image
kesi's blog
image image image image
Friday, December 04, 2009

miss delinquent [late late 2nd-sem-pa-dapat post.]


(ang mala-nobelang blog post na ito ay isinulat sa isang 2nd sem perspective. nung 2nd sem ko nga naman ito sinulat. pero sa notebook lang. ngayon ko lang tinuloy sa pagt-type.)

homaygulay! nagpapaka-delingkuwente na yata ako ngayong 2nd sem. T______T

nov 12. hum ang pinakaunang klase namin sa 2nd sem. hiwalay ang blocks 13 at 14. teacher namin si maam rose roque. hmm...as usual, nagsulat lang naman sa index card. sunod na klase ang kom III comm III-filipino. si maam carol pulumbarit naman prof namin. andaming kinuwento sa akin ng buddy ko tungkol sa kanya. halaaa... tapos, break na. kadalasan, ngayong 2nd sem, tambay lang kami nina jill, alexeis, at cel sa bahay ni sedric. tumatambay rin doon sina anna at gee-ann kapag nakasalubong namin sila. doon na kami kumakain ng lunch habang nagc-cram ng homeworks o kaya nanonood ng dora/chinese dora [nihao thingy]/movie sa hbo [jurassic park :)) ]/wowowee [hephep hooray! :)) ]. minsan naman, kapag sobrang haba ng break, umuuwi na lang ako dito sa condo at nagla-laptop na lang. tapos chem na. magkakasama na nga pala ulit ang buong imed 2016. hindi sinabi nung prof ung pangalan niya. pero maam nora ang tawag namin sa kanya. matapos ang pagreresearch, ayan na ang pangalan niya: maria nora del rosario. ayan. maisusulat ko na sa classcard ko. pero sabi niya nung una, hindi pa sigurado kung cya ung prof namin. pinasulat lang niya kami ng index card data. hehe. in the end, siya nga ang prof namin. tapos pe na. social dance ang pe ng block 13. nag-intro lang ung teacher namin na hindi na naman nagsabi ng pangalan. matapos ang pagreresearch ko, nalaman kong cya si maam aurea dioquino. mukhang pe ang magiging pinakamasaya namin klase ngayong sem! yey! the next day...

nov 13. friday the 13th. oh no. tinamaan nga naman ako nitong friday the 13th na 'to. >< 10:00 pa ang 1st class namin. biolab. teacher namin si maam janice ng. hmm...pinasulat lang yata kami ng data para sa lab id namin tapos may konting intro sa biolab. tapos, dahil maagang natapos ang klase, umuwi muna ako sa condo. nung pabalik na naman ako sa upm, sooooooooooooooooooooooobrang traffic! mas mabilis pa yata akong nakarating sa up kung naglakad lang ako galing vito cruz. T______T ang usually 5-15 mins na fx ride galing sa vito cruz papuntang padre faura, naging 1 hour and 15 minute-ride! omaygulay! 15 mins before the time pa naman ako umaalis ng condo para sakto pagdating ko sa school, magsisimula pa lang ang klase. ayun. naisip ko tuloy, next time, palagi akong 30 mins before the time aalis ng condo. late ako sa 1st biolec class. si maam beltran ang prof namin. or so it was. read on. mga 3 something na yata ako dumating sa 2:30 biolec class naming un. eh dahil naman 1st day lang un at wala masyadong ididiscuss, maagang natapos. wala na akong naabutan. pagdating ko sa room, sabi ni jio, "oh. bakit ngayon ka lang? tapos na." perfect. :| umupo na lang ako. hingal hingal. intro lang naman ang namiss ko. buti naman. pero anggulo. naghahakutan yata ng groupmates ang mga tao dun. magkakasama na nga pala ang buong imed sa biolec, unlike sa biolab. gusto na naman akong isali ni jasper sa group nila. [kagroup ko na sila nina jereel, mj, at terence sa comm] sabi ko, ewan. tapos niyaya naman ako ni patti. pero dahil hindi confirmed ang membership ko sa group ni jasper, ewan din. in the end, wala akong kagroup. sumali na lang ako sa group ng "fearsome foursome" [sarah, shah, doha, at bea] + oj. ayun. maaga na ngang natapos ang biolec. nagpaka-emo na lang ako pagkatapos nun dahil nga wala akong nakuhang groupmates [the next week ko pa naging groupmates sina sarah]. lakad lakad lang sa ulan nang mag-isa. yaaaak. ang emo. sobra. pero nakapayong naman ako. bumili na lang ako ng iced coffee sa 7-11 sa other side of taft. mga 5-10 mins ng lakad yun. masarap magsayang ng oras. minsan lang ako magkape. hindi ako coffee-person. hindi talaga ako umiinom ng kape regularly. bakit ako bumili ng kape? iced coffee pa habang malakas ang ulan. 7:30 kasi natatapos ang klase namin tuwing tuesday at friday. baka makatuloy ako. ayan. kape. caffeine. kahit na hindi naman effective ang caffeine ng iced coffee sa akin. balik na sa rh. socsci na. magkakasama pa rin ang buong imed. prof namin ang dean ng cas: si sir reynaldo imperial. or so we thought ulit. mukhang fun teacher cya. pero ayun. hindi nga cya ang naging prof namin sa socsci [refer to nov 17]. maaga na namang natapos ang socsci. tapos dahil alam na naming si sir mong ang teacher namin sa math 100, hinagilap na cya ng iba kong mga kaklase pagkatapos nilang mag-hep hep hooray. sumali pa nga si sir sa laro nila eh. :)) konting konting intro lang. tapos tapos na! yey! hindi kami inabot ng 7:30! nakauwi pa ako sa qc!

nov 14-15. pumunta kami sa batangas. burol ni lolo maning. andun sina tita zeny at tito paul, tita arlen, at tito allan galing sa states. maraming pagkain. masarap ang cashew nuts. kinantahan namin nina ate kitel at ate oan si lolo.

[undated]. the first few days na naisip kong maaga na akong aalis ng condo para pumasok sa school, maaga nga akong nakakaalis. mga more than 30 mins before the time pa nga yata ako nakakaalis. 6:45 pa lang, nakaupo na ako sa hallway, naghihintay sa pagbubukas ng classroom. ayos. pero kamakailan lang, 10 mins before the time na ako umaalis. delingkuwente. late palagi. pero...the teachers don't really care. waaah. ansama ko. anyway, susubukan ko na lang talagang umalis nang maaga. ayokong ma-late sa hum kasi may whopping 0.25 bonus sa grade kapag walang kahit isang late/absence. nangangailangan ako nun kasi...delinquent nga ako...nakaka-1/10 o kaya 1.5/10 ako sa "quizzes" na laking-pasalamat ko nama't naging bonus points na lang. pero dun sa quiz talaga, feeling ko makaka-0 ako. parang sa comm lang. T_____T babawi ako. babawi ako. babawi ako. babawi ako. sana nga makabawi ako.

nov 18. late ako. nstp. sa pgh na ang nstp namin...hindi na sa pazmen. hirap na hirap akong mag-ikut-ikot sa pgh at maghanap ng pedia ward. wards 9 & 11 yata un. nung nahanap ko na ung ward 9 kung saan andun pala sina manzo at allie, hindi pa pala ako late. hindi pa naman 15 mins past 8:30. kung 15 mins past the scheduled time na, ayun ang late. hindi pala ako late. hahaha. dumating na rin si doha pagkarating ko. sa pedia ward, tinuruan lang kaming mag-ayos ng mga bedsheet...ung binubuhol sa ilalim...mga ganun-ganun. tapos, dun lang kami sa nurses' station, gumawa ng maraming cotton balls, nakinig sa music na pinapatugtog, at nag-ayos ng mga records doon for the rest of the time. the end. wala na namang ipc. uwi na nang maaga. yey.

nov 19. buti na lang hindi ako nag-absent. sayang din ang 0.25 bonus sa hum pag nag-absent ako. sa hum at comm lang ako pumasok. sa hum, wala lang. sa comm, "ipakilala mo ang iyong sarili sa isang malikhaing paraan". dapat maalala ka ng mga kaklase sa presentasyon bago ka bumaba ng stage. aun. ung intro ko sa sarili ko, fun. hahaha. una muna, pagkakakilala sa akin...ung tahimik, smile smile lang. pinakita ko rin ung genogram ni ate kitel para ipakitang miyembro ako ng isang napakalaking pamilya galing sa batangas. sinabi ko rin ung unknown qualities ko tulad ng pagiging madaldal at medyo green-minded. ayy. manghang-mangha naman ang mga kaklase ko dahil sobrang hindi un halata. bwahaha. anyway, ang favorite part ko [at ang pinaka-naalala rin siguro nila] ay ung sabi ko, "mahilig din akong kumanta". sabi naman nila, "sample! sample!" at tumayo ako at medyo nag-clear ng lalamunan na parang kakanta na. [ung iba kasi, ang malikhaing paraan ng pagpapakilala nila ng kanilang sarili ay ung pagkanta, pagsayaw...mga ganun] tapos, hingang malalim, sabay nagsabi sa isang malakas na boses, "ASA PA KAYO! manood kasi kayo ng mga concert ng medchoir para makita niyo akong kumakanta!" wahaha. panalo. pagkatapos ng comm, umalis na ako. hindi na ako nag-attend ng chem lec at pe. pumunta na ako sa pedro gil, bumili ng sweet corn chillz at kariman pang-merienda, at naghintay kay ate kitel sa stones. nung dumating na si ate kitel, pumunta na kami sa buendia para makasakay ng bus papuntang batangas. malapit nang mag-12nn noon. may paalis nang bus. aabutan na namin kung sasakay na kami. pero bumili na pala si ate kitel ng lunch, at ako, hindi pa. dumaan muna kami sa jollibee para makabili ako ng lunch. pagbalik namin sa bus station, umalis na ung bus. aww. kaming dalawa ung pinakaunang sumakay sa bagong bus papuntang batangas. mga isang oras kaming naghintay dun bago umalis ung bus. maiksi lang ang biyahe. halos isang oras lang. parang bumalik lang kami sa qc. andali lang palang pumunta sa batangas eh. paglabas ng tollway, sumakay na kami ni ate kitel ng jeep. pero ung una pala naming nasakyang jeep, papunta sa lipa. kabilang side ang mataasnakahoy. magaling. buti na lang nakababa agad kami at nakasakay sa tamang jeep. mga 1:30 siguro kami nakapunta sa bahay nina dadi. medyo kumain lang muna kami dun tapos nagbihis na kami sa bahay naman nina mami. andun na si liz. hindi pala cya pumasok nung araw na un. dumaan na ung sasakyan, kung saan andun si lolo, sa harap nung bahay. sumilip na lang kami ni ate kitel sa bintana. tapos sumunod na sa simbahan. hindi ko inakalang maiiyak pala ako sa homily nun...pagkatapos ng misa, sa sementeryo na. saka lang dumating si ate oan. aww. mamimiss ka namin, lolo maning...

nov 21. nanood kami ni ate oan ng new moon sa trino. may mga discounted tickets kasing pinamigay [o pinabenta] sa kanila nun. habang naghihintay sa pagdating niya, may program sa activity center. spongebob! hahaha. nagpaka-isip-bata na muna ako nun at pasimpleng nanood sa tabi ng carousel. tapos, fast forward. nung nakapasok na kami sa sinehan, sobrang gulo ng numbering ng mga upuan. may mga upuang naassign pero non-existent pala. marami-rami ring nagka-doble-doble ng tao sa isang upuan. mga 30 mins pa bago nakaupo na nang maayos ang lahat. may konting talkies sa harap ung..uhh...up eng'g council yata. saka lang nagsimula ung movie. ang fun manood ng new moon sa loob ng isang sinehang puno ng college students. nakakatawa. puro side comments na hindi nakakainis, gusto mo pang dagdagan. memorable talaga ung mga tilian nung pinakita ung abs ni jacob at nung pasimpleng hinawakan ni bella ung abs. :)) pero yun, as expected from a movie with future sequels, napakabitin. marry me. nye. so un. abangan na lang ang susunod na movie. at malamang, dahil mga 8 yata nagsimula ung movie, sobrang late na natapos. late na kami nakauwi. di naman kami napagalitan. whew!

nov 26. worst day of my life! pwede rin. basta. kasi may oral quiz kami nun sa comm. at sobrang namindblock ako. therefore, ano ang score ko? 0. tumatagingting na zero. hindi yan 0 na mas mataas pa sa uno. zero yan na 0%. oh well. kaya yang bawiin. di ko yan iniyakan. smile lang. wala namang mangyayari kung iiyakan ang ganyang bagay, diba?

nov 27. dito nagsimula ang madalas na pagkanta-kanta ng imed 2016-medchoir. [na tutukuyin ko na kadalasan bilang imedchoir.], namely ako, jasper, inah, anna, gee-ann, at sa susunod, si vincen. tapos, nung araw na un, friday, dahil 7:30 natatapos ang math, humabol na lang kami sa medchoir practice. at pagkatapos ng practice, mga 8:30, nagrob kami. nagdinner sa jollibee, at nanood ng paranormal activity sa sinehang noon ko lang nalaman na nag-eexist pala sa rob. tagung-tago kasi eh. nasa isang sulok lang. soo...ung paranormal activity, nakakahilo. kasi ung pagv-video sa kanya, parang videocam lang talaga. nakakahiloooo... tapos un. kapag may scene na natutulog sila, sobrang tago na sina ate kris at ate joan. naka-upo lang naman ako nang parang relaxed na relaxed pero sa totoo lang, thrilled na thrilled. nanghuhula kung ano ang sunod na mangyayari. nung natapos na ung movie sa isang monstrous shot, napatili si ate kitel. nakakagulat ung tili niya. promise. kaya napasigaw dun tuloy ako. pero mas dinig pa rin ung tili ni ate kitel. buti naman. :)) paglabas sa sinehan, naparanoid na ang lahat. ayaw nang matulog kasi baka maparanormal activity sila. walang iwanan. hahaha. sinamahan na muna namin ni ate kitel si ate joan sa stones habang naghihintay cya ng sundo. tapos, mga past1 na yata kami nakauwi ni ate kitel sa condo. pagdating pa sa condo, freaaaky. nakapatay na ang ilaw sa may guard. tapos wala namang tao sa elevator pero biglang bumaba sa 1st floor nang 'di pa namin napipindot ung "up" button. pagbukas talaga, walang tao. soooobrang freaky! nung nakaakyat na kami sa aming unit, ayaw pa naming matulog. apektado pa rin ng sine. at ng freaky elevator na umandar nang walang nagpapaandar. pero kailangan nang matulog kaya natulog na. gigising pa nang maaga.

nov 28. kailangan ngang gumising nang maaga kasi pupunta kami dapat sa verbum dei national congress sa tagaytay. pero malamang, late na kami nagising dahil late nga kami natulog. dahil dyan, lucky me mac&cheese [bago pa 'to sa mga panahong ito] na lang ang breakfast namin. tapos, lrt sana papuntang santolan station. kaso, mrt santolan-annapolis station pala ang dapat pinuntahan namin. kaya yun. andami pang pasikut-sikot. pumasok kami sa saradong mall para makapunta sa mrt station. nung nakarating na kami sa wakas sa santolan station ng mrt, matagal-tagal na palang naghihintay si ate oan doon. sooo...hinintay namin si ate percy sa baba ng mrt station kasi nakisabay lang kami sa kanya papunta sa tagaytay. sumabay din sa kanya si ate grace. tapos yun. biyahe lang. kailangang kuwentuhan lang daw si ate percy para 'do cya makatulog habang nagd-drive. biyahe biyahe. at matapos ang ilang oras, nasa tagaytay na kami. yehey. (at yun. nagretreat kami hanggang nov 30. 'di ko na idedetalye dahil 'di ko na maalala...)

dec 1. dahil nirequest ni maam ng, naging 7 am-10 am ang biolab namin tuwing tuesday, which means may 10 am-1pm break kami bago mag-biolab sa araw na 'to. dahil nga magaba ang break, paggawa lang ng communication model para sa comm ang planong gawin ng group namin, namely ako, jereel, mj, jasper, at terence. pero nagpasama si billy sa pnb kaya sinamahan namin cya [pero 'di kasama si terence. absent yata cya]. ayun. adventure. yehey. nagjeep-jeep lang kami papunta sa pnb. tapos, habang naglalakad papunta kay "noli" (vp noli de castro, pinanggagalingan ng stipends ni billy), naghanap kami (o sila, groupmates ko) ng inspiration para sa comm model. sa huli, dahil malapit nang magpasko nang mga oras na yun, nag-end up kami sa aming famous parol model! yey! so inayos na namin yung model habang hinihintay si billy. pagbalik niya [pero ;di yata niya nakuha ung stipends niya. come again next time), pumunta na kami sa caf ng pnb. maraming pagkaing pagpipilian. mmm...naglunch na kami doon. sobrang sulit. :d habang lumalamon, presidential stuff ang pinag-usapan nila. sori naman. 'di ako makarelate dahil 'di ako updated sa balita. yahoo insider lang. :P 'di pa rin ako boboto.] hmm...tapos, habang naglalakad kami, marami kaming nakitang parol. hahaha. it's a sign! nung presentation na ng model of communication, mukhang pinakanagustuhan ni maam pulumbarit ung model namin. yay! tapos, umalis na kami. libreng bus lire mula galing sa pnb. tapos, lrt galing sa buendia. sa vito cruz lang ako bumaba. tanong pa ni jasper, "saan ka ba nakatira?" nasa labas na ako ng tren. "sa vito cruz." panalo. :)) ayun. umuwi naman ako sa vcondo dahil mahaba-haba pa ang break, bago bumalik sa up. hurrah for long breaks! :D

to be continued. XD


9:23 AM