image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, October 23, 2007

weh?! [part 2]


kaninang umaga, bio: ewan. socsci...nagcompute kami ng grades.

class standing: 73.5/70
perio: 26.142/30
total: 99.642!!! = 1.0


pero...

tentative grade = 1.50

kaya...

final grade: 1.25


well...pwede na. i <3 socsci!!!

tapos math naman. nag-quiz muna tapos pinakita ung grades. grabe...suspense muna sa simula. bandang dulo pa kasi tinawag ung pangalan ko kasi class number 26 ako. buti na nga lang eh...NA-RETAIN KO ANG 1.75 ko sa math!!! yaaayy!!! di bumaba tulad ng inasahan ko.

walang str. diretso lang sa caf para maglunch.

pagkatapos maglunch, library naman para magsipag.

robo. discuss discuss lang ng mga gagawin for 3rd quarter...magre-retake ng alishan pero by pairs. ka-partner ko si criselle. at mukhang magiging ok naman 'to. nasa akin pa rin kasi ung practice program namin dati...at gumana na un. siguro aayusin na lang ng konti. :D

walang chem. nag-paskorus lang kami sa 2nd floor front hanggang mga 3:15. productive naman. matatapos na namin ung 1st page ng kanta. wheee...

2nd time ko nang nakasakay sa pisay bus ngayong 3rd year. yay! kasabay ko si zaldy at nandun din si maam bawagan. ang ewan kaya. kinausap muna ni maam si zaldy tapos napansin niya ako.

maam: oi zaldy! ikaw pala yan.
zaldy: *lingon* hi maam!
maam: san ka ba umuuwi?
zaldy: sa batasan po.

maya-maya, nagtanong na si maam tungkol sa role ng chat sa bagong henerasyon...tapos...

maam: frances, saan ka umuuwi?
ako: sa batasan din po.
maam: magkamag-anak ba kayo?
zaldy: hindi po..
maam: aba...nagd-date kayo noh?

T_______________T

ok...porket pareho kami ng barangay, nagd-date na...si maam talaga...kaya...

zaldy: uyy. biru mo? nagd-date daw tayo...
ako: ... *speechless... :P*

pagbaba sa philcoa, sumakay na ako ng jeep papuntang up. may cherubs kasi eh. may TOWNS POWER sa friday...

kaya...simula before 1:40 hanggang mga 6:30, puro kanta na lang ang naisip ko. una, paskorus. tapos, cherubs. haaayy...mapapaos na ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

halaaa...waltz na ang pe. waahhh...di ko ma-imagine. sana tumaas naman ang grade ko sa pe... [-o< [nagdadasal 'yan. try nio sa ym.]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[x] filipino written report
[50%] comsci hw

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

lss: TOWNS HYMN!!!

i've always known
that i was strong
never doubted
for one moment
that i can make
a difference
make right what's wrong
make my life my home
my homeland...
better than before
then i met them. yeah!

more women, more sisters,
more power than before
it wasn/t just my fight anymore
together our voice is stronger
the vision is clearer
together we can move mountains
changing the nation
one victory at a time, yeah!

refrain x2

feel the power, TOWN's power
we are the women in the nation's service
sharing our own special gifts
to lead and teach, excite and inspire
TOWN's power

feel the power, TOWN's power
we're bringing out the good in all
to care and nurture our spirit and mind
through TOWN's power, feel the power
TOWN's power!!!

XD

7:22 PM

Monday, October 22, 2007

ohhhwwwmmaaayyggguuuulllaaaayy!!!


sa inaantok pang pagpindot ko ng nakasanayang numero sa guess the weight of the marrow:


biglang tumindig ang balahibo ko.

[hehe...corny]

hindi ang nakasanayang window ng...

WRONG!


ang nakita ko kundi ang...

RIGHT!


hindi agad ako nakapaniwala ngunit tunay ang aking nakita. ooohh...cool. 1st time ever. :D ang napanalunan: chocolate marrow slice. wheeepeee! \(^_^)/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

may kabaliwan akong nakita... kung gusto mong mag-aksaya ng oras sa kawalang-kwentahan, click-->[link]

10:40 PM


:|


matagal-tagal na rin pala akong hindi nagpopost...mga 3 days...hehehe. uhmm...wala naman kasing masyadong special na nangyari o kaya masyado lang akong busy distracted.

friday: UNO SA COMSCI!!! "bday" ni quintin. ewan ko ba. japanese food, scandalous games, blah blah. glorietta bombing.
saturday: sashimi, sashimi, and cooked tuna. free tokyo tokyo beef blah blah sa petron. bday party ng anak ng officemate ni mommy sa mcdo greenhills. pumunta sa condo at nanood ng eat bulaga [taktak mo o tatakbo >_______< ]. pumunta sa palawan [uhhmm..kina tita norms sa pag-asa] para kumain ng KOKEY coke, cake XD.
sunday: computer from 12 pm to 8:30 pm...Church. tapos na ang mog.
today: kinda productive paskorus. cherubs practice. dinner. computer from 8 pm. no study for math quiz.
tomorrow: cram review for math quiz. paskorus practice from 1:40 onwards. cherubs practice from "onwards" onwards.

10:16 PM

Thursday, October 18, 2007

pagpapaalam


bday ni quintin bukas. kaya kahapon...

ermm...galing sa chem unit...pagkatapos kumopya ng acetate-notes

timmy: hey partner! bonding tayo.

lakad-lakad ng konti...

timmy: pupunta ka ba sa party ni quintin?
ako: di ko pa sigurado...
timmy: bakit? may transpo naman ah...
ako: di ko pa natatanong eh.

tahimik lang ako. smile ng konti tapos punta na sa 2nd 1 1/2 floor [nasa hagdan lang]. at bumaba nang tuluyan kasi nandun na si dadi. pinag-isipan ko pa nun...pupunta kaya ako? magpapaalam ba ako o tatakas na lang? papayagan naman kaya ako? maraming katanungan sa aking isip. minsan lang kasi pumayag sina mami at dadi sa mga ganitong party-party...

habang nasa l300, nagbasa lang ako ng mog. hanggang nakumpleto na ang mga ka-schoolbus...hindi ko pa tinanong si dadi nung wala pa ung busmates ko. para kasing wrong timing. napasilip ako sa bulsa. nakita ko ang listahan ng mga supplies na kailangang bilhin. nakalimutan ko nga palang ibigay nung umaga. at biglang naisip ko...ang plano.

ang plano: bago dumating sa bahay nina don, kinuha ko ang listahan at ang invitation. tiniklop ko nang magkasama. sa harap ang listahan, invitation sa likod. pagkarating kina don, "ay dadi..." sabay iniabot kay dadi ang dalawang papel na nakatiklop nang magkasama.

tahimik lang ako. naghintay ako ng sagot. siguro binasa ni dadi habang nagd-drive... tumingin siya sa salamin at nakita ang repleksyon ko. sabi niya sa imahe, "pwede bang ikaw na lang ang bumili nito sa ever?" akala ko naman kung ano. suspense pa man din. iniabot niya sa akin ang listahan at maya-maya'y iniabot ang P120. binaba niya ako sa ever at dumiretso ako sa expressions at namili. kulang pa ang pera kaya't inabonohan ko na ang pamasahe sa jeep pauwi at ang P4.25...kulang pa nga kasi ang perang binigay.

pagdating ko dito sa bahay, gumawa na ako ng hw. pagdating ni dadi mula sa simbahan, napadaan siya dito sa study room. tanong niya, "magkaklase ba kayo ni eusebio?" at umiling ako. bigla kong naisip. ano kaya ang ibig sabihin ng tanong na iyon. payag o hindi?

nang sumunod na araw [kaninang umaga], tinanong naman ako ni dadi "gusto mo ba pumunta dito? may kasama ka ba?" parang...ako naman...wow! it's my choice! minsan lang ang ganito sa pamilya. may levels nga kasi. at mas mataas ang parents sa children. kaya kung ano ang gustuhin nila, masusunod. ikinibit ko lang ang mga balikat ko. ewan.

pagkarating dito sa bahay, tinanong ulit ako. "o. pano na?"

...

so...pinayagan na nga siguro ako. pagdating naman ni mami "kanino ka kaya pwedeng sumabay?" sabi ko kay timmy. pinayagan na nga ako pero pwede pang magbago ang pasya. malalaman na lang talaga natin kapag nasa loob na ng bahay na pagdarausan.

wala pa akong naihahandang damit. buti na nga lang at tinapos ko muna ang str group rrl bago magblog. matagal na sa clear folder ko ang bio hw. eng essay na lang. pero, oh well, pina-type ko na kay ate joanne ung ibang parts habang naglelettering ako ng poster ng youth camp para rin bukas. konting dagdag-bawas na lang tapos na ako. yay!

6:24 PM

Tuesday, October 16, 2007

weh?!


gumising ako bago mag-5. siguro mga 4:30 am. nanaginip kasi ako. may inaayos ako kasama sina liz at dadi. nag-iisip ako nun kung paano ako magpapaalam kay dadi para makapunta sa party ni quintin. nung chance ko na, tinanong ko na si dadi. tinanong naman niya kung may iba pa akong kailangang gawin nun. the end. so...yes or no? well...di ko alam. pero siguro di ako papayagan IF EVER magtanong ako...

so. dahil maaga nga akong nagising, nag-notes na ako sa socsci, naligo, tapos nagcomputer at nag-breakfast ng kanin w/ hotdog na sinabawan ng coffee. :d nung dumating na si dadi, cyempre sakay na sa sasakyan. tapos na nga pala ang 3-day vacation...kahapon pa. :|

pagdating sa pisay, nag-review na ako sa math...hanggang dumating si maam docto. bio na naman after 1 week. at ang ginawa lang namin nung period na un, nagcram--labrep, reflection paper, hw. gah. bad start for the day.

socsci. silent charades...grabe nga eh. ansaya ko nung ako ang nag-cause ng pagkakaroon ng group namin ng 2 points out of 8. ako ang nag-contribute ng 1/4 ng score namin! yay! wala lang. ako kasi ung naka-gets nung ginawa ni jio...*some portions erased. bawal ipagkalat ang sagot. beh* har har har. at dahil masaya ako nung socsci period na un, nakalimutan kong may math quiz pa pala.

math. sinimulan ni maam de joya ang period sa pag-distribute ng long test results. grabe kaya...SUSPENSE! lahat ng mga kumukuha ng papel nila kay maam de joya...sinabing bagsak sila. pati ba naman ang math nerd na si alvin! naisip ko tuloy...pano na ako? bagsak na rin siguro. lalagpak ang grade ko sa math niyan...suspense...SUSPENSE!!! tapos, last na binigay ni maam ung papel ko. silip. ayaw mabighani. ayaw ma-heart attack. tinanong ni verna kung pasado ako. di ko naman alam kung ano ang passing score. di naman ako magaling mag-mental. tinanong kung ano ang score ko. 26/43. sabay sigaw niya. "WOW! PASADO KA!" naisip ko naman nun, weh?! ansaya ko naman nun. ako lang daw ang pasado sa Rb!!! thank you Lord! alay ko 'to sa Iyo!!! manghang-mangha sila sa akin. flattered naman ako :D kahit pasang-awa lang pag-compute ko sa sci cal, pasado pa rin naman di ba? tapos, di ko pa mabitawan ang long test ko nun. kailangan na pala naming mag-discuss ng cotangent graphs. pagka-discuss, 30 mins pa. quiz! hanggang 1st bell...nag-review pa ako. nag-discuss naman ng answers hanggang 2nd bell. grrr...may mali. pero, oh well...at least pasado sa long test! :D

str. hindi ko alam...kailangan na palang mag-pass ng individual rrl. wala akong balita nun. kailangan ko pang mag-cram. [at dapat nagc-cram na ako ngayon sa halip na nagb-blog]

lunch. as usual, library. nag-memorize ako ng mga tula para sa filipino. un lang.

robo. wala naman akong kailangang gawin kasi exempted kami sa alishan thingy kasi nagawa na namin un sa pro many weeks ago...kaya nagbasa na lang ako ng mog.

chem. nagdiscuss muna si maam velasco. tapos, ewan ko kung ano ung ginawa namin nun. kung quiz ba o seatwork o ano. basta.

paskorus meeting. 1st meeting ng rb paskorus singers. yay! wala lang...nagdiscuss ng stuff sa caf. oohh...may tugma! [nyaa...impluwensiya ng pinoy!]...tapos nagbasa ng mog, at lumayas na. pinag-isipan ko pa nga kung aalis na ako o hindi pa kasi may jade reunion pa. eh wala pang 2:30 nun. nakaka-tamad namang maghintay. kaya hindi na ako nakapunta sa reunion/bday party nina haj at michiko. awww...

pagdating dito sa bahay, umiral ang pagiging vain ko. nasayang ang oras...hanggang mga 4, VANITY! [link!]

str time! CRAM TIME!!! nooo...sana wala nang distractions...[pero asa pa ako.]

5:03 PM

Sunday, October 14, 2007

retreat [cont'd]


day 3

6 ulit ako nagising. naligo na ako tapos nag-ayos na ng gamit. hinintay ko pang matapos maligo si patti bago pumunta sa dining hall. iba ung kasama kong kumain nun kasi hindi pa lumalabas sina verna... kaya, pagdating nila, tapos na akong kumain. binigay ko na ung mga bagong gawang palanca kina dastynne at erin tapos pumunta ako sa simbahan. dun ako nagpalipas ng oras at nagdasal for 30 minutes tapos pumunta na ako sa cottage namin. nag-ayos pa ulit ako ng gamit bago bumalik sa chapel para sa mass. pagkatapos ng mass, kain na ng last lunch. awww... tapos, balik sa kwarto. nag-ayos pa rin ng gamit at medyo nag-relax, dumaan din ako sa souvenir shop at bumili ng keychain, pasalubong, at hat. bumalik sa cottage, tapos, nagyaya si patti na sumama sa pink sisters convent. sumama na ako. kasama namin sina carmel, timmy, bea, edz, at dalawang teachers...si maam avancena at maam paz yata. nag-rosary kami [kahit wala akong dalang rosary] habang naglalakad at nag-eenjoy sa views. antagal nun kaya naisip ko, siguro tapos na sila magbatch picture. at pagbalik nga namin sa angels' hills, nandun na ung mga bus at nakalabas na ang mga gamit ng mga ka-batch namin. bigla kong naisip si kelsy. nasa akin kasi ung susi sa cottage namin...hindi siguro siya makapasok. habang papunta kami ni patti sa cottage, nakasalubong namin si kelsy at sumabay na siya sa amin. kinuha na namin ang mga gamit namin at nagpaalam na sa room 25B. tapos, dinala ko na ung gamit ko sa bus. tapos, batch picture taking. hehe...antagal naming nakasmile nun. bilad na bilad pa kami sa araw. pagkatapos nun, solo pic :P tapos boarding na sa bus...anlabo nga kasi pinapalipat tapos pababalikin ulit sa kungsaan-saang bus...tapos, umalis na kami...awww...next year na lang ulit kami makakabalik sa angels' hills...sana...o kaya posible ring sa ibang lugar na. dun sa bus, mas comfortable na ako dahil si kelsy na ang katabi ko...roommate! mahimbing ang tulog ko hanggang sa taft. simula doon, kinain ko na ung tira-tirang snacks ko. at, pagdating sa pisay, hinintay ko na lang sina mommy at daddy.

pero, bago umuwi, pumunta muna kami sa ospital. dinalaw namin si tita norms. doon sa room niya, nanood kami ng interview kay pacquiao ["...you know..." :)) evil me...] tapos uaap. kumain din ako ng kfc. :d tapos, umalis na kami. dumaan muna si mommy sa ukay-ukay para maghanap ng vest para kay rj tapos pumunta naman kami sa ever para mag-takeout ng pizza sa pizza hut. yay! pag-uwi sa bahay, kinain namin ung pizza tapos kwento-kwento, labasan ng pasalubong, at kulitan... HOME SWEET HOME!!! <3

10:45 AM

Tuesday, October 09, 2007

perio day 3, retreat, 3rd quarter 1st day [cont'd]


retreat

day 1/perio 3rd day

habang nasa sasakyan, nagnotes ako sa socsci. pagdating ko sa skul, sinubmit ko na kay maam bawagan ung filler ko tapos nagreview agad ako...

physics: ok naman ung sa simula pero biglang puro computations na nung part ng 20s...grr...nagskip muna ako tapos binalikan ko na nung nagbell na x_x. go laser C!!!

socsci: buti na lang nag-attend ako ng review. may mga nadiscuss kasi dun na hindi masyadong naituro sa amin at lumabas sa perio. pero as usual, nagpanic ako sa open-notes time. hindi ko alam kung ano ung uunahin kong hanapin sa filler. pero siguro naman pumasa ako.

nang tapos na ang lahat ng perio, anlaking relief. pumunta na ako sa library para gumawa ng palanca drafts [kasi naiwan ko ung mga papel sa sasakyan kasama ng retreat stuff ko] hanggang 12...nung dumating na si dadi. saka lang ako nagbihis, naglibut-libot, at pumunta sa front lob para sa assembly. ka-bus namin ang be. grabe nga eh...nahuli pang nakapasok ang girls ng rb sa bus. katabi ko tuloy si nikolai >_< [oo na...masama ako...*dasal muna ulit kay God for forgiveness*] gusto ko pa naman sanang katabi si kelsy...waaahhh...mukhang nakatulog ako sa halos buong biyahe pero nakapikit lang ako nun. pano ba naman kasi ako makakatulog nun kung ang init at napaka-uncomfortable ng pwesto ko? ang ingay pa kasi may tv at nanonood sila ng wowowee...nung nairita na ako sa isang oras na pagkukunwaring natutulog ako, bumangon ako. dun naman nagsimulang magtanung nang magtanong ang katabi ko. >_< *dasal ulit* gusto ko tuloy bumalik sa pagkukunwari. pero well...no choice...

pagdating sa angels' hills, masaya ako dahil natapos din sa wakas ang mahabang biyahe. nagsnacks muna kami saka nag-orientation. ka-room ko sina kelsy at patti cruz. :D dun kami sa 25B. pagkatapos ng orientation, binigay ung susi tapos pumunta ako sa cottage. nakisabay pa ako kina ate dyane nun kasi hindi ko mahanap sina kelsy at magkatabi lang naman kami ng cottage nina ate dyane. pagdating nina kelsy, nag-ayos kami ng gamit at namili ng gagamiting kama. dun lang muna kami. gumawa ako ng konting palanca tapos pinabalik sa conference room. usap-usap lang ulit tapos dinner na. sa retreat, kasabay kong kumain ang mga girl dormers. masarap ang pagkain ng angels' hills... :D kinuha ko kay kelsy ung susi namin pero nagkaligaw-ligaw pa ako nun. hehehe. sumabay na lang ako kina verna at hinatid nila ako kina ate dyane. nakipag-kwentuhan sila dun at pinaampon ako sa mga kapitbahay. :P tapos, nung gabi, may activity ang batch namin. may puzzle munang bubuuin para malaman ang groupmates. ako ay group circle! yaay! tapos, bring me...blah. haaayy...hindi naman lahat nakapagparticipate...aww... pagkatapos ng activity na un, bumalik na kami sa cottages at gumawa pa ako ng mga palanca hanggang mga 12. tapos, natulog na. pero gising pa rin si patti nung natulog ako. nagbasa pa siya ng libro saka nagcram din ng palanca. natulog kami habang nakikinig sa religious songs :D

day 2

nag-alarm ang cellphone ni kelsy ng 6 am. ako nga lang ung nagising. ginising ko rin si kelsy kasi siya ung pinakamalapit sa akin. nag-ayos ako ng kama at naligo na. pupunta sana ako sa 6:30 mass noon kaso nga lang naligaw nga ako kaya hindi na ako nakapunta. tinuloy ko lang ang pagcram ng palancas. [final count...28+] pumunta na kami sa sto. nino hall at nag-breakfast. tapos, naglibut-libot muna ako para magsubmit ng palancas. tapos, talks na. ang nag-talk forever ay si bro. francis jonathan. "free gift of God". talk sa boy-girl relationship, break. talk sa coping with moods, lunch. talk sa conflict and rebellion...grabe 'tong mga talks na 'to. dito lang ako talaga tinamaan. marami akong nakilala...super iyakan nung nakapikit tapos magi-imagine and stuff. tapos yakapan. awww...mostly girls ang niyakap ko tapos 2 boys [jaders! guess who...obvious naman eh :P ] tapos, break ulit. bumalik ako sa room para gumawa pa ng palanca tapos early dinner na. tapos, human bingo. papapirmahin ung isang tao sa isang description...blah blah. grabe...ayon sa aking statistics, pinakamaraming nagpa-autograph sa akin sa "someone you can enjoy the silence with". hehe...duh. tapos, palanca time! nag-circle per section tapos bigayan ng candles and envelopes. nag-light ng candles...napaka-dramatic...tapos nagbasa ng palanca. halos di naman ako naiyak sa pagbabasa ng palanca. dun lang ako naiyak sa letter ng parents. hindi lang kasi ako makapaniwalang nasa top 10 pala ako ng rb. woohhh!!! grabe...matalino pa rin pala ako sa kabila ng nagbabagsakang long test sa chem. nung binuksan na ung ilaw, nagbigay pa ako ng mga palancang hindi pa naibibigay tapos bumalik na ako sa room kasama nina kelsy. pabalik-balik naman ako sa conference room para magbigay ng bagong gawang palanca [in short, crammed palancas] at para magmerienda [uhmmm..."midnight snack" daw]. bumabalik din sa kwarto para magbasa ng palanca...nagcram din ako ng palancas para kina dastynne at erin. hehe...mga kasama sa kainan! :D kami nina kelsy at patti, dun lang sa cottage namin habang ung ibang tao, nakikipagchikahan pa sa kapitbahay. maaga na lang kaming natulog...

speaking of tulog, kailangan ko nang matulog...ayokong late magising bukas. :P to be continued na lang ulit!

9:08 PM

Monday, October 08, 2007

perio day 3, retreat, 3rd quarter 1st day


simulan natin sa pinaka recent...

3rd Quarter 1st day

late ako nagising...mga 5:30. si liz kasi eh...hindi magaling manggising. [saka 10:30 ako natulog kagabi. nanood kami ni ate joanne ng conan :P ] waaahh...kailangan ko pa naman sanang mag-ayos ng mga gamit ko...so, super nagmadali ako kanina. hindi na ako nakapag-agahan kaya sa sasakyan na lang. pagdating sa pisay, naglagay muna ako ng gamit sa locker tapos bumaba na para sa flag cem.

tapos, physics. nangolekta si sir lim ng homeworks [konti lang KAMING RESPONSABLE] at nagdiscuss tungkol sa kepler's laws. ansaya nung pinakita ni sir na example sa halley's comet [hehe...ambabaw ko]

break! pumunta ako sa caf at nakiupo kina koko. nagpaka-nerd na ako habang nag-uusap sila nina jio, criselle, at benetz. gumawa kasi ako ng physics problems eh [kahit sa wednesday pa due]...yep yep! sipag ko talaga!!!

math break ulit. sabi ni maam de joya, pahinga muna kami. yaaayy!!! tuloy lang akosa pagpapaka-nerd.

filipino...sinabi lang ni sir jogon kung ano ung gagawin for 3rd quarter. tapos, tapos na! pumunta muna ako sa caf tapos, bumalik sa library para magpaka-nerd ulit. tinapos ko na ung physics...

homeroom! uhmmm...nangumusta lang si maam tungkol sa retreat, pinakita rin ung perio results sa bio...saka ko na lang ipopost ung perio scores ko...o kaya hindi na. tapos, binigay ung paskorus piece. "diwa ng pasko". hindi ko alam un. pero...ung mga dati rin namang kanta sa paskorus di ko rin alam pero natutunan naman :)

lunch nerd time. pumunta ulit ako sa library at tinuloy ko pa rin ung physics. tapos, dumating si maam osit at nagsabing pinapapunta ako ni maam bernal...blah blah. pumunta kami sa 3rd floor audi. speech nga pala ng 2nd yr. at judge si maam. pumunta ako sa kanya tapos binigay niya sa akin ung ipapagawa niya sa rb kung sakaling late matapos ung contest. bumalik na ako sa library, at tinapos ang physics saka pinaxerox.

english. sinulat ko sa blackboard ung binigay ni maam bernal tapos dumating na siya. wala lang. sinabi niya ang feedback niya sa perio. ayaw daw niya ng maiksing essay. ouch. ayaw rin niya ng sulat langgam. ouch ulit. pero nilakihan ko naman YATA ung sulat ko sa perio. malaki naman lagi ang sulat ko tuwing english.

chem break. walang chem. pumunta ulit ako sa library at nagresearch naman ako ng poems para sa filipino na next week pa rin ang deadline. ang haba ng mga poems na nakita ko kaya ansakit sa kamay magsulat. kaya tumigil muna ako magsulat 10 minutes bago mag-bell kasi ayokong nangangawit ang kamay ko kapag nag-pingpong na kami.

pe. tournament kami. nung una, mga 1st 20 minutes, nagdiscuss si sir rojas ng rules. tapos laban na. nanood muna ako ng laban nina verna at cel. panalo si cel...siya ung nasa right...un ang swerte place sa kanila. tapos, kami naman ni koko. panalo ako! ako naman ung nasa left...dun ang swerte sa laban namin ni koko...wheeee...saya! andaming beses nga naming nag-tie eh. kinareer pa namin ung last match. pero hindi naman umabot sa first to 15 :P

pag-alis sa gym, dumaan ako sa shb at nakita ko ang chem perio results. wheee!!! 36/50 ako! yaayy!!! pasado!!! nagcommute ako pauwi...medyo nanood ng tv, nag-late lunch, at nagcocomputer na ngayon. hehe. anong oras pa kaya ako matatapos sa blog post na 'to? oh well...wala namang kailangang icram. saka nga pala...nagn-noteworthy na ako ng paskorus piece...grabe...ang cool!!!

may halo pa rin ako galing sa retreat. sa tuwing nagkakasala ako, tumitigil ako para magdasal at magsorry kay God. 0:)

retreat

DAY 1/perio day 3

grabe...nagpanic na ako nung umaga para maghanda ng gamit sabay sa pagrereview. hindi na nga ako masyadong nakapagreview eh.

[to be continued...]

4:46 PM

Thursday, October 04, 2007

perio days 1 & 2


2:37 ayaw talaga sa akin ng dsl…pinapa-aral na ako… :|

Sige…gawa na muna ng post habang hindi pa tumitino ang internet…

Perio day 1

Chem: wheee…I love chem!!! <3>

*kumonekta na ang dsl. Pero mukhang mawawala ulit…*

*tingin sa firefox window…bumukas na ang homepage! Yaaayyy!!!*

*sign in sa ym*

*bukas ng tab sa blogger…dun itutuloy ang post*

2:45 “Error Lander” grrr…kainis. Nadisconnect na naman… x_x

Oh well…tuloy ulit…

Eng: tinapos ko ung kgw booknotes nung weekend. Hehehe. Ok lang naman un di ba? At least nakuha ung concept ng story. :P nagbasa lang ako ng vocab tapos un na ung review. Hehehe.

2:49 naka-connect na ulit!!!

*refresh ng blogger window*

*Ctrl+A, Ctrl+X, Ctrl+V*

Hehe…wala lang…

sige tuloy ulit...

eng: grabe. andami kong hinulaan sa objective part... :| pero pwede na. papasa naman siguro ako. tapos ung "essay" ko...halos 1 sentence lang...tapos worth 10 points siguro isang essay :| halaaa...

pagkatapos ng perio, pumunta na ako sa library para mag-reading notes para sa bio. review na rin un...hanggang 12...dumating na kasi si dadi. pagdating sa bahay, kumain ng lunch tapos review agad. yep...sipag... cyempre bio eh. i <3 bio. hehehe. saka cyempre nagreview rin ako ng math. oo nga pala! nainis ako sa buhok ko nung wednesday. mukha kasi akong bruha! wahahaha! nakalimutan ko kasi ung suklay ko dito sa bahay. tapos ang dry ng buhok ko...nag-shampoo kasi. grr... bakit ko nakalimutan ang suklay ko? kasi naman super nagmamadali na ako nung umaga nun. dahil ulan nang ulan, hindi nakapag-sampay ng bagong labang damit. nag-halungkat pa tuloy ako ng mga gamit... :| naiyak pa nga ako nung umaga kasi inis na inis ako... [ahh...iyakin ako...]

nag-review nga ako ng bio at math hanggang 3:15 tapos relax muna. nag-piano ako hanggang 4 :D 45 minutes nagpiano... saya! tapos resume ng pag-aaal hanggang 6, tulog, kain, review.

maaga akong natulog...mga 8:30 siguro. pero next day...

Perio day 2

5 ako nagising. hehe...more than 8 hours of sleep. tsk tsk. nag-review ulit ako sa kwarto hanggang 6. naligo, nag-ayos ng gamit, at kumain. dumating sa pisay...7:10. review review... wait. hindi pala ako masyadong naka-review kasi may nagpaturo tungkol sa circles. ehem ehem... n-- never mind. dumating na si maam docto at di ko man lang nasilip ang reviewer na ginawa ko. :|

math: madali ung first part. nag-laser ulit ako ng 6 numbers. go C!!! sana lucky letter!!! wait lang...definitions muna.

LASER: pare-parehong letter ang sagot sa hindi alam.
SHOTGUN: iba-ibang letters

ok? gets??? :P sayang. kung mas marami pang time, pwedeng ma-perfect un...joke lang. pero posible nga.

bio: ok naman. buti na lang nag-reading notes ako. hehehe. mas na-appreciate ko na ang reading notes. pero grabe kaya. may na-skip akong isang number kaya lagpas 10 ung naibang sagot ko. buti na lang maaga kong natapos ung test at pinalitan ko ung mga sagot ko. review review hanggang maubos ang time. wala namang mawawala kung mag-review di ba? [oras lang] may dalawang sagot akong pinalitan. pero, namomroblema ako dun sa isang question...kung fibrinogen or fibrin...fibrinogen ung sagot ko...hindi naman kasi protein ang fibrin di ba? :/

pagkatapos ng bio perio, nag-notes na ako para sa socsci. tapos, nung 12 na, pumunta ako sa reading center para sa socsci review. may athlos at ka-group ko sina jio at timmy. grabe ung mga tanong. hindi kasama sa mga napag-aralan ko sa library. pero ok lang. 21/30 kami. tapos nag-recite din ako. :P tuwang-tuwa tuloy si quintin :| hehe. natapos kami 1:30 tapos nagcommute ako papunta sa philcoa, nag-merienda/lunch, at nag-commute pauwi. *tingin sa computer clock* hala! 3:47 na!!! kailangan nang magreview pero nagb-blog pa rin. lagpas 2 hours na ako dito!!! waahh...

...wala pa akong nahahandang gamit p[ara sa retreat. sana naman tuyo na ang mga damit...11 pa rin ang mga palanca...wahh...di pa ako nagrereview sa physics...tama na ngang blog!

*END OF DISTRACTIONS*

2:50 PM

Monday, October 01, 2007

loves and hates...


gah...nakakainis naman ang youtube...umuwi pa naman ako ng maaga para matuloy ang panonood ko ng ng detective conan movie 6...tapos...sira!!! grrr... so pagtitiyagaan ko ung megavideo...lagi pang nadi-disconnect...so kailangang i-load ulit from the start x_x

tapos, dahil sa mga long test, i love chem and bio!!! i hate math!!! [lalo na trigo.] haaayy...siguro bababa ang average ko ngayong quarter. :(( oh well...

perio na sa wednesday!!! waaahh...chem at eng!!! NOOO....

di pa 'ko nagrereview para sa perio. palanca time o kaya movie time kasi ako palagi eh. nakaka-11 palancas na ako! yaaayyy!!! 11 out of...uhmmm...many. xp

5:44 PM