Monday, May 05, 2008
days after the cherubs camp...
april 9: nag-practice ang ibang cherubs ng mga kakantahin para sa inauguration ng phil. pediatric society building at para sa concert kasama ang loboc children's choir. grabe. ambabait talaga namin. nagp-practice kahit hindi naman required. :P nagkabaliw-baliw na kami sa pagkanta ng light of a mil-YEN--este-- million mornings. peace! masaya pa lalo kasi maraming pagkain. whee! fiesta ham sandwich!!! :d cyempre, di mawawala ang picture-picture! :D
april 10: pumunta ako sa dentista at kinumpleto na ang aking braces. ngayon, halata na talagang naka-braces ako...
april 11: pumunta kaming magkakapatid sa palma hall. dun kasi ung assembly papunta sa peta. napadaan nga dun si kuya carl eh. nabalitaan daw niyang may kakantahan kami para sa fund raising para sa US tour. akala pala niya, cherubs ang pupunta sa US. wooh! sosyal! pero sabi namin, ung loboc ang pupunta. nagpractice ang cherubs kasama ng loboc children's choir sa peta. grabe nga eh. ang init. buti na lang may break. nagpapresko muna kami sa backstage habang nagme-merienda at nagpakilala sa mga loboc. so un. nag-practice pa kami. isa sa dalawang soloist sa light of a million mornings si ate mariel. grabe. ang galing din nung soloist ng loboc. wooh! idol! oo nga pala. bago umalis si ate kitel para sa kanyang medchoir practice, saka lang niya napansin ang upper braces ko. nyahahaha! wala lang. kasama ko dito sa bahay pero hindi niya man lang napansin. :p nung hapon na, pumunta kami nina dadi somewhere. naghintay lang kami ng konti dun. tapos dumating na si mami. konting hintay pa. dahil tumawag si ate kitel at sinabing wala siyang susi dito sa bahay, iniwan na lang namin si mami doon at umuwi. sa bagay, masama rin naman ang pakiramdam ko. kaya pagdating dito sa bahay, pahinga agad.
april 12: 7:30, supposedly ay naroon na kami sa pps building. pagdating dun, konting practice, tapos hinintay namin ang pagdating ng mga bisita at kinantahan sila bago kumain ng jolly hotdog. pagkatapos kumain, konting kanta pa at umalis na kami. pumunta kami sa bahay ni tita lenette. doon kami naglunch ng yellow cab pizza. :d pero dahil kaka-adjust lang ng braces ko, hindi ko masyadong na-enjoy. waah. nagpasukat din kami sa modista para sa magiging bagong costume ng cherubs. tapos, nagpahinga na lang ako sa taas. hindi kasi masyadong maganda ang pakiramdam ko nun. tapos, kinailangan na naming umalis. pumunta naman kami sa peta. doon, nag-practice pa ng konti. tinuloy nga ni ate mariel ang plano niyang actions para sa kanyang solo part. tapos, nagbihis at nag-makeup na kami sa dressing room namin. hinintay lang namin ang oras na tatawagin kami para magperform. habang naghihintay, nakipaglaro na lang ako ng pusoy dos o kaya natulog lang sa isang sulok. habang kumakanta naman sa stage, ginawa ko ang aking makakaya para hindi bumagsak sa aking pagkakatayo. feeling ko nga ang weird ng itsura ko. 1st time ko kasing makasama sa concert nang naka-braces. tapos nandun pa sa tapat ko sina jayvee at ang kanyang pamilya. nakaka-conscious. grabe. tapos nung light of a million mornings na, nagulat kaming lahat dahil biglang may actions na rin sa kanyang solo part ang soloist ng loboc. wow. impromptu ba 'to? pagkatapos ng concert, nag-merienda na kami at nagpaalam sa mga loboc. inayos na rin namin ang mga gamit namin sa dressing room. pagkatapos nun, umalis na kaming magkakapatid kasama si noreen na hinatid namin sa bahay nina tita lenette. bumaba pa nga sina ate kitel, ate oan at liz doon pero nagpaiwan na lang ako sa sasakyan dahil wala na talaga akong energy. masarap magpahinga...
un lang.
5:02 PM