image
kesi's blog
image image image image
Sunday, June 01, 2008

huling araw ng bakasyon


may pasok na naman bukas. haaaaay. nakakainis talaga. ako may pasok na samantalang sina ate oan, ate kitel, rj, at liz [in short, mendoza kids except me], next week pa. huhuhu. kainggit.

bday ngaun ni dadi. hapi bday dadi! wala lang. di pa namin naf-finalize ang aming bday gift para sa kanya. sudoku-ish. basta. hehe. anlabo nga eh. ung mga nauna kasing plan, dadibee vietnamese noodles, jun king ulit [kumain kasi kami ng buchi sa chowking ever kagabi. buchilang! hehe], at kunganu-ano pang mga bagay-bagay na tungkol sa mga kinakain namin lately. hehehehe.

so kahapon nga, matapos mag-7:00 mass at matapos magdinner, pumunta kami sa ever. dahil naubos na ang halu-halo, nag-buchi na lang kami. ok lang naman un. nakakabusog at masarap naman :D pwede pa kaming manalo ng trip for 4 to macau. [wow...connection...] habang naghihintay para sa aming buchi, umalis si mami papunta sa grocery. nagkataong doon din pumunta si dadi at sila'y nagkasalubong doon. si dadi pa ang nagbayad sa sarili niyang bday card mula kay mami. hehe. matapos kumain sa chowking, mags-sundae sana kami sa jolibee pero ubos na rin ang sundae. bumili na lang si mami ng drumstick sa grocery at kumain kaming lahat sa labas ng ever, sa tapat lang ng jolibee. the end.

kanina, pumunta kami kina tita norms at doon nagcelebrate ng bday ni dadi. as usual, kainan, nood ng tv [wooh! pirates of the carribean 2!]. maraming pagkain. kahit konti lang ang kinuha ko, nakakabusog pa rin. so...andun lang kami nang pagkatagal-tagal. kumain ng lunch, ng sineguelas, ng lugaw na ubod ng sarap, at ng turong napakasarap din habang nanonood ng tv. un lang.

pag-alis namin, hindi pa diretso dito sa bahay. pumunta pa kami sa shopping center. dahil sa boredom, ayun, nagpaka-vain na lang kami nina ate oan at liz. hehe.

may pasok na naman bukas. pero di ko feel ang pasukan-pressure. hehe. di pa nga ako nakakapaghanda ng kahit mga ballpens man lang. wahaha. crammable naman yan. enjoy muna sa last day of bakasyon. yaaaay!


2:39 PM