image
kesi's blog
image image image image
Monday, December 01, 2008

week with a very ugly day.


nov. 24: something that starts with k. sorry talaga sa nabunot ko. wah. may math hw. nag-cram ako ng pagmemorize ng (insert thing i don't want to remember here) na hindi naman natuloy. minimum wage meals. corned beef sa umaga, fried tilapia sa tanghali [kami lang ang hindi singang...], at sinigang sa "gabi" [hapon]. un lang.

nov. 25: may econ makeup sa hapon para double-period ang math lt sa shortened-pd thursday. nagcram [actually, minadali at hindi super crammed] ng chem labrep na hindi pa pala due. haaay...matapos ang econ [at kulitan kay sir vlad tungkol sa akin] at pamimigay ng chocolates na bigay ni guan yu at picture-taking, tinapos ko ung drawing ng revised elechuron na may "featuring chew guan yu aka chris chew". hehe. inupload ko na rin ung pics sa folder ng elechuron pics. pumunta ako sa ever para bumili ng tshirt ni guan yu by request ni neon. ayun. pero expressions muna para bumili ng bagong retractable pilot black ballpen kasi nawala na naman. hindi naibabalik ng humihiram. grr. ayoko nang magpahiram sa mawalaing tao. halos P50 din yun. congee. :c bibili rin sana ako ng squeegee para sa silkscreen pero out of stock. paikut-ikot ako sa department store, naghahanap ng big blue men's shirt na pasok sa budget. nung may nakita na ako, nagtanong sa isang guy ng medyo smaller size pero wala daw. tapos, may isang babaeng saleslady. pumunta ako dun sa area niya pero walang blue shirt na gusto kong size. black shirt na lang ang kinuha ko. tapos tinanong nung babae, "ireregalo mo?". parang alam ko na ang iniisip nung saleslady. wah. napakibit na lang ako ng balikat. [parang long time ago lang...sa pizza hut...tinanong sa akin nung waiter, "may kasama po silang lalaki?" 'o' ] matapos makabili ng shirt, pumunta naman ako sa greenwich at nag-bigtime meal. hehe. naglakad lang ako pauwi. pagdating dito sa bahay, nagprint na ako ng shirt ni guan yu at ni timmy. hehe. tapos, nagmemorize na ulit ako.

nov. 26: ugly day. grr. useless memorization. grr. grr. dahil sa kapangitan ng araw na ito, umiyak ako. aww. nakakaiyak talaga kapag gc ka at instant bawas sa grade ang nasa harap mo. :'c kaya nagpakanerd na lang ako sa front lob. notes sa p6 hanggang elective time. last day na ni chris [guan yu] sa pisay kaya binigay na ung shirt at drawing nung p6. nakaka-mindblock ang econ quickie. nung hapon, nag-spectrophotometer kami ni cyd ng set-ups sa str habang nagch-chits stuff ang finance comm including quilab sa str room. tapos, nagcommute lang ako. dumaan ako sa kfc at nagsnack box. cyempre naman...daanin sa kain ang ugliness ng araw. pero dagdag ugliness pala ang kfc. cyempre...nung nagrerefill ako ng gravy, nung pabalik na ako sa table, kinukuha na nung waiter ung pagkain ko. wah. di man lang niya ako napansin. sayang ung fries at mountain dew kooo... bad day. ugly day. very very very ugly day.

nov. 27: shortened pd. double-period math lt. nagdiscuss na rin si sir petri. tapos "preparation" para sa fair. umulan naman. nag-str kami. nagcommute lang ako pauwi dahil gusto kong mag-enjoy. gumawa pa ako ng arrows ng kara-ok.

~~~~~~~~~~~

nabalitaan ko lang. ngayun-ngayon lang. naaksidente si tintin timbang. hindi ako mapakali. grabe. batchmate. wah. kahit hindi kami close, let us pray for her soul. malapit pa namang mag-xmas. grabe. ayon kay neon [at kay ate marie 07], naka-smile ang moon. hindi masaya. wah. :c


3:17 PM


cherubs concert week.


onga pla. happy december! malapit nang magPasko. yaay!

nov. 17: something pinoy sa kris kringle. pasensya na talaga sa nabunot ko. wah. bacon nung 12. may free donuts. sobrang dami palang bumabagsak ang grades. wah. nung hapon, cherubs sa abelardo hall. sobrang nakakapagod. mga 8 na yata kami natapos dun. tapos hindi ni God make my life a little song ung isang kanta naming mga regulars. pinalitan ng for the beauty of the earth. aww. un pa naman ung title ng concert namin. :c

nov. 18: str day. hehe. pagkatapos ng klase, 1:40 naman ang uwian...str! nagresearch kami nina cyd at quilove [unusual daw kapag tinatawag ko cyang francis] tungkol sa photosynthetic pigments ng green algae. mags-spectrophotometer na kami para ma-measure ang dami ng live algae sa aming set-ups. choink. ayun. napakatagal naming nagreresearch at nagdedesisyon kung paano na gagawin ang mga bagay-bagay sa experiment namin. mga 3:30 na kami nakapagsimula. pabalik-balik ako sa str unit para mag-centrifuge ng algae. lagay ng algae-water sa centrifuge tube, centrifuge x n, where n is probably more than 10. ~~ pagkatapos i-centrifuge, tinatanggal ung supernatant, nilalagyan ng distilled water, nitrate, phosphate. paulit-ulit. PERO nung mga 5:30 na yata, na-realize namin ni quilab na nagkapalit pala ang nitrate at d. H20 namin kaya ayun. uulit kami. haaaaay...ayun. late na akong nakaalis sa pisay. late na rin ako sa cherubs. nag-practice kami ng for the beauty of the earth. basta. practice pa. malapit na ang concert.

nov. 19: ewan. may bubbles ung death mask ko. :c

nov. 20: sobrang panicky ko nung umaga. nakalimutan kong gawin ang p6 hw ko! feeling ko napaka-iresponsable kong tao. wala ring ibang churon na nakapagdala ng libro kaya malamang hindi ko talaga un masasagutan. buti na lang wala si maam torralba nung p6 at napadala ko kay dadi ung serway ko. whew! lifesaver! nakagawa ako ng hw at may reference pa ako sa seatwork. pero mabigat pa rin ung serway. nakakangawit bitbitin. pampalaki ng biceps. eek. long test sa pinoy. grabe. cyempre naalala ko ung mga pangalan ng kapatid at parents nung sa tandang basiong macunat pero hindi ko naalala ung pangalan ng main character-ish. >< balik-E na nga pala ako sa pe. ambano ko mag-badminton. hindi man lang ako nakaranas ng kahit isang pagkapanalo sa D. pero masaya naman akong nakabalik ako sa E dahil doon, at least nananalo ako kahit minsan. hehe.

nov. 21: inulit na namin ung preparation ng set-ups sa str. hindi na kami nagkamali. yay! natuto na kasing maglagay ng labels sa beakers para hindi magkapalit-palit ang chemicals. pagkatapos ng str, practice ng paskorus. medyo nagpanic na ako dahil marami pang hindi alam ang gagawin. pero cyempre, hindi naman halatang nagpapanic ako. basta gawin ang makakaya, ok na. sa astb kami nagpaskorus. yeah. may pagkadisastrous ang ending part. pinanood kami ng singaporean people at ng iba pang faculty. hindi kami kasama sa finalists. well, para sa akin, obviously. hehe. pero at least, nadama namin ang spirit of xmas sa pamamagitan ng pagkanta. weehee. double lt kami nung hapon sa chem at bio. >< tapos nagpa-excuse ako sa cat para makapaghanda para sa concert pero wala naman palang cat. ~~ umalis na agad ako matapos ibigay kay maynard ang excuse letter kong hindi na kinailangan. nagmamadaling umuwi. pagdating dito sa bahay, naligo, nag-ayos ng gamit, at hinatid kami [ako, ate oan] ni dadi papuntang abelardo. pagdating dun, nagp-practice ang mga maagang dumating na upis people. whole-day excused sila. kainggit. ako, hindi pwede. yun nga. double long test, may paskorus pa. ayokong mag-post quarter exam. nung dumating na si liz kasama ang binili niyang stuffed toy ng shs na si sandy, pumunta kami sa canteen, bumili at kumain ng merienda habang kinukulit ng mga napapadaang cherubs. pagbalik sa abelardo hall, bihis, makeup, practice practice hanggang bago buksan ang entablado sa mga manonood. tapos, concert na. whee!

regulars ang una. natuwa ang mga tao sa "wala" at "we beseech thee". hehe. tapos, pinapunta na kami sa audience area. pinanood namin ung iba pang magpeperform. ang cute ng mga apprentice. hehe. ang cute din ni migo lalo na nung introduction niya sa mga apprentices. hehe. mga intransit naman, bata pa rin. hehe. ang haba pa rin ng intro ni kuya bryan. tapos, gossamer wings at erste stimmen. ang gagaling din nila. hehe. tapos, mass choir na. kapag nasa stage, hindi gaanong feel ang pagiging grand. pero ang ganda pala sa audience! may mga videos na sa youtube. pinost ko na ung links sa multiply. ung mga pics galing sa digicam namin, hindi ko na iuupload sa sobrang kakontian. nakaupload na rin naman un sa multiply ni ate oan. [pero malamang for contact only na naman un]. matapos ang concert, picture picture! tapos pumunta ang mga alumni sa old spaghetti house sa may up-ayalaland. hindi kami kasama ni liz. aww. pupunta sana kami sa kfc pero nalagpasan. awww. kaya dito na lang kami ni liz sa bahay. awww.

nov. 22: hmm...nung hapon, naglakad kami ni liz papuntang ministop para bumili ng sundae. nakasalubong namin si mami. hala. pumunta kaming tatlo sa simbahan saka nag-cheese sundae sa ministop. tapos, umuwi na... wala lang.

nov. 23: maaga [dapat] nagising para pumunta sa ncuc. kumanta kami para sa service dun. everybody's bday kaya nagdonate ako ng P16 including bigay ni tita lenette na pang-donation. so...7 am kami pumunta dun sa ncuc. may breakfast at merienda din. hehe.

ayun. hehe. wala na akong masabi tungkol sa week na un. :p


10:12 AM