Friday, February 01, 2008
madaling-araw post
aba. lagpas 12 na pero eto pa rin ako...nagl-laptop. hay...nasisira naman kasi ang lahat ng bagay. kahapon, este kahapon ng kahapon, ang timing nga naman! nasira ung computer! naku! klangan pa namang iprint ung pinoy. lahat na lang ng pinaghihirapan ko biglang poof!
it became koko crunch! wala na! napaiyak na naman ako. ilang beses kaya ako naiyak sa week na 'to? isa dahil sa zero [see previous post, my friends] at isa pa dahil sa pangit na computer na yan. grabe talaga! dahil nasira ung computer na un, naghanap pa si ate oan ng downloader ng printer namin sa internet. naghanap pa ako ng cd ng installer ng microsoft publisher. kung minamalas nga naman...
dahil sa sobrang labo ng araw na un [jan. 31], hindi ako sumabay kay dadi papunta sa pisay. aba! 1st time by myself! [dati kasi, di ako sumabay kay dadi pero kasama ko si mami papunta sa pisay]. lagpas 7 na ako nakaalis dito sa bahay kasi tinapos ko pa ung written report ko sa pinoy tungkol sa dula at nagprint at naligo at kumain at nagtoothbrush at nag-ayos ng gamit at marami pang iba. haaaay! hectic! grabe! sobrang nagmamadali akong naglakad papunta sa tawiran sa st. peter at tumawid. buti na lang sinusuwerte...nakahanap agad ako ng jeep na masasakyan. pero since ayaw ako bigyan ni ate oan ng coins nung araw na un, at binayad ko ang P10 sa jeep at P1 na lang ang natira sa aking barya, klangan ko pang maglakad galing sa kanto ng agham rd. papunta sa pisay. nyaaa. naisip ko nga nun, wala na talaga akong pag-asang hindi maging late sa socsci. :(( pagdating ko sa pisay, may bag inspection pa. didiretso sana ako sa registrars office para kumuha ng slip pero naisip kong di pa naman ako late kaya dumiretso sa adelfa room. pero walang Rb dun. malamang nasa reading room. pumunta ako dun, hinihingal-hingal at pinagpapawisan pa. grabe! buti na lang di pa ako considered late kahit lagpas 7:30 na ako nakarating dun...
blah blah blah. nung bio na, biglang nagtanong si timmy, "ces, bakit ka zero?" dahil dito, naiyak ako. pero natatawa ako sa sarili ko. ambabaw-babaw lang iniiyakan ko. ano ba naman un? nakakahiya nga kay maam docto eh. sabi lang ng mga ka-table ko, stressed lang ako. pinatawa lang ako nina verna at dianne a sa pamamagitan ng pagkanta ng doraemon theme song at pagkukwento ng ending ng doraemon [na-coma pala si nobita?! at namatay pa!]. okay...nakakatawa nga ung ending...grabe. [halatang sarcastic right?!]
compared sa ibang robo classes, mas masaya ung robo class nung thursday. hehe. nag-sumo kasi ung robots eh. kunganu-anong mga kababalaghan ang nangyari sa kanila. hehehe. mas marami ring audience compared sa nung wednesday. wala lang...
kanina, di ako nakapaglunch. masyado kasi akong mabait eh. tinapos ko pa ung drawings para sa health pamphlet. tapos, dumiretso na sa 3rd floor audi nung 12 na [hehe. 11:30 yata dapat ung start ng bacon eh...]. may nagt-talk lang tungkol sa mga gagawin sa prom. especially para sa mga may date. ...
matapos ang lahat ng klase, cyempre may cherubs. so ihahatid sana ako papunta sa palma hall pero sarado ung kalahati ng university ave. naglakad pa tuloy ako mula sa road ng film center hanggang sa palma hall. hehe. masaya naman kasi masarap maglakad sa gitna ng kalsada :D pagdating sa room ng cherubs, konti pa lang ang tao. marami ngang hindi umattend. tsk. mas malapit ang high school papuntang palma hall kaysa sa nilakad ko :| eniweiz, marami na ngang bagong kanta. maraming bagong inaaral na kanta para sa concert sa nov. 21 yata...basta parang centennial concert din ng cherubs [kahit 37th year pa lang yata ngaung 2008]. punta kayo ha! so ang pinractice namin, "danza danza" something something. nakalimutan ko na. basta gentle maiden yata ung ibig sabihin nung 2 words na un. nakakalito pero cute. hehe. tapos, "silver apples of the moon". yeah. better than before! :P pero weird talaga ung sa dulong part kung saan magsasalita lang kami imbis na kakanta...tapos, ang pinaka-weird sa lahat, nakalimutan ko na ang title. basta parang chant na spell na exaggerated breaths pa lang ang nagagawa naming mga sop 2. hehehehe. haa- - - haa - ha- - - haa... :))
ansipag ko talaga. pagdating pa lang dito sa bahay, naghanda na akong gumawa ng health pamphlet. pagkatapos gumawa ng sauce ng fish fillet, at kumain, nagsimula na. natapos ng mga 12:15. grabe. ang hard-working ko naman. pero cyempre, may breaks din para sa pagdarasal, magch-check ng mail at multiply, at kunganu-ano. hehe. maganda naman ang kinalabasan ng pamphlet. cyempre naman ano? antagal kong inayos eh. salamat mga ka-group para sa lahat ng kinontribute nio! :D dahil natuwa ako sa kinalabasan, ginawaan ko pa ng album. oh di ba? sosyal! :P
hala! card-giving day na nga pala ngaun! hehe. pero spoiled na ako. dl ako at 1.45 ang average ko. sa tingin ko, di ko na naman mam-maintain ang pagka-dl ko. haaay. 2nd time ko pa lang 'to maka-dl. di pa rin nakakaranas ng 4th quarter dl-ship. awww...onga pala! baka mamayang gabi may braces na ako. hala...ano kaya ang itsura ko. hmmmmm...
7:51 PM