Tuesday, November 03, 2009
kkkkkkkkuuuuuuuuwwwwwwwweeeeeeeennnnnnnnttttttttoooooooo
mahabang kuwento. nyee. ang korni. grabe. basta. ito ang PINAIKLING version ng mga pangyayari sa buhay ko sa buong 1st sem ng buong 1st year ng aking college life. ibubuod ko sa abot ng aking makakaya. pero malamang mahaba pa rin...
simulan natin sa june 21. [kitams? mahaba talaga 'to.] father's day. ginawan namin si dadi ng fathers' day card sa computer. tapos pinrint ni ate oan at un na. simpleng-simple. bumalik kami ni ate kitel sa condo nung gabi. naiwan ko ung triple-checked math hw ko sa kotse. great. buti na lang inupload sa groups ung worksheet. kaso nga lang, kulang ung inupload. tumawag pa ako sa bahay para ipa-dictate kay mami ung problems. sets pa ung lesson nun. natuwa ako sa pagkakadictate ni mami. hehe. tnx po. :D pero...the next day...due dapat ang math hw na un. pero absent si sir mong. T_____T aun. walang kwenta ang pagpapadictate ko kay mami. dinala niya sa condo ung hw kong naiwan sa kotse. at un na ung pinasa ko the next day. labo.
june 23. dahil walang pasok ng june 24 dahil sa manila day, bumalik ako sa qc. nag-attend pa ako ng cherubs rehearsal. nagulat nga sila nung andun ako. hehe.
june 24. walang pasok. manila day nga eh.
june 25. may annual freshmen quizbee. representatives ng imed sina patti at vincen. grabe. ang galing nila. champion! tapos tapos, nakakuha ako ng flapjacks gift certificate. yehey! pero di ko naman nagamit.
june 27. pumunta ang buong pamilya sa batangas. bday kasi nina lola auring at raymond.
june 28. ang inakala kong 1st sunday na hindi ako makakapag-religious practice. di ko kasi alam kung saan ang simbahan na malapit sa condo. panic mode ako. buti na nga lang nabigyan ako ni ate kitel ng matinong directions papunta sa simbahan.
june 29. sandwich party. kahit hindi ako pumunta, nakakuha ako ng bk. may dalawang bote pa kami ng nusica [choco spread]. salamat ate kitel! :D
july 1. medchoir open house. pumunta kami nina gee-ann, cel, alexeis, anna, at maddie sa paz men. may kantahan, at cyempre, kainan. yehey! ang gaan-gaan ng feeling, ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo. alam mong 'di ako magsasawa, dahil ang gentle mo naman...
july 2. medchoir audition. mga LU III yata ang mga kasabay ko. walang kasabay na kaklase. gusto ko kasing makauwi nang maaga pag friday [july3] kaya sa audition day 1 na ako pumunta. hmm..."hangad" ung kinanta ko. andami nga palang may kilala sa akin sa medchoir bilang "baby kitel". magaling. tapos may vocalization para malaman kung ano ung tone range. lumagpas ako sa keyboard. :)) may intervals ding kinanta. ung parang do-mi-sol etc etc. onga pala. dumaan ako sa landbank para maayos na ang atm ko para sa oble stipends. pero nagpaphotocopy lang ako ng id tapos closed na sila. haaaay...kaya bumalik pa ako the next day. nakuha ko na ang atm ko. yehey!
july 9. yeah. week after. hehe. may lt sa histo. disaster. un lang ang masasabi ko.
july 10. handog. search for mr. and ms. freshie...sa gab roofdeck. "imed kami, eh ano naman kayo?" yabang to the max! candidates namin sina trish at jio. kasali rin si baham. naka-place sina trish at jio. pero nakalimutan ko na kung anong place. sorry naman.
july 12. verbum dei youth pilgrimage sa white cross, antipolo. kasama kami ni ate oan. maganda dun. isang malaking stations of the cross. kaso nga lang bawal magpasok ng kahit anong pagkain o inumin. bawal din magpasok ng camera.
july 13. 1st ever medchoir rehearsal. :D di ko nga nasigurong pumasa ako bago nito eh. wala kasi akong natanggap na text message kung pumasa ako. pero malamang pumasa nga ako kasi kasama nga ako sa rehearsal. medchoir na rin sina anna, gee-ann, jasper at alexeis. medchoir din si kuya tristan. buddy!
july 17. walang pasok kasi may bagyo. eh pag may bagyo sa manila, todo-todong baha na sa taft. haaaay....
july 20. natanggap ko ang unang [or not?] bday greeting mula sa block 13. salamat sa pagpapaalala, jio! :D
july 22. muli, walang pasok. wala raw kasing nstp at ipc. pero may meeting ang medchoir trainees.
july 24. walang math at kom. therefore, natsci lang ang klase. hapon lang. yehey! bday ko the next day kaya ok lang sana sa aking manlibre nang bonggang-bongga. pero walang nagpalibre. nakatipid pa ako! bwahaha! pero sana nga may nagpalibre. pero sana wala. ewan. nung gabi, pumunta kami nina ate kitel + some 2013 people sa rob. dun kami nagdinner sa chowking...ang aking last 16-year old meal na lauriat...at 9:30, nanood ng harry potter. cyempre late na natapos ung sine. bday ko na. sobrang dilim na sa rob. halos kami na lang ung tao dun. sobrang exciting na experience!
july 25. happy bday to me! malamang, sina ate kitel at ate nikka [kasama namin sa condo, kabatch ni ate kitel] ang unang bumati sa akin nang personal. tumawag din si mami sa telepono nung umaga para batiin ako. cyempre may nagtext din...kay mami pa rin galing ang pinakauna. nagtext din sina kuya tristan, arn-arn, at angge. may mga nag-im at naggreet sa plurk at multiply, na hindi ko na malista. sorry naman at tenkyu tenkyu! may wedding gig sa medchoir. plano sana ni ate kitel, wag na pumunta kasi bday ko nga. mags-swimming din daw sina liz. pero pumunta pa rin kami dahil sa akin. hehe. nagmeet sa medlounge, practice practice. tapos bumili kami ng pagkain sa jollibee sa rob. nilibre ko ng sundae sina ate joan, ate kitel, anna, at gee-ann, at peach mango pie para kay jasper. ayos. inalala ko pa. hahaha. nasalubong nga pala namin sa rob si cel. tapos si alexeis. wala lang. sa medlounge kami kumain at pumunta na sa simbahan kung saan ako nagpa-confirm. may lahing chinese yata ung kinasal kaya nagch-chinese ung pari paminsan-minsan. nakakatuwa. basta, un ang 1st ever medchoir gig ko. pagkatapos ng wedding, magme-merienda pa sana kaso nga lang gusto na namin ni ate kitel na umuwi para makapagcelebrate naman ako with the family. aun. umuwi na kami sa bahay. seventeen ang regalo nila sa akin. ung seventeen ng magazine cover. hehe. basta. lalagyan ko na lang ng pic dito sa susunod.
july 26. matagal ang celebration ng bday ko. hehe. nanlibre pa ako ng dark chocolate sundae ng ministop kina ate kitel, ate oan at liz. bumili pa ako ng bagong mga pamaypay sa st. peter. kaya andami ko nang pamaypay! blue, violet, pink, at red! yippeedoo!!!
july 27. sona. walang pasok. yehey!
july 28. morning of a class day kami pumunta sa condo. ang galing. hindi night before class day. wala lang. naaliw ako.
july 29. nag-pgh tour ang imed sa nstp. nakita namin ung emergency room at ung loob ng ambulance. pinakita rin sa amin kung ano ung ginagawa kapag may naaksidenteng irerescue...si jio ung "naaksidente". ang galing. nai-immobilize talaga ung nirerescue.
aug 3. naki-sit-in si paeng sa math namin. naki-long quiz cya. hehe.
aug 5. walang pasok para i-commemorate si tita cory. :( buti na nga lang walang pasok. nakapagreview ako ng histo.
aug 6. rain rain rain. lumusong ako sa baha. yakk. maganda naman ang performance ko sa histo lt. dapat lang. antagal kong nag-aral eh. walang math. hindi dumating si maam joson sa kom. may dalang teargas si allie for self defense use only. pero nagspray nun si terence sa small closed airconed kom room. magaling. lumabas kaming lahat nang nag-uubuhan. parang naulit ung incident sa research lab nung "sumabog" ung capsaicin nina jill. :)) hindi tuloy makapasok ung next class doon. dahil nga pala malakas na ang ulan, pinostpone na lang ang klase. cancelled na ang math depex.
aug 9. pumunta kami sa batangas. 90th bday ni lola charing eh. cyempre, celebrate celebrate!
aug 11. nagalit sa amin si maam flores sa pe...sobrang misbehaved daw ang klase namin. "isa na lang talaga, id-drop ko na kayo." id-drop na talaga kami. buti na lang nakatiis pa siya sa kakulitan ng block namin. nag-sit-in nga pala si sir mong aka ronald sa kom namin. hindi cya nakilala ni maam joson. :))
aug 15. part 2 yata ng bday celebration ni lola charing. sa pag-asa naman. nagcommute kami ni liz papunta sa mcdo at nagmerienda doon. nakita namin si joem. hehe. tapos, pumunta na kami sa pag-asa at naki-party.
aug 16. may 8:30 mass sa ever tuwing sunday. doon kami nagsimba. pagkatapos ng misa, pinilit namin ang jollibee na magbukas. hahaha.
aug 19. qc day! walang pasok...sa qc. :| muntik na akong umalis ng condo ng 8:30 kahit na 8:30 ang klase namin. magaling magaling magaling. buti na lang natauhan ako. hahaha. may mini-churon reunion sa max's sa rob. kaso nga lang antagal dumating nung order namin kaya hindi masyadong naenjoy ang pagkain. kasama dun sina sir kent, dem, ange, jut, pao, jer, manzo, oj, maynard, at kaklase ni dem.
aug 20. pagkatapos ng klase, nagcommute na ako papuntang pisay para kunin ung 1.5k ko sa pisay galing sa pagiging 3rd place ng aming website sa gvc. whoopeedoo! tapos, pumunta ako sa trino. nagfoodtrip kami ni ate oan. hehe.
aug 21. walang pasok dahil death anniv ni ninoy. nanood kami nina mami, dadi, at ate oan ng choir competition sa ccp. kasali kasi ang medchoir. folk music ang kinanta. ang galing ng lahat ng choirs!
aug 24. nung umaga, pagpasok sa histo room, walang ilaw. andilim. grabe. tapos nag-surprise lt pa kami. panalo. pero ok naman ang nakuha ko :D
aug 26. there's no such thing as free lunch? may free lunch naman sa msc. wala lang. :P
aug 30. verbum dei family day sa nayong pilipino. grabe. kailan pa napunta sa pampanga ang nayong pilipino? masaya mag-sight seeing. hehe. kasama nga pala kami nina mami, dadi, ate oan at liz. hmm...nung hapon, bago umuwi, dumaan muna sa betis at bacoor. aww...memories of cherubs. dumaan din sa fontana. churon memories naman. hehe.
aug 31. wala na namang pasok. national heroes' day kasi.
to be continued. weehee.
10:07 AM