image
kesi's blog
image image image image
Thursday, August 30, 2007

trip lang >> 6th PRO at iba pang robo...


gusto ko lang magpost ngayon ng kawalang-kwentahan. nyehehe. wala lang. nag-robo kami kanina...para sa philippine robotics olympiad sa sept 17. grabe. ang hirap gumawa ng walking robot na walang rotational motion x_x waaahh.... go team pisay main A [ako, dem, patrice] hehe. pati na rin sa pisay main B [william, allen, ced]! :D good luck na rin sa upis! :D [at salamat sa pagpapa-interview nung robo fiesta!]

haaayy...kailangan nang mapagana ang back-up bot sa saturday [saturday classes na naman...waaahh :( ] anlaki kasing kalabuan nung motors namin. pareho naman ung power nila pero mas mabagal ung isa kaysa sa isa pa. waaahh... tapos ung program naman, anlabo. ayaw mag-loop. waaahh..

[sory sa mga hindi robo...hindi maka-relate...]


4:23 PM

Tuesday, August 28, 2007

fifty toots


[from aug. 22, 2007 until today, august 28, 2007]
[sorry sa mga mao-offend. naiinis lang kasi talaga ako.]

toot # 1: maaga nga akong nagising para sa ramayana practice. maaga ring nakarating sa pisay. wala namang kwenta kasi 8 lang nagsimula ung "seryosong" practice.
toot # 2: naka-isang runthrough nga kami ng ramayana, mali-mali naman [ehem lights and sounds]
toot # 3: sobrang sunud-sunod ang roles ko kung saan magch-change costume. pagkatapos tuloy ng scenes ko, panic! panic!
toot # 4: nakalimutan ko kung saan ko pinatong ung toga nung nag-change costume ako. kung saan-saan pa tuloy ako nagpupupunta.
toot # 5: kung ako si maam bernal, super impressed ako sa na. lalong bababa ang tingin ko sa rb. :(
toot # 6: muntik ko nang makalimutang magdala ng pe uniform nung thursday.
toot # 7: hindi na siguro ako sasali sa concert ng himig. MASYADONG HECTIC ANG SKED KO.
toot # 8: may quiz sa math nung friday. babagsak ako dahil imbes na A1 ang ilagay ko sa formula, x ang nilagay ko! grrr.
toot # 9: may quiz ulit sa math bukas


mega toot # 1: sinermonan kami ni maam bernal pagkatapos ng play. sobrang rowdy daw kasi ng audience namin. tawanan pa nang tawanan. ano'ng magagawa namin? palayasin lahat ng tumatawang audience? she doesn't appreciate comedy...sabi nga ng iba.
mega toot # 2: ayoko nang magpahiram ng kahit anong panulat. ako kasi ang napapahamak. nung aptitude test kasi [ehem ehem.], wala ung mech pen ko kaya lead na lang ang pinansagot ko.

negative toot # 1: marami ang nagandahan sa play namin. lalo na sa fight scenes.
negative toot # 2: ininvite ako ni maam crisostomo na sumali sa concert ng himig. kulang kasi ng soprano.
negative toot # 3: medyo naiintindihan ko na ang chm [dahil ba si maam butaran ang nagturo sa amin ngayon? ]
negative toot # 4: buti na lang nasimulan ko agad ung bio hw kundi hindi na ako nakatulog kagabi.

~~ to be continued [i know there are more toots to come...] ~~

7:04 PM

Wednesday, August 22, 2007

slight curls


hay naku...ganito nga naman kung wala talagang magawa mdi ba? blog na lang ng blog...

dahil natuyo na ang buhok kong nakabraids, kinalas ko na. sobrang sabog ng buhok ko...mukhang bruha...nyehehe. kaya nilagyan ko ng mousse. yan tuloy, halos straight na ulit. pero ok lang...is-style pa naman sa school eh. :D

4:25 AM


epol-apple


ang epol-apple ay isang excel file kung saan isasalin sa ingles ang mgasalitang tagalog...
CHEAT SHEET! all black font color :D (best if viewed in internet explorer)
grabe naman...39% lang ako...waaahh...sobrang hirap kasi talaga eh...
medyo maswerte ka kung nababasa mo 'to ngaun...at may file ka ng epol-apple :D
hehe...wala lang...
aspile(pin),batubalani(magnet),balarila(grammar),bisig(arm),kabanata(chapter),dikya(jellyfish),duhat(blackberry),espongha(sponge),gabinete(cabinet),guwantes(gloves),halimaw(monster),hapag(table),hibla(fiber),hilik(snore),hinlalaki(thumb),hipo(touch),hulma(mold),itsa(throw),laktaw(skip),lagda(signature),lawin(hawk),lila(violet),lintik(lightning),lulon(swallow),luya(ginger),mumog(gargle),lampaso(mop),halimuyak(fragrance), mayelo(icy),mongha(nun),nilaga(stew),niyebe(snow),nunal(mole),nguya(chew),oso(bear),pabo(turkey),pabula(fable),padyak(stomp),pain(bait),palara(foil),palaso(arrow),palikpik(fin),palikuran(toilet),paminta(pepper),panday(blacksmith),pantal(rash),kiliti(tickle),parabula(parabola),parirala(phrase),pasas(raisin),patibong(trap),pilak(silver),pilikmata(eyelash),pulgada(inch),pulikat(cramp),pruweba(proof),pulseras(bracelet),buslo(basket),rentas(revenue),rekado(ingredient),saknong(stanza),sakim(selfish),salamangka(magic),salungguhit(underline),sastre(tailor),serbesa(beer),siyanawa(amen),sorbetes(ice cream),sugarol(gambler),uwak(crow),utong(nipple),alingasaw(stink),tutuli(earwax),tutuldok(colon),taimtim(solemn),takipsilim(sunset),yungib(cave),yugto(act),yeso(chalk).

3:43 AM


ramayana [ulit]


haaayy...grabe...ang aga kong gumising kahit wala naman akong klangang gawin...mga 10 pa ako nakatulog kahit nakahiga na ako bago mag-9. ang konti tuloy ng tulog ko...10 ako natulog tapos 1 ako nagising. 3 hours!!! waaaaahh... hindi kasi ako makatulog... O_O

so, kahapon ang general rehearsal no. 3 [gr no. 1 & 2 nung monday...sa bahay nina jio]. ansaya...naka-costume na sila...ang ganda...sobrang proud tuloy ako sa vest ni shatrughna [tama ba spelling]. matibay at maganda...hehehe...cyempre ako kasi ang gumupit, nagtahi ng harap, at nagdugtong sa harap at likod ng vest. :D

grabe...andaming beses ko pala magch-change costume...sunud-sunod pa halos ang scenes ko... x_x

tapos kanina naman, pagkagising ko, ayaw ko pang bumangon dahil sobrang kulang ang tulog ko. pero, dahil hindi nga ako makatulog, sayang ang oras kung pipilitin ko ang sarili kong matulog. kaya, naligo na lang ako, nag-ayos ng costumes, at nagbraid ng buhok para may curls...hehe... all these for 30 mins. tapos hindi lang isa ung braid...10 un...para masaya :D

ngaun naman, nagp-practice na ng sayaw... prabhu deva kalluri vaanil...ewan ko kung ano dito ung title...tapos, nagb-blog, nakikipag-chat, nagb-bloghop, at kunganu-ano pa. basta...ganito lang hanggang mga 5. *tignin sa computer clock* wooh! matagal pa...manonood na rin ako ng conan sa youtube... yay! :D pag 5 na, magluluto ako ng oats, kakain, mag-aayos ulit ng gamit para siguradong walang nalimutan, maglalakad papunta sa overpass sa st. peter, tatawid sa overpass, sasakay ng jeep papunta sa agham, at magpa-padyak kung super lapit nang mag-6:30. hehe... scheduled talaga... :P

last reminder:
Rubidium presents
Ramayana
August 22, 2007 [Today!]
10:50-11:40 am
PSHS 3rd flr Auditorium
Admission is free! :D

2:55 AM

Monday, August 20, 2007

laugh laugh laugh (part 2)


haaayy...grabe...nakakapagod talaga itong araw na 'to. hinatid kami nina ate kitel, ate joanne, ako, at liz sa verbum dei para mag-practice ng mga kanta para sa anniversary. andami palang church songs ang hindi namin alam. kailangang mag-practice. pagkatapos namin maglunch ng tacos saka macaroni w/beef, tuloy ulit ang pagp-practice hanggang mga 2:15. tapos, nagkulitan na lang kami hanggang dumating si dadi para sunduin kami papunta sa condo. doon, kumain kami ng marie at ng chicken sotanghon. :d tapos, naglaro kami ni liz ng cards, maya-maya, nag-merienda ng spanish bread, pan de coco, at ensaymada. dahil bitin pa rin [hehe...takaw...], pinabili pa ako ng cheese bread. tapos, nanood na ng tv, nag-ayos ng mga gamit, at umalis na papunta sa simbahan. pagkatapos magsimba, hinatid namin si ate kitel papunta sa condo at umwi na. at dito nagsisimula ang ka-hyper-an...

hehehe...i love days like these... :))

habang nasa sasakyan kasi kanina, pauwi galing condo galing verbum dei, walang magawa kaya kwentuhan at ka-hyper-an lang ang nangyayari...

liz: dati, nung nasa batangas tau, nagtanong sa akin si wendell/nica/ella...
wendell/nica/ella to liz: san ka nag-aaral?
liz: Holy Spirit...
wendell: Amen.

kami: hehehehe... :))

oof...niyahahahaha...wala lang...ganiyan talaga pag hyper... :))

8:52 PM


RAMAYANA


ito na talaga ang totoong sked ng ramayana ng rubidium: [sana...]

August 22, 2007 (Wednesday)
10:50 am-12 nn
3rd Floor Auditorium

grabe ung practice namin kanina...sobrang productive compared sa iba pang practices...hehehe...kahit puro sayaw lang halos ang ginawa namin at 2 runthrough at kainan ng icecream, chicken at spaghetti... :d hapi bday rb!

un na lang muna...baka may ic-cram pa ako... ;)

7:12 PM

Saturday, August 18, 2007

laugh laugh laugh


nyehehe. pupunta si ate kitel sa debut ng kaklase niya...black and white ung motif.

dadi: musta naman ang itsura ni tel?
liz: mukhang zebra...
kaming lahat: *laugh laugh laugh*

hehe...wala lang...hyper kaming lahat ngaung araw :D

6:26 PM


legs-ache


waaaahh...ansakit ng legs ko! dahil siguro sa pagp-practice namin ng sayaw nung thursday. waaah...ang hirap umakyat-baba sa hagdan. mahirap din maglakad, tumayo at umupo...waaahh... para bang may malalaking pasa sa mga hita ko...waaaahh...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

grabe...anlakas ng ulan. pagtingin sa bintana, parang 6 pa lang. andilim kasi eh. super lakas pa ng ulan. may kulog at kidlat pa. dumadagundong pa ang bahay sa bawat pagliwanag ng kalangitan...

hehe...anubayan? nagpapakalalim na naman ako sa aking pagtatagalog. siguro'y dahil marami pa akong kailangang gawin nang mabilisan [in other words, cram]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Reminders for me:
~ eng lt review [pero wala akong mare-review. naiwan ko sa skul ung folder eh :(( ]
~ pinoy oral report & masining na pagkwento [hehe. di pa nasisimulan...]
~ bio quiz [uhh...kahit hindi pa binabalik ni maam docto ang notebook.]
~ ramayana practice sa monday kahit walang pasok, 9-5
~ ramayana presentation sa aug. 22, 10:50-11:40. nood kau!
~ math quiz
~ hapi bday: dianne co (19), dino (20), rb (20), andrew (20), arwin l (28)
~ cherubs @ crl, aug. 26.

7:25 AM

Friday, August 17, 2007

wheeee--oh? (bad good luck part 2)


monday: normal [i just forgot my pe tshirt for the 1st time in my pisay life]
tuesday: normal [and we practiced ramayana later]
wednesday: ABnormal [hehe. half day classes. no robo]
thursday: weekend-y [no classes. just practiced ramayana @ jio's]
today: weekend-y [no classes. i don't know what's going to happen]
saturday: weekend again! [no classes...duh]
sunday: another weekend! [again, no classes...duh]
monday: weekend-y [no classes! wheeeee!]
tuesday: monday-ey [monday schedule...no more 1:40 dismissal]

wait lang...bakit ako nage-english. tama na nga...

since normal lang ang monday at tuesday, hindi ko na sila pag-aaksayahan ng panahon para mag-type. beh.

wednesday: nag-announce na suspended na ang klase from 11:40 onwards. so, minamalas ang mga may elective from 10:50 to 11:40. buti na nga lang suspended eh. hindi ko na kailangang mag-aral para sa eng lt. pero, ang wrong timing talaga. sana nung umaga pa sinuspend. anlakas ng ulan nung umaga pero ambun-ambon lang sa hapon.

thursday: pumunta ako kina jio. 9 nga dapat ung practice pero 10 ako dumating dun. nag-mcdo pa kasi ako eh. hehehe. nag-practice kami ni dianne ng demon dance namin tapos ung iba [jio, paolo, echi, gero, je], nagpractice ng fight scenes. tapos, nag-order na kami ng mcdo, kumain, at nag-practice ng final dance. grabe...nakakangawit sa legs. pagkatapos nun, naglaro na sila ng soulcalibur. umalis na kami mga 5:30. pag-uwi sa bahay, nagpanic na ako para sa ramayana. kung ano dadalhin ko, etc. etc. 11 na nga ako natulog eh. wishko, ma-suspend ulit ang klase para walang ramayana.

ngayon: akala ko may pasok. tapos, nag-alarm si ate joanne sa cellphone niya. sabi, "Wlang PASOK!!!" yay! pero dahil gising na ako, eto...nagcocomputer na lang. hehehe... tiningnan ko na nga sa inquirer ung annoncement. yay! makakapanood na naman ako ng detective conan sa veoh!!! :D

4:15 AM

Tuesday, August 14, 2007

perio scores (updated)


hehe...ansaya! wala pa akong bagsak na perio! weehee! :D

[hindi naman sa pinagmamayabang ko ang mga scores ko...masaya lang]

bio: 43 -1/60 = 71.67 % [na-cancel na ung -1 ko...may correction kasi...yay!]
chem: 27/50 40 = 54% 67.5%
p6: 28/40 = 70%
math: 31/40 = 77.5%
eng: 72/100 = 72%
socsci:53/75 = 70.67%
pe: 46/50 = 92%

ano ba naman? wala man lang akong perio na nakaabot sa 80% except sa pe? oh well...at least pasado lahat...

onga pala. nagcompute kami kanina ng grade sa socsci. 1.5 ako...yay! [hehe...sabit nga lang eh.]

hala...ramayana na sa friday...waahh...nagkakabulul-bulol pa ako sa narration...

Rubidium's Ramayana
Friday, August 17, 2007
1st UB (10:50 am)
3rd floor Auditorium


hehe...nood kayo... :D

ah! wait a minute kapeng mainit! :P nanood kami ni ate joanne ng simpsons...hehe...saya...kahit nga trailers lang sa youtube o kaya sa imvironment sa ym...saya na. gumawa pa ako ng simpsonized me @ simpsonizeme.com :


10:41 PM

Sunday, August 12, 2007

uhmmm...weird?


THE WORLD'S GONNA STOP REVOLVING ON DECEMBER 24, 2012!!! -Maya

uhmmmm...wala lang. natutunan ko sa socsci. well, hindi naman natin alam kung totoo talaga un. maghintay na lang tau kung ano ang mangyayari sa date na 'yan.

eniweiz, dapat, nagca-cram na ako ngaun. as in NGAYON! andami kong kailangang gawin tapos pa-blog-blog na naman ako. rawr! *slaps myself...ouch* [wahaha ang weird ko]

kahapon naman kasi ang pinaka-"wasted day of my life". bakit? dahil buong araw akong walang ginawa kundi umupo, magbasa, kumain, matulog, at maglakad.

SATURDAY, AUGUST 11, 2007
6 am-nagising ako at nagcomputer
7:30 am-naligo at nag-ayos ng gamit na dadalhin sa practice at dadalhin sa batangas.
8 am-supposed to be meeting time sa pisay
8:15 am-umalis sa bahay
8:45 am-dumating sa pisay
9 am-supposed to be arrival time at paolo's
9:30 am-umalis papunta kina paolo
10:15 am-nagsimula ang practice ng fight scenes
*basa ng kgw(kitchen god's wife), tulog, upo, iwas*
12 pm-lakad papunta sa kfc shakey's w/ timmy, zaldy, koko, gero, kelsy, shane, nikolai
-- arrive at shakey's
>> what i ate: 1 slice pizza, tira-tirang spaghetti, 1 glass iced tea, 1/4 basket of mojos
>> what i did not eat: garlic bread :(( [naubusan kasi]
1:30 pm-lakad pabalik kina paolo
*basa ng kgw(kitchen god's wife), tulog, upo, iwas*
4:45 pm-nanood sa dance finale practice ng boys...hehehe...
5:15 pm-umalis na ung mga sumabay kay gero
>>kaming mga natira, nandun lang. ung boys, nag-billiards. girls, ewan...
5:30 pm-dumating ung mom ni jio. sumabay kaming mga natira pabalik sa pisay.
6:00 pm-dumating sa pisay
>>NAGLAKAD AKO PAPUNTA SA SAKAYAN NG TRICYCLE NG PAG-ASA [Mindanao Ave.]
>> mga lalaking nadaanan ko :"Hi." ako:*snob*
6:45 pm-dumating sa palawan [kina tita norms]
>> naglaro kami ni ella tapos kumain na ako. kinabahan nga ako kasi wala pa dun sina tita norms. pano ako pupunta sa batangas kung wala sila?
>>dumating si ate kitel habang kumakain ako.
nanood kami ng tv tapos natulog ng mga 10:30
next day...
"maagang" gumising, kumain ng pandesal, at umalis na kami ni ate kitel papuntang batangas kasabay nina tita norms, tito joel, ate grace, kuya oli, kuya nj, tita rose, tito nards, kuya dj, joenards, nica, at ung driver.
nung nagpa-gasolina, may free coffee...wala lang...
pagdating sa batangas, bumili kami ni ate joanne ng pinipig blueberry cheesecake icecream
nagsimba at kumain ng goto. :d
blahblahblah. nagbasa ng kgw sa kwartong walang electric fan kaya ang init.
bumili ng franks :d
nagcelebrate ng bday ni lola (?)
maraming pagkain. kare-kare, potato salad, chicken, buko salad, etc. etc.
nanood ng modern ring [ung american...]
nag-impake at umuwi na.

5:28 PM

Thursday, August 09, 2007

forgotten things


onga pala! kakatapos ko lang ng bio lab rep...sa wakas!

ska perio scores [hindi gaanong mataas pero pasado...yay!]:
bio:46/60
math:31/40
chem:27/40

yeah! pasado lahat! pero pano na kaya sa ibang subjects? >_<

sige...cram pa ako ng health...hehehe... :D

10:28 PM


bad girl... >:)


nyehehe...tuwang-tuwa ako kagabi kasi nakita ko sa inquirer na walang pasok: link! cyempre ansaya. hindi kasi kailangang icram ang health...hehehe...

tapos, late kaming natulog nina ate joanne at liz...mga 11 yata. nanood pa kasi kami ng tv. kaya tuloy, late na rin kaming nagising. mga 6:30 [oo...late na un...].

nanood na lang ako ng dora tapos spongebob [so, hanggang mga 8:30]. wala kasi akong magawa eh. nag-internet na ako kasi wala pang magandang palabas. biglang may offline message ako. may practice daw sa pisay from 9-5. hala! 8:30 na nun! nagpanic na ako. nagyaya pa naman si liz na pumunta sa cityland kaya sinamahan ko na. minsan lang naman eh. tapos, nagcommute na ako papunta sa pisay. sakto, pagdating ko, paalis pa lang sina zaldy, je, at paolo papunta sa bahay nina jio. hindi ko na kailangang magcommute! yay! pagdating dun, nagbaba na kami ng mga gamit. pumasok na kami sa loob ng condo [1st time kahit 3 times na kaming nagp-practice doon]. nagbasa na muna ako ng kgw [kitchen god's wife -____- ] habang nagpipintura ng weapons si zaldy, nagco-computer si jio, at nakatambay (?) sina je at paolo. tapos, gumawa na ng mga posters sa photoshop. link! sunod nang dumating sina echi at benetz. wala naman kami masyadong ginawa. nakaupo lang at nanood sa mga may ginagawa. nung mga 1:30 na, nagsimula na kaming maglakad papunta sa mcdo sa mrt. nakakapagod naman kasi wala na kaming energy. pagdating sa mcdo, naghintayan pa kami sa pag-order. kumain na tapos naglakad na ulit pabalik kina jio. wala ulit ginawa. nanood lang ulit. ansaya ng fight scenes nina rama at jio [ermm...wala si ravana...]. tapos, blahblahblahblah. lumipas ang mahabang oras. umalis na si paolo. nung natapos [or malapit nang matapos] si zaldy mag-paint ng weapons, naglaro sina jio, je, gero, at echi ng blah [nakalimutan ko na ung pangalan nung game] at eyetoy. hehe...ansaya. gusto ko makita ung pics saka videos. nyehehe. natapos silang maglaro ng mga 5:30 nung dumating ung sundo ni gero. sumabay na kami nina zaldy, je, at benetz papunta sa pisay at naghiwa-hiwalay na dun. nagtaxi na si benetz at sumama pa si je kay gero. nagcommute naman kami ni zaldy.

pagdating ko dito sa bahay, nanood na ako ng tv. tapos, eto...nagcomputer na. kumain, nagcomputer ulit.

hehe...parang walang kailangang icram.

>> health perio...ine-edit ko pa ang bio lab rep. posible pang mag-ramayana kami bukas >_< *kakanta nang sintunado para umulan nang malakas at masuspend ang klase* *raindance...raindance...para umulan nang malakas at masuspend ang klase* *uhm...cram...MAMAYA...o pwede ring BUKAS* >:)

7:30 PM

Wednesday, August 08, 2007

bad good luck


4 ako gumising kanina. kailangan ko kasing magcram ng health...hehe...nakatapos na ako ng 2 essays [di ko ipo-post dito sa blog ang essays ko. beh] ng mga 6. ambilis nga ng oras eh. o dahil lang ba madilim kaya hindi ko namamalayan ang pagdating ng bawat minuto -__-

usually, mga 6 umaalis si dadi dito sa bahay para magsundo ng mga ka-school bus ko pero hindi ko napansing mas maaga pala siya umalis. naligo na ako pagkatapos ko gumawa ng essay. pagdating ko sa kwarto para magbihis, dumating si ate belle. sabi niya, walang pasok si liz. nagbihis na ako pero hindi ko napansin na nandun na pala si dadi. 6:20 pa lang nun. usually, 6:30 dumadating si dadi. inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso na sa sasakyan. grabe...basang-basa ung bag ko. naulanan naman ung uniform ko [cyempre pati ako]. hindi pa ako nag-agahan nun kaya dinalhan na lang ako ng pagkain sa sasakyan. pagkaliko namin sa sandiganbayan, naalala ni dadi na hindi pa pala niya nadadaanan sina jombo. so, super nagmamadali na kami. naisip ko na ngang male-late na ako. may physics long test pa naman kami. nung pa-u-turn na si dadi sa ever, may nabunggo kaming motorsiklo. tumilapon [uhmmm...exaggeration] ung dalawang nakasakay. naisip ko, SIGURADONG male-late ako. buti na lang, walang nasaktan sa kanila. usap-usap lang sila kasama si dadi, tapos binigyan sila ng P500. pagkatapos nun, ok na. nasundo na namin si jana at katapat na namin ang bahay ni jombo nang biglang nag-text si tito lito. wala na raw pasok sa pisay. tumawag si dadi sa pisay para ma-confirm pero busy. tumawag ung mga ka-school bus ko sa mga kaklase nila. wala na daw pasok. hinatid na ni dadi ung mga sinundo niya pabalik sa bahay nila at umuwi na kami. buong araw, hanggang ngayon, wala akong ginawa kundi manood ng detective conan sa veoh at manood ng tv. hehehe.

GOOD! makakapag-cram pa ako ng health. mas may time din ang mga magc-cram ng intro sa str [go zaldy!] at lab rep sa chem at bio. na-postpone din ang physics lt at comsci prac test. hehehe.

BAD! hindi kami makakapag-practice ng ramayana. pano kung hindi maiba ung schedule? waahh...nagka-aksidente pa dahil sa pagmamadali. wala namang pasok -____-

onga pala! advertise muna ng ramayana...

RUBIDIUM RAMAYANA
Aug. 17, 2007

Third Floor Auditorium
12 noon







un na lang muna. manonood ulit ako ng tv. magc-cram ng health mamaya >:D

kay lamig ng simoy ng hangin... brrrrr...[malapit na ang ber months] nasobrahan yata ang pagdadasal ng mga pilipino para sa ulan...

4:36 PM

Tuesday, August 07, 2007

ramayana!!!


waahh...ramayana na sa friday! grabe. kailangan talaga naming i-cram ang costumes, props, etc etc. waaahh...

so, kahapon, gumawa lang kami ng mga bagay-bagay from 11 am to 5 pm. oof. 6 hours. ako naman, nakatunganga lang sa isang tabi, o kaya naglalaro ng snake 2/space impact sa cellphone. tapos, siguro nung mga 12 na, tumulong ako sa pag-paint ng "branches" ng "trees". tapos, tunganga ulit, at tumulong na lang ako sa pagtatahi sa loob ng grhm. wooh! rb lang yata ang makikitang nagha-hand-sew ng costumes! hehe... ako ung gumawa ng front half ng green vest ni shatrughna [er...tama ba spelling?]. hehe...great achievement. pero masaya talagang experience ang magtahi ng costume... tapos, mga 4:30, nagpractice na ng acting. andami laging wala kaya nakakainis. grrr.

tungkol naman sa perio, BABAGSAK AKO SA CHEM!!! waaaah. ung mga tumingin na sa mga papel nila, bagsak daw sila. waaaaaahh. paano na ako? tapos ung english naman, waaaahh...ano ba naman un? puro essays at vocab. di pa naman ako magaling magsulat ng essays...

bahala na...kung ano ang sinulat ko sa mga answer sheets sa perio, un na un. di na mapapalitan...

4:47 AM

Monday, August 06, 2007

the early bird gets the early worm


i don't know if this is really true. the early worm gets caught in this case. what if i'm the early worm?

i woke up very early this morning, about 12:30 am. i woke up from a very bad dream [not really very bad but i didn't like it]. it would be better if i keep it inside...

i remained lying still, trying to forget the dream, thinking of the molecular formula of caustic potash and salt peter. i thought it was already 3 am. but it was just 12:45. i had to sleep more.

i was half asleep, half awake at 2:30 am. i took my chem filler and looked at the page where the trade names of chemicals are listed. i stared at it, hardly memorizing, but soon fell asleep again.

3 am. i was wide awake. i haven't reviewed stoichiometry, trade names, balancing equations, and many more lessons in chem. then i started to review everything, from trade names to stoich to percent yield. i understood the ion-electron method maybe for the second time, or the first.

i feel a bit more confident about chem right now than the early minutes of this day. but look at me. posting my second pure english post in this blog. how emo.

am i an early bird? or an early worm? i don't know...

i need to review more english and more chem. sparknotes is nice. i got 21/25 in the quiz about siddhartha. good enough but not very good.

>> awww...i remember the time when i was in the library, reading the part when siddhartha was going to plunge his body into the water when he heard the voice within him. my heart was throbbing as if it was trying to get out of my chest. my hands were cold and sweaty as i thought about myself and my efforts to change myself. i always postpone my "schedule of changing into the real me". ugh. it's so hard, especially when you think that changing might not be normal to the thoughts of people around you.

:'(

5:00 AM

Saturday, August 04, 2007

(?)


uhmm...di ko alam kung ano dapat ang nararamdaman ko... :|

kahapon, masaya kasi postponed ang perio. pero, may ramayana practice naman kami. bago pumunta dun, dumaan muna kami nina dadi, ate belle, ate joanne, at rj sa lumang bahay sa pag-asa. umalis na kasi ung dating nakatira dun. pumunta naman kami sa barangay hall para mapa-register pero saturday pa raw. tapos, hinatid kami [ate joanne & me] sa tapat ng pisay. uuwi na kasi cya sa bahay tapos ako naman, naglakad papunta sa mcdo [may mga cs dun...] sa quezon ave.

pagdating dun, bumili muna ako sa 7-11 saka sumakay sa tricycle papunta kina jio. ngaun ko lang nalaman [o nakalimutan ko lang] na P20 ang sakay sa tricycle. :| pagdating dun, halos wala na naman akong ginawa. nag-practice lang kami ng narration, saka lahat ng scenes. hindi pa rin nagagawa ung fight scenes nina ravana & rama! waaahh... onga pala. Rb Ramayana: 12 NN, Aug. 10 @ 3rd flr audi. hala...anlapit na...natapos kami ng mga 5 pm. tapos, sumabay kami kina gero papunta sa pisay. grabe! siksikan talaga kami. more than 1/2 ng Rb ang sumakay sa isang revo...hehe...literal bonding :))

pagdating sa pisay, naglakad kami nina dianne c at zaldy. nag-jeep kami tapos bumaba na ako sa central. may cherubs kasi eh. sabi nga ni zaldy, ang hectic ng sked ko. mula doon, naglakad ako papuntang palma hall. so, gaano kalayo yun? 1 km? pwede...haayy...tapos, habang nglalakad ako, may 3 lalaki...sabi nila, "babae ba 'to o lalaki". ooh...sarap sagutin ng "none of the above. bakla po ako 'no?!" >_< style="color: rgb(51, 204, 255);">sk registration [hindi na sa pag-asa]. binaba kami sa isang kanto tapos naglakad kami hanggang sa dead-end -______- sobrang nakakapagod. ansakit sa paa. wala kamig nakitang barangay hall...kaya nagtanong na lang si ate joanne. sinundan namin ung babaeng may green na payong [sabi kasi nung aleng pinagtanungan sundan namin cya]. nakarating na kami sa barangay hall. nagsulat na kami sa attendance sheet, nag-fill-up ng forms [kinabahan nga kami kasi, paano na kung hindi pala part ng batasan ang ce 2 (subdivision namin)? eh di sayang ang pagpapagod namin.]. pinapila kami sa maputik na basketball court, nag-finger print, tapos naglakad sa kantong pinagbabaan namin. sumakay kami sa ever ikot para bumaba sa ever [duh...?] at naglibot kami para maghanap ng pang-konekta sa computer ng infrared ng cellphone [gets?]. marami kaming bagong nakita sa ever. kanina ko lang nakita ung sinehan...hehe...tapos, nung sumuko na si ate joanne [at last], bumili kami ng shawarma at gulaman at naglakad pauwi.

pagdating sa bahay, nandito na si ate kitel. nanood kami ng videos tapos nakatulog na ako at nung nagising na, kumain ng lunch. tapos, distraction, computer. hanggang ngayon ba naman...malapit nang mag-5. hindi ko man lang nasusulyapan [lalim ulit] kahit ang cover ng "siddhartha" o kaya ng chem filler. hala... perio sa monday... may activity pa yata sa verbum dei bukas. pano na ako magre-review?! hala...

onga pala. nung thursday, wala lang. nanood kami ni ate joanne ng "which star are you from". ang ewan ng ending. nyeh. tapos, cyempre, pagkatapos ng ending, credits na. nagbabasa ako ng credits nang may nakaagaw ng aking pansin. ADRIAN LIM photo producer. uh...sir lim? kapangalan lang naman siguro di ba? kung hindi, uh... cool?

4:41 PM

Thursday, August 02, 2007

perio


haayy...grabe...ang aga ng perio ng pisay. sa ibang schools, next week pa. ang pisay, august 1-3. pero since walang pasok bukas [yay!], august 6 ang perio day 3.

perio day 1
maaga akong nagising. mga 4 am pa lang nun. kahit kasi natutulog ako, kinakabahan na ako sa perio. nag-review ako ng bio, tapos math, tapos bio, tapos math ulit hanggang dumating si dadi. pagdating sa pisay, hindi naman ako kinabahan. relax lang...smile lang... binalik sa amin ung long test sa math. 40/50. 2nd highest yata! yay! ansaya!

MATH: hmmm...nag-skip ako sa maraming nos. pero nasagutan ko naman lahat. ok lang naman ang math perio. kaya[ng-kaya?]...passable

BIO: pagdating ng bio perio, may mga lumabas na questions na pinag-aralan ko. ung iba naman, sabi nga ni timmy, "what the heck is this?!" hehe...pero madali namang...mag shotgun. lumabas na ung results kanina. 43/60. ok naman...pasado. PERO, nakita ko sa record ni maam, 43-...hala! ano un? deduction?! dahil ba napaka-careless ko at class number ko last year ang naisusulat ko sa mga sina-submit ko? waaaaggg...

nag-submit na kami ng bio filler tapos naglakad na ako papunta sa quezon ave. muntik na akong masagasaan ng motorsiklo. sobrang drained na kasi ng utak ko. tatawid pa sana ako nung go na. x_x pagdating ko sa bahay, naku! distraction! nanood pa kami ni ate joanne ng conan sa veoh, naglaro pa ng games sa neopets, etc. etc... tapos, nung nagsimula na akong magreview mga 12:30, inantok naman ako nung mga 1:15 na kaya natulog ako hanggang 3. waaahh...andaming review time ang nasayang! waahh...nagreview agad ako, tapos nung 4 na, nanood ako ng tv hanggang 6 [distraction ulit x_x ]. dahil sobra na ang distractions, dire-diretso na ang pag-aaral ko hanggang 9:15. [pero nag-dinner pa, nag-ayos pa kami ni liz ng kama]

perio day 2
4 ulit ako nagising. nagreview agad ako ng socsci hanggang mga 5:30. naligo na ako tapos nagreview ulit hanggang 6:15 at kumain.pagdating sa skul, relax ulit. tinuruan ko pa si zaldy ng projectile motion kahit hindi naman ako magaling sa physics. nagreview pa ako ng socsci.

PHYSICS: 1st 4 numbers pa lang, nagskip na ako. pero nasagutan ko naman lahat. shotgun nga lang ung iba. sa ibang nos., wala sa choices ung sagot ko kaya shotgun pa rin. papasa naman siguro ako...

SOCSCI: waah...ang hirap pero masasagot naman. parang gitna ng test ni maam cristobal at sir martin. tapos, nung last 10 mins, pwedeng buksan ung fillers. grabe! super nagpapanic na ako nun! andami ko pa kasing hindi nasasagutan. hindi ko rin mahanap ung ibang mga notes ko sa sobrang dami...waahh...papasa kaya ako? :((

inannounce na walang pasok bukas. pumunta pa ako sa philcoa para mag-take out ng king's congee :d pag-uwi, kumain na ako tapos relax-relax lang. ramayana practice na lang bukas. hindi muna kailangang magreview para sa chem at english...multiply, friendster, at blog...hehe...


12:00 PM