image
kesi's blog
image image image image
Thursday, May 29, 2008

paalam, bakasyon


parang kailan lang. pasukan na naman. mahigit kumulang dalawang buwan na ang nakalipas. napakabilis ng paglipad ng oras. napakabilis...










okay. anlabo. so...magpopost lang ako ng isang summary ng mga pinaggagagawa ko ngayong bakasyong malapit nang magtapos. huhuhu.

dahil maaga ang bakasyon ng pisay, masarap mang-inggit ng mga kapatid na pumupunta pa sa skul habang ako, nakatambay lang dito sa bahay. hehehe. kapag wala namang kailangang gawin, kakain na lang. o kaya naman, matutulog, manonood ng avatar [sana mag july 14 na para lumabas na ang bagong episodes...], shugo chara [ongoing pa rin. naghihintay lang akong magkaroon ng subs], pichi pichi pitch [ayoko nang panoorin ung 2nd season kasi baka mainis lang ako], coffee prince [yaay! tapos ko na!], yucie, hana kimi japan at taiwan [meh. disappointing endings...], prince of tennis [may hiniram kasing dvd eh], prince of tennis live action [mwahaha], at witch yoo hee. wow. ngayon ko lang narealize. andami ko na palang napanood ngayong bakasyon. hehe.

may cherubs camp sa 1st week of april. pumunta kami sa sierra madre. 

may youth camp sa verbum dei. doon naman kami sa tahanan sta. monica.

umalis si ate kitel papuntang amerika bago pa ako mag-upcat review.

mga 4th week of april nagsimula ang review. speaking of review, di pa pala ako nagpopost tungkol sa review! waaah! ito ung nasimulan ko...

expert guides. batch 5 8. abada b e. april 23-may 7. 8 am to 5 pm.

okay. anlabo. basta ang mga kuwento dito ay ang mga karanasan ko sa review classes.

day 1. hinatid pa ako ni dadi sa expert guides. nagsimula ang araw sa english. teacher namin si maam maida. gumawa kami ng index cards at nag-test kaagad sa logical reasoning, general info, at filipino. ung general info, grabe! 2nd year socsci. ung logical reasoning, ewan ko ba. at ung pinoy, 2nd year pinoy. mga correct usage stuff. grabe. umagang-umaga, tatlong tests agad. tapos konting discussion lang at english test tungkol sa vocab, correct usage at kunganu-ano pa. nakakabaliw...83/135 lang ako. nung tanghali, dun ako naglunch sa kainan sa baba. nakita ko nga pala ang ibang upis people. hehe. pagkatapos maglunch, math 1 naman. masaya naman ang math 1. basics pa lang kasi. teacher namin si sir russel. pagkatapos ng discussion, test na. 37/40. ako'y isang malaking CARELESS. nakakainis. isa pa, sobrang naninigas na ako nun. ang hirap nang galawin ng mga kamay. nangangatog na rin ang mga tuhod ko nun. ang hirap tuloy mag-isip. oh well. pagkatapos ng review, naroon na si dadi sa labas, hinihintay ako. umuwi na kami.

day 2. tinuruan ako ni dadi na magcommute papunta at pabalik. 

so ganito. summary na lang. tinatamad na ako eh. ang aking teachers:
math 3: sir rai
chem: maam genelyn
math 4: sir leo
bio: maam cathy
eng: maam maida
math 1: sir russel
math 2: sir marrick
physics: sir gary.

2 subjects a day. tapos merong at least 1 test per subject per day. grabe. nakakabaliw. 

math 1: mahal na mahal ko 'to. easy math :P
math 2: killer math. hindi man mahirap ang mga tanong, super time pressure 'to. kaya ansarap mag-laser eh. B-B-B-B-B-B-B-B-B-B-B!!!! wahahaha. 3 questions lang yata ang talagang nasagutan ko sa 1st test eh.
math 3: masayang teacher si sir rai. marami akong natutunan. dahil dito, na-memorize ko na ang pythagorean triples at mga formula ng area at volume.
math 4: ok lang naman nung unang mga araw pero na-information overload ako sa conic sections. wooh!
chem: ayoko ng naming! ganun na talaga yun. pero masaya ring teacher si maam genelyn kahit inaantok ako sa kanya minsan. may games kami sa kanya...so masaya. interaction w/ the teacher. hindi salita lang nang salita ung teacher. :D
bio: grabe yung genetics. ngayon ko lang na-take up. pero ok naman. medyo naiintindihan ko na rin naman. :D useful ang bio 2.
physics: laging special mention kaming mga pisay [namely ako, si jiggs, at si luis]. alam na ang mga formula ng uniformly accelerated motion stuff, etc. saka pisay yata cya or yung kapatid niya. siya ang kasama namin sa aming class picture :P
eng: nakabibighani ang vocab. un lang.

nang mga unang araw ng review, dun lang ako nagl-lunch sa carinderia sa first floor. pero, nang maglaon, naglunch na kasama nina kim, car, yen, marie, sam, janelle, at jiggs sa box-o-rice [antagal ng service T______T ], kfc [maraming pisay-ers], sisig hooray [nakita ko sina timmy, isay, at bea], at reyes barbecue [tsismisan to the max. sabi ni jiggs may bf daw ako. hala... as if; matagal rin ang service pero masarap at nakakabusog naman].

sa huling araw ng review, nag-upcat at acet mock. grabe. ang galing ko tsumamba sa vocab. hehe. sa upcat mock, 320/420 ako. grabe. 100 mistakes. 76.2%. sa acet mock naman, 229/300. 76.3%. wow. 0.1% higher than upcat mock...

may refresher sa june 15. whole day pa rin, 8-5 sa abada e...

pagkatapos ng review, grabe. nag-propose pa si mami na magreview rin ako sa lsc kasama ng pisay people. waaaah! buti na lang di na natuloy. sasabog na ang utak ko kung ganun. so tuloy ang saya. kain, tulog, tv, computer, at rubiks cube.

dumaan ang art workshop noong may 10. dapat, si rj ang kasama dun. pero dahil nagliligalig lang cya dun, pinapunta kami ni liz doon ni mami. marami kaming natutunan kasama si mr. rolando rosal. hehe. so...kasama naming naga-art workshop ang iba pang autistic tulad ni rj. kinareer ko naman ang mga gawa kong art works. hehehe. sayang naman ang art workshop kung babasta-bastahin ko di ba? kaya naman impressed sa akin si mr. rosal. mwahahaha. :D

mother's day, wala kami dito sa bahay. dahil ang mother's day 2008 = pentecost 2008. dun kami sa verbum dei nagpalipas ng araw.

bday ni liz, may 13, gumawa kami ng mga cake. nagcram din kami ng mamibee spaghetti bilang mother's day gift ni mami.

pagdating ni ate kitel dito sa pinas, maraming pasalubong. may bago nga akong mp3 pero ngayon, isa na lang siyang bagay na naisasaksak sa usb port na pwedeng lagyan ng battery, may buttons, nagb-blink...not even a flash drive! waaah! di ko ma-format man lang. huhuhu. kung ako sana ang bumili nito, sana pwede kong papalitan kasi 1 year warranty naman. huhuhu.

may 22: cherubs lakwatsa. 9 am meeting daw sa vinzon's hall. pero dahil nanood pa kami ng konting ai, na-late. pagdating naming magkakapatid dun, walang cherub. dumating sina kuya gabby at sabi, diretso na lang sa trinoma. nagpahatid kami kay dadi. kasama namin si tintin. hinintay namin ang pagbukas ng trinoma. nung bukas na, pumunta kami sa timezone. tiningnan ang listahan ng movies, at [to be continued]

araw-araw na kaming nagsisimba. sabi kasi ni mami, habang bakasyon, magsimba araw-araw. i feel so holy. :P

nung isang sunday, nag--uhhh--- welcoming party para kay ate kitel at iba pa kina tita norms. hehe. tapos nung isa pang araw, nakalimutan ko na kung kailan, nandun ang lahat ng mga matanguihan. pumunta dito sa qc ang mga taga-batangas. parang surprise party lang. maraming picture-picture. hehe.

may 26: orientation. bayad-bayad muna ng fees tapos yun. orientation na. grabe. overwhelming ang coverage ng seniors. waah. di ko pa rin sigurado kung anong elective ang kukunin ko.

may 28: enrollment. sobrang malas. maaga akong ginising ni dadi para makapaghanda ng mga gamit. tapos pagdating namin dun, dapat pala, naka-uniform. so bumalik pa kami dito sa bahay. sayang ang maagang gising. sayang ang gasolina. sayang ang co2 na na-contribute sa atmosphere...dagdag sa global warming. sayang ang gold! kasi naman, time is gold, right? pagbalik sa pisay, kumuha ako ng enrollment form. ang haba na ng pila sa guidance. grabe. natapos na ni dadi ang medical, sa, at nakapagbayad na cya ng mga kailangang bayaran, di pa rin ako tapos sa guidance. tapos nung binigay ko na kay kuya ed ang mga kinakailangan, sabi niya, hindi raw nso ung birth certificate ko. waaah. grabe. tapos, nung pumila naman ako sa registrar's office, napansin kong sobra pala ang naibigay kong copies ng income tax return sa guidance. oh well...optional na lang naman ang scholarship categorization data stuff. asa pa akong magdadagdagan ang stipends ko. haaaayy...so, nalaman ko na na ang aking section ay electron. kinuha ko na ang mga libro ko, isinulat ang property no. stuff at inilagay na ni dadi ang mga ito sa kotse habang ako'y pumupunta sa digital blah blah room para sa id processing. no. 81 yata ako. pero nauna pang magpapicture sina 82 [frances p] at 83 [ange]. [wag kayong mag-alala. hindi ako galit :) ] salamat, patti cruz [84] sa pagpapa"singit" mo sa akin :)

ngayong araw naman ang upcat orientation blah blah. pero dahil akala ko, sa hapon un, at dahil hindi ako nagbabasa ng email, ayun. hindi ako nakapunta. 8 pala ang simula. haaay.

naghahanda na ako para sa pasukan. inaayos ko na ang mga libro ko. nirerevive ko ang libro ko ng panitikang pilipino. gumawa na rin ako ng labels para sa mga gamit. hindi na kailangang magpabili ng mga pang-english na libro dahil meron na kami ng lahat. un din kasi ang hrr ni ate oan. 

oo nga pala! marunong na ulit akong mag-3 x 3 x 3. marunong na rin ako ng 4 x 4 x 4. ansaya-saya! ipopost ko na dito para di ko na makalimutan.

3 x 3 x 3
> 3rd layer stuff:
~ 9:00 = F U R U' R' F' --> cross!
~ 9:15 = F R U R' U' F' --> cross!
~ switch 2 right corners = L U' R' U L' U' R UU
~ rotate corners clockwise = R U R' U R UU R' UU
~ rotate corners counterclockwise = R' U' R U' R' UU R UU
~ switch edges clockwise = RR U F B' RR F' B U'
~ switch edges counterclockwise = RR U' F B' RR F' B U

4 x 4 x 4
1. buuin ang middle squares [white-yellow, green-blue, red-violet]
2. gawing 3 x 3 x 3-ish [pagtapatin ang parehong blocks sa iisang face (front).  (Bb)2 R F' U R' F (Bb)'] 
3. buuing tulad ng isang 3 x 3 x 3
4. last layer

~ switch top-back and top-front edges = rr UU rr (Uu)2 rr uu
~ flip front-right edge = [?] nawawala ang solutions sheet! nooo...


7:55 AM