image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, October 01, 2008

D:


akala ko sa weekend pa ako magpopost. pero...pero...walang pasok halos buong week. pumasok lang kami nung monday. nasilayan ko lang naman ang silkscreen namin sa viscom. nakita ko rin naman si arfie, ang aking viscom proj. ipinasa ko lang naman ang aking cheat sheet para sa toafk [na sana inuwi ni sir monty].

kahapon ng umaga, late akong nagising. mga 5. pero tiniis ko un. di pa ako nakapag-review ng pinoy at konti pa lang ang naaral ko sa econ. nung mga 6 na, may tumawag. di ko masyadong naintindihan ung pinag-usapan ng nasa telepono at ni dadi. ang naintindihan ko lang, walang pasok. pero di agad ako naniwala. tuloy lang ako sa pagrereview ng pinoy. amuyan - wigan. kalauitan - bugan. namongan, don juan, ilog amburayan, etc etc etc. napakarami ko nang namemorize. ilang versions na ng mga epiko ang nabasa ko. tapos dumating si dadi at sinabi ngang walang pasok dahil nagkasunog sa pisay. napatigil na ako sa pag-aaral. nag-online. nakita ko nga sa mga status ng mga tao. walang pasok. hindi ako masaya.

sayang ang nireview ko. nung umaga, di ko pa alam kung ano ba talagang part ng 2nd floor ang naapektuhan ng sunog. tapos nabalitaan kong ung faculty room pala. pinakamalala sa side nina maam aguila at sir vlad. nasira na raw ang mga silkscreen namin. P200 yun. si arfie, nakita ko naman sa pictures pero baka nabasa ng mga bumbero. dahil sa sunog na 'to, next week na ang perio. pero tiyak na mag-eexpect ng matataas na scores ang mga teachers. nabasa kaya ang lockers sa pagpapatay ng sunog? nasa locker ko pa naman ung toafk ko, labgown, physics clearbook, at elechuron shirt kong hindi maganda ang pagkakaprint.

napakalaking pinsala ang dinala ng sunog na ito. sa pictures pa lang, nakakaawa nang tingnan ang pisay. sa actual pa kaya? grabe talaga. tinupok ng apoy ang iba-ibang parte ng faculty room. nagbaha ang 2nd floor. nangitim ang kisame. wala na ang mga artworks na nakadisplay sa corridor. yung gawad supremo bulletin board na nakita ko pang inaayos ni maam bawagan nung monday, nilalagyan ng bagong gold card at kurtinang pink, ano nang nangyari? nag-melt na ang mga computer monitors, cpu, at mga keyboard. nabasag na ang mga bintana. nahulog ang mga ceiling fans na nagmelt na rin. sobrang gulo ng mga gamit sa faculty room. nasira na ang mga sofa.

nakakalungkot talaga. kahit mas marami nang oras para basahin ang toafk at mag-aral para sa perio at magcram ng mga requirements na due ngayong week at makapagblog at makapanood ng tv at magcomputer, kung ang kapalit naman nito ay ang sunog sa pisay, thanks. but no thanks.


5:03 AM