image
kesi's blog
image image image image
Monday, December 01, 2008

week with a very ugly day.


nov. 24: something that starts with k. sorry talaga sa nabunot ko. wah. may math hw. nag-cram ako ng pagmemorize ng (insert thing i don't want to remember here) na hindi naman natuloy. minimum wage meals. corned beef sa umaga, fried tilapia sa tanghali [kami lang ang hindi singang...], at sinigang sa "gabi" [hapon]. un lang.

nov. 25: may econ makeup sa hapon para double-period ang math lt sa shortened-pd thursday. nagcram [actually, minadali at hindi super crammed] ng chem labrep na hindi pa pala due. haaay...matapos ang econ [at kulitan kay sir vlad tungkol sa akin] at pamimigay ng chocolates na bigay ni guan yu at picture-taking, tinapos ko ung drawing ng revised elechuron na may "featuring chew guan yu aka chris chew". hehe. inupload ko na rin ung pics sa folder ng elechuron pics. pumunta ako sa ever para bumili ng tshirt ni guan yu by request ni neon. ayun. pero expressions muna para bumili ng bagong retractable pilot black ballpen kasi nawala na naman. hindi naibabalik ng humihiram. grr. ayoko nang magpahiram sa mawalaing tao. halos P50 din yun. congee. :c bibili rin sana ako ng squeegee para sa silkscreen pero out of stock. paikut-ikot ako sa department store, naghahanap ng big blue men's shirt na pasok sa budget. nung may nakita na ako, nagtanong sa isang guy ng medyo smaller size pero wala daw. tapos, may isang babaeng saleslady. pumunta ako dun sa area niya pero walang blue shirt na gusto kong size. black shirt na lang ang kinuha ko. tapos tinanong nung babae, "ireregalo mo?". parang alam ko na ang iniisip nung saleslady. wah. napakibit na lang ako ng balikat. [parang long time ago lang...sa pizza hut...tinanong sa akin nung waiter, "may kasama po silang lalaki?" 'o' ] matapos makabili ng shirt, pumunta naman ako sa greenwich at nag-bigtime meal. hehe. naglakad lang ako pauwi. pagdating dito sa bahay, nagprint na ako ng shirt ni guan yu at ni timmy. hehe. tapos, nagmemorize na ulit ako.

nov. 26: ugly day. grr. useless memorization. grr. grr. dahil sa kapangitan ng araw na ito, umiyak ako. aww. nakakaiyak talaga kapag gc ka at instant bawas sa grade ang nasa harap mo. :'c kaya nagpakanerd na lang ako sa front lob. notes sa p6 hanggang elective time. last day na ni chris [guan yu] sa pisay kaya binigay na ung shirt at drawing nung p6. nakaka-mindblock ang econ quickie. nung hapon, nag-spectrophotometer kami ni cyd ng set-ups sa str habang nagch-chits stuff ang finance comm including quilab sa str room. tapos, nagcommute lang ako. dumaan ako sa kfc at nagsnack box. cyempre naman...daanin sa kain ang ugliness ng araw. pero dagdag ugliness pala ang kfc. cyempre...nung nagrerefill ako ng gravy, nung pabalik na ako sa table, kinukuha na nung waiter ung pagkain ko. wah. di man lang niya ako napansin. sayang ung fries at mountain dew kooo... bad day. ugly day. very very very ugly day.

nov. 27: shortened pd. double-period math lt. nagdiscuss na rin si sir petri. tapos "preparation" para sa fair. umulan naman. nag-str kami. nagcommute lang ako pauwi dahil gusto kong mag-enjoy. gumawa pa ako ng arrows ng kara-ok.

~~~~~~~~~~~

nabalitaan ko lang. ngayun-ngayon lang. naaksidente si tintin timbang. hindi ako mapakali. grabe. batchmate. wah. kahit hindi kami close, let us pray for her soul. malapit pa namang mag-xmas. grabe. ayon kay neon [at kay ate marie 07], naka-smile ang moon. hindi masaya. wah. :c


3:17 PM