image
kesi's blog
image image image image
Sunday, February 17, 2008

no fancy title...


5:17 pm
02/17/08

hay naku! ayaw akong ipag-internet ng computer na 'to. more specifically, ayaw akong ipag-multiply. graar. oh well. konti lang naman ang pics na nakuha ko. di kasi ako vain. mwahaha. ung ibang pics, nanakawin ko na lang. :p

5:18 pm
02/17/08

hala! di ko pa pala nasisimulan ang pinoy dula ko which is 80% of my grade! ansaya di ba? napaka-responsible ko talagang bata. at sarcastic din. hehe. nag-iisip pa rin kasi ako ng topic...eniweiz, stuff for the previous week.

5:20 pm
02/17/08

>> monday: hindi mac-cram ang pag-aaral ng chem. walang mapapag-aralan para sa eng achievement test kaya bawas sa review time. pero di ko pa rin nakumpleto ang pag-aaral ng chem! waaah. kung makapasa man ako, aba! ang galing ko naman mag-shotgun! :p tapos, magaling! tinuluan pa ako ng kisame. nakakainis. basang-basa na ang papel ko. agh. [oops. exaggerated yata ung "basang-basa". ohohoho.] matapos ang achievement tests, nag-extract kami nina gabby at zaldy ng malunggay. nag-rotavap kami sila. umalis na kasi ako nung 11:30 para sa catechism. natapos ng 12 at bumalik sa str lab para tingnan kung ano na ang nangyari sa pagr-rotavap ng malunggay. maya-maya, tapos na! mahirap magtanggal ng malunggay extract sa flask ng rotavap [kahit na wala naman akong ginawa]. mga 1 pa yata kami natapos sa str stuff. pero cyempre, may kwentuhan pa kasama si maam dawn. hehe.

5:26 pm
02/17/08

>> tuesday: achievement test pa rin...physics at socsci. nakapag-review naman ako pero...ewan. useless kaya ang pagrereview ko? haaay. nakakatulugan ko kasi lagi ang pagrereview. masaya naman at hindi tumulo ang kisame. hehe. pero habang nagtetest, binigyan ako ni maam docto ng appointment slip galing sa guidance. hala! may problema kaya? malamang dahil sa questionnaire thingy...so, pagkatapos ng achievement test, dumaan ako sa guidance center. tapos, binigyan ako ng P50 gift certificate galing sa jolibee. yaaaay! tapos, catechism. 11-12. at lumayas na ako. daan muna sa jolibee para gastusin ang gift certificate at bumili ng chicken + spaghetti for lunch. tapos, nag-jeep papunta sa nsri. 1 pa raw dadating ung mga tao dun sabi ng guard kaya naghintay pa ako hanggang 1. tapos, pumunta na ako sa microbiology lab. blah blah blah. tapos, commute papuntang philcoa at bumili ng halo-halo. grabe. ang gastos ko talaga. :p nung hapon, dahil natuto na akong hindi dapat magcram sa pagrereview, nag-aral agad ako. sa bagay, 3 tests ang kukunin ko sa susunod na araw. bio, math, at catechism. haaay. grabe na 'to. andaming klangang imemorize. kunganu-anong acronym na ang nasa utak ko. may wucfkpf [gifts of the Holy Spirit], cgpepv [volvocine series], siny & cosx [trigo...], cscsinseccoscottaN [trigo pa rin], mcefan [precepts of the church], kas [#s 5-7 ng 10 commandments], at marami pang kanerdohan hindi lang sa acads, pati na rin sa spiritual life. haaaaaay.

5:41 pm
02/17/08

>> wednesday: sobrang nakakaiyak pagreview ng napakaraming bagay. [pero di ako umiyak ha..] parang sasabog na ang utak ko sa dami ng pinagsususuksok kong lessons. hindi ko na nga tinuloy ang pagrereview ng catechism kasi baka makalimutan ko na ang nireview ko sa bio at math at iba pang lessons sa catechism. hindi ko nareview ang spiritual works of mercy. kaya pagdating sa pisay, nagrelax lang ako. nakinig na lang sa pagrereview ng mga kaklase, kumain ng sandwich at cookies, at may konting review pa rin. tapos test na. haay. ulit na naman ang "this is an achievent test." ... "it is meant to measure your skills in " grabe! nakakasawa na. buti na lang last day na 'to. eniweiz, nagsimula na namang tumulo ang kisame. nakakagulat. akala ko wala na. natatawa tuloy sa akin ang mga katabi ko. pati ako, natatawa. tawanan na lang ang mga problema. [5:46 pm...merienda muna.] [5:59 pm. tapos na magmerienda] maayos naman ang achievement tests. di tulad ng sa chem, eng, socsci at p6. maayos kasi ang pagreview. matapos ang achievement tests, str naman. blah blah blah... pagkatapos ng str stuff, test naman sa catechism. grabe. hindi ko pa rin pala napag-aralan ung 7 spiritual works of mercy. nakalimutan ko na rin ung iba kong nireview. pero maganda naman siguro ang resulta. [6:04][6:06] pagkatapos ng test, masaya na. pero di ako nakapunta sa miting de avance. hehehe. kaya sumabay na lang ako kay dadi pauwi. pagdating sa bahay...[6:07] [6:14] relax na. sobrang relax na. feeling friday. wahaha. masarap manood ng tv. :p

6:15 pm
02/17/08

>> thursday: happy valentine's day! friday sked at shortened periods at teacher's day. walang st sa socsci, maam docto si koko. sir tayco si josh [kahit di cya rb]. maam de joya sina benetz at gabby. maam balangue si zaldy, maam bernal si jio, walang teacher sa comsci, at maam dawn si rb. what a valentines day! napaka-boring. madalas ay nakatunganga lang ako sa kinauupan ko. bago mag-health, natanggap ko ang kaisa-isang valentines gift. isang rose gumamelang mukhang rose at isang heart-shaped homemade container na may bear sa loob. sabi ng bear, "roar!". wahaha. nababaliw na ako. ikatlong eniweiz, naunahan pa ako ng mga kaklase kong buksan ung container. hehe. pagkatapos ng klase, str ulit. gumawa kami ng nutrient broth para sa e.coli. waaah. wala nang H. pylori. :(( nakakatakot si maam chupungco. waaah. maaga akong umuwi since shortened periods nga. relax pa rin. wahaha.

6:26 pm
02/17/08

>> friday: thursday sked. ewan. boring pa rin ang buhay. buti na lang may pe. nag-volleyball kami. pero di pa rin ako magaling magserve. pero magaling pa rin ang group namin. go group 3! go dianne a, jio, je, gero, nikolai, robert, jeffrey, and me! weehee! 2 out of 2 games, panalo kami! yaaaaay! wala lang. tapos, nung hapon, walang ginawa para sa str. aww. wala kasi sina sir jun at maam len. waaah...matapos ang lahat ng klase, nagpaka-socsci nerdo muna ako sa lib. pagdating nina liz at dadi, bumili kami ni liz ng pagkain. tapos, pagdating sa palma hall, kami naman ni ate oan ang bumili ng pagkain. tapos cherubs na. kumanta kami ng "this is the time". wahaha. sink or swim. pero mas nakaka-lss pa rin ang danza danza. nung gabi na, nanood kami ng stardust [ewan ko kung saan napulot ng kaklase ni ate kitel] tapos nanood ng tv. it's friday at last. grabe. ang ewan ng mga palabas. sa marimar [yep. nanood ako nun.], grabe. nag-freak out kami nina ate oan at liz. graar. bigla ba namang naging horror. x( tapos, bubble gang, malaking kaewanan. basta... nanood din pala kami ng mmk. nakakaiyak pero di ako umiyak. si ate oan siguro. hehe. 12 na kami natulog. magaling.

6:40 pm
02/17/08

di ko 'to matatapos ngaun. mahaba-haba pa ang post ko. waaah. 1 hour na akong nagb-blog. klangan ko pang gawin ang 80% ng aking grade sa pinoy. waaah. yan na muna sa ngayon. paalam na muna initial blog... :(


6:21 PM