Friday, August 08, 2008
ang pakikipagsapalaran ni kesi [ikalawang bahagi. june-july]
manila to pisay6/28: pagkagising ko, agad kong tinuloy ang paggawa ng flashcards. pero muli akong pinagalitan. nagmamadali na kasi nun sina mami at dadi para makaalis. so, di ko pa rin natapos ang flashcards. madaliang kain ng agahan tapos umalis na kami. binaba nila ako sa taft ave. kung saan nag-fx ako papunta sa pisay. memorable talaga un. ito ang kauna-unahan kong pagcocommute nang mag-isa mula manila hanggang pisay. sa fx na iyon, ayoko namang tumunganga lang. kaya habang nagb-biyahe, itinuloy ko ang paggawa ng aking flashcards. natapos ko naman nung nasa quezon ave na kami. grabe. akala ko mal-late na ako sa review. buti na lang late dumating si maam dacs. eniweiz, so un. may upcat review sa pisay at dala-dala ko dun ang aking mga bagahe mula sa manila. hehe.
uaap recordingo di ba? sosyal! isa ako sa 11 [Michelle, Ate Rasziel, Elayne, Raiza, Mariel, John Gil, Ria, Gidell, Ate oan, Pat, at siyempre, ako] na mga nag-recording ng uaap hymn para sa uaap season something opening. nung una, ang plano, magcocommute kami ni ate oan papunta sa bahay ni tita len sa teachers' village kasi dun daw magm-meet. pero, pagdating namin sa philcoa at pagsakay sa tricyle, sa ibang street kami binaba. wow. wattatricycle! kaya kami'y naging mga ligaw na bata. tanung-tanong sa guard kung paano makarating dun sa pagrerecordan namin. pinadiretso na kasi kami ni tita. so...nauna kami ni ate oan na makarating dun. nakalimutan ko na ung pangalan nung may-ari ng studio. >______< basta. pinapasok na kami sa kanyang studio at pinakinggan muna namin ang ginagawa niya habang naghihintay sa pagdating ng iba pang recording cherubs at sina tita len at tito robin. nakaka-lss nga ung kantang inaayos niya dun eh. "
gusto kitang makita. gusto kitang makilala. gustong gustong gusto kitaaaa..." ang amazing nga eh. konting click lang, madadagdagan na ng main voice, second voice, at iba-ibang instruments. kamangha-mangha talaga. maya-maya, dumating na ang cherubim people. usap-usap muna tapos pumunta na kami dun sa recording room at sinuot ang aming mga headset. naka naman. feeling recording artist talaga. so, nakailang ulit kami ng pagkanta ng uaap hymn. tss...feeling namin ang galing namin. pero ang hirap pala mag-recording. maririnig mo ang lahat ng iyong flaws. pero nakakasawa man ang paulit-ulit na pagkanta ng uaap hymn sa iba't-ibang boses [minsan sop 1, minsan sop 2], masaya pa rin! hehehe... ang lunch namin ay pizza...yellow cab! kaya naman nag-iba ang pagkanta namin pagkatapos kumain. busug na busog na kasi. :d pero natapos naman kami nang maayos. sumabay kami ni ate oan sa van ni tita len papunta sa bhay nila at dun na kami nagpasundo kasi anlakas ng ulan...
paalam sir arias at ang long test week
hindi naging july 4 ang aming last day with sir arias. nakasalubong lang namin cya sa corridor nun. napaaga ang aming last eng meeting. naging wednesday. binigay lang yata ang results ng quizzes and stuff. saka parting words. awww. how sad. dahil iniwan na kami ni sir arias, si sir arghs na muna ang papalit sa kanya habang wala pang kapalit...[aww...jade memories...C.A.L.B.O.! hehehe.]
apat ang long tests. isa sa comsci, isa sa math, at isa sa bio. lagi akong kasama sa highest sa mga lt na 'to! yaaay! wala lang. masaya lang ako. happy and proud. and nerdy B-) kaya nga tumataas ang expectations. PRESSURE! isang malaking PRESSURE!
more uaap stuffnung july 4, nag-general rehearsal kami sa chk. grabe. riot. pero cool. narinig na rin namin ang resulta ng aming recording. heehee. saka sinukatan na rin kami para sa aming UP CENTENNIAL SHIRT! yaaaaay!!! pero nalaman din naming naka-all-maroon kami sa uaap opening sa araneta. pero ok lang. GO MAROONS! GO UP!
the next day, uaap na! [kaya hindi ako nakapunta sa upcat review sa pisay. buti na lang isang subject lang...math...] maaga kaming pumunta sa chk. mga 6 am. pero sa totoo lang, hindi pa raw un maaga kasi ung ibang magp-present, nandun na ng 3 am. o_______o nag-assemble muna kami dun. binigyan na kami ng id. pero, dahil wala id na may pangalan ko, ako na lang si "elaine". meron ding ibang kakaibang pangalan tulad ni "juha" [julia] at "noriel" [noreen]. hehehe. naka-bus kaming pumunta sa araneta. cyempre, sa bus, di mawawala ang pusoy dos at picture-picture. hehehe. pagdating sa araneta, dun muna kami sa dressing room. sinuot na namin ang aming all-maroon attire: ang up centennial shirt at ang up jogging pants. weird pero masaya. proud to be part of UP!!! habang naghihintay ng gagawin, picture-picture at pusoy dos sa gambling table! hehehe. tapos, nag-sound check kami. andaming mic. halos tig-iisang mic ang bawat isa sa amin. cyempre, kinanta namin ang uaap hymn. tapos, bumalik na kami sa dressing room at kumain ng lunch. ang nakakainis nga lang, parang tubig galing sa cr ung tubig na binigay sa amin. haaay. eniweiz, habang kumakain, chika chika...pusoy dos...picture-picture... tapos bumalik kami sa aming platform at nag-practice ulit. nung binuksan na ung gates, marami nang pumasok. kami namang mga cherubs, umupo na lang sa aming napakagandang pwesto...napakagandang view ng stage. parang kapareho ng sa mga special people ng bawat kolehiyo...ang pagkakaiba nga lang, dun kami sa opposite side nila kaya parang baliktad ang view. maya-maya lang, labanan na ng drums! drum dito, drum doon. cheer dito, cheer doon. grabe. halos masira na ang eardrums namin sa pagbabanggaan ng mga tunog. sobrang ingay. lalo na nung nagsimula na ung show. ganun pala kapag live performance. may mga commercial breaks din... ang ganda talaga ng view namin. 1st time kong makapanood ng uaap sa mismong araneta center. at hindi lang 'yon. 1st time ko ring maka-perform at makapanood pa sa puwestong libu-libong piso ang halaga. iba talaga ang mismong performance sa practice. ansaya talaga. wala akong masabi. nakakamangha talaga ang lahat ng mga pangyayari. cyempre naman. once in a lifetime experience 'to. pagkatapos ng opening [nung magsisimula na ang games], umalis na kami. awww. akala ko makakapanood pa kami ng games. eniweiz, ok lang. masaya pa rin. bumalik na kami sa dressing room at nagbihis. tapos, lumabas na kami at tumambay sa food station sa labas. hindi naman kami kumain. tumambay lang talaga kami dun sa tent na may aircon sa loob. sosyal. hinintay lang namin ung bus. nagpaka-vain na rin. nung dumating na ung bus, sumakay na kami at muling nagbaraha at nag-picture-picture. napakabilis ng paglipas ng oras. biglang nasa gym [chk] na kami. pagbaba namin sa bus, hinintay namin ang aming merienda...yellow cab! kain-kain muna saka naghiwa-hiwalay. kaming mga natira doon, naglaro muna sa mga tire swing. fun fun fun! parang bumalik kami sa pagkabata. doon din nanggaling ang aking napakagandang swing pic.

yay! hindi na kami nakapagpasundo kay dadi. naglakad na lang kami papuntang commonwealth ave. at nagcommute na lang kaming magkakapatid pauwi...
oan and kesi escapades7/7: may p6 lt and probset. may quiz sa eng tungkol sa iliad na akala ko, buong iliad. yun pala, ung simula lang. >______< hindi lang un. may quickie pa sa econ. grabe. napakabigat na load. wala na nga akong weekend, tinambakan pa ng ganito ang monday. hectic! pero sabi nga, all work and no play makes ___ (someone i don't know) a dull boy [?] ewan ko. basta something like that. kaya naman si ate oan...isang malaking BI. nagyaya ba namang mag-arcade? alangan namang tutulan ko pa kung nasa pisay na siya. naglibut-libot muna kami sa pisay at pinakita ko sa kanya ang bagong porma ng caf. tapos, binisita niya si maam regaya na kanyang favorite physics teacher na hindi ko naman teacher. sinilip din namin ang mga nakaka-nosebleed na mga str topics na naka-post sa harap ng str unit. saka lang kami umalis. buti nga hindi kami napansin ni dadi sa gate eh. si ate oan kasi eh. lakwatsera. so...pumunta kami sa ever. pero bago ang lahat, kumain muna kami ng california maki sa tokyo tokyo. :d california maki is <3 !!! saka lang kami nag-tom's world. first time kong makapunta dun. madalas kasi, jollibee, chowking, at supermarket lang ang nakikita ko sa ever. minsan ko lang masilayan ang ibang parte ng mall na 'to. nag-basketball kami, stop-the-clock-ish na game, at kunganu-ano pa. tapos, kumain kami ng icecraze special sa jollibee. grabe. napakaganda ng service...may nahulog na something sa tray tapos binalik sa icecraze ko. pero dahil ako ay masaya dahil sa arcade, pinagbigyan ko na si kuya jollibee person. binitbit na namin ang aming pagkain at naglakad pauwi. pero, habang naglalakad, sinalubong kami ng mga batang sobrang kukulit. namamalimos. ayun. binigyan ni ate oan ng icecraze. pero di pa rin kami iniwan. pinagdamutan ko na. sorry. pagpasensiyahan niyo na talaga. nakakapanghinayang lang talagang mamigay paminsan-minsan.
6:33 PM