Thursday, June 24, 2010
nobelalalalala. [part 1]
(9:58 am, june 24, 2010. walang internet dito sa condo dahil walang dialtone ang telepono dahil ewan ko. kailangan kong magsurvive nang walang internet. sobrang hirap. T____T )
dec 2. nung hapon, kumanta ang medchoir sa xmas mass sa pgh chapel. pero maaga kaming umalis ni jasper kasi may film showing ang block 13 sa comm. nanood kami ng "dinig sana kita". :D
dec 4. trp day. hmm...crammed ang presentation ng imed. hahaha. grass kami. at nung araw na iyon lang namin ginawa ang costume naming grass headgear. ayos. bongga ang iba pang presentations ng iba pang batches... immediately after presentation ng imed, nagbihis na agad kaming imedchoir ng white med uniform para sa pagkanta ng osce song kasama ang medchoir. pero hmm...dahil sinasara ang pinto during performances at bawal pumasok o lumabas ang mga tao, kami lang ni jasper ang nakapagbihis. naiwan sa loob sina inah, geeann at amag. hindi na sila nakasama sa pagkanta ng osce song kahit na nakabihis na sila. aww. tapos, dumating pala sina mami at dadi sa trp. 'di ko alam. nakauwi na ako sa condo. kumain pa pala sila nina ate kitel sa hap chan. 'di ako nakasama dahil umuwi na ako. boohoo. pero binigyan naman nila ako ng pasalubong na buchi. ok na yun. i think.
dec 5. required manood ng maria stuart ang block 13. so nanood nga kami nung umaga. nung gabi naman, sasama sana kami ni ate oan sa caroling ng verbum dei sa may taguig kaya pumunta kami sa vdei qc sa katipunan, pansol bleh [kadalasan, vdei pandacan o vdei tagaytay ang pinupuntahan namin. 1st time kong makarating sa vdei qc. :D ]. pero wala na pala dun ang carolers kaya naki-xmas party na lang kami dun. fun talaga. andaming pagkain, andaming bagong nakilala, at natuto pa kami ng spanish xmas songs! :)) at dahil sobrang dami nga ng pagkain, nag-uwi pa kami ng iba sa mga handa doon. yum yum! :d
dec 6. pumunta ang medchoir sa sta. rosa para magcaroling! may compound kasi dun sina ate anne. may merienda-dinner at may hot milo, kape, puto bumbong at bibingka sa gabi. :d
dec 7. dire-diretso talaga ang xmas gigs ng medchoir! ito naman, sa pgh. tree-lighting ng mu sigma phi... andaming lamok sa pgh.
dec 9. nagsectionals ang sop...sa girls' cr. :)) nung dec 10 may sectionals din.
dec 12. medchoir concert sa glorietta. haay. cherubs trinoma xmas concert memories...
dec 13. eto na naman. required manood ng u.ave ang block 13. sa aldaba hall naman. up theater. musical play un kaya medyo na-criticize ko talaga. ok naman ung plot pero parang medyo kulang sa feelings ang pag-arte.
dec 14. adopt-a-ward. nagpapansit ang imed sa ward something. wah. nakalimutan ko na kung saan. tapos, may ward harana naman ang medchoir. kakanta sa iba-ibang wards sa pgh. kaso, nahihilo ako nung gabing yun. dahil siguro nakasinghot ako ng fumes sa waste chemicals sa chemlab. bleh.
dec 15. acle. ang inattendan kong acle ay yung sa one earth. film showing ng earthlings. grabe. nakakaawa ang mga hayop. maiisip mo talaga, buti na lang tao ako at hindi baka. nakakaawa talaga. wah. pero hindi pa naman ako vegetarian ngayon. xp
dec 16. simula na ng simbang gabi! pero 'di ko nakumpleto. aww. heniway, kumanta naman ang medchoir sa residents' grad sa pgh science hall. xmas party day naman sa ipc. ang presentation ng group namin, pagkanta ko ng defying gravity at tumugtog ng gitara si leki. sayang nga lang ang magandang pagtugtog niya kasi hindi ako makakanta nang maayos nun. bigla akong inubo dahil sa sobrang lamig na aircon at sobrang tamis na gulaman. meh.
dec 17. ward harana ulit! dito lang ako nakapasok sa sojr. sentro oftalmologico jose rizal. ang ganda pala sa loob nun. hindi mo aakalaing nasa pgh ka. :p nakakatuwa rin ung elevator. two-way. hehe. sori na. ako na ang mababaw ang kaligayahan. XD dito ko rin yata unang nameet si ate kat. :)
dec 18-19. churon partyyyy! haay. buti pa ang electron may xmas party. ang imed, wala [hindi ko icoconsider na imed xmas party ang ipc xmas party dahil pang-ipc yun. wala man lang exchange gift?!]. nagmeet kami sa abelardo hall-side ng quezon hall. mga long time no see! except kina dem at maynard. hehe. kasama si mamah cyd sa lantern parade. yep. lantern parade day yun. 'di na namin hinintay ang fireworks ng lantern parade. pumunta na kami sa technohub. nagjeep, nagtaxi, naglakad, ewan. basta kunganu-anong paraan ng pagpunta dun ang ginawa namin. at galing lang kami sa up. hmm...ang ganda ng kotse ni neon. wala lang. random. naghintayan muna sa baba. at nakapanood pa kami ng fireworks galing nga sa technohub. ang ganda. :D sa yellowcab yata kami nagdinner. dun na rin kami nag-exchange gift. si baj ang nabunot ko at binigyan ko cya ng purple bag. si maynard naman ang nakabunot sa akin at binigyan niya ako ng leopard stuffed toy na alam kong binebenta sa national bookstore dahil palagi akong dumadaan sa national bookstore pag pumupunta ako sa rob, at isang pencil holder. hehe. salamat maynard! ang kulit nung ibang regalo. medyas galing kay pao, dalawang shades galing kay dem para kay torres, at marami pang iba. :)) pagkatapos kumain at pagkatapos ng exchange gift, plano ko sanang umuwi na. kaso nahatak pa akong sumama sa overnight sa bahay nina pao sa katipunan. may karaoke sa spongebob tv, may billiards, may swimming, may baraha, may piratang twilight, at may dala akong laptop para maglaro ng pvz. hehe. onga pala. kahit churon xmas party un, churon and friends naman talaga. andun si alexeis. ah. may inuman nga pala. the bar. pero hindi ako uminom. mabait akong bata. kaso nga lang, boo. nabasag ung isang boteng the bar at nabubuan ang bag ko. bag ko talaga oh. manginginom ng vodka. karamihan sa amin, kasama na nga ako, sa sofa na lang natulog. sobrang siksikan. XD nung umaga na, nauna na kaming umalis ni quilab. susunduin kasi dapat ako nina mami at dadi nung gabi kaso 'di na natuloy dahil baka raw maligaw pa sila. taxi papuntang kalay. at naglakad na ako papuntang central at dun na sumakay ng jeep pauwi...
dec 19-20. cherubs xmas party naman! kaso hindi kami nakasama ni ate oan sa exchange gift. aww. pero ok lang! mga long time no see ulit! :D at kasali na pala talaga ang li'l bro ni maki sa cherubs! ankyut nio! hehe. binigyan kaming lahat ni tita lenette ng umiilaw na lollipop. hehehe. as usual, may pusoy dos, kwentuhan [o chismisan ba dapat?], movies, at napakaraming pagkain! :d
matapos ang cherubs xmas party, 'di na ako nakapagsulat masyado sa planner ko. kaya 'di ko na maalala kung ano pa ang nangyari ng mga dec 20+. aww. talon na lang tayo sa...
dec 25. merry xmas! heehee. sa batangas kami nagcelebrate ng pasko. as usual. :D as usual din, tulad sa iba pang mga okasyong doon namin sine-celebrate, napakaraming pagkain. may exchange gift, may cute na sisiw [na pinakain lang sa ahas ni kuya oli], may mga cute na hamster si wendell, may pinoy henyo [darno!], at maraming pics. nagblog na yata ako tungkol dito. :p
dec 27. vdei xmas party! may getting-to-know-you. pasahan ng mga regalo. ang concept nun ay ang ibibigay na regalo ay yung hindi bibilhin. galing lang talaga sa iyo. sori roger. ikaw ang nakakuha ng xmas package kong pang-elem na notebooks. mehehe. better luck next time. :)) ang nakuha ko naman, boteng may makukulay na spheres na nakalubog sa tubig. ung binebenta sa pedro gil. ganun. tapos, may mga presentation. ang kulit nung presentation nina ate kitel, ate oan, at ate percy. ang sinulid. hehe. at si dr. TEL miuerithertz. nyee. andyan din ang kwento ng 1st xmas, at meron ding play ang mga misyonera. ang cute talaga ni sister jeni! heehee. pati ni sister cecilia. basta lahat sila. ankyut grabe. :)) at cyempre, 'di mawawala ang picture-an. nandyan si santa claus na nakasakay sa moon. nandyan din ang ulo ng litson. XD
dec 30. bday ni ate kitel. kaya nung gabi, pumunta ng buong pamilya sa circle para magperya. circle of fun! pero next day pa namin ginawa ung regalo namin para sa kanya. isang personalized planner entitled "gi2ing1n niy0' k0 ha!" na nagform ng 2010 at 21. gets? tingin ko hindi. basta. 2010 planner kasi yun. at 21 years old [OLD!] na si ate kitel. tingnan nio na lang sa picture. inupload yata ni ate oan sa multiply niya. :p
(ayan! tapos ko na ang 2010 blog post ko after...1.5 hours. haha. 11:24 na. )
[january something yata]. sa araw na ito pa lang ang totoong presentation ng genogram ko. ito ang genogram draft. hehe.
napakalaking pamilya diba? pero kulang pa yan sa ganyang lagay. nameet ko na lahat ng mga kamag-anak dyan, 'di tulad ng sa iba kong mga kaklaseng konti lang ang kamag-anak na nakakasalamuha. nakanaks. at 'di rin tulad sa iba, relatively peaceful ang aming pamilya. may mga half-siblings, hiwalayan at away-away kasi sa iba. wow. naappreciate ko talaga ang pamilya namin. ^_____^
(ayaaan! napost ko na sa wakas! buti pa dito sa medlounge may internet. at lagpas 5 na kaya pwede na magmultiply. yey.)
1:16 PM