Sunday, May 18, 2008
ang pagbabalik
bumalik na si ate kitel galing sa amerika kahapon ng kahapon yata cya nakabalik dito sa bahay. ewan. so cyempre, maraming pasalubong. kahun-kahong chocolates, cookies, isang plastic ng ballpens at post-it, mga bagay na inarbor ni ate kitel mula sa eroplano, pake-paketeng toothbrush, toothpaste at sabon, damit at sapatos; sangkatutak na keychains mula sa las vegas, new york, etc. at ibang "personalized" [may "joanne", "liz", "#1 dad", "#1 mom" at ang akin, "♥throb". okay...] meron ding techie stuff. kami nina ate oan at liz, meron nang tig-iisang mp3 player. kay ate kitel naman napunta ang ipod shuffle. awww... oh well... meron ding double-sided dvd. ang cool talaga. pwedeng magburn back-to-back. pero baka hindi rin convenient kung konti lang ang kailangang iburn... tapos meron na ulit kaming digicam after many years of waiting. hay naku. si ate oan kasi eh. nawala ang aming digicam sa stargazing nung 1st year pa lang cya. :|
dahil nga andami-dami naming chocolates, at napaka-mapagbigay naming mga tao, ang karamihan sa mga ito ay ipinamigay na lang namin sa mga tito at tita. awwww.
pero cyempre masaya pa rin. kumpleto na naman ang pamilya. kahit na hindi talaga kami madalas na nagkakasama-sama bilang isang buong pamilya, mas maganda pa rin 'to kaysa sa nasa ibang bansa ang isa sa amin. :) [nyak. andrama...]
11:04 AM