image
kesi's blog
image image image image
Saturday, August 30, 2008

my bag has a stalker


fun? hindi. sobrang hindi. hinding-hindi. hinding-hinding-hindi!!!!

1st quarter. nung araw na may mga nanghihingi ng donations para sa mga nasalanta ng bagyo. ok lang naman sa aking magdonate pero ung pera ko, pambayad ng batch funds. P300. cyempre nasa wallet. cyempre naiwan ko pa ang wallet ko sa loob ng bag ko na nasa "baggage counter" [hindi locker] ng library kasi pe ang last class namin. nung pauwi na ako, pagdating ko sa bag ko, nakabukas ung zipper at nakabulatlat ang wallet ko. cyempre di ko naman un iniwang nakaganun pagpasok ko sa lib. pagtingin ko sa loob ng wallet, wala na ang P300 ko! noooo... nagtitipid pa naman ako. ilang araw din ang katumbas niyan sa pag-aaral ko sa pisay. [in short, allowance ko 'yan...]

*sarcastic* pero salamat ha. iniwan mo ang atm ko. malamang. di mo naman siguro alam kung ano ang pin code ko. konti lang rin naman ang laman kasi special lang naman ako. P500 per month. so senseless nakawin.

dahil dito, naisip kong gamitin na lang ang lockers sa library. para may lock. hindi magagalaw. pero, isang beses ko lang nagamit ang locker nang may lock...nung bday ko. dun ko nilagay ang blueberry cheesecake kasi hindi kasya sa normal locker. matapos ang araw na un, biglang, POOF! wala nang lock. di ko na ulit nakita. susi na lang ang naiwan sa akin.

1st quarter pa rin. tinamad na akong maglagay ng bag sa library locker. wala naman akong mahalagang gamit sa loob so ok lang. PERO akala ko lang pala yun. pagbalik ko sa aking bag, parang may nawawala...tama nga. may kulang na naman sa mga gamit ko. nawawala ang baunan ko!!! gulay naman o...pati ba naman lunch ko, nanakawin? ganun na ba kalala ang rice crisis?! grrr. nakakainis talaga. so nung araw na un, wala akong kinain. :c

recently naman...2nd quarter...nung friday. ewan ko ba. nawala ba o ninakaw ang scical ko? basta ginamit ko un nung umaga sa p6 long test. nung tanghali naman, nung nagbihis na ako para sa cat, nakita ko naman un sa usual pocket niya sa bag ko. di ko naman iniwan ang bag ko sa kung saan mang lugar. pero kaninang umaga ko lang napansin na wala na akong scical! grabe! panic panic! kailangan ko na namang gumastos. kailangan kong hanapin ang scical ko or else kailangan kong bumili mula sa aking sariling pera. mahal ang scical. :c

*sarcastic ulit* if ever may kumuha nun, salamat ha...iniwan mo ang periodic table of elements ko. salamat.

ang malas ko talaga. ayoko nang manakawan. 3 months pa lang ang nakararaan, andami nang nawala sa akin. siguro dahil rin careless ako. pero...hindi naman 'to mangyayari kung walang gustong magnakaw at walang nagpapanakaw. huhuhu. kailangan kong bumili ng bagong scical :c


5:59 PM