image
kesi's blog
image image image image
Monday, May 29, 2006

magulong araw


haaayy sa wakas...makakapag-post na ako sa blog na 'to...

kaninang umaga, dumating kami [kasama ko si ate joanne] sa pisay ng mga 8 am. nakita naming may mga nagfa-flag cem[kung un man ung spelling...]. ang konti lang ng nandun pero pagdating namin sa 2nd flr, ang haba na ng pila. katapat na kami ng door ng faculty...

hintay...hintay pa...sumasakit na ang paa namin sa pagtayo...sige pa kahit pawis na pawis na kami...hanggang...

kami na ang sunod!!!ang babaw ng kaligayahan no? pero ganyan talaga kapag matagal nang naghihintay sa pila...

sa medical clinic pa lang un!!! meron pang pipilahan sa SA...

ganun ulit...hintay ulit sa pila...hintay pa...kahit maraming sumisingit sa pila...kahit P50 lang ang babayaran...nasa harap na ng pila...nagbayad...pumunta sa reg...at...

pumila na naman!!!nakakainis talaga...andaming kailangang pilahan...buti na lang hindi ako dormer kundi mas marami pa akong kaming pipilahan...nakapila pa rin...pero may sumisingit...hanggang...

next!yehey!!! ako na!!!binigay ung mga papel-papel...tapos sinulat 'to...

sa wakas!!! alam ko na ang section ko!!! ADELFA!!!sinu-sino kaya ang mga kaklase ko???

hindi pa dyan nagtatapos ang kwento...nakipagsiksikan pa ako sa property office para kumuha ng form at libro...natagalan nga ako dun hanggang...

kinuha na ang enrollment form ko!!!

"tech o sci???" "ha??? may sinabi bang ganun???"
ang gulo talaga...tiningnan ko na lang sa listahan..."tech po ako..."
parang wala lang ung expression ko pero sa kaloob-looban ko...
"YYYYEEEESSSS!!! nabawasan ako ng isang makapal na libro!!!"
ang babaw ko talaga...pero malaking bagay un sa akin...alam nio ba kung bakit???

kasi...MAGCO-COMMUTE LANG KAMI NI ATE JOANNE PAUWI...at...LALONG BIBIGAT ANG MGA DALA NAMING BAGS KAPAG NADAGDAGAN PA UNG DADALHIN NAMING LIBRO!!! buti na lang talaga...tech ako...hehehe

habang sinasagutan ni ate joanne ung forms para sa books, sabi ko, magpapa-pic na 'ko sa ASTB.

pagdating ko dun, konti lang ung nakapila...nung 2nd na ako sa pila...natandaan ko...nakalimutan ko ung temporary id ko!!!waaaaaaaaahhh!!!

umakyat ako sa 2nd flr at hinanap ung maliit na papel na un...hindi na muna ako bumalik sa ASTB kaya tumulong na lang ako sa pagfi-fill up ng forms...binigay ung isang form sa property office, nilagay ang mga libro sa malalaking bags, at binitbit ang mga mabibigat na bags papunta sa ASTB

pagkarating dun, nagpa-picture na kaagad ako...wala namang pila e. ang ewan nga nung pagpapa-picture kasi may name plate pa na hahawakan...mukha kaming preso...

pagkatapos magpa-pic, lumabas na kami at sumakay sa padyak...mukha ngang nahirapan ung nagba-bike [sa padyak...hehe...di ko alam ung tawag e...] sa pagpedal kasi ambigat ng mga dala naming bags e...hehehehe...

sumakay na kami sa jeep at nakauwi na dito sa bahay...pagkauwi, nagpalamig sa electric fan at kumain ng lunch. pagkakain ng lunch, kumain ng walnuts w/ chocolate syrup [yum! :d] at nagpunas ng pingpong table na binubuan ni arjay ng turtle wax...haaaayyy...

pagkatapos naman nun, nag-computer games, at ngaun, eto na't nagpo-post na sa blog...

3:03 PM

Saturday, May 27, 2006

ano?!


kamukha ko ba talaga si shin sawada??? ano ba talaga???

9:58 AM

Thursday, May 25, 2006

cherubs outing


andaming magulo sa sked para sa outing na 'to...may mga nagsabing hindi pwede, at may marami pang magugulong bagay...tulad nitong suggestion na 'to...sorry ate bo...

9 AM - Meet tayo sa UP sa Sunken Garden stage para malapit sa sakayan. Kung gagamitin nga natin ang kotse ni Tintin (salamat!), pwede rin dito na tayo mag-meet.

ang nangyari, 9 am, sina ate tara at kuya mik lang ang nandun sa sunken garden stage...

9:30 AM - Alis patungong mall

pero...9:30 am, kakarating lang ng mga tao...

10 AM - Nasa Galle na tayo

wow...paalis pa nga lang kami sa sunken nun e...

saka...galle??? sa megamall kami pumunta...

May didiretso bang Galle? Kung meron, magkita na lang siguro tayo sa cinemas.

nagkita nga kami sa cinemas pero hindi sa galle...sa megamall nga e...

After this, well, ano ba talaga gusto niyong gawin? Movie? Bowling? Karaoke? Kain? Lahat?

Suggestion ko: pagdating natin, kuha na tayo kaagad ng tickets para magkakasama ang seats natin Basta una ang movie. "Over the Hedge"? "Poseidon"? (It was kinda lame, according to reviews.) "MI:3"?

kumuha na nga kami ng tickets ng xmen3...pero namroblema muna tungkol sa kids[ysabel & liz]...pg-13 kasi e...sinama na lang namin cla. PG 13 naman e...

mga 12 pa ang movie...

Tapos lunch, kung may gutom pa sa atin. Malamang nag-popcorn tayo during the movie e.

hindi pa nagmo-movie...lunch muna then movie...

Then bowling.

di na kami nagbowling...nag-arcade na lang...

Tapos karaoke. Wow tingin ko ubos ang pera natin bukas.

hindi kami nakapag-karaoke kasi puno lahat sa timezone...corny rin kasi maliit lang ung room.

ubos nga ang pera namin, sa movies, pics, at arcade pa lang...pati na pagkain...

Then punta na kina Kitel. Hopefully by 7 nagawa na natin ang lahat ng gusto natin. Siyempre 7 sabi ko...para umabot sa replay ng American Idol sa Star. Pero kung di tayo umabot, ayos lang. May replay naman ng 10 sa channel 5 e. Sorry, obsessed ako. At final performance show na, so kailangan mapanood natin ito. Diba Ate Tara?

7 nga kami sinudo sa megamall...hinintay pa kasi namin ung pics e. dumaan pa kami sa baliwag para bumili ng chicken at liempo...7:30 kami dumating sa bahay...pero wala kaming star...di kami cable e...replay sa channel 5, 10 pm???big news naman ang palabas sa 10 e...11 lang nagsimula ung american idol...

natapos un ng mga 12:30 or 1 am...tapos, nag-cards at natulog na...

next day, kanya-kanya na...gising, kain, nood ng tv, pingpong, at kunganu-ano pa...mga 10 na sila nag-alisan...

un lang po... :D


12:51 PM

Tuesday, May 23, 2006

yehey! nagkakuryente na!!!


simula pa kaninang umaga, wala nang kuryente.

pagkakain ng agahan, nag-bike at badminton...pagdating sa bahay, wala nang kuryente kaya nag-piano na lang ako. pagkatapos, pumunta sa ever para magpapicture para sa enrollment at magpaayos ng dvd.pagdating sa bahay, kumain ng tanghalian, nag-attempt na matulog, kumain, at ngayon...

MAY KURYENTE NA!!!

ansaya talaga pag may kuryente!!!pwedeng manood ng tv, magcomputer, o kaya naman magpalamig sa electric fan!!! yehey!!!

4:34 PM

Monday, May 22, 2006

ang boring na naman...


ang boring ng buhay dito sa bahay...walang magawa kundi manood ng tv, kumain, at mag-computer...haaaayy...

sara sanang magbakasyon sa batangas pero malapit na ang pasukan...masayang mag-outing ngaun pero...ewan ko lang... haaaayy naku...

10:51 AM

Sunday, May 21, 2006

ano na???


pumunta kami sa batangas...cmula kahapon ng umaga hanggang ngaung hapon...

kahapon, dumating kami sa batangas ng mga 9 am. kumain ng agahan [mmmm...goto...] at...ewan ko na kung ano na ang pinaggagagawa namin dun...

nung tanghali na, nakakainis kasi walang tubig...nung hapon naman, nawalan na ng kuryente...grrrrr...nung gabi lang bumalik pareho...

sunod na araw, maagang nag-almusal at nag-ayos ng gamit saka umalis...pumunta kami sa ue para magsimba at mag-lunch tapos umuwi na...

dumating kami dito sa bahay ng mga 3 pm. tapos, basa-basa na ng libro...at ngaun...nagpo-post...

oo nga pala...ano na kaya mangyayari sa outing sa cherubs???hmmm...

6:21 PM

Sunday, May 14, 2006

hapi mother's day!!!


hapi mother's day!!!

umagang-umaga...ginising kami ni liz para designan ung card na binili para kay mommy at sa mga lola namin. un...design design...drawing drawing...sulat sulat...

kainis nga e...laging pumapasok si mommy dun sa kwarto kaya nakikita niya ung mga cards habang ginagawa namin...grrrr...hindi na tuloy surprise...

nung hapon na, binigay na namin ung cards, parang surprised...cguro para hindi kami ma-disappoint...o kaya dahil maganda talaga ung card...hehehehe...

oo nga pala...nung buong araw na un, andami kong natanggap na text. galing cguro sa officemates ni mommy. sabi nila...hapi mother's day!!! reaction ko naman, hindi pa 'ko nanay!!! pero...ok lang naman...cguro hindi lang nila alam na bago na ung sim ni mommy at ung luma naman niya ay napunta sa akin...haaaayyy...

3:41 PM

Saturday, May 13, 2006

hapi bday liz!


hapi bday liz!!!

haaaayyy...napaaga pa ang gising ko...para lang kumain ng taho...grrrr

pagkatapos kumain, naligo na tapos pumunta sa sm ng mga 10 para bumili ng skul supplies at mga damit.

pagkauwi, brownout na. nag-tanghalian kami tapos, kunganu-ano na ang pinagagagawa...haaaaayyy...

ngaun namang nagkaroon ng kuryente, nag-internet agad...hehehe...

ano kayang handa??? gutom na 'ko e... :d

4:09 PM

Wednesday, May 10, 2006

yey!


ansaya! binigyan kami ng maraming pasalubong nina tito allan!!! ty nga po pala... Ü...

may bago nga palang cell si mami pero globe lang ang pwede...kainis...pero masaya pa rin kasi may bago na akong cellphone!!! sa sarili ko lang... eto nga pala no. ko:09194548275

un lang po... :D

10:45 PM

Tuesday, May 09, 2006

home alone


home alone kami ni liz ngaung araw...wala kasi si arjay dahil nasa summer classes cya. wala si ate aileen kasi binabantayan niya si arjay. wala si mommy dahil nasa office cya. wala si ate joanne dahil nasa review classes cya. wala si ate kitel kasi busy cya sa paggawa ng yirbook. wala si dadi at lola dahil binabantayan nila si lolo sa ospital. kami lang talaga ni liz ang walang ginagawa kundi kumain, maglinis, manood ng tv, kumain, mag-computer, mag-piano, at kumain ulit...haaaayyy...ang boring talaga...

oo nga pala! mamaya na uuwi cna lolo. dapat nga kahapon pa pero nagka-aksidente e...[tingnan na lang sa blog ni ate joanne...]

10:47 AM

Thursday, May 04, 2006

ano ba talaga?!


hi liz!

ay! si cez ka pala...

hmmmm...
saang skul ka ba pumapasok???

sa dps???

hindi...wala na nga sa aming nag-aaral dun kasi lumipat na si liz sa shs...

sa shs ba kamo???

hindi rin...si liz nga ang lumipat dun di ba??? di naman ako e...

hmmmm... ah!!! alam ko na... sa upis...

hindi... dun nga ako sana ngaun e pero lumipat ako sa pi----

pisay??? oo sa pisay nga pala!!!

haaay salamat...nalaman din...

*maraming nagkakamali tungkol sa eskuwelahan ng mga tao...


haaaayy naku...

11:20 AM

Tuesday, May 02, 2006

naadik na 'ko


naadik na 'ko...









sa skyflakes w/ tuna...







at...







sa pagpiano ng super mario bros. theme song ni koji kondo...

2:31 PM


walang magawa...


frances --
[noun]:

A person with a taste for acorns

'How" will you be defined in the dictionary?' at QuizGalaxy.com


nyek...squirrel ba 'ko?

You Are Mexican Food
Spicy yet dependable. You pull punches, but people still love you.
What Kind of Food Are You?


mexican food???

Your Christmas Song Is

Here Comes Santa Claus

Here comes Santa Claus, here comes Santa Claus
Right down Santa Claus lane
Vixen and Blitzen and all his reindeer
Pullin' on the reins

You don't get into the Christmas spirit too early
But by Christmas Eve, you're psyched for the holidays
What Christmas Carol Are You?


You Are a Cranberry and Popcorn Strung Tree

Christmas is all about showcasing your creative talents.
From cookies to nicely wrapped presents, your unique creations impress everyone.
What Christmas Tree Are You?


malayo pa ang christmas...

You Are Cream Pie

You're the perfect combo of simplicity and divinity
Those who like you life for understated pleasures
What Kind of Pie Are You?


mmmmmmmm... :d

Your 1920's Name is:

Roxie Dovie
What's Your 1920's Name?


wow...

You Are 30% Boyish and 70% Girlish

Even if you're not a girl, you're very feminine.
You're in touch with your feelings, and your heart rules you.
A bit of a emotional roller coaster, one moment you're up and the next you're down.
But no matter what, you try to be as cute and perky as possible.
How Boyish or Girlish Are You?


mejo boyish pa rin naman...

You Are a Jelly Donut

So you're a little rounder than most folks - but it's only in the right places!
You maintain a clean exterior, even if you're all messy on the inside.
You think you're the best, and that's mostly true...
But remember, you're just an empty shell without your jelly!
What Donut Are You?


ansarap!!!

Your Superhero Profile

Your Superhero Name is The Ring Fighter
Your Superpower is Kissing
Your Weakness is Anger
Your Weapon is Your Anti-matter Darts
Your Mode of Transportation is Houseboat
What's your Superhero Name?


di naman ako magaling sa darts e...

Your Japanese Name Is...

Mutsuko Kajuji
What's your Japanese Name?


Your Irish Name Is...

Caitlin Brennan
What's your Irish Name?


???

Your Monster Profile

Insane Warrior

You Feast On: Jack and Coke

You Lurk Around In: The Backseats of Cars

You Especially Like to Torment: Crybabies
What's Your Monster Name?


graaaarrggghhhhh!!!!

You are
What Rejected Crayon Are You?


gray na pala ang mga burgers...

You Are Red Orange

You are a very genuine person, although it takes a while for you to show the true you.
A bit introverted, you desire respect and affection from those close to you.
You are quite empathetic, and you have a true concern for the well being of others.
Many people have warm, heartfelt memories of you - even if you don't remember them well.
What Color Red Are You?


tamang-tama...fave ko ang red & orange...

Snickers

Nutty and gooey - you always satisfy.
What Kind of Candy Are You?


mmmmmmmmmm... :d

Your Elf Name Is...

Twinkles Helper
What's Your Elf Name?


ancute naman!

You Are 10% Evil

You are good. So good, that you make evil people squirm.
Just remember, you may need to turn to the dark side to get what you want!
How Evil Are You?


ambait ko pala!

12:54 PM