image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, May 14, 2008

araw ng mga ina at kaarawan ng bunsong kapatid.


magandang araw! napakaganda ng panahon ngayon. hindi sobrang init, hindi sobrang lamig. tama lang. kahit makulimlim, tamang-tama ang lamig ng simoy ng hangin...

wala lang.


mother's day nung sunday. pentecost din. kinailangan naming gumising nang maaga sapagkat kailangan naming pumunta sa verbum dei. hindi kami pumunta sa pandacan. doon kami pumunta sa gitna ng sucat at alabang. nakalimutan ko na kung anong lugar iyon. [aba. tila makata ang aking pagsusulat sa ngayon. tigil na muna sa pagiging makata.] basta dun kami sa chapel street. may chapel dun. halata naman sa pangalan ng kalsada... pagdating namin doon, umalis muna kami at pumunta sa bahay ni tito gerry [?]. doon muna kami tumambay, nanood sa paglangoy ng mga isda, pinagmasdan ang iba't-ibang mga dekorasyon sa bahay na iyon. matapos ang ilang minuto, naglakad na kami pabalik sa chapel, nag-register, at program na. sinimulan sa isang talk [pero nakatulog lang ako ~_____~ ], tapos merienda ng mga biscuits, game [sip sap soup], talk, discussion tungkol sa fruits of the Holy Spirit, group sharing [wooh! go knowledge! hehe. ka-group ko si mami]. tapos nag-presentations kami, at nag-lunch. pagkatapos ng lunch, may talks ulit. nakatulog na naman ako. tapos may break. ansaya nga eh. buti may dumaan na nagbebenta ng icecream... tentenenten-tentenenten-tentenenten-tentenen-tenenenenenententenen! hehe. anlabo. basta. so kumain kami ng icecream. tapos, balik ulit sa talk, handa para sa misa, tapos mass. pagkatapos ng mass, bumalik ulit kami sa bahay ni tito gerry at nagbihis. tapos, umalis na kami. pumunta kami sa pag-asa...kina tita norms. doon kami nag-celebrate ng mother's day. cyempre may kainan... nandun din si freckles. hehe. ang cute niya talaga. oo nga pala. habang kumakain, napakaganda ng pinanood namin sa national geographic. "the science of babies". nakaka-nosebleed. ansarap pa kumain habang may nakikitang babaeng nanganganak. [wooh. sobrang sarcastic ko na yata]. pero ang cool. grabe pala ang instinct ng baby. marunong mag-math, pigilin ang hininga at maglakad sa ilalim ng tubig, at marami pang iba! nakakamangha talaga. dahil manghang-mangha ako, sabi ni ate oan, bio na lang daw ang kunin kong course dahil dun din naman ako mapapadpad. pinag-iisipan ko pa rin...

the next day, dahil hindi pa kami nakapagbigay kay mami ng mother's day card, nagplano lang kami nung umaga. scrapped na ang "free burger steak/spaghetti receipt". nung hapon, gumawa na lang kami ng "mamibee spaghetti". grabe. nakakabaliw. wahahahaha! wala lang.

bday naman ni liz kahapon. gagawa na sana kami ng cake nung umaga pero ubos na ung cocoa kaya gumawa na lang kami ng cake nung tanghali pagkatapos makabili si dadi ng cocoa. dalawang cakes ang ginawa namin. ung una, ung original recipe...ung cake na lagi naming ginagawa simula noong mga bata pa lang kami. tapos gumawa rin kami ng double chocolate cake mula sa cookbook. mga 3 pa kami natapos gumawa ng cake at icing. tapos, nagluto naman sina ate josie at ate lenlen ng spaghetti at barbecue respectively. mga 4:15 dumating ang mga kalaro ni liz at nag-merienda kaming lahat dito. at iyon na ang handaan. yehey!

ngayon, pinaplano namin ni ate oan na gumawa ng belated gift para kay liz. natapos ko na ang "liz is berry.com" logo. what's next? ewan ko. mukha namang walang plano si ate oan. oh well...


7:46 AM