Sunday, October 19, 2008
3rd quarter na...bukas
wah. last day na ng sembreak. kaya naman nagsipag na ako. ngayon lang. pero pwede na ring iconsider na pagsisipag ung econ case work. pero ngayon nga lang ako nag-ayos ng mga gamit ko, nagligpit ng mga lumang handouts ng 2nd quarter. ubos na ang stock kong cream-o, presto creams, dream, at cream sandwiches. nagsisimula na rin ako sa pagbabasa ng don quixote. magpapabili pa ako ng bagong les miserables dahil sabi ni ate oan may kulang na part dun sa libro namin na lumabas sa perio nila dati. T_T sayang ang 40+ pages na nabasa ko na. natapos na akong magbasa at manood ng school rumble. natapos na rin ang yamato nadeshiko. tapos na ang shugo chara. season 2 naman. nahabol na ng blog ko ang present sa pamamagitan ng mga mala-nobela kong blogposts. nakapunta na ako sa dentista para makapagpa-adjust ng braces. nag-eexist nang muli ang cellphone ko. pero di pa rin nag-eexist ang mp3 kahit kinalas na namin at kunganu-anong programs na ang nag-attempt na ayusin yun. may bago nang laptop si mami na hindi pa nai-install-an ng os. matatapos na ni liz ang pot holder niya. puno pa rin ng virus ang flash drives ni ate kitel. 14 years old na si arjay. nakatulog na ako nang 8+ hours.
...pero simula bukas, PASUKAN NA! PASUKAN NA! [tono ng simbang gabi, "Pasko na, Pasko na". amazing.] di ko pa feel pumasok. pero hindi naman pwedeng sembreak FOREVER! asa naman. ipapag-exercise naman kami ng room assignments namin ngayong hindi pa pwede ang shb. may cherubs practice pa sa ncuc araw-araw. may paskorus pa yatang dadagdag. gagawa pa ako ng yearbook writeup. may str pa. come on. balik stress. sana Pasko na... halos 2 months pa...
2:35 PM