image
kesi's blog
image image image image
Friday, November 14, 2008

woah!


grabe! since nagblog ako tungkol sa aking lop, di na ulit ako nakapagblog hanggang ngayon! woahwoahwoah! halos 2 weeks unupdated ang blog sa buhay ko. ilang oras kaya ako magb-blog ngayon? [timecheck. 12:57 pm]

11/3: balik-shb. pero hindi pa rin pwedeng gamitin ang 2nd floor, 2 rooms sa 3rd floor, at music room sa 4th floor [weird.] bawal ring dumaan sa front landings. masaya na si sir vlad dahil pwede na ulit cyang magsabi ng "column-space". walang p6 kasi busy si maam torralba sa pag-aasikaso ng gradpic-taking. walang math kaya tumambay na lang ang mga tao sa astb hall at pinanood ang mga nag-aayos para maka-gradpic na. charm at electron ang assigned sections. earth ang element ko. pero wala talaga akong ideya kung ano ang pwede kong gawin. kaya naisip ko, ung suggestion na lang ni ate oan. dyosa. wow. tambay lang. naubos ang 1 week allowance ko para sa change hair and makeup at change background. huhuhuhu. nung inaayusan na ako, nilait pa ung buhok ko. sorry naman po. matapos magpa-makeup, toga pic na. pinuri naman ang smile ko. heehee. tapos, ermmm...nagtanong ng pwedeng isuot para maging earth-goddess-fairy-like-person. binigyan ako ng blue gown. sinuot ko tapos change hair and makeup at accessories [leaf-crown thing at earrings lang naman]. at picture-picture! mga 12 na yata ako natapos dun. mahirap magtanggal ng makeup. kinuha pa ni ate kitel ung panyo ko kaya kailangan ko pang bumili ng tissue. [pero ung iba, feel na feel ang hair and makeup nila. hehe] di ko na tinanggal sa ayos ang buhok ko kasi baka lalong maging magulo. blah blah blah. sa pe naman, D na ako. pero ayoko dun. bring me back to E!!! di ko man lang nararanasan ang pagkapanalo sa D. nakaka-discourage un. sobra. kaya eto ngayon, demoted to E. pero masaya :D :D :D .

11/4: wala pa ring math. [1:13 na. smores muna. hehe.] [yummy yummy smores! naka-4 ako! 5 to go! hehehe. grabe naman. 1:57 na.] dineathmask na ako. hehe. magandang experience. kaso nga lang nabunutan ako ng MGA pilikmata. ayyy... tapos mahirap din dahil madaling ma-dry ang lalamunan kaya mapapalunok ka by instinct kaso may plaster tape na ang leeg kaya baka madeform ung plaster. hala... may chem lt. 2 points na lang, perfect na sana. pero ok na un. hehe. may makeup classes pa nung hapon. regarding paskorus, sobrang nadisappoint ako kasi maraming hindi umaattend ng practice samantalang ako, pagka-hectic-hectice na nga ng sked, pinipilit pa ring gawin ang kailangang gawin. haaay. may cherubs na ulit sa ncuc. tapos balik-palma hall sa nov. 7 dahil may pasok na ang mga upis people. hehe.

11/5: nothing special. nilagyan lang ng pampatibay ang plaster molds ng death masks sa viscom. hindi mukhang bato ung akin. hehe. class picture taking din yata. binuhat si sir kent sa wacky pic. hehe.

11/6: p6 lt. math quiz. haaay. tapos nag-"classpic taking" kami sa viscom. hehehe. may pics sa multiply ni theia [click!]. pinakita rin ni sir kung ano ang kalalabasan ng death masks namin. may mga pampabaog stuff. resin, wax-sol, toner, at kunganu-ano pa. "mababaog ung 3rd person to your right." amazing. nung hapon naman, bigating practice ng 2nd voice sa cherubs ng "sa aking mga kababata". nakakabaliw. pero masaya naman dahil may natutunan ang mga tao sa practice naming yun. :D hindi na ako feeling solo sa 2nd voice. yehey!

11/7: maagang pumunta sa school suot ang 4th year batch shirt. sabi kasi 6:30 dapat nandun. pero umaambun-ambon pa nun kaya lagpas 7 na rin talaga nakapag-picture taking. pero sobrang saya talaga! may jump shots pa ang buong batch sa field! pero malamang hindi un sabay-sabay. hehe. gvc na talaga ako sa comsci. kasama ko na dun sina cyd, migs, at airah [?]. soo...gagawa kami ng website at ka-group pa namin ang ibang mga estudyante mula sa ibang school sa ibang bansa. cool. may progress na ang str namin nina francis at cyd. hehe. nagpa-excuse na kami nung cat para makapag-str. mga 5:30 na nga kami natapos sa paghahanda ng mga setups. wheee! phase 1 ng research entitled "the feasibility of salicylic acid as an algal bloom inhibitor in a eutrophicated aquatic ecosystem by simulating a pond ecosystem with one food chain". nosebleed na. late tuloy ako sa cherubs. aww. sa cherubs, binago ung ibang parts ng choreo ng we beseech thee. nagkagulu-gulo nga ang mga tao. isa na ako dun. ang kulit talaga ng boomchikaboom. hehe.

11/8: 8:00. pictorial sa cherubs. idy-dyaryo raw kami. wow. maagang gumising. pero tamad maghanda. ligo, kain, bihis, makeup. pagdating sa quezon hall, naghahanda pa ang mga tao. nag-ayos na rin kami nina ate oan at liz ng buhok at makeup. tapos picture-picture. sa likod muna ng oblation. tapos sa 2nd floor. tapos sa harap ng oblation. tapos malapit sa kalsada ng oblation. PERO dahil sobrang init nun, nung nagbibilang si tito robin ng "1...2...3..." hinintay kong makakuha na cya ng picture bago ako mahimatay. nagdilim na ang paningin ko nung nagbibilang na at pinilit ko na lang na mag-smile. ang weird siguro ng itsura ko nun. humiga lang daw ako nang dahan-dahan. tapos dinala ako sa van nina paulo at pinagpahinga. dumating si dadi at nagpatuloy sa picture taking ang iba. awww. hindi ako kasama. ipho-photoshop na lang daw ung mukha ko. hehe. pumunta kami ni dadi sa infirmary at nagpacheck-up ako dun. kinuhaan din ako ng dugo. ouch. narinig ko rin ang ibang mga btang tinuturukan doon. mga batang nagsisiiyakan at nagsisigawan. naalala ko tuloy ang nakaraan. hehe. nung naospital ako long ago, sinipa-sipa ko pa ung mga doktor na tinuturukan ako. anyway, low blood daw ako. mababa rin ang hemoglobin count. anemic. kasi naman...basta. iron supplement lang daw kailangan. habang nakahiga sa kama, nagtext si mami kay dadi. 1.62 na raw ang average ko. huhuhu. bumaba ng 0.1. meaning, a net of 5 units ang 1-step down ko. huhuhuhu. 2.5 sa econ. 2.25 sa math. nag-consult tuloy si mami. paglabas sa infirmary, andun na sina ate oan at liz, kumakain ng junkfood at umiinom ng shakes. sabi ni dadi, low blood ako. tapos, nung nakiinom ako kay liz, sabi ni dadi, baka magka-hawaan kami. wow. nakakahawa pala ang lowbloodness. peace! kaya naman sabi ni liz, "hala! mano-no blood ako!". bwahahaha! no blood pala ako. amazing, liz. ayun. umuwi na kami. pagdating ni mami sa bahay, nakita ko na ang card ko. mahaba-habang usapan kami ni mami tungkol sa econ. ~________~ un. ung grades ko, na-post ko na. ayoko nang ipost ulit dahil baka ma-frustrate ako sa kababaan. ito lang ung mga hindi ko nalagay: ung math, 2.25 from 2.0. viscom, 1.0 retain. comsci, 1.25 from 1.0. :( pehcat, 1.0, retain. nakakalungkot. eng lang ang tumaas sa akin.

???: [ewan ko kung kailan. basta isang araw, ] pakanta-kanta si liz habang nagcocomputer. "BAPIRELLIS MIRACLE ELIPSIR, MIRACLE ELIPSIR, POK!" basta ung isang song sa sweeney todd. grabe. hindi kami nina ate oan at ate kitel mapatigil sa pagtawa. hahahahaha!

[smores ulit. hehe. timecheck, 2:49 pm] [nagbabalik! 3:19]

11/9: 1:00 ang dost test sa pisay gym. buti na lang hindi ako nagreview. hehe. napakagaganda naman kasi ng mga tanong. karamihan ay abstract reasoning-like. may mga selb chok, choka, unup, rawang, siakit, sisingi stuff sa linguistics. nakakabaliw. may active at passive voice pang nalalaman ang imbentong language na yun. tapos, meron nga ung find the area of the shaded region na wala namang shaded region at describe kung ano ung nasa picture, greek letter, line and circle, button, traffic sign, ewan. anlabo talaga. dapat imaginative ka. isa pa, since walang snack break, cr break, etc., sobrang nagpipigil ako nun hanggang matapos na ung test. bwahahaha! nung tapos na ung test [at matapos mag-cr], tumambay na ako sa front lob at naghintay kina mami at dadi habang kumakain ng sandwich. hehe. tapos umuwi na.

11/10: nung homeroom, nag-usap-usap at bunutan na para sa kris kringle. cyempre, bakit ko naman ipopost ang codename ko dito? harharhar. ang corny ng nabunot ko. basta. may naisip na ako para sa something pinoy. hehe. *evil smile* nag-usap din tungkol sa bonding moments with "chris chew" XD hindi na tuloy nakapag-paskorus. tsk tsk. kaya nung hapon na lang kami nagpaskorus. yeah. talo ako ni jer sa badminton kaya demoted na talaga ako. balik sa E! yaaay! [weird diba? nagrerejoice dahil demoted?] speaking of paskorus, ayun. nagpractice ang mga boys kasama ako sa grhm. nung nag-alisan na ang mga tao, nag-one-on-one kami ni michiko. hehe. hanggang mga 6 yata yun. tapos, nagcommute ako pauwi...dumaan muna pala sa ministop at bumili ng fried mushroom siomai. bawal ang sharksfin. save the sharks! bibili rin sana ako ng chocolate sundae kaso wala na raw eh. awwwwwwwwww...

11/11: normal day. naglagay na kami ng resin stuff sa plaster molds sa viscom. double-period kami. nagpa-excuse sa chem. sobrang dumi ng palda ko. :( nabubuan ng mixture. andumi pa sa kuko. ang hirap tuloy magsulat sa notebook kasi dumidikit ung papel sa kamay. >< may makeup class pa sa math so dagdag pahirap pa sa pagsusulat. tapos, nagpaskorus kami sa grhm hanggang 3:20 at lumipat sa backlob. practice practice. tapos, naiwan na lang ang mga mag-oovernight/practice dito sa bahay [ange, mae, prissy, belsha, ako, michiko, oj, franel], naghintayan sa front lob, naghanap ng taxi na masasakyan pero unsuccessful, kaya nagpadyak na lang papuntang trinoma. [to be continued...]

[4:04 na. it's time for cherubim time! este, malapit na pala magcherubs. hehe. mamaya ko na itutuloy ang pagb-blog.]


11:06 AM