Saturday, August 23, 2008
ang pakikipagsapalaran ni kesi [ikatlong bahagi. july]
nstw/astw7/8: umaga...kasama namin si sir kawashima [cyempre], muon at "vlady-grand-daddy" ayon sa ibang electron [adviser kasi dati ni sir kent si sir vlad...so yun]. anlabo ng "seating arrangement" sa bus pero nag-end up na si jl ang seatmate ko...wala lang...pagdating namin dun, hintay-hintay lang. cyempre may picture-picture. tapos, pumasok na kami. [mga memorable stuff na lang ang ilalagay ko dito..
1. may nadaanan kaming funeraria. sabi sa poster nila, "online burol". amazing.
2. masarap ang squash pandesal/ensaymada lalo na kung free taste o may namimigay lang [salamat francis i!]
3. ang cute ni paro!!!
4. masarap tumambay sa sariling atin [in other words, sa pisay booth]
5. may roses at stationery pa rin...
6. at iba pa [van de graaf generator, hyperbola thing, underwater probe, robots, etc...]
lunch time na kami nakabalik sa pisay. namroblema nga ako nun kasi deadline na ng flipbook...tapos na ang viscom time. noooo. pero ok lang. napasa ko naman the next day. nakalimutan ko na kung may chem kami nang araw na yun. basta 1:40 ang uwian. yay!
ateneo career conference7/11: un na. may career conference. bday rin nga pla ni cel yap. :D
review7/12,7/19: may college entrance test review sa pisay. basta. nung isang araw, medyo nagstay ako sa pisay kasama ang ibang electron. sila gumawa ng pictomap at kami, nakatambay, slightly nag-isip para sa sigaw...
iliad7/14-18: nung 1st mtg ng eng, grabe. akala ko buong iliad na ung quiz kaya nagpanic na talaga ako nung umaga para matapos ko ung buong epic. un pala chapters 9 ska 16 lang. hindi ko tuloy matandaan ung details. graaar. tapos nung tuesday naman, since maaga ang uwian, ginawa namin ung akhilleus' shield. pero nung nakita ko ung gawa ng ibang groups, napaka-simple ng amin compared sa gawa nila. oh well. ung sumunod pang quizzes sa iliad, halos perfect ko na. yaay! bawi! tapos ung tableau namin ng book 16, ako si patroklos. wow. si neon kasi eh.
acet form7/18: deadline na. kaya nagcram na lang ako ng acet essay. as in CRAM. mga 30-45 mins ko lang ginawa dahil sobrang nagmamadali ako nun. kunganu-ano na tuloy ang pinagsususulat ko. filipino ang ginamit ko kasi ayoko ng english. :P pero may english terms pa rin ako. hindi tuloy mukhang formal.
tamarin ka sanang magbasa. :P
Hindi ako Diyosa
Sa aming nakaraang leksyon sa Filipino, tinanong sa aming klase kung ano ang kahulugan ng tao; at ang aking sagot: "Homo sapiens sapiens, pinakamataas na uri ng hayop na inilikha ng Panginoon". Napakalabo nga naman kung tatanungin kung ano talaga ang tao. Napakaraming iba't-ibang perspektibo ang maaaring panggalingan ng ating mga ideya. Pwede nating ilarawan kung ano ang tao sa maka-Charles Darwin o kaya sa maka-Bibliyang pananaw na may napakalaking pagkakasalungat sa kani-kaniyang isip. Pero para sa akin, batay sa aking mga karanasan, ano nga ba ang tao?
Magulo mang isipin, naniniwala ako sa unang dalawang mga kahulugan ng tao kahit na hindi ito masyadong nagtutugma. Ang mga iyon naman ay hindi itinuro sa paaralan o sa Simbahan para tayo’y lituhin. Ang kani-kaniyang depinisyon ng tao ay nakabatay sa sariling kaisipan at ang ideya ng ama ng taksonomiya at ng Simbahan ay pawang mga gabay lamang. Para naman sa akin, ang tao ay isang nilalang na hindi perpekto; nagkakamali pa rin kahit na ilang beses pang sabihan ng “practice makes perfect”.
Madalas nga akong nadadali ng kahulugan kong ito. Dahil mas matataas ang mga nakukuha kong marka sa mga pagsusulit kaysa sa iba kong mga kaklase, dumedepende sila sa akin sa tuwing may groupwork. Napakalaking PRESSURE ang dinadala ng pagdepende ng ibang tao sa akin. Para bang inaasahan nila akong maging perpekto sa mga ginagawa ko na tila isa akong diyosa, isang perpektong nilalang. At hindi lang ito sa eskwelahan nangyayari.
Miyembro ako ng isang koro. Sa korong ito, isa ako sa mga lider ng Soprano 2, at minsan ng Soprano 1 at Alto 1, dahil daw mabilis akong magbasa ng nota at naaabot ko nang tama ang mga ito. Tuwing may practice, habang kumakanta ako, halos nakataklob na sa mukha ko ang mga tainga ng mga kasama ko sa Soprano 2 para raw marinig nila ang tamang nota. PRESSURE! Napakalaking PRESSURE! Kapag nagkamali ako sa pagkanta, sisitahin an gaming grupo. Malamang napupunta sa akin ang responsibilidad para maitama ang aming mga kinakanta. Madalas ko tuloy na sinasabi sa aking sarili, tao rin ako…nagkakamali din. Pasensya na, hindi ako diyosa. Hindi ako perpektong nilalang.
Pero hindi ko naman masisisi ang ibang tao sa pagdepende sa akin at sa pag-asa nilang matatama ng isang diyosa ang kanilang mga kamalian. Mararamdaman din nila balang-araw na ang tao, hindi perpekto. At tulad nila, tao rin ako, hindi isang diyosa.amazing. kunganu-ano na lang ang sinulat ko. oh well. di naman graded yan. :P
pero hanggang ngayon, di pa rin sinusubmit ng guidance ang acet forms. so kahit sa monday ko pa ibigay ung essay ko ok lang. grrr. sayang ang pagc-cram ko. onga pala. ung recommendation forms ko, pinasign ko kina maam dawn at maam docto. pero hanggang ngayon, kulang pa rin ang recommendation forms ko. nooooo...*panic panic*
4:20 AM