Saturday, June 26, 2010
nobelalalalala. [part 3]
(hello. 12:07 am na. june 26, 2010. halos kakauwi lang galing sa medchoir gig/practice/dinner/jamming. XD at wala pa ring internet kaya puro pagblog na lang ang nagagawa ko.)
mar 6. nung umaga, nagpractice ang block 13 sa adriatico para sa pe finals. combination ng lahat ng mga napag-aralan naming social dance. at dahil malapit na rin ang deadline ng fgd [focused group discussion] sa hum, ginawa na rin namin un. hmm...kami nina leki, jereel at jasper ang magkakagrupo. sobrang multitasking. fgd habang kumakain, habang naglalakad papuntang rob, at kunganu-ano pa. hehe.
mar 7. inspirational talumpati. haynako. ung speech ko, may "kaya natin 'to!" para maging inspirational. napakagaling.
mar 9. nagpaexcuse na yata kami sa lahat ng klase. social dance finals na. cram cram sa umaga ng steps, pati na rin ng pag-aaral para sa math depex. oh joy. tapos, takeout ng lunch sa bk at sobrang nagmadali sa pagbibihis sa pazmen at nagbrisk brisk brisk walk papuntang sswc. natadtad lang ng pawis ang mga cocktail dresses at long sleeved polo shirts. high talaga ang high heels ko. parang mas matangkad yata ako kaysa kay partner oj. hindi naman mukhang GANUN kacrammed ang presentation namin. ok na. pero sana wag na lang icompare sa ibang career talaga. xp
mar 10. hindi ako gaanong nakapag-aral para sa chemlec exam. buti na lang walang nstp sa gic. attendance lang at goodbye magreview na lang tayo. wala ring ipc nung araw na yun kaya nahabol ko na ang pag-aaral sa lahat ng 'di ko pa napag-aralan. nung gabi, hmm...nag"overnight" kami nina inah, amag at geeann kina jasper. well...umuwi na naman ako nung mga 11 na siguro. hehe. ito yata ung nag-savory chicken kami. at turuan sa paghuhugas ng mga plato. at im-an kahit magkakaharap lang kami. at pagiging fangirl ni geeann sa queen seon dok. at pamimigay ko ng ilan sa sangkatutak kong tsokolate. at paggawa ko ng poster para sa i sing you sing. at jamming. yey. hehe. dumating din yata si ate angel at kuya marvin. nakakanta pa kami ng newEST broadway medley. XD
mar 11. dahil nga late-ish na ako nakauwi nung gabi, late na rin akong nagising. oh nooo...7 am ako nagising at 7 am ang unang klase. panalo. hum pa yun so goodluck na lang sa 1 step up sa final grade. yep. yan palagi ang isyu kapag napakalaki ng chance na ma-late ako. sobrang panic talaga ako nun. naisip ko, wala nang pag-asa. waaah. goodbye 1 step up. napaisip pa nga ako. wag na kaya akong maligo? magbihis na lang at pumasok. tapos uwi na lang sa break para maligo. hehehe. pero naligo naman ako. hindi na nagbreakfast. at ayan na ang desparate move. taxi! salamat kay manong taxi driver dahil ambilis niya magmaneho. naunahan ko pang makarating ng kwarto si maam roque kaya 'di pa ako late [mukhang sobrang haggard nga lang]. banzai! nung hapon, dahil showdown day na, nagpractice ang imedchoir kina jasper. parang nun lang talaga namin napractice ung mga kanta nang magkakasama. newest broadway medley at a child's prayer. medyo piyok-piyok at kulang sa practice kaya may re-showdown kami. pero ok lang. nagulat talaga sila sa newest broadway medley. at ayos daw ang blending namin. nakanaks! sa next try, ok na. child's prayer, kasama ka na sa kakantahin ng imedchoir and friends sa concert. yey.
mar 12. nagpaprint na ako ng concert posters. lahat ng pera, nanggagaling sa bulsa ko. naku. kailangan talaga may mapaghuhugutan ng pera pag pubcom. in my case, hello piggy bank. hello oble stipends. heehee. pero cyempre reimbursed naman sooo...oks naman.
mar 13. nosebleed na. sobrang information overload ang 3-hr biolab makeup class tungkol sa taxonomy. as in.
mar 14. theft. :| 'di ko na ieexpound.
mar 15. wedding anniversary na nina mami at dadi. kaso, dahil wala kami ni ate kitel sa bahay para gumawa ng regalo para sa kanila, sina ate oan at liz na lang ang umasikaso. boxing ring na may picture nina manny pacquiao at jinkee na pinalitan ng mukha nina dadi at mami. ituloy ang LAB-an. nyee. hehehe
mar 16. ito ung araw na may gig sa science hall dahil national scientist si dr. domingo. at nagdiscuss yata siya tungkol sa orchids. siya nga ba yun? ewan. di ko na maalala.
mar 17. at last! heto na ang vabes day namin. doon sa vabes, kami ni manzo ang magkapair sa isang room ng mga estudyante. parang may party sila. wala nang klase. parang may awarding ceremonies ang bawat section. so ang ginawa lang namin, naging mga tagasabit ng medal. hehe. sobrang kukulit ng mga bata. as in SOBRA. pero mahaba naman ang pasensya ko. which was very very good. sumama na rin sa room namin ang iba pang mga imed na nasa vabes. ang masasabi ko lang, hindi talaga maganda kung ang mapupunta sa isang elementary school ay yung mga may napakaiksing pasensya. dun sa klase, may magkaklaseng nagkatusukan pa ng pin ng medal. ayun. nasugatan malapit sa mata ung isang bata. at sabi ng homeroom teacher nila, "grabe ang kukulit niyo talaga. sige magpatayan na kayo diyan. sige tingnan natin kung ano nang mangyayari sa inyo niyan." basta something like that. sa loob-loob ko, sabi ko na lang, anubanaman at eskuwelahang ito. anubanaman ang mga pinagsasasabi ng mga guro sa estudyante. marahil nga pagud na pagod na sila sa pagdidisiplina sa mga makukulit na elem kids, pero sana naman maging infinite ang pasensya nila. so, back to story. party na nga pagkatapos ng awarding. may spaghetti at cake. napakakukulit ng mga bata. nag-uunahan sa pila, pero wala naman dapat pila dahil lalapitan namin sila para bigyan sila ng spaghetti at cake na nakalagay sa plato. "ang bibigyan lang namin ung mga nakaupo na sa upuan nila." pero yun. magulo pa nga. sobrang naiinis na ang mga kasama kong imed. "umupo na nga kayo!" mga ganung level ng inis sa batang makukulit. ako naman, calm calm voice. "umupo ka na muna ha. para bigyan ka na namin ng food. kasi ung mga nakaupo lang ang bibigyan namin. upo ka na muna..." in a soft, sweet voice. haha. napaupo ko ang pinakamakulit sa kanila sa ganyang paraan. si francis. sabi pa ni manzo, "how the hell did you do that?!". heehee. sobrang hirap na hirap kasi silang patahimikin si francis. at isang pagkausap ko lang sa kanya, napaupo na cya. naks. baka naman kasi gusto lang niyang maramdamang may tao sa classroom na yun na mabait sa kanya. lahat nga kasi inaaaway na cya sa sobrang kulit niya. pero yun. kaya naman pala ng panlalambing. :D matapos silang kumain, may mga nag-iwan lang ng pinagkainan nila. na-oc ako kaya nagligpit na ako ng mga paper plates nila. sabi nung iba sa kanila, "ay yaya." meh. sori ah. ayoko lang sa kalat. sagot ko lang, "oy hindi ako yaya ah. dapat kasi nagliligpit din kayo." ayun. nagligpit naman ung iba. natuwa naman ako sa aking child-control tactics. ohoho. nang maayos na ang room, naghintay na lang kaming mga imed para sa van na susundo sa amin. habang naghihintay, ayan na ang kulitan kasama ang mga batang hindi pa umuuwi. buhatan, picture-an, hagisan [oo hagisan. as in hagisan sa ere], at kunganu-ano pa. hanggang sa dumating na ang sundo namin. goodbye vabes. sobrang nakakapagod pero sobrang fun pa rin ang makasama ng makukulit na bata. yep. fun ang vabes para sa akin. sori na lang sa mga mababa talaga ang pasensya. :p at habang nasa bus, todo review na para sa biolec exam. haha. go go go!
mar 18. talumpating handa. tungkol sa aking choir life ang speech ko. before cherubs, during cherubs, at during medchoir. dala ko pa ang cherubs photo album namin na masarap pagtripan nung medchoir kasi andun pa ung pics na kasama sina ate kitel at kuya ge. XD
mar 19. may diorama project ang block 13 para sa biolab. hinati-hati namin ang mga trabaho sa groups. grupo namin ang naassign sa pagcompile kaya un. dahil late na binigay sa amin ang mga icocompile, sobrang crammed na ang diorama. || sa pagbabalance ng mga isda, stingray, at sharks sa string, kailangan alam mo ang center of gravity nila. at galingan ang pagkabit ng tali. :D
(okay. 1:05 am na bigla. matutulog na lang ako dahil mag-iinternet ako bukas [mamaya] ng umaga sa medlounge. toodle-oo!)
(7:25 am. gising na ako before 7. 'di na ako makatulog pa kasi anliwanag na sa kwarto. niluluto pa lang ang kanin kaya 'di pa makakain...)
mar 22. sa philamlife auditorium na ang practice ng medchoir. runthrough ng mga kanta, blah blah. bumili na ako ng cheeseburger meal sa mcdo bago pumunta sa practice pangdinner. ung iba nagpa-takeout. nagpatakeout na rin ako. sprite apple float na walang ice. at 'di pala pwede yun kasi magiging sprite apple sink cya kapag walang ice dahil lulubog ung sundae. hehehe. sori naman. kaya yun. may ice na ang sprite apple float ko. yey. :))
some time before mar 25. ininterview ng comm group namin si kuya mark s. nakalimutan ko na kung saan. boohoo. you are not your grades. at best decision talaga sa medschool ay ang pagsali ng medchoir. :D
mar 26. concert day na! pero 'di dapat kalimutang may biolec exam, socsci quiz, at math mock exam pa. math depex dapat sa 5:30-7:30pm math class namin. buti na lang hindi na depex. XD parang nagcut na kami [imedchoir] ng socsci [pagkatapos magquiz] at math. 'di na rin yata natuloy ung mock exam so, yun. happy happy. nung umaga nga pala nagcram kami nina ate anne, jasper, inah, amag, geeann, at kuya jesh ng backdrop sa condo nina jasper, tapos, dahil maaga-aga kaming nakarating sa auditorium dahil 'di na nga kami nagsocsci at math, nakatulong pa kami sa pagkabit ng backdrop sa stage. tapos, concert na. highlights na lang. ok naman ang pagkanta namin. medyo sabog nga lang ang crammed choreo ng i sing you sing. isa na nga ako sa mga nakalimot ng actions. sori naman. tapos, nakakatuwa ung that's how you know. :)) parang si ate trinia at si kuya reci talaga ang original na singers nun. medyo nakalimutan nga lang ang mga lyrics. pero sobrang nag-enjoy talaga kami sa stage...which was nice. :) may separate songs ang boys and girls. sa kanila ung iniibig kita at this guy's in love with you pare. sa amin naman, ihip ng hangin at i can. nung pumasok na kami sa stage, biglang sumigaw si oj, "go ces! go geeann! go inah! go AMAG!" haha. wala lang. nabroadcast na sa buong philamlife ang pangalan ni amag. XD nanood din kasama ni oj si sarah. nanood din sina mami, dadi, ate oan at liz. buti naman nakarating na sila at hindi inakalang ibang araw ang concert tulad ng nangyari sa silver screen. whew! nanood din sina maki kasi andun si kuya ge. hello maki! :D so yun. pagkatapos ng concert, meet the fans, picture-picture at uwian na!
mar 29. math depex nung umaga. dahil sa math depex na ito, nawala na nang tuluyan ang pag-asa kong maka-uno. mmp. gc mode na naman ah. pero yun nga. kailangan ko yatang maka-99% sa exam na ito para makauno. hahaha. anyway, socsci finals na rin nung hapon. at ansaya. namigay si maam vitriolo ng sangkatutak na bonus. parang kalahati yata ng exam sinagutan na niya para sa amin. hehe.
mar 30. comm exam. last exam na bago mag"bakasyon" ng holy week, matapos ang exam, bumili na ako ng lunch [isang hotdog sandwich lang yata sa ministop] at babalik na sana ako sa qc para sa oan & kesi escapades pero bigla kong nakasalubong si patti. manlilibre daw si vince ng mga block 13 sa dq...na naging sa greenwich na lang. sa greenwich, blockstabbing talaga! parang wala dun si phil. at may mga kuwentuhan ng lindol experiences. jereel lol. block 13 <3 matapos ang "block lunch", ayun. bumalik na nga ako sa qc para sa lakwatsa namin ni ate oan. nagkita kami sa sm at nanood ng how to train your dragon [ankyut ni toothless!!!], nagbowling [oo na ako na ang loser], at bumili ng isang tub ng 3 in 1 icecream. sa bahay na namin un kinain. saraaaap!
mar 31. halos buong araw lang akong natulog. zzz... unang araw ng "bakasyon", tinulugan ko lang. ayos.
april 1. maundy thursday. wala namang special na nangyari. tambay lang sa bahay.
april 2. good friday. sumama kami nina mami, dadi, at liz sa prusisyon galing sa st. peter papunta sa kalaliman ng batasan, at pabalik.
april 3. black saturday. pumunta na kami sa batangas...para magswimming sa katigbak! :D
april 4. easter sunday. nasa batangas pa rin kami. kahit kailan talaga, sobrang sarap ng goto!!
april 5. ok may pasok na naman. math finals. ok naman ang math finals. nadalian ako. yey. naka-98% yata ako o...basta mga ganun. :D in the end, 1.25 ang grade ko. yey. imba. :))
april 6. simula na ng cherubs camp. kaso 'di ako makasama dahil may hum paper pa. boohoo. gusto ko sanang sumama eh...kasi 'di ko natapos ung camp last year na supposedly last camp ko. :(
april 7. world health day gig sa sofitel. "sino pa bang magdadamayan kundi tayo tayo rin..." -MDG song. :p ansarap ng pagkain. cyempre sofitel food. yum yum!
april 8. deadline na ng hum paper tungkol sa diyos ng maliliit na bagay. at natapos ko nga palang basahin ung libro beforehand. congrats. :D> may test hearing ng mga kanta para sa univ grad sa pgh 8th floor. woah may 8th floor pala ang pgh. :o nagkaligaw-ligaw pa ako sa pagpunta dun. hehe. ayun. so bawal na pala ang pagkanta ng mga kantang may biased religion. 'di naman daw kasi religious school ang up. all religions are welcome. kaya marami sa mga napili naming kanta ay rejected. nung hapon, nagpavaccine na ako ng hepaB. tapos, simula na ng madz music school. si sir sheen ang nagtuturo sa amin nun. at natuwa naman cya sa amin. :)
to be continued pa rin. :p
5:59 PM