image
kesi's blog
image image image image
Sunday, February 24, 2008

confirmation


confirmation kahapon. maagang ginising...mga 6:30. pero 7 yata dapat klangan sa immaculate concepcion! hala! so, naligo, kumain, nag-toothbrush, at umalis na. dumaan pa kami nina mami at dadi sa pag-asa para sunduin si tita lisa. ninang! wala lang...tapos pumunta na kami sa simbahan. pagdating namin dun, nakapila na ung ibang confirmants. sumama na rin ako sa pila. grabe...nakaka-op talaga. puro 1st yr yata silang lahat except kami ni marius. tapos may picture-picture pa. sooo...un. confirmation. si bishop honesto yata ung nag-confirm sa amin. [pasensya na. di ako magaling sa pag-alaala sa mga pangalan ng mga tao...] tapos, picture-picture ulit kasama ang ibang confirmants, si bishop, at si father mon. binigay ung souvenir [bracelet na rosary], tapos umalis na kami nina tita lisa, mami at dadi.

dun muna kami pumunta kina tita lisa. kuwento-kuwento lang...tapos binigay sa akin ni tita lisa [ninang!] ang aking late xmas gift. yeah. isang tshirt at maraming durian at mangosteen candies :d tapos, pumunta kami nina tita lisa, dadi, mami, joseph, johanna, at tito sonny sa ulu-ulo. :D nag-lunch kami dun. grabe! ansarap!!! nakakabusog pa di tulad ng mga fast food. tapos may desert pang yema! :d [hehe. pasensya kung nakakagutom] tapos hinatid namin pabalik sa mga bahay nila sina tita lisa at tito sonny. tapos, umuwi na kami.


3:17 AM