Wednesday, January 09, 2008
UP @ 100
1:40 ang uwian kahapon. buti na lang. buti na lang rin at hindi natuloy ang socsci interviewing thing namin...naglakad ako papunta sa quezon ave at sumakay sa jeep.
grabe ang traffic. sa north ave pa lang, andami nang sasakyan para sa motorcade...antagal bago nakarating sa circle ung jeep. bumaba ako sa phicoa. si ate oan kasi eh. sbi niya nasa abelardo hall daw cya kaya nag-fairview jeep ako imbis na up campus :| kaya matapos bumili ng gulaman, naglakad ako mula sa philcoa papunta sa right side ng oblation plaza. oo... NAGLAKAD MULA SA PHILCOA. ok lang naman maglakad pero sobrang init. masarap tumingin sa paligid at makakita ng iba't-ibang tao mula sa iba't-ibang branches ng up, hehe...
mga 2:15 ako dumating sa oblation plaza. mula sa mga oras na iyon hanggang mga 4:30, pinagsawaan ko na ang kantang UP Ang Galing Mo. haaayy...lss... ansaya nung cherubs. parang reunion na ito! nagsidatingan ang mga college na dating [at forever nang...] cherubs... kahit ung mga galing pa sa manila. hehe. cyempre, sa paghihintay, di mawawala ang picture taking. :D
ansaya nung parade. nandun ung mga lantern sa lantern parade. meron ding nagpresent na mga mascot ng iba pang colleges. nyahaha! ang cute ng mascot ng up... :)) ang ganda ng view namin. dun mismo kaming mga cherubs nakapuwesto sa harap ng torch. kaso nga lang andaming taong pumunta rin dun. nakulitan na nga siguro ung mga nag-oorganize kasi pabalik-balik ung mga pinapaalis nila. may confetti mula sa helicopter [pira-piraso at buu-buong confetti :)) ], balloons mula sa helicopter, at tao mula sa helicopter [wooh! sky divers! ansaya!]
nang malapit nang matapos ang parada, dumating ang ilang pulis at tumulong sa organizers na magpaalis ng mga tao sa "stage".
PULIS to other people: oi. alis muna po kau. dyan po dadaan ang performers.
PULIS to cherubs: alis muna po kau. dyan po dadaan ang performers.
CHERUBS to pulis: ahm...kami po ung performers... [pa-shy pa..]
PULIS to cherubs: ay. ganun ba? pasensya na.
hehe. cute. :)
matapos ang parada, mga 5 siguro, tumunog na ang mga tambuli...hudyat ng pagsisimula ng presentations...teehee. ang cute ng tambuli blowers. lalo na nung 2nd blow...:D
tapos, lumabas na ang cherubs at kumanta ng alleluia round song at umalis na para sa pagkanta ng manila chorale ng lupang hinirang. kami naman, sa "backstage" kumanta na rin with voicing. hehe. tapos, napansin kong nawala na pala ang 1-month old kong pamaypay. waaaaahhh...sandali oras lamang ang lumipas nang ika'y nawala sa aking paningin. ika'y lumisan na... :((
pumunta kaming lahat sa van ni tita lenette sa tabi ng nbn van. doon, nag-picnic kami. wheee...mcdo. tamang-tama't gutom na gutom na ako sa mga oras na iyon. nakita ko nga rin pala sina dominic at boss. wala lang! habang nagp-picnic sa grass, binigyan ng mcdo ang mga cameramen ng nbn [channel 4]. tingin ko, dahil doon kaya tinapat nila sa amin ang recording camera...live na live! COOL! sikat na ang cherubs dahil binigyan namin ng burger at fries ang mga cameramen! :P
maya-maya'y nagtaka na kami ni ate joanne kung nasaan nga ba ang mga bags namin. pumunta kami nina ate oan, at badong sisters sa 2nd floor ng quezon hall para kunin ang bags. pagbukas ng pintuan ng unang room, oops! wrong room! teehee. tapos, 2nd room naman. sinalubong kami ng isang babaeng nagsabing kinuha na ng ibang boys ung bags. okay...ang napala sa pag-akyat, na-wrong room... :|
pagbaba at pagbalik sa picnic area, tuloy ang kainan habang nakikinig sa program. torch bearing na. ang cool! ang 1st torch-bearer, 100 years old na up alumni...one of the oldest nga daw. at sumama pa cya sa parade ng torch bearers! ang cool talaga! tapos 2nd si alaya. wooh! cherubs yan! pero di ko cya nakitang may hawak na torch. ayon sa tsismis, nawala daw ung torch :| antagal ng program. unti-unting nagsialisan ang ibang cherubs. kami na lang nina ate oan, noreen, julia, josh, michelle, sierra, ate mariel, ate rasziel, elayne, at ysabel ang natira sa picnic area. maya-maya, umalis na rin ang doquenia sisters. umupo lang kami sa tabi ng malaking puno at nagkulitan...pasahan ng fries ni kuya gabby...picture taking, at kunganu-ano pa. tapos, lumipat kami ng venue dahil naisip naming hindi magiging maganda ang view namin ng fireworks kung dun lang kami pupwesto kaya lumipat kami sa kanto...sa gitna ng puno at lamp post...MALAPIT SA NAGTITINDA NG UMIILAW SA SAHIG :P <-- description ni ate oan sa kinaroroonan namin para mahanap kami ni dadi... habang papunta doon, nakasalubong ko si angelica at ang kanyang pamilya. ansaya naman! :D matagal-tagal din ang hintay namin. after long hours of waiting, the 99th torch bearer, michael dumlao! 6th grader from UPIS! yeah! go maki! youngest torch bearer! sikat sa tv!!! wooh! tapos, 100th torch bearer...UP president emerlinda roman. tapos ni-light na ung main torch. ang ganda! pero hindi nakuhaan ng pic. awwww...tapos, message niya at up naming mahal by up los banos choir. nagpresent din ang up pep squad. ang galing nila! nakita ko pa silang nagp-practice sa oblation plaza. cool! :D mga 7 na nun. innannounce na may concert pa bago ang fireworks. awww...malamang daw ay 10 pa matapos ang concert kaya 10 pa ang fireworks. sayang talaga! kung wala nga lang kaming pasok, nakapanood pa kami ng fireworks.

naghiwa-hiwalay na kami. kasama ko sina dadi, ate oan at michelle. cyempre picture-picture! nakasalubong ko rin si maereen. picture-picture ulit!
naglakad kami papunta sa parking lot ng abelardo hall, hinanap ang kotse, at umalis na. goodbye fireworks...awwwww....
4:41 PM