may nakalimutan nga pala akong banggitin dun sa 'hatid ng aking bigating long-term memory part 5'...nung pumunta kami sa kamayan, kumain nga kami ng sushi. cyempre, may chopsticks. tapos sabi ni dadi, mas magaling pala akong mag-chopsticks kaysa kay mami. wahaha. wala lang.
june 14 [ulit]. sunday. mga 4:30pm kami umalis ng bahay nina ate kitel, mami, at dadi. lahat ng mga damit at school stuff ko, nakalagay sa isang napakalaking maleta. ung pang-abroad. wahaha. mukhang next year pa ulit ako uuwi ng bahay. XD nag-ayos kami ng mga gamit sa condo. pag-alis nina mami at dadi, aircon at laptop na agad kami ni ate kitel. wahaha. paradise. dito rin kami sa master's bedroom natulog nang magkatabi sa kama kahit na may sariling kama si ate kitel sa kabilang kwarto. para raw may kasama ako. [aww. ang sweet naman...pero kami rin naman ang magkatabi kahit sa kwarto namin sa bahay eh. :P ]
june 15. monday. 1st day of classes. daily routine ko na ang paggising ng 5 am, pag-aayos ng school stuff, pagligo, pagluluto at pagkain ng agahan, at pagco-commute sa kungsaanman. sa buong 1st week, hinatid ako ni ate kitel sa upm. hindi kami naligaw. duh. wahaha. wala naman masyadong aksyon nung 1st day. dalawang klase lang naman ang pinasukan ko: histo at math. prof namin sa histo si sir arnold esguerra. ang masasabi ko lang, sobrang dami naming natutunan sa kanya. nakaka-information overload. tapos, tuwing may mahabang break sa umaga, cyempre hindi pa bukas ang rob kaya sa medcaf na lang kaming lahat tumatambay. teacher naman namin sa math si sir mong. pagkatapos ng math, dahil may program sa upd para sa mga oblation scholars, umalis na kami anna, patti, vince, jio, jereel, billy, jasper, at manzo. nakisabay kami ni patti kay anna. ang aga naming nakarating sa qc. naglunch muna kami sa jolibee philcoa saka lang pumunta sa executive house. kaming tatlo + nanay ni amag ang unang-unang dumating dun. haay...antagal na talaga since huli akong nakapunta sa executive house. as in soooobrang tagal na...nung bday ni alaya nung elem days pa. hehe. so un. marami pang ibang dumating. on time naman yata nagsimula. isang table ang para sa pisay girls at isa pang table para sa pisay guys. hehe. magkakasama kaming lahat. may talkies tungkol sa statistics ng mga nakaka-avail ng scholarship. karamihan, galing sa science high schools. meron ding by birth year, birth month, at zodiac sign din! bwahaha! basta. maraming numbers. :P nag-speech si patti saka ung tatay ni vince. may awarding ng maliliit na certificates galing kay president roman...cyempre, may pictures. kasama ko si mami, pres. roman, at chancellor ramon arcadio sa pic. hehe. gusto ko ngang makita ung pic sa up newsletter. cyempre, may kainan din. [pero wala nang crispy spinach na kinain namin nung bday ni alaya. hehehe] pagkatapos kumain, naghiwa-hiwalay na ulit. kay patti naman ako sumabay papunta sa manila. kasama namin ung parents niya saka mga kapatid. sumabay din sa amin sina ram, anna. at bumalik na kami sa manila. the end.
part 2 na. pero mas nauna ko ung i-post kaysa dito. hehe. part 3 sometime this week. i hope. pero para sa pinaka-recent updates [yakk. parang balita ha...], plurk na lang. http://plurk.com/kesiburesi. :D