image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, November 11, 2009

sembreak!


napakaiksi ng sembreak. dapat halos 1 month. oh well. marami naman akong nagawa. natapos ko na ang fullmetal alchemist, fma movie: conqueror of shamballa, fma brotherhood, nodame cantabile [anime], nodame cantabile paris-hen, at mga ova nila. nung 1st sem nga pala at summer break [long long time ago], marami rin akong natapos na anime series. nung summer, tinapos ko na ang dn angel, otome wa boku ni koishiteru, ginban kaleidoscope, seto no hanayome, special a, denno coil, code geass, k-on, at la corda d'oro primo/secondo passo. alam ko. adik ako. masaya kasing mag-anime marathon kapag gusto mo talagang mag-ubos ng oras. weekdays nga ng 1st sem, nakatapos pa ako ng azumanga daioh at hayate no gotoku season 1&2. nanonood pa rin ako ng katekyo hitman reborn, shugo chara at fullmetal alchemist every week. nagbabasa pa ako ng manga ng bakuman, gakuen alice, at shugo chara. grabe. andami ko palang sinusubaybayan. wahaha. nanonood pa rin naman ako ng tv...hindi lang naman 2d stuff. hehe. may mga kunganu-ano rin akong ginawa ngayong sembreak. inayos ko naman ung cabinet namin ni liz na mukhang tinamaan ng sobrang lakas na hangin ni santi sa sobrang gulo. tinulungan ko rin si liz sa projects at hws niya nung may pasok pa cya. aww. i'm such a nice sister. :P eto. nakapagblog pa ako ng pagkahaba-habang blog posts. kaso nga lang hindi ko na nagawa ang plano kong i-master ang "flight of the bumblebee" sa piano dahil masyado akong nahook sa anime. hindi ko yata nahawakan man lang ang piano. aww.

nov 1. sa condo nga kami nagstay nina ate kitel at ate oan. nung umaga, naghanda na kami ng gamit para sa pagpunta namin sa batangas. sinundo na kami nina mami at dadi. pumunta na kami sa batangas, kumain. naging comsci person of the family na talaga si ate oan. nireformat niya ung laptop ni ate kitel. pagkatapos kumain ng nakakabusog na lunch [masarap pala ang salad lalo na kapag may mangga at crabsticks], nireformat naman niya ung laptop ni joem. grabe. anlala ng sira ng screen ng laptop ni joem. pareho lang kasi kami ng laptop...sabay binili...parehong may defect ung screen. pero ung akin, konting blink-blink lang. ung kay joem, parang transition ng powerpoint slides. bigla na lang magf-freeze ung screen, unti-unting mag-iiba ng kulay, mawawala, at poof! andyan na ulit. matagal tuloy ireformat ung laptop na un dahil sa panirang screen. anyway, iniwan lang namin un sa kwarto habang nag-iinstall ng windows. pumunta na kami sa sementeryo. sa libingan nina tita agnes at kapatid nina patrick [nakalimutan ko na ung pangalan. T____T jp yata.], sooobrang dumi. halatang bumagyo sa batangas. kaya si mami muna ung andun at naglinis. pumunta na kami sa libingan ni lolo jose. dasal-dasal, tapos dun lang kaming magkakapatid habang nakikikulit kay nica. hindi na kami pumunta sa iba. aww, liz. hindi ka na nakakuha ng iyong usual stock ng candies at butong-pakwan. :)) tapos, bumalik na kami kina tita agnes. medyo malinis na. nakita rin namin sina patrick. sa batangas na kasi sila tumirang magkakapatid kasi nasa states si tita chona. tapos, bumalik na kami sa bahay. tinuloy na ni ate oan ang pagrereformat ng laptop ni joem habang naglalaro si liz ng emerald city confidential sa laptop ni ate oan na naka-windows 7 na, at natutulog ako. maya-maya, nag-brownout na. buti na lang tapos na magreformat. hindi na rin naglaptop si liz. bumaba na kami ni ate oan at nakichika sa mga pinsan/tito at tita sa may veranda. nagsayaw ng nobody sina nica, wendell, at liz. nung nagkakuryente na, nagdinner na kami. naglaro naman ng pinoy henyo sina ate kitel, nica, liz, at wendell. pinakamemorable ung si wendell na ang manghuhula. batman dapat kasi suot niya ung batman costume niya nung tanghali.

wendell: "tao?"
kami: "oo"
(...)
wendell: "lalaki?"
kami: "oo"
(...)
wendell: "superhero?"
kami: "oo"
wendell: "superman?"
kami: "malapit naaa..."
wendell: "darna?"
kami: "lalaki nga eh."
wendell: "DARNO? lalaking darna!"

:)) panalo ka talaga wendell. anyway, yun. as usual, maaga kaming natutulog sa batangas. hindi kami maka-internet at makapag-anime marathon eh. hahaha. dun ako natulog sa maliit na sofa sa tabi ng bintana. paggising ko ng madaling araw, sobrang sinisipon na ako at ansakit na ng ulo at katawan ko. ilang beses kaya akong nagpaikut-ikot, naghahanap ng magandang puwesto. haaay. kahit na maaga akong natulog at hindi masyadong maagang nagising, puyat pa rin ang feeling ko. =______=

nov 2. bumalik na kami sa qc nung umaga. nagsimula na ako sa pagiging anime adik sa sembreak.

nov 4. may medchoir kaya sabay kami ni ate kitel na pumunta sa manila. wala pang tcg, as expected. nakuha ko na ang math classcard ko. tapos nagpagawa na kaming dalawa ng certificate of good moral character [gmc] para sa oblation scholarship, at kumain ng tig-isang noodle queen galing sa noodle king. hehe. tumambay lang kami sa sinigang express "sex" o___o hanggang sa medchoir na. hindi na kami umuwi sa qc.

nov 5. enrollment ko na! kaso nga lang sobrang tinamad ako nung umaga. nag-fma lang ako. wahaha. nung hapon lang ako pumunta sa cm para kunin ang form 5 ko. finill-out tapos pinasign-an. yun lang. hindi pa naman ako makakapagbayad ng 27k++ pesos pang-tuition in a snap. malamang hindi pa ako registered. pero at least may form 5 na ako. kinuha ko na ung gmc namin ni ate kitel at medchoir na. tapos, bumalik na ako sa qc. yey.

nov 7. wedding gig sa medchoir. galing sa qc, nagbus ako papuntang pedro gil dala ang lahat ng medchoir stuff namin ni ate kitel. nakakahilo talaga kapag bus ang sinakyan. o hindi lang ba ako sanay? nagpalabas pala ng "supah papalicious" sa bus. wala lang. medyo nanood ako. pumunta na ako sa stones. ako lang ung andun nung call-time na. kumain lang ako ng "lunch" kong kariman. tapos, nung medyo dumarami na kami, pumunta na sa medlounge. practice-practice, tapos nagbihis na. naka-centennial costume kami nina gee-ann at jasper. yay! parang members na talaga ha. wahaha. anyway, papunta sa simbahan, dun ako sumakay sa sasakyan ni ate joan. kasama ko dun sina ate joan [malamang], ate trinia, kuya drew, kuya vj, kuya reci, ate eliza, at uhh...si kuya vic yata. kumanta lang kami habang nasa biyahe. ung simbahan ay ung malaking simbahan malapit sa naia. wedding nga pala un nina maam majoy at sir marc [hindi ko sila kilala pero uhmm...faculty yata sila ng cm]. bawal kumanta ng love songs sa simbahang un. ang arte. basta un. kanta-kanta. nakakapagod. tapos, nagdinner SILA sa the fort. sumabay lang akong pumunta sa qc kay ate joan. kuwento-kuwento lang si ate joan tungkol sa pisay life/intarmed life habang nasa biyahe. binaba ako sa meralco. take note. naka-costume pa rin ako nito. hahaha. buti na lang gabi na. wala na masyadong makakakita sa aking nakacostume habang naglalakad pauwi sa bahay. hahaha.

nov 8. practice sa verbum dei ng mga kanta para sa national encounter. sumama kami nina ate kitel at ate oan. nagtampo si liz dahil hindi cya makakasama kasi may trip to baguio sila sa encounter day. matapos ang rehearsal ng mga kanta, kaming magkakapatid at si sister cecilia na lang ang nagpractice. si ate kitel ang tagakanta, si sister cecilia ung konting kanta at organ, si ate oan sa recorder [flute], at ako ang tagahawak ng notes para sa flute at ng mga cellphone na pang-record. cool ung pag-aarrange ng notes ng flute. kaso nga lang halatang-halata pag nauubusan na ng hininga. nauna nang umalis si ate kitel. natira na lang kami ni ate oan dun habang hinihintay si mami. pinakain kami ng mga misyonera. hehe. masarap ang crackers. masarap ang singkamas. masarap ang malamig na tubig.

nov 9. papunta na sana ako sa medchoir nung hapon. kakatapos ko lang maligo at halos kakarating lang ni ate oan galing sa enrollment niya, tinanong niya sa akin, "hindi mo ba alam?" ako naman, "huh?" "patay na si lolo." "ehh?" hindi ko talaga alam kung paano ako magrereact. pinabihis niya na ako at pumunta kami sa national kidney institute [nki...dun nilipat si lolo maning nung friday] kasama ung caregiver ni lolo. pagdating namin dun, nakaupo lang si lola auring sa upuan, malungkot. "wala na." andun din ung pinsan ni dadi. sa loob ng kwarto, wala si lolo. si dadi at mga gamit na lang ung andun. na-cardiac arrest daw si lolo. 20 mins na binigyan ng chest compressions pero wala na talaga. :( dumating din sina tita norms, tito joel, at mami. usap-usap tungkol sa mga pangyayari, burol at libing. hindi na ako nag-medchoir. ipinamahagi ko na kay ate kitel ang bad news. napakahirap i-phrase. iningles ko pa. kumain kami ng mga natirang pagkain...vietnamese noodles, ponkan at dalandan. tapos, umuwi na kami. pagdating namin nina lola, sa bahay, niyakap ni liz si lola. nakakatouch. hindi man lang namin nayakap ni ate oan si lola matapos ang pangyayari. hindi talaga namin alam kung pano magreact. nakakaguilty. nakakainggit si liz. sana niyakap ko rin si lola. :( pumunta na sina mami at dadi sa nki tapos sa batangas.

nov 10. pumunta ako sa upm para ayusin ang enrollment ko. nung 1:30 pm na, kinuha ko ung pe at kom classcards ko kay anna sa our. tres ako sa pe. tres. tres. tres. tres. tres. T_______T hindi ko na napansin ang uno ko sa kom na 6 units. tres kasi ako sa pe. tres. treeeeeeees. lowest grade in my liiiife! waaah... buti na lang talaga hindi un counted sa gwa. kinuha ko na ung natsci classcard ko tapos pinaphotocopy ang classcards at gmc. pumunta na kay maam becky at pina-cancel ang ilang mga bayarin sa tuition. mula sa 27k++, naging P59.50. yey! nagbayad na ako sa cashier, nagpa-certified true copy ng classcards sa cm, nag-8 pcs takoyaki sa kidomanga, nagsundae sa ministop kasi sobrang napaso ang dila ko sa takoyaki, nag-popsicle at bumili ng extra strong mint tictac sa 7-11, nagmedchoir, at umuwi sa qc.

nov 11. last day na ng sembreak. plano ko sana talagang magpiano kaso hindi na natuloy. nanood lang ako ng ova ng nodame cantabile, nag-ayos ng school stuff at condo stuff, nag-internet, naglinis ng kainan at nagpakain kay bunsoy. wala na palang birdseed ung lovebirds namin. tinataob na naman nila ung kainan nila. sorry. ubos na talaga ung birdseed. dapat magpabili na kay dadi. pero busy pa siya. basta. marami akong inatupag. 2 na ako nakaalis sa bahay dala ang isang malaking backpack. pumunta ako sa manila. cashier muna sa faura para magbayad para sa classcard thingy. tapos, cm sa pedro gil para kunin ung classcard thingy. tapos balik sa faura para ibigay ang scholarship requirements kay maam becky. nakakapagod talaga. anlaki at ambigat pa ng dala kong backpack. pero sa huli, natapos na sa wakas. aabangan ko na lang kung kailan ilalabas ng cs [college secretary] ang tcg. 1.337 nga pala ang gwa ko [yata]. naks naman. kahit tres tres tres ang pe ko na hindi naman kasama sa gwa, antaaaaaaas! yaaay! mukhang US ako ha. yippeedoo! pabalik sa condo, nag-kfc muna ako. sa buong 1st sem nga pala, walang isang linggong lumipas nang hindi ako kumakain sa kfc. bwahaha. pagkatapos mag-kfc, bumili naman ako ng fillers sa national bookstore saka umuwi. bibili sana ako ng isaw kasi matagal na o hindi pa ako nakakatikim ng isaw. pero bukas na lang siguro ako mag-iisaw. hehe. anyway, andito na ako sa condo. may pasok na bukas. sana maging maayos at masaya ang 2nd sem. malapit na rin nga palang magPasko. PASuKan na rin bukas. haaay. babalik na rin dito sa pilipinas ang mga father's side tito at tita namin sa us para sa burol at libing ni lolo maning. lolo, mamimiss ka namin. wala na kaming lolo sa mother's side, ngayon naman sa father's side na rin. :(


4:06 PM