image
kesi's blog
image image image image
Sunday, November 25, 2007

gaaaah.


ngayon lang ulit ako magb-blog since...WHAT?! november 13!!! waah. halata namang super dooper busy di ba? so...november 14...*tingin sa planner*

nov. 14: ewan ko ba. nothing special. [kaya nakakainis kapag hindi nakapag-blog sa matagal na panahon]

nov. 15: kabaliwan sa pe. sa paghihintay sa pag-alis ng Na [?] sa dance room w/ holey floor, nag-pingpong na lang ang ibang boys. pero, since wala silang paddle [or bat :| ], kamay na lang ang ginamit nila. yeah! backhand!!!

nov. 16: chem lt. grabe. super di ako maka-concentrate nun. gaaahh!!! kasi naman. super ingay sa labas. may nagp-practice yata ng paskorus na anlakas-lakas. siguro sa 2nd floor front lob [sa dati naming practice place...awww...]. so un. ang ingay not actually ingay since they're making music. uhmm...lakas. AAAMEN, AAAMEN, AAAAAAAMEN... >_< waaaahhhhh!!! ansarap sigawan ng TUMAHIMIK MUNA KAYO...PLEASE!!! NAGLO-LONG tEST KAMI DITO EH!!! grrrr...eniweiz. nung hapon, may cherubs. nag-commute lang ako kasi may meeting para sa eng exhibit. ang ganda ng naabutan ko. isang song lang ang kinanta ko. late na kasi akong dumating, maaga pang natapos ang rehearsal. pero, sobrang nakakabaliw! nung nagp-practice ang upis people w/ ate joanne and kuya gabby, sobrang lutang sila. hehe. lalo na ung alamat ng dilis. :))

nov. 17-18: ewan ko. nagsipag lang akong gumawa ng popups na di naman nagamit sa exhibit. :(( nag-brainstorming din ako para sa comsci calcu. naisip ko nga, how would maam mendoza expect us to do this in 2 meetings?! pero, nag-move naman siya ng deadlines. yay?

nov. 19: nag-practice ang group namin [timmy, dianne c., ako, gabby, rb, pao] ng waltz. grabe...di ko na maalala kung ano ang mga ginawa namin nun. sasayawan namin ang moon river. un lang. onga pala! nung homeroom, bigayan ng something brown at something useful. hehe. ang ewan ng strategy ko. pero, mukha namang nasiyahan siya :) nagsimula na rin akong mag-drawing ng anime stuff para sa exhibit. nakakahiya naman kasi kay zaldy...may 3 drawings na cya nun. nag-drawing ako ng mirmo. yay! pero bday ni ate grace kaya pumunta pa kami sa palawan. cyempre, kainan... ang late na naming natapos dun. kaya nung gabi, nag-cram na lang ako para matapos ang mirmo drawing ko. pasaway nga ako eh. halos 12 na ako natulog kahit pinatulog na ako ni mommy nung 10:30 na. hehe.

nov. 20: ipinagmalaki ko si mirmo. sinimulan ko rin si chacha nung lunch break. tapos, dahil 1:40 ang uwian, gumawa na rin ako ng cardcaptor sakura. antagal gawin nun. buti na lang walang cherubs. tumulong na rin akong gumawa ng lanterns. :)

nov. 21: palapit na nang palapit ang eng exhibit day. sobrang nagc-cram na kami nun. gabi na rin akong nakakauwi. 6:30 yata akong umalis sa pisay.

nov. 22: nag-practest ako sa pe. ok naman...di nagkalat. tapos, pagkatapos ng pe, gumawa na kami ng eng. nag-ayos kami ng mga gamit-gamit, nag-ayos na rin ng posisyon ng mga bagay-bagay. nag-propose din ako kay patti na gagawa pa ako ng 2 anime drawings para sa boards malapit sa entrance. so, nag-cram ako nung gabi. maaga rin akong umalis [6 pm...maaga...] sa pisay para maagang makapagsimula. grabe nga nung gabing yun. para akong nakikipagkarera. nagtatatakbo kung saan saan. dumaan muna ako sa ever para bumili ng 2 yellow cartolina at charcoal pencil. natapos ko naman sina inuyasha at mikan :)

nov. 23: eng exhibit. ang blanko ng exhibit naming contemporary japan. puro walls lang ang may laman. may manga ni mae, anime drawings namin ni zaldy, hello kitty stuffed toys ni patti, national something building nina king, etc. etc. meron ding mapapanood na anime. wheeee... princess princess...ang ewan. merong ewan ko...wasabi DRINKING contest yata. "treasure hunting" and other stuff...may nag-cosplay [ako rin sana pero ayoko...] at kainan ng sushi at noodles. all in two ub's. nung hapon, wala nang pumupunta sa exhibit. inalis ko na ung drawings ko [kasi baka manakaw ng iba...] except ung chacha. ibibigay ko na lang un kay maam bernal... tapos, maaga kaming umalis nun [sumabay na ako kay dadi]. pupunta kasi kami nun sa concert nina ate kitel sa philam life theater. masaya naman. maganda ang pwesto namin...4th row lang naman. masarap ngang mag-criticize ng ticket na gawa ni ate kitel w/ my opinions [ako ung nag-suggest ng red background!!!]. hehe. late nang natapos ang concert. late na rin kaming dumating sa condo para mag-dinner. nanood kami ng bubble gang habang kumakain. hehe...lethal injection-->little injection. ouch. ganun ako dati...hehe. tapos, natulog na...

nov. 24: 6:30 kami bumangon. nag-ayos ng gamit, tapos umalis na. pagdating dito sa bahay, naligo at naghanda para sa family day ni liz. late na nga kami dumating. tapos na ung dance number ng section ni liz. sayang lang ang practice niya dito sa bahay at ang magandang costume na hinanda niya. kawawa nga ang ibang mga schoolmates niya. may saturday classes. yuck. masaya naman. di tulad ng dati niyang family day, may game na kasali ang siblings. yay! topher's blah. pero talo naman...awww.. pero masaya naman. sobrang nakakabusog. may spaghetti, chicken, cake, donut, etc. etc. andami talagang pagkain. may giveaways pa. dahil lang sa family day na un, may 3 rubics cube na kami. may nakuha rin si liz na bagong bag at cap at purse. dahil nagsayaw si dadi ng papaya song, meron kaming isang jar ng stik-o. yaaaaayyy!!!

nov. 25: eto...nagb-blog nang muli. antagal na kasing di nagb-blog. hehe. haaaaayyy...sana mag-pasko na. eniweiz, gagawa na nga ako ng homework. ah. onga pala. nawala ang bio homework ko!!! grrrr... ung electric fan kasi sa comsci room eh. pinalipad ang mga laman ng clearbook ko. grrrrr...nawala rin pati ung kopya ko ng chem homework...grrrrrr!!! ooohhh...halos 1 hour na akong nagb-blog. hehe. sige. un na lang. see you next time, aking blog!

7:17 AM

Tuesday, November 13, 2007

hello early uwian!


haaayy...wala nang paskorus practices. maaga na naman ang uwian ko tuwing tuesday. yaaayy!!! eniweiz. uhmm...kahapon...nung homeroom...wala lang. nagbunutan kami para sa kris kringle. cyempre di ko sasabihin dito kung sino ang nabunot ko. pagkatapos ng bunutan, inannounce ni maam docto ang top 10 ng Rb...pero di ko memorize. ang alam ko lang, ung iba. 1: jio. 2: benetz. ????? 8: gabby [0.01 na lang dl na. tsk tsk. sayang] 9: ako [whee...proud! 0.09 to the dl line!] 10: alvin. hehe. bday nga pala ni maam docto. HAPPY BDAY MAAM DOCTO!!! [as if nagbabasa cya ng blog...] tapos, nung hapon, di ako sumabay kay dadi pauwi. nag-commute ako papuntang ever para bumili ng something useful, brown, rat. pero wala pa ung final gift. mukhang mahihirapan pa ako sa paghahanap. grabe nga 'tong nabunot ko. ginagastusan ko talaga. P20 yata ang minimum sa something blah blah pero ang mga binili ko para sa kanya, P35 + P30.50 + P25. wow... dahil nga nasa ever na ako nun, hindi naman maiiwasang hindi man lang kumain. bumili ako ng takoyaki :d pag-uwi ko sa bahay, kinain ko na ung takoyaki. nag-take out din si ate joanne ng banoffee pie galing sa red ribbon [plano kasi naming mag-red ribbon kahapon. nag-takeout na lang siya.] kinain ko ung takoyaki saka banoffee pie :d sarap! pero ang gastos ko. so...ang total gastos:
padyak galing pisay hanggang kanto: P6
jeep galing agham hanggang ever: P10
kris kringle stuff: P70.50
takoyaki: P22
jeep galing ever hanggang meralco: P6
takeout na banoffee pie: P52
TOTAL: P166.50
hala! ang gastos ko! >___< [click na lang]

~~~~~~~~~~~~~~~~

kung sinuswerte ka nga naman...

hehehe. ansaya. kahit hindi naman 1st time nangyari 'to, masaya pa rin...NEOPETS!
sabi niya...EUREKA! wala lang...mababaw ang kaligayahan ko ngayong araw.

3:50 PM

Sunday, November 11, 2007

paskorus+box o rice+report card


minsan na nga lang akong mag-blog...haaayyy...bawas distractions. awwww...

PASKORUS:

nung thursday, todo practice kami since di kami masyadong nag-practice nung wednesday. mga hanggang halos 6 un. grabe...nakakapagod. kaya masarap maligo pagdating sa bahay. dahil nga gabi na natapos ung practice namin, hindi na ako nakapag-cherubs. ang hirap pa mag-commute...parang nung may robo dati. mga ganung oras din natatapos kaya mahirap sumakay sa jeep. super puno. pagdating sa bahay, tipid sa boses. wheee...

nung friday...paskorus elims. walang mabait na teacher kundi si maam dawn. socsci. tapos bio. saka lang kami nakapag-practice ng paskorus. nag-formation na kami. tapos kumanta. un na. tapos math. nag-quiz kami...whole period...kasama na ung discussion of answers. tapos paskorus practice na. grabe. matino naman ang kanta namin nun. sabi nga ng iba, gamot sa boses ang math quiz. hehehe. so, break muna para pumunta sa caf at diretso na sa astb. nag-practice kami nung marami nang nandun. tapos presentation namin. masarap kumanta sa harap ni sir talaue. lagi siyang naka-smile. para bang gustung-gusto niya ung kanta namin. si maam crisostomo naman, nakinig lang na may konting pasulyap-sulyap. pero si sir englats, para bang naiinis na sa pakikinig. di man lang tumingin sa amin. pagkatapos nun, masaya naman ako. hindi naman kasi ganon ka-sintunado. naisip kong may pag-asa kaming maka-finals pero hindi masyadong mataas ang chance since marami ring magagaling na sections.

after some minutes, nag-bacon na. may career blah blah. basta nag-talk lang ung pisay-er na nag-metallurgical eng'g. grabe...wala pa rin akong maisip na course na kukunin sa college. >_<>ate joanne liz], beef salpicao [para sa akin], at chicken blah blah [kay liz ate joanne]. hehehe. BI ako.

CARD GIVING:
nung saturday. hindi exciting. alam ko na kasi ung gwa ko nung monday pa.

bio: 1.75-->1.5 [akala ko makaka-1.0 tentative ako sa bio. antataas kasi ng scores ko eh. waaahh]
chem: 2.25-->2.25 [as usual. sana naman tumaas na ako ngaung 3rd quarter.]
p6: 1.5-->2.0 [grabe. tentative ko ay 2.25. siguro dahil di ko na-pasa ung worksheet ko >__<] str: 1.5-->1.25 [uhmm...yay!]
math: 1.75-->1.75 [buti na lang na-retain. akala ko bababa ako. haaayy]
comsci: 1.0-->1.0 [yay! i <3>1.75 [akala ko bababa ako. para kasing pinaparinigan ko ni maam bernal tungkol sa perio long time ago...waahh]
pinoy: 1.25-->1.25 [so unpredictable...]
socsci: 1.5-->1.25 [whoopeee!!! aiming for 1.0]
PEH: 1.5-->1.25 [may nakaka-1.0 ba sa pe kay sir rojas?! >_<] robo: 1.5-->1.5 [buti na-retain.]

gwa: 1.630-->1.590 [yay! 0.09 na lang DL na ako!!!]

top 9 na ako sa Rb. pero dati top 8...awww...

9:34 PM

Sunday, November 04, 2007

hi blog!


hei! long time no see!!! *hug* well...pinipigilan ko kasi ang araw-araw na pagb-blog [puro mail, friendster, multiply, penguins, prime suspects, at ko kaya eto...more than 1 week na akong hindi nakapag-post...kaya naman, hindi na masyadong detailes ang mga long time ago na bagay...ung mga memorables lang ang matatandaan ko. well, ganun talaga kapag short-term at photographic memory. hehehe.

10/24: [di ko sigurado] nung paskorus practice namin nung hapon, dumaan si maam bernal. tinanong nina dianne a. kung bday niya tapos sabi niya oo. so un...happy bday maam bernal! :P tapos cherubs practice later...

10/25: ewan ko ba kung anong nangyari sa skul. basta practice pa rin ng paskorus. ah! onga pala. nag-dance fundamentals blah blah kami sa pe. wahaha. :)) saka pag-alis sa skul, cherubs naman. pagkatapos ng cherubs, dahil maagang natapos, nag-pusoy dos kami nina ate joanne, walter, at nelson. yay! :D

10/26: nag-practice kami ng paskorus w/ maam crisostomo nung 2nd ub. blah blah. umalis ako habang nasa kalagitnaan ng comsci. buti nga nagpaturo ako kay ate joanne nung solution dun sa multiplication table dito sa bahay. maaga kong natapos ung exercise [yep. AKO. kasi absent si partner robert. kinagat ng ipis] dumiretso ako sa front lob. nandun na si nelson. hinintay namin ung mom niya tapos hinatid kami sa palma hall. kumain ng burger tlc ng jolibee+fries+sprite. yay! napaka-clumsy ko ng araw na ito. nabubo ko ung fries ko saka ung sprite kasi hawak ko rin ung cellphone nun at nagtext si dadi. :P pagdating nina liz at ate joanne, nagbihis na ako. tapos, sumakay na kami sa sasakyan. habang nandun sa sasakyan, nag-makeup na ako. tapos natulog na kaming mga nandun: ako, ate joanne, noreen, sandy, gidell, at john gil. antagal ng biyahe. masarap ang tulog namin at saka lang nagising nang may kinakausap ang dad ni sandy na pulis. blah blah blah. swerving daw...eh...ewan. basta. nalagpasan pa namin ung entrance ng dusit hotel...kaya ibang entrance ung pinasukan namin. pagpasok namin, aba! sosyal! hehehe. tapos, ung ibang cherubs nandun na sa ballroom hall. "TOWNS awarding" :D nag-sound check na kami, nagpractice, at pumunta sa "dressing room #1" at lumipat sa mga sofa kasi sikip dun sa dr #1. matagal kaming naghintay dun kaya ung iba, puro vanity ang nasa utak. hehe. later, nag-practice kami ng "choreography". pinapasok lang kami sa hall para maglead ng pambansang awit tapos lumabas na ulit. kumain kami ng chicken burger, fries, at coke ng jolibee ulit [hehe...sponsor?] dahil nga ako ay clumsy, nabubo ko ang ketchup sa damit ko. waaaahhh...panic! panic! buti na lang wala na ako sa 1st row at na-promote na ako to 2nd voice sa 2nd column. :) pagkatapos ng pagpupunas ng ketchup sa aking pink galla, lumabas na kami. dumaan kami sa kitchen. hehe...ansaya. nakita namin ung mga pinaglulutuan ng mga pagkain [duh. kitchen.] dumiretso ako sa banyo at pinunasan ko pa ung costume ko. pagdating sa mga sofa, kinuha ung mga makeup at nag-retouch. ewan ko kung dito rin kami naglibot para tingnan ang mga stores sa loob ng hotel. antagal naming naghintay nun para kumanta nga sa lupang sarili , babae ka, at towns hymn. nagbasa na lang ako ng sense and sensibility, mga free magazines, at kumain na rin ng pringles [or spuds? ewan.]. pagkatapos namin kumanta, naglakad kami papunta sa wendy's para mag-frostee. :d dun sa table naming "reserved", habang kumakain ng frostee, naglaro kami ng pusoy dos. :D pag-alis namin, dun ulit kami sa sasakyan nina sandy. kami-kami ulit ang nakasakay + katha. nakatulog ulit ako. halos 12 na yata kami dumating kina tita lenette. pag-uwi, bihis muna tapos diretso tulog.

10/27: ewan. bakasyon day 1

10/28: bakasyon day 2. habang nasa simbahan, nahilo ako. kaya may donut. [hehe...labo...]

10/29: bakasyon day 3. barangay elections...sk...blah. pero, dahil tinamad kami ni ate joanne at di naman namin kilala ang mga iboboto, hindi na lang kami bumoto. tsk tsk. sayang ang pag-register...distracted ako. si ate kitel kasi eh. nag-download ng bagong games dito sa computer. saka na-beat na rin namin ung top score sa text twist. ewan ko...mga 100,000+ [ADIK!] naglaro kami ng penguins at prime suspects.

10/30: paskorus practice... :) nag-pisay bus ulit ako...

10/31: shortened periods. dapat hanggang 12:30 lang. walang chem kaya nag-paskorus kami sa brha from 12-2:15. natapos na namin ung buong kanta! yay! pero kulang pa ng blending. [dondon vs. frances daw... :| opal vs. jade, dahlia vs. adelfa, sr vs. rb ] haaaayyy...

11/1: feeling saturday. bakasyon continuation day 4. pumunta kami sa batangas. grabe...ang haba ng biyahe. antraffic din. 9 na yata kami nag-agahan. maraming kainan...hehe. nung hapon lang kami pumunta sa sementeryo. hehe...masarap ang sementeryo food. may nachos, butong pakwan at buto ng kalabasa, junk food, softdrinks, etc. syempre, may dasal pa rin, bulaklak, at kandila.

11/2: feeling saturday pa rin. bakasyon day 5. masarap manood ng dvd at mag-computer. nanood kami ng conan sa computer, at ratatouille at die hard 4.0 [die hard 1: "die hard". 2: "die harder". 3: "die hardest". 4: "die-amond"...diamond :)) <--super hard...] sa tv. nagsipag din ako sa araw na 'to. sinimulan ko ung physics homework...hehehe. nung hapon naman, pumunta kami sa robinsons lipa. bumili kami ng bagong sapatos ni ate kitel [kamukha nung orange sandals ko...iba nga lang ung design] saka semi-formal na "makulay" para sa debut na pupuntahan ni ate kitel at para sa prom... :| waahh...tube ba naman?! pero tingin ko, hindi talaga un ang susuutin ko sa prom. sabi nga ni ate joanne, ung susuutin ko ay ung maroon gown... :|

11/3: nag-ayos kami ng gamit, kumain ng pandesal at uminom ng milo, tapos, umalis na kami. mas mabilis ang biyahe. cyempre...hindi na traffic. dumaan muna sa condo para ihatid sina ate mary, mami, at ate kitel. tapos, dumaan kina tita chona. tapos, balik sa condo. dun lang kami sa sasakyan nina ate joanne at liz. naglaro kami ng penguins :D tapos, kumain naman kami ng taho. pag-alis sa condo, pumunta naman dito sa bahay. nag-brunch kami tapos nagcomputer na. tapos late lunch, at balik sa computer. natapos na namin ung prime suspects!!! yaaayy!!! in less than 1 week :D

11/4: pagkatapos mag-breakfast at mag-hugas ng pinggan, nag-basketball kami nina ate joanne, liz, at ate kitel. kalaro namin ung kaibigan ni liz na si maricris. grabe...di na talaga ako marunong magbasketball...hehehe. tapos, nagsipag ulit ako. medyo nagpa-distract sa computer...hehe...hanggang ngayon...

kaya, tama na ang blog. hehe...neopets naman. o kaya multiply. o kaya friendster. o kaya penguins. o kaya prime suspects ulit. o kaya--aral na para sa math lt :|

10:04 AM