Monday, November 17, 2008
5-day weekend [cont'd] + monday
nakita ko na ung philippine star na may page ng cherubs concert. wahaha. mukha akong pusa. maraming may gingivitis. basta ang weird. hindi kasi maganda ung quality ng print ng dyaryo. hehe. [magpopost ako ng pics ng dyaryo someday nang hindi nakikita ni ate oan. hehehe.]
wednesday [cont'd]: so un. nakaalis na ang mga tao. parang home alone lang ulit ako. nanood na lang ako ng shakugan no shana. 2nd season na. weehee! un. nanood lang nang nanood. marathon!
thursday: tinapos ko na ung shakugan no shana second hanggang sa mga ova. grabe. ang kulit ng mga ova. lalo na ung shakugan no shana-tan. pero pero ewan. basta. nung gabi, ambagal ng internet kaya "umiglip" na muna ako sa kwarto namin ni liz [na hindi namin ginagamit dahil nakikitulog kami kina ate kitel] at nagising ako nang saktong 12 midnight dahil
friday: pinanood ko na ung sns movie at movie 12 ng detective conan. ang masasabi ko lang, hindi ako gaanong nakontento. halos inulit lang ng sns movie ung 1st few episodes ng season 1. sa movie 12 ng dc, exciting pero may pagka-predictable. aun. matapos manood, nagshopping na ako ng panggawa ng smores at bumili na rin ng yummy yummy dream na hindi ko pa nababawasan ngayon. :d pag-uwi dito sa bahay, blog smores blog smores blog smores hanggang dumating si ate oan at kinuha na ang laptop niya para iparepair sa megamall. lumipat na lang ako dito sa computer...tapos may cherubs nung hapon. pagod na pagod ang mga taong may pasok. kawawa naman sila. buti bakasyon ako. hehe. full of energy! :P nung gabi, nanood kami ni ate oan ng tv. naiwan ako sa baba kasi nakatulog na ako. nagising lang ako ni mami at pinalipat sa kwarto nung mga 3 am na. wahaha.
saturday: masarap ang taho. nagsimula na akong magsipag at gumawa ng mga hw at nagbasa para sa p6 long test. nung tanghali, umalis na kami nina dadi, mami, ate oan, at liz. hinatid si liz sa pisay para sa nce. grabe. sobrang traffic sa tapat ng pisay. dun daw nagtest si liz sa str room. super dali daw. weh. aun. tapos, pumunta kami sa trinoma at nag-xmas shopping ng mga kakikayang damit sa landmark, naghanap ng mga econ stuff at nagbasa ng kikomachine komix at learn japanese/korean/arabic/mandarin/... books sa national bookstore, nag-mrt kami nina ate oan at dadi, bumaba sila sa shaw para kunin ang laptop sa megamall at pumunta naman ako sa boni para pumunta sa dentista para magpaadjust ng braces. pagdating ko sa kanto papunta sa building ng dentista, maaga pa naman nun. 6 pa ang cherubs practice. mga 3:00 pa lang yata nun. dumaan ako sa mcdo at kumain nung madagascar meal thing. basta ung shake shake fries bbq flavor at watermelon sprite float. ansarap ng float. tapos, pumunta sa dentista pero ung assistant lang ung nag-adjust ng braces ko. tapos, bumili ako ng donut, nagjeep na ulit papuntang mrt, nag-mrt papuntang q. ave at dumaan ulit sa mcdo para mag shake shake fries ulit pero cheese flavor at burger mcdo value meal. antakaw ko. tapos, naglakad papuntang ncuc, nanood ng practice ng in transit habang nagbabasa ng ekonomiks stuff at habang inuubos ang shake shake fries, at nagpractice ang mass choir. late na kaming natapos pero ansaya kasi may halu-halong getting-to-know-you session. anlabo nga nun eh. hindi ko na rin maalala ung mga pangalan ng mga taong nakilala ko. masaya ring malamang kilala pa rin ako ng mga cherubs long time ago [in transit people]. hehe. nung gabi, para magising si ate kitel, naggitara game something kami sa laptop ni ate oan. wahaha. nakakaadik. gustong ibeat ang highscore. nag-midnight snack [literally] rin kami ng smores. hehe. ansarap talaga ng homemade smores!
ermmm...nakakailang "smores" na ako? it-type ko na nga dito ang how-to-make-smores para maenjoy rin ng mga tao. :P
ingredients: graham crackers, large marshmallows [kahit chipipay lang. hindi ung swirly], bbq sticks, milk chocolate [kahit chipipay lang din]
procedure: hatiin ung grahams into desired size tapos chocolate piece on top. tapos, roast marshmallows [bawal sunog na nagliliyab. carcinogenic. tsk tsk], patong sa chocolate para magmelt ung chocolate, patungan ng grahams. un lang. hehe. cyempre kakainin...
sunday = cramday. di man lang ako nakapagbasa ng les miserables. kinareer ang math hw. nagbasa ng serway. nagcram ako ng eng essay NUNG GABI sa KWARTO. nakatulog lang ako after mga 30 words. hehe. nagising ako ng mga 11:30 at tinuloy ang essay. nakatulog.
monday: nagising ng 1:30 am. tinuloy ang essay. nakatulog. nagising ng 3:00. essay. tulog. 3:30. essay. essay. essay hanggang 4:30. tulog. nagising ng 4:45. essay. tulog. nagising ng 5:15. bangon. type essay sa computer. yaaay! naka-420 words ako sa kakagising-tulog ko. ayun. weird. feeling ko hindi ako gaanong nakatulog pero hindi naman ako gaanong inantok. muntik nang ma-late sa flag cem. salamat kina jombo at arn-arn sa pagtulong sa pagbuhat ng organ ni baj na binuhat na ni francis afterwards. hehe. may singaporean classmate kami...si chew guan yu [tama ba spelling?] aka chris chew. XD
to be continued ulit... [may chem thing pa nga pala. hehe.]
5:25 PM