework, at research,

At may long test paglipas ng bagong taon.

Hindi ba sila nakokonsyensya?


Isang beses, isang taon lang ang pagdating ng Pasko.

Minsan na nga lang dumating ang aming bakasyon

Ang regalo pa nila sa akin, gabundok na gawain!

Kung ganito nga lang naman ang mangyayari,


Hindi na madarama ang diwa ng Pasko.

Wala nang bakasyon. Wala nang Pasko.

Wala nang Pista sa Kanyang pagsilang.

Wala nang ligaya sa pagtatapos ng taon.


aaayyy...totoo naman. may health perio at eng lt pa. mago-oral defense pa kami sa str :| malamang meron pang essay tungkol sa xmas vacation. tsk tsk. tinatamad ako.

sabi nga sa misa kahapon, magbago ka na. woot. malapit na akong mag-3 years sa pisay. pero parang di ako nagbabago. di ko nagagawa ang dating sabi ko kay kuya ed nung interview...haaaaayy...kasi nga naman, sabi nga ng pari, lagi na lang ipinagpapabukas ang mga gawain. hindi naman nauubos ang bukas. [yeah. emo.] pero sabi nga sa princess princess, you can't change your personality whenever you want. gah. ano ba talaga?

eniweiz, punta kau sa concert sa trinoma! 6 pm, dec. 16. wahaha! manonood daw si maam docto :P onga pala. napag-isip-isip ko lang...may pangalan na rin ang pink puppy stuffed toy...mula sa "Wala akong maisip", in short, "wackomai" or "wacko" :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

how much have i changed since summer 06? [may 2, 2006 post]






frances --
[noun]:

A person who makes a living suing celebrities

'How will you be defined in the dictionary?' at QuizGalaxy.com


dati squirrel...ngaun ganyan na. aba...umaasenso...

12:53 PM

Friday, December 07, 2007

PeRiO week from Monday to friday & bakasyon to-do list.


don't get it? poor you...anyway, blog post for the perio week.

december 3, monday: a very beautiful week starter! [p6 lt] pero pwede na rin...it's not that hard yet not that easy. sa p6 nga lang ako halos nagreview kasi akala ko may 100 mins am break bago ang math lt. gah. p6 -- break -- math nga pala. pagkatapos lang ng math ang pinoy which is a break too...masaya naman ang math lt. masarap manghula sa true or false...hehehe. so, pagkatapos nga ng math, pinoy break. pumunta ako sa caf para maghanda ng terms para sa charades sa "amazing race" ng xmas party ng Rb. tapos, homeroom na. bigayan muna ng final gifts. binigay ko na kay koko ang necklace [hehe...ligaw...] tapos, sabi ko na nga ba, inabutan na lang ako ng nakabunot sa aking si jeffrey ng P150. grabe...nakakahiya. parang binayaran niya na lang ako...hehehe. kwento muna tungkol sa kris kringle. nung bigayan ng something useful at something brown, wala akong natanggap. awwww...naisip ko tuloy, siguro si maam docto ang nakabunot sa akin. masaya namang magpasahan ng regalo [wheee...reeses at rosary :) ] . the next week, sa pwesto ko sa p6 room, nandun ang tatlong regalo: something brown, useful, at rat. may sulat-sulat pang chalk sa table...tsk tsk. naisip ko nga, hindi naman siguro gagawin ni maam docto un. kaya naisip ko, malamang lalaking maagang dumarating sa pisay. dumaan ang ilang araw at naisip ko na ngang si jeffrey siguro 'yon...wahaha. so, nag-amazing race naman kami. ang boring dun sa pwesto ko sa 2nd floor back lob. pero nung dumating na ang groups X, M, A at S, sobrang gulo na. cyempre nagch-charades na ang 4 groups nang sabay-sabay ~___~ sa mga robong di ko pa nabibigyan, pasensya na...next year na lang :D eniweiz, kinabahan talaga ako. akala ko may mock exam talaga kami sa chem. parang group something lang naman. haaay. pag-uwi ko dito sa bahay, gumawa pa ako ng p6 labrep at comsci optional exercise [di man lang tumulong si robert...huhuhu]. grabe. parang ayaw kaming pag-aralin ng mga teachers para sa perio. gumawa na rin lang ako ng p6 reviewer, pinasadahan, at nagreview na para sa socsci.

december 5, wednesday: grabe. 9:30 ako natulog tapos 3 ako gumising?! 5 1/2 hours lang ang tulog ko! sobrang inantok pa tuloy ako habang nag-aaral nung umaga. p6 perio--> aaagggghhh! ang hirap. grrr.. socsci perio--> ooh...perfectable. joke lang. pero posible nga kung magaling ka talaga. pag-uwi ko sa bahay, sobrang distracted ako. nanood pa ako ng princess princess. nyahaha!

december 6, thursday: 8 ako natulog tapos 4 nagising. aba...8 hours :D nakatulog na kasi ako sa pagbabasa ng chem book. haay...chem perio--> wooh! laser C! pero mas mahirap pa rin ang p6 [sana po tumaas ako sa chem |o< <--nagdadasal. eng perio--> masyado kong kinareer ang ending ng in a grove. nyahaha. halos naubos na ang 30 mins dito. ung ibang essays tuloy, ang iiksi lang...bago umuwi dito sa bahay, dumaan muna ako sa philcoa at bumili ng champolettes :d hinanda ko na ang panregalo ko sa Rb originally [anklets/bracelets] pero naisip ko, ang cheap naman. lagyan ko kaya ng design? so, habang naghahalungkat sa aking drawer, nakita ko ang mga cutouts ni ate kitel originally para sa mga kaklase niya sa 8-bumblebee sa upis. inarbor ko na since mukhang di na naman niya magagamit. dinikit sa popsicle sticks na napulot lang dati sa pisay nung 1st year [hehehe] at sinulatan ng pangalan. 10 times ko namang sinulat ang "sulat ng bubuyog" sa isang bond paper para mapaxerox ko na sa ilang-ilang. grabe...ansakit sa kamay. halos namemorize ko na ung buong sulat. halos mamaga na ang kamay ko. anlakas ng ulan. pero pinilit ko pa ring mapaxerox ang bond paper na un para hindi ko na kailangang isulat pa nang 20 beses. gah. pagbalik dito sa bahay, ginupit ko na ung bond papers at nag-origami. mga 5 ko na yata un natapos ~____~ sa mga Rb, wag niyong itapon ang mga sulat na 'yan. di na ako masyadong nakapag-review dahil dyan. kung hindi man ako maging dl, dahil sa mga sulat na iyan...joke lang :) saka lang ako nakapag-aral sa math. mga 8 na yata ako nakapag-aral sa bio.

december 7, friday: last day of the year!!! yaay! yaaayy!! 9 akong natulog tapos 4 nagising. pwede na rin. 7 hrs. nagreview pa ako sa bio at medyo nagreview sa math. pagdating sa pisay, nag-share ako ng knowledge sa math. hehehe. wala lang. andaming nagpaturo. palibhasa ako lang ang nakapasa sa long test dati...joke! eniweiz, pinamigay ko na rin ang regalo ko sa Rb people. sa mga Rb na ayaw ng bracelet/anklet na binigay ko, pasensya na. limited colors lang kasi yan eh. pero mabuti nang meron di ba? ambilis nga ng oras nun eh. ilang minuto lang matapos kong matanggap ang pink unnamed puppy stuffed toy mula kay arn-arn, biglang math perio na pala! ahhhggghhh... wag nang ipaalala sa akin iyang periong 'yan. grabe...andami kong nilaktawan. aaaahhhggghhh!!! di ko man lang nabasa ang iba sa mga nilaktawan ko. ano ba yun?! inuna ko kasi ung mga huiling part kasi un ung mga mahihirap pero recent lessons kaya di ko pa nalilimutan. grrr.... eniweiz, buti na lang may bio perio. i luv bio!!! 3 lang yata ung hindi ko sigurado :D pagkatapos ng bio perio, may chem peer evaluation pa. pero, dumaan sina dianne at verna. kinuha nila ung mga signed math lt para sa +2. kinuha ko ung akin pero paglabas ko sa bio room, wala na sila. ang nakita ko lang, si arn-arn na may dalang yellow cab box. sabi niya, buksan ko. naisip ko naman, hala! siguro ito na un! di ko inexpect na ganun kaaga... binuksan ko na at kilig naman ang mga Na na nakikiusyoso. "will u be my promd8" and nakasulat nga gamit ang chocolates. matapos ang tila isang oras na pagtayo, sabi ko na, yes... ano ba naman kung ireject ko pa. tsk tsk. well, it's more than what i expected for the day. akala ko ung stuffed toy na.. haaayy...pumasok na ako sa bio room at tinuloy ang peer evaluation. tapos, nung paalis na ako, naisip ko, hala! pano ko iuuwi ang malaking box na un? may mga napasilip pa...naki-usyoso...haaay. si patti, timmy, jio, sige! lahat na... so, dala ang yellow cab box sa right arm, bitbit ang bio book, stuffed toy, at green folder sa left arm, at nakasabit ang pink bag sa left shoulder, nilisan ko ang pisay at sumakay sa padyak. habang tumatawid sa intersection ng agham at q ave, naisip kong dumaan na lang sa chowking para maglunch. nagjeep ako papunta sa philcoa. pagdating ko dun, habang naglalakad papunta sa chowking, sabi ng nadaanan kong guard, "aw! aw!" nyeee...eniweiz, pagpasok ko, nilagay ko ang lahat ng gamit ko sa isang malaking table. may mga napatingin. curious siguro kung ano ang nasa loob ng yellow cab box. nag-order na ako ng beef chao fan at naghintay. pagkatapos kumain, pumunta naman ako sa mercury drug para bilhan ng champolettes si liz saka lang nageep pauwi. pagdating dito sa bahay, gumana nga ang plano ko. umalis na si dadi para ihatid si rj at magsundo sa pisay. hehehe. so, picture picture para ilagay sa multiply at sa blog post na ito...antagal nang nagt-type dito sa blog...haaaay...

bakasyon to-do list:
1. pag-aralan ang moonlight sonata and/or2. flight of the bumblebee
3. rubix cube...
4. ubusin ang sangkatutak na chocolates
mula sa yellow cab box na sa simula'y ganito ang itsura:
5. pumunta sa rehearsals ng cherubs para sa concert sa trinoma dec 16

6. pumunta sa upis week days. :D
7. greet people and celebrate a merry xmas and a happy new year!!
8. review for health perio...agggghh
9. tumalon sa new year :P
10. str.

12:00 PM

Sunday, December 02, 2007

every week-post


grabe...every week na lang talaga ako nakakapagblog...eniweiz...klangang matapos ako agad dito dahil kailangan ko pang magreview...perio na sa wednesday. may 2 long tests pa bukas >___< [pics sa multiply ni ate joanne-->click!]

11/26: lakwatsa day! pagkatapos ng pe, magpapractice pa sana kami nina pao, timmy, rb, dianne c, at gabby ng waltz pero walang laptop and other gadgets kaya nanood na lang kami ng video sa youtubeproxy or something like that. tapos, umalis na ako. nag-padyak hanggang sa kabilang kanto at nagjeep papuntang sm. pagdating ko dun, naglibut-libot muna ako...papasok na sana ako kaso nga lang sabi ng guards bawal pa daw pumasok ang estudyante. nagtext ako kay ate joanne at nang di agad cya nagreply, napagplanuhan kong umuwi na lang. tapos bigla cyang nagtext. pinabalik ako...so, bumalik ako sa sm. naghanapan na kami. tapos nung nagkita na kami, sabi ko sa kanya, punta kami sa cerealicious. kumain na nga kami ng tig-isang blockbuster. sa kanya, nutting hill. sa akin, about a hoy. masarap naman...hehehe...nakakabusog :) pumasok na kami sa mismong mall. pumunta kami sa surplus shop at namili cya ng pe shorts...tapos, pumunta kami sa papemelroti kasi bibili sana ako ng panregalo. pumunta naman kami sa national bookstore at bumili ako ng panregalo para sa rb-ers originally...namili nga kami kung ano talaga ang panregalo...pwede rin kasing xmas balls...na may dedics :P pagkabili, umalis na kami. pumila nang matagal sa sakayan ng jeep at sa wakas ay nakarating sa bahay...

11/27: 10:50 ang uwian...kung walang robo...hehe. wala kasing chem. 1:40 ang uwian kung merong chem. uuwi sana ako dito sa bahay pero sabi ni dadi walang tao. wala rin naman akong susi. nagpractice ulit kami ng pe waltz...tapos pag-alis ko, dumaan muna ako sa philcoa. kumain ako sa chowking ng congee [as usual]. pumunta na rin ako sa mga tindahan para bumili ng regalo para sa robo people originally. maaga akong dumating sa palma hall. sina ate joanne at kuya gabby pa lang ung nandun pagdating ko. chika chika muna kami...kain kain, blah blah. masarap ang e-aji...nakakabusog ang malaking cup ng coke sa casaa...hahaha. may lindol din. pero di ko nadama. :( never pa talaga akong nakadama ng lindol...waaahh...sa claret daw super lakas. nasuspend sila. :))

11/28: nagbago ang pasya ko. sa robo people na ang binili ko sa national bookstore, sa rb na ang philcoa stuff....so, bumalik ako sa philcoa para bumili pa. bumili na rin ako ng bagong pamaypay...yaaaayy!!!

11/29: may coup d'etat. balitang-balita. pero di ko agad nalaman. nag-waltz kami sa pe. oki naman...wahaha...suot ko ung orange "terno" na sinuot ko nung kasal ni ate crizelle. hehe. naka-bun ang buhok at nakasuot ng ribbon :P masaya mapanood ang mga taong nagsasayaw...hehe...masaya rin ang pic taking... :D cancelled ang cherubs rehearsal...hala...pano na ang trinoma concert? boring...walang mapanood sa tv nung hapon kundi balita tungkol sa manila pen. desperado na nga ako kaya nanood na lang ako ng batman sa qtv. wahahaha! comedy! nastuck sina batman at robin sa web ni black widow!!! :))

11/30: walang pasok. boni day. pero masipag ako. ginawa ko lang ang physics homework...yes naman...sipag ko talaga. naglinis din kami ng kwarto...may bago na ring laptop!! yaaaayyy!!! nagpaka-nerdo na rin ako. mga arrector pili muscle, acceleration due to gravity, etc... :|

12/1: december na! umalis ang buong pamilya ng mga 11 am para pumunta sa trinoma. grabe! andaming tao. dun na kami sa rooftop nakapag-park. kumain muna kami ng beef misono at shrimp teriyaki sa tokyo tokyo. tapos, nag-early xmas shopping na! yaaayy!!! marami na kaming bagong damit. marami ring vanity. wahaha. antagal nga namin dun. mahirap kasing maghanap ng magandang damit...pagkatapos nun, dumaan muna sa bagong pagasa bakery para bumili ng maimemerienda. pagdating sa bahay, kumain kami ng wheat rolls...may palamang dilis at cheese. :d

12/2: masarap kumain ng puto bungbong....nakakabaliw magsayaw ng circle game kapag ang piano player ay magulo. maaga kaming nagsimba...may s si liz. hindi pa nagsisimba...tsk tsk. malamig ang simoy ng hangin...brrrrrr...

[review time! supposedly...]

12:59 PM