Friday, June 11, 2010
disiplina.
dahil dumadalas ang pag-uwi ko nang "late", [yep may quotes yan.] napaisip ako. masyado na yata akong delingkwente. pagkatapos ng 5:30pm to 8-ish rehearsals ng medchoir na kadalasan, 2 days a week, minsan [kadalasan] may dinner, minsan may sine. minsan kahit 'di pa practice day, biglang, tara magsine tayo [tulad ngayon. hehe]. at kadalasan din, sumasama naman ako--kahit malayu-layo, hindi naman sobrang layo, ang tirahan ko. 20-30 minutes [inclusive of 5-10 minutes ng paglalakad sa mga kalsada] lang naman ang kailangan para makauwi. pero yan. sige. nagdadahilan na naman ako...
kaya ayan na. kapag tumatawag si mami dito sa condo, kadalasan, wala pa ako. sayang nga. siguro tumatawag cya mga 5-10 minutes bago ako dumating dito. baka iniisip na niya, mga lagpas 10:30, na "curfew", ako dumarating. pero mga 10:20 naman ako dumadating. i think. pero yun. sobrang iniiwasan ko namang umuwi nang mas late sa 10:30 dahil un nga ang "curfew". bakit may quotes na naman? pinapapasok pa rin naman kasi ako sa condo. 'di naman locked out pag lagpas 10:30 na ako umuwi tulad sa ibang dorms.
late is now defined as arriving home later than 10:30. sige. yan na ngayon. dati kasi parang feeling ko, ang late ay pag-uwi nang mga 11 o 12 o mas late pa. pero yan. 10:30 na. didisiplinahin ko ang sarili ko. kailangang sundin ang "curfew" kahit may quotes yan. pero dahil mas nagpapakabait pa ako, at parang sooobrang dalas ko namang umuuwi nang hindi 10:30 late, lilimitahan ko pa. 2 nights per week lang ako pwedeng magdinner sa labas and/or manood ng sine sa gabi.
at susundin ko ito kapag 7 am ang klase ko sa susunod na araw. mehehe. MTThF ang 7 am classes. boo. buti pa ang summer. 12nn pa ang klase.
anyway, ayan. babawas-bawasan ko na ang pagliliwaliw dahil 7am ang unang klase most of the time. kailangan ding magtipid alang-alang sa europe tour. yey.
ang blog post na ito ang magsisilbing paalala para sa akin. sana naman tuparin ko 'di ba? bawal magpakadelingkwente -- masyado.
2:45 PM