image
kesi's blog
image image image image
Saturday, April 26, 2008

tagged na naman ako...


wahaha. for the nth time. ngaun galing kay ate cla. oh well...para masaya...the more the merrier! :D

The Rules:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.

3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.


1. ako ang 2nd na may pinakamahabang dila sa aming magpipinsan sa mother's side [so, ibig sabihin ba nun, dapat ako rin ang 2nd na pinakamadaldal?]
2. karamihan ng mga gamit ko ay pink. wheeee...
3. ayoko ng mayonnaise.
4. malapit na akong mag-8 years na member ng cherubs. wooh! proud to be a cherubim! :D
5. 6 points below passing ako sa 2nd screening ng pisay pero ngaun, DL!!! 1.37!!! yebah!
6. memoirs of a geisha ang kaisa-isahang "makapal" na librong natapos ko nang basahin.
7. mas gusto kong magcommute kaysa magpasundo [para mas maagang dumating sa kung saan mang lugar]
8. gusto kong magpinta ng "clouds scene" pero...ewan ko ba kung bakit di ko ginagawa...
9. mahilig akong manamit ng kunganu-ano at umarte kahit mag-isa lang ako. mwahaha!
10. goal kong matugtog nang maayos at kabisaduhin ang flight of the bumblebee at canon sa piano. ina-attempt ko ring pag-aralan ang star wars. hehehe...

un lang :) 10 facts lang naman di ba? hehe. so...uhh...tag! >> gidell, tintin, patty, christine, cherry, vibelle, levi, erin, guia, kervin. wahaha. bahala na kayo kung gusto niong gawin o hindi. :P


3:36 PM

Monday, April 21, 2008

4/18-20


4/18
blowout ni liz (originally, "ang despedida para kay ate kitel")

kuhaan ng report card ni liz. dahil "matataas" daw ang kanyang grades, nag-dinner ang buong pamilya [pero wala pa si ate kitel] sa kfc tandang sora. wheeee! famous bowl! nung patapos na kaming kumain, biglang dumating si ate kitel. so hinintay muna namin cyang matapos kumain saka lang umalis.

pagdating dito sa bahay, nanood kami nina ate oan at liz ng avatar book 1 ep. 20. wooh! exciting! :D habang nanonood, gumawa kami ni ate oan ng 30 nametags para sa verbum dei youth camp. mga 11:30 na yata kami natapos ska lang natulog.

4/19
youth camp day 1

maaga kaming gumising ni ate oan. konting impake tapos handa-handa, kain, at umalis na kami. hinatid kami ni dadi sa starmall kasi sasabay kami kina tita alma papunta sa tahanan sta. monica, tagaytay. si patty ang nag-drive samantalang nakipag-chikahan lang sa amin ni ate oan si ate majo. hehe.

pagdating sa tagaytay, binaba muna namin ang mga gamit namin tapos sumama na sa iba pang mga naroon na para sa youth camp. cyempre may kantahan at sayawan. tapos merienda, at getting to know you activities. hehe. ako si CUTE ces! :D mwahahaha! tapos, may treasure hunting pa kami. go yellow group! hehe. may word search, obstacle course at cheering. "we're dreaming in a yellow submarine"...labo... pagkatapos kumain ng lunch at mag-truth or lies game kaming magkaka-table [ate oan, ako, patty, ate majo], pumunta na kami sa aming mga kwarto. dun kami ni patty sa room 9 at si ate oan at ate majo sa room 8. hehe. halos magkakaroom lang kaming apat. magkarugtong kasi ang banyo namin. basta ung banyo, nasa gitna at ang mga kwarto ay nasa magkabilang gilid. masaya sa kwarto namin. dun ako sa tabi ng bintana. may tig-isang kama, salamin, cabinet, at may lababo pa sa loob mismo ng kwarto. hehe. nung break pagkatapos ng lunch, tinulungan ko si ate oan sa paggupit ng mga papel para sa origami lessons. tapos, activities na ulit, kain ng merienda sa kalagitnaan. may talk at usap-usap tungkol sa sariling dreams namin [at tungkol sa paggawa ng irish coffee. hehehe]. tapos may pinoy olympics. go group 2!!! pagkatapos nun, confession, dinner [habang nag t-truth or lies kasama ang bagong tablemates na sina levi at ian...meron ding nakakabaliw na johnny whoops at sun, moon, sun, moon]. tapos, naghanda na kami ng mga presentation namin kapag nag-bonfire na. ung pinagplanuhan namin, napakahaba kaya pinutol nung mismong presentation. parang katulad lang nung pinresent nina ate oan sa 1st camp ng cherubs sa sierra madre. basta ung may directress na nagpapasya kung kung fu, drama, with feelings, etc. ang mga galaw ng magbabalot, namimili, at mga siga. waah. basta. mahirap i-explain. so...nag-gather na sa campfire. kanta-kanta muna tapos presentations na. ung unang group, nagsayaw ng deep, deep. tapos ung group namin, see above. pero normal at with feelings lang ang ginawa namin. tapos, ung 3rd group, nag-harana. matapos ang presentations, hotdogs at marshmallows na! pero dahil sobrang init ng apoy [duh...], naka-taklob pa ang mga mukha namin habang nagluluto. hehe. ang cute daw picture-an. nag-games ulit kami. go yellow! may 3 little pigs blah blah blah. forward, backward, right, left! tapos may "puto, dinuguan, bibingka, bili na kayo!" wahaha. nakakabaliw! matapos ang lahat ng ka-hyper-an ng gabing iyon, uminom kami ng hot chocolate. grabe...HOT talaga. gaano kaya katagal bago ako naka-higop ng hot chocolate. pero maganda na un...patience... at least di napaso ang dila ko di tulad ng iba. wahaha. matagal kaming umupo sa ilalim ng buwan, mga bituin, at mga ulap. pinagmasdan lang namin ang galaw ng mga ulap at ang pag-inog ng mga damo. dinama lang namin ang malamig na simoy ng hangin at pinagmasdan ang unti-unting pagkawala ng matinding pagliyab ng apoy hanggang mga 10:30. pinatulog na kami. so, bumalik sa kami sa sari-sarili naming mga kwarto, naghanda sa pagtulog, at natulog na.

4/20
youth camp day 2 at ang despedida para kay ate kitel/

5:30 siguro ako nagising. di na ako makatulog nun dahil sa lamig. pero mas matindi pa rin ang lamig sa sierra madre. mga 6:15 pa ako nakaligo pagkatapos nina ate majo at ate oan. tapos pagkatapos maghanda, naglakad na kaming lahat papunta sa simbahan. "Jesus is the Way, the Truth and the Life." tapos, bumalik na. pagkabalik sa tahanan sta. monica, nag-breakfast na kami. tapos, may talk ulit, at creative workshop [origami], at movie...["stolen summer" cute. marami ring mapupulot na aral]... habang nags-snack ng boy bawang, mentos, at juice. pagkatapos ng movie, kumain na kami ng aming last lunch. maraming picture-picture... tapos talk ulit [kahit di ako masyadong nakinig dahil gumawa pa ako ng souvenir thingy: "Following the Way of Jesus is following the way to attain your dreams". yeah. ang galing ko talaga. tapos, kantahan ulit at kuhaan ng souvenirs na gawa ng ibang tao. ung nakuha ko, may cell no. pa sa likod. tsk tsk. ano un? nakikipag-text mate? :P eniweiz, habang nasa huling mga pagkakataon naming magkakasama sa youth camp na iyon, cyempre kuhaan na ng email add, cell nos, multiply id, at friendster. mwahaha! tapos, picture-picture! matapos ang napaka-tagal na pagkuha ng mga litrato, nag-merienda na kami at naghanda ng mga gamit para sa pag-alis. naku! akala pa nga namin ni ate oan di na kami makakauwi kasi nawala daw ung susi ng kotse pati ung cellphone ni tita alma. pero nakita na raw ung susi. ung cellphone, nawawala pa rin. hinatid muna ni tita alma ung mga misyonera sa verbum dei habang kaming apat at si gelo ay naghihintay lang...nakaupo sa semento habang walang magawa sa buhay, nakinig na lang sa kulitan ng magpipinsan at konting kwentuhan hanggang mga 5:30. naglakad kami papunta sa kanto ng main road at hinintay ang pagdating ni tita alma. kaunting sandali pag-alis namin, naghanapan pa ng cellphone ni ate majo na natagpuan lang sa ilalim ng upuan. tapos, tuloy ang biyahe. nag-stopover sa gasolinahan para mag-cr at magpa-gas, tapos tuloy ulit ang biyahe. binaba kami sa mrt station - magallanes. nag-mrt kami ni ate oan papunta sa quezon ave, bumili ng yumpanada at waffles, at nag-jeep pauwi. 8:30 na kami nakarating dito sa bahay.

sabi ni ate kitel, pagdating namin dito, tulog na siya. pero magdating namin, kumakain pa cya ng tacos. ito ang totoong despedida para kay ate kitel kasi papunta na cya sa US para sa tour ng medchoir. matapos kumain, nagcomputer muna kami ni liz. nanood kami ng special episodes at previews ng avatar. grabe. ang cool talaga. hehe. tapos nauna pa kaming lahat matulog kaysa kay ate kitel kahit 2:30 am cya klangan sa airport. tsk tsk tsk. paggising namin kaninang umaga, wala na cya. haaay...malamang nasa US na cya ngaun...


11:18 AM