image
kesi's blog
image image image image
Monday, January 26, 2009

walking backwards. [january 2009]


simulan natin sa pinaka-recent...paatras...hehe.

pero, for the most recent updates, click me.

prom, ymsat days 2-5, and retreat to follow.

jan 26. simula ng ymsat week. flag cem tapos may program sa gym. napagana na ni neon ung zoopraxiscope [p6 proj] namin pero medyo malabo ung image na nap-produce. minsan di gumagana ung motor. minsan sobrang bilis. wahaha. pero ok lang. at least may grade na kami :) nag-ribbon cutting na ng str exhibits tapos pinapunta kami ni maam yazon sa astb-avr para makinig sa talk ni mr. cristobal [?]. tapos, manning ng str exhibit. antagal dumating ni cyd sa poster namin. :| hindi na ako masyadong nakapag-aral para sa p6 quizbee. nung hapon naman, p6 quiz bee na nga. electron group: ako, neon, neil. medyo nakakasagot naman ako. medyo lang. sobrang nakalimutan ko na kasi ung mga p6 topics dati. waah. mali naman kapag nag-smart guess ako. :( ayun. last place kami. fifty something points. haaaay... tapos, nung hapon, gusto ko rin sanang tingnan ung partial solar eclipse. pero maaga kaming umuwi. cloudy pa kaya kahit dito sa bahay di ko pa rin makikita. aww.

jan 25. nag-aral ako para sa p6 quiz bee. pero 4th year topics lang pinag-aralan ko. hindi pa thorough. sorry electron. pumunta rin nga pala kami sa verbum dei. may misa, games, at kainan. hehe. masaya ring mag-continuous shots. :D

jan 24. "maaga" akong nagising. mga 6:30 am or so. pero masaya ako dahil halos naka-8 hours of sleep ako di tulad nitong mga huling araw. haaay... masaya nga palang manood ng ploning. malungkot ung story pero aliw ung pag-arte. ang galing talaga. kahit ibang dialect ang ginagamit, nae-express pa rin ng artists nang mabuti. may bago na rin akong smilies sa plurk. hehe. as of 6:44 am, 33.06 ang karma ko. may bago na rin akong smilies! yippeedoo!

jan 23. napakalabong araw. di ko alam kung magsasaya ako o magluluksa. nung umaga, sa comsci, buong period kong sinubukang mag-login sa plesk pero ayaw talaga. ambagal pang magdownload ng flash. tapos, p6. tinanong ako ni oj, "oble ka ba?" huwaat?! may listahan na? since nakasmile lang ako as usual, sabi niya, oblation nga siguro ako. ok. balik sa p6. hindi napagana ni neon ung motor. nasira ko pa ung disc ng zoopraxiscope. muntik nang masira ung photocopy machine nina ate roxy dahil sa maliit na piraso ng acetate ko. sorry po. :( ayaw na nilang mag-xerox sa acetate. dahil dun, parang banned akong dumaan sa front lob buong araw. >< nung str, masarap tumunganga. nagpa-check kami ni quilab ng str poster. buti na lang maayos na daw ung gawa ko. konting adjustments lang. yaay! edit-edit at ayos ng sked para sa buong week na manning ng str exhibit. :| grabe un. tig-7 hours yata kami sa group. o___o bawal pa raw ung entertainment devices. haaay. ayun. habang str, inannounce ni jejo ang oblation scholars. isa ako dun! yaaaaaay! pero hindi agad ako naniwala hangga't hindi ko pa nacoconfirm for myself. intarmed candidate din ako. halaaaa...mbb or intarmed?
ewaaaaan! dahil sa pagiging oble, maraming gustong makihigop ng talino. sabi nga ni quilab, "ces, di pa ba sapat ang 2 years na pagiging magkaklase natin para may masagap man lang ako sa talino mo?" toink. buong str at ub, andun lang kami sa str room. maikli lang naman un kasi shortened pds. umaasenso ang dugo sa bukang-liwayway ko. :D pinacheck ko rin kay ate kitel ung upcat results pero antagal bago niya nakita ung txt ko sa kanya. tapos, eng na. nag-announce lang si sir tungkol sa essay. tapos, p6 project. ayaw pa ring gumana. sumusuko na ang groupmates. nooo.... don't lose hope... nagkwento naman si sir monty tungkol sa scholarship meeting. halos half daw ng batch, may bagsak. ako, malinis. yebah! hindi ako bagsak sa econ! naghahanda pa naman ako sa isang 2.75 sa card ko. pero kailangan pa ring pagbutihin ang pag-aaral. tapos, sabi ni sir, "frances, why are you so quiet? balita ko, galing ka sa upis. ang contradicting." ayy. madadaldal pala ang mga upis ayon sa mga pisay teachers. hala... pero sa bagay. may pagka-madaldal naman ako sa upis eh. heehee. ewan ko lang kung bakit naglaho ang lahat na parang isang bula. haaaaay...tapos, walang chem. halos wala na ring bio at wala talagang cat. kinuha ko kay dadi ung materials para sa p6 proj sa caf. nagbasa ako ng dugo sa bukang-liwayway [tawagin na lang nating dubuli], kumain, uminom, naglibot. dala ang pinabili kong wax paper, nakasalubong ko si neon. sabi niya, suko na daw sila ni jut. kahit anong kalikot ang gawin nila sa motor, ayaw gumana. naisip ko, goodbye 15% of my p6 grade...pero sabi niya 5% daw. ewan ko ba. basta. hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil sa pagiging sobrang stressed at sobrang gc. wag ka mag-alala, neon. hindi ka bully. :) pero, ewan. basta kailangan ko na lang na pagbutihin lalo ang pag-aaral para at least ma-retain ko ung 1.75 ko. [ang gc talaga...] nung hapon lang nagreply si ate kitel sa txt ko sa kanya: "Haha. yabang mo kikay bonbon! Oo nakapost! Manlibre ka hahaha. At kung magimed ka mgbasa ka na ng makakapal na libro. ü" hala...ayokong magbasa ng makakapal na libro. pero kahit naman cguro mbb ako, makakapal na libro din ang babasahin ko. well, that's life. later, nagtext si mami. sabi niya nga, "Congrats, anak! Grabe oblation ntarmed ka! Ang galing! Thk d gud LORD!" pero naisip kong p6 grade ba ang kapalit ng pagiging oblation-intarmed? haaay. pabalik sa front lob, nakasalubong ko si dadi. proud na proud sya. heehee. pinagyayabang niya na ako ang 3rd oblation scholar & intarmed candidate na anak. woot. may tatalo pa kaya sa strike 3? malay natin mag-oblation-intarmed din si liz after 4 years. hehehe. pero pero pero, namomroblema talaga ako. intarmed o mbb? si ate kitel kasi nag-imed. si ate oan, nag-concede. comsci na lang cya. eh ako? haaaaayy...help me decide.

jan 22. hay-naku-pumasok-pa-ako day. boring day. sobrang wala talaga kaming klase. may scholarship meeting nung umaga. tapos puro announcements o kaya walang teachers o kaya mabait ang teachers nung hapon. wahaha. pero boring.

jan 21. nag-icecream kami nung econ. bday ni sir vlad eh.

jan 20. bumili na si ate oan ng bagong cellphone. sony ericsson. pumunta cya sa pisay para ibigay sa akin ang cellphone ko at ipakita ang "bago" niyang cellphone. may gvc overnight dapat. pero hindi na ako nakasama. gusto kong makapanood ng tv eh. pero nakatulog lang ako. late na kasing nabasa ni maam andres ung text ko sa kanya. haaay...sayang talaga. pwede rin sana akong makaranas ng pagtulog sa dorm kung sakali.

jan 19-23. super busy ako sa paggawa ng str poster at sa pagpapanic dahil sa p6 project

jan 19. disastrous ang bio quiz. nakaka-discourage mag-mbb. oyeah. andaming mbb sa batch. halos kalahati ng lahat ng mage-mbb, pisay. 7 yata dun, electron. ahyy. balik sa bio quiz. madalas kasi akong nah-half-asleep sa bio. ansarap kasi ng aircon. wala tuloy akong masyadong naiintindihan. 1.75 na lang ako sa bio. 1 step lower each quarter. :(( tapos, may surprise quiz sa eng. super disastrous talaga...waaaah...my grades will suffer...[gc! gc! gc!]

jan 18. binisita ng buong pamilya si lola charing sa capitol medical center. nadapa kasi cya tapos nabalian ng balakang [yata]. soo...pagdating sa ospital, congrats congrats! pero sabi nga ni tito lito, "expected naman". well, hindi naman sa nagyayabang ako pero true. mataas naman ang passing rate ng pisay. kumain lang kami dun ng yummy yummy food kasama ang mga tito, tita, at pinsan, at cyempre si lola. tapos, umuwi na kami at "nagsipag". nung mga 4:30, ininvite ako ni julius na magplurk. hehe. http://www.plurk.com/kesiburesi. onga pala. sikat na sikat na si bebe gandanghari. "rustom is dead!"

jan 17. 4:30 am, ginising ni mami kaming magkakapatid. may upcat results na! pasado ako sa mbb! yaaay! ansaya-saya! tapos, cyempre gusto kong ipagpatuloy ang mahimbing na pagtulog ko. pero hindi agad ako nakatulog ulit. mahirap magrelax kapag sobrang saya. hindi makakatulog agad kung hindi relaxed. naisip ko, pano na kung intarmed ako? mbb o intarmed? mag-ooble kaya ako? nanood kami nina ate oan at ate kitel ng ploning. hinihikayat pa kami ni ate kitel na manood ng slumdog. the wonders of torrent...

jan 16. quadruple str period. double period kasi kami sa str tapos may ub pa. soo...ginawa na namin ang phase 2 ng research namin. nagdala na si cyd ng katapa or something. basta. andami namang namatay na sa lalagyan niya. unti-unti silang namatay. salamat kay dianne sa pagkuha ng mga patay na isda at sa paglalagay sa kanila sa loob ng beakers. salamat din kay michiko para sa pagp-picture ng mga patay na isda. hehe. nilagay namin ung ibang mga isda sa tubig na may salicylic acid. nagtalunan sila galing sa beakers. grabe. violent reaction. kapag binabalik sila, talon ulit. paulit-ulit hanggang sa namatay na sila. aww. nabalutan sila ng white film. aww. pero pero, pinabili ako nina quilab at cyd ng manila paper/cartolina sa caf. aun. bumili ako. pagbalik ko sa str lab, nag-uubuhan na sila. may mga fumes daw galing sa sumabog na soxhlet extractor. dedma lang ako. deep inhale. wala naman. pero paglunok ko, aaaaah! ansakit sa lalamunan. nakakaiyak. parang nakalunok ka ng napakaraming chili powder. umubo na rin ako tulad ng iba. pinalabas na kaming lahat papunta sa corridor. galing ung fumes sa experiment nina jill. capsaicin...sili extract. nag-evaporate na kasi un...solute nila. hindi naman sumabog ung soxhlet. pumunta kami sa str unit pero cyempre kadugtong nun ung str lab. evacuate! evacuate! pinalabas kami ng building. id-dome na ang pisay katulad ng sa simpsons para hindi makalabas ang capsaicin! xp binlock ang str corridor. sarado na ang str room. kawawa naman ung mga nabubuhay naming isda doon. inuubo na rin kaya sila? may mga daga rin doon para sa experiments ng ibang tao. inubo kaya sila? haaaay...naiwan pa dun ang bag ko. bumili pa ako ng lunch sa caf. may quiz pa sa eng. hindi ako nakapagreview kasi andun din ang readings ko. anubayan. halos end of 2nd ub na pwedeng pumunta sa str lab. patay na ung mga isda...kahit ung sa walang salicylic acid. nakuha ko na ang gamit ko, kumain ng sandwich paglabas at nagreview para sa eng.

jan 14. diffraction grating expt sa physics. sobrang nagpanic ako kasi wala ako ng groupmates. wala si jut nung comsci. nasa singapore si neon. wala akong laser. wala ring cd. sabi ni maam torralba sumama na lang ako sa ibang groups. pero dumating naman si jut at nagawa namin ang expt. yaaay. [aliw ung reflected/diffracted/interferenced laser. hehe]

jan 13, 15. boring normal days...

jan 12. back to reality. nakakatamad pumasok kasi galing sa retreat. ang hyper ni sir monty. masarap pa rin ang buko tart. :d

jan 9-11. retreat. see next post. :)

jan 8. long test dun sa einstein and his inflatable universe. ewan.

1.75 ako sa eng! yay! 1.75 din ang physics ko! yay! pero nanganganib ang econ grade ko. oh no.

pero dapat optimistic. uhmmm...if ever 2.75 ako sa econ [which should be my first and last bagsak final grade], wheee! 1 step up na lang pasado na ako! [no need for these. pasado naman pala ako. :D ]

jan 7. back to school. gagawa kami ng mural sa viscom. kina-career ko naman ang design. tsk. magawa ko naman kaya nang maayos?

jan 6. wala pa ring pasok. pero may pasok na sa up. masarap mang-inggit. wahaha. :P dahil last day na ng bakasyon, nanood ako ng bruce almighty at evan almighty. hehe. ansaya. nag-agawan din kami ni ate oan sa pagbili ng cellphone. bumili na nga ako ng bagong cellphone dahil ayoko nang magtiis sa lowtech cellphone ko. hehe. bumili ako ng nokia 6120 sa ever. kasama ko nun si ate oan. pagkatapos namin bumili, pumunta na kami sa cherubs. hehe. masaya naman ako sa bagong cellphone. :) [oj, hindi ako binilhan ng parents ko ng cellphone dahil oble ako. halos 3 weeks na 'to nung napansin niyong "bago" ang cellphone ko. wahaha] bumili nga rin pala ako ng cellphone dahil ayokong wala akong cellphone pagdating ng retreat.

jan 5. wala pang pasok sa pisay. hehe. ansarap inggitin si liz. nung hapon, pagdating ni liz galing sa school, pumunta sila ni dadi sa dentist. tapos, pinasunod ako ni mami kaya nagcommute ako papunta dun [ang ewan talaga. nung nag-mrt ako, sa shaw ako bumaba imbis na sa boni. akala ko sobrang nakalimutan ko na ang daan nung nasa shaw ako. >< ] so un. nagpa-pasta si liz at nagpa-adjust ako ng braces. dumating din nga pala si mami nun. tapos, pumunta kami sa mcdo at nag-happy meal kami ni liz! yay! [isip-bata. ^^ ] tig-isang mcdigi kami ni liz. sa kanya, high jump. sa akin, basketball. hehe. ang cool nga eh. touch screen-ish. XD tapos, umuwi na kami.


4:34 PM