Tuesday, January 01, 2008
new year and below.
sa last weekend ng bakasyon, puro paglilinis ang ginawa namin dito sa bahay. masaya namang maglinis. nakikita ang pagprogress [o hindi pagprogress] ng bawat isa. pagkagising ko pa lang, nagsimula na akong mag-ayos ng kwarto namin ni liz hanggang sa agahan na. pagkatapos mag-agahan, naglinis ulit. tapos study room naman. haaaaayy... nakakapagod. nakakabahing. fun. andaming kulitan. magaling maglinis ang outstanding cleaner na natutulog lang sa isang tabi. :P tapos after a few days, wala na. magulo na naman. :|
sunday--bday ni ate kitel. HAPPY BDAY! happy bday na rin kina zaldy at john f. at uhmmm...happy [?] rizal day! nauna na naman akong gumising nung umaga. nagresearch sa internet ng pwedeng card para kay ate kitel pero wala naman akong matinong nakita. sa pagtatanong ko ng "what to do?" kina liz at ate joanne, walang makaisip. o kaya pareho na rin sa ideya kong "OC".
sa pag-alis ni ate kitel nung hapon, ayan...brainstorming na. ang gagawin sana namin ni liz, rubics cube na OC. later, sabi ni ate joanne, gumawa na lang daw kami ng OC na libro. matapos ang pag-iisip at pagkakita ng lumang kalendaryo, ito ang napagpasyahan:
page 1: noong unang panahon, may isang babaeng nagsasabing siya ay isang...
page 2: OC
page 3: outstanding cleaner?!
page 4: baka naman over sleeping. o kaya...
page 5: O-- C--
page 6: pero kahit na ganun cya, siya pa rin ang aming...
page 7: only christel.
nyek. so, may title page pa yan...8 pages in total. hehe. sakto sa kalendaryo. ginawa na namin yan. naghanap ako at si ate joanne ng words beginning with O and C. gumupit si liz ng mga construction paper para sa background. gumupit ako ng O at C sa corrugated box. gumupit na rin ako [saka ung 2 pages, si ate joanne] ng OC sa calendar pages. grabe...nakakapagod. ansakit sa kamay. nung mga 6 pm na, sabi ni dadi, pupunta daw kami sa kfc. kaya, nagbihis na kami at dinala na rin naming tatlo [ako, liz, ate joanne] ang materials sa paggawa ng card sa revo para makagawa pa rin kahit wala sa bahay. so, dun nga sa revo, ako ay gumugupit, nagdidikit, nagsusulat, at kunganu-ano pa. si liz ang materials manager ko at si ate joanne ang moral supporter. hehehe. para bang kay bilis ng takbo ng oras. naroon na agad kami sa kfc tandang sora. pumasok na kami nina rj, liz at ate joanne at nagpunta sa 2nd floor. baka sakaling naroon na si ate kitel. pero wala pa siya nun. maya-maya, dumating na siya. may dala siyang...uhmm...basta. ung 2 metals na magkadigtong na paghihiwalayin. parang brain teaser. siyempre kinuha ko. learn from the master ika nga. napaghiwalay ko na sila at later later, napagsamang muli. maya-maya'y dumating na sina mami at dadi dala ang pagkain. masarap talaga ang mashed potatoes ng kfc. pagdating ng bucket, kainan na! pero bago yun, picture picture muna. hehehe. grabe...sarap talaga ng buhay sa kfc...masarap na [kahit ung gravy lang...], nakakabusog pa. pag-uwi sa bahay, tinuloy na namin ang paggawa ng card. pagkatapos nun, binigay na kay ate kitel, nakinig sa kanyang reactions [nyahahaha!] at nanood ng pbb. hehe.
last day of the year, ang sabi nga ni liz na minsang nawawala imbis na feb. 29, using the computer was banned. pero ung isa jan, pasaway... tsk tsk. merong kakaiba. hehe. buko pansit. weird pero ok naman ung lasa :D nung hapon na, nag-brother bear marathon kami [wooshoo...marathon daw...brother bear at brother bear 2]. maganda ang story. cute. :) matapos un, naligo na ako at nanood naman ng tv habang kumakain ng sangkatutak at walang-kamatayang ube. nag-waltz nga rin kami ni dadi eh. how unusual. mga before 6, umalis ang buong pamilya para pumunta sa st. peter at magconfess. nang hindi nakaabot, nag-misa na lang kami. sabi nga ni mami, we should end the year right...and start the new year right. matapos ang misa, pumila sa confession pero wala naman pala. kaya umuwi na lang kami. kumain kami ng hapunan at nanood ng tv. ako, tv lang hanggang mga 11. sina ate kitel at ate joanne, nagcomputer na rin. si liz, nakatulog na sa kabilang dulo ng sofa. sina mami at dadi, natulog na lang sa kwarto nila. si rj, kasama ko sa sala, nagbabasa ng libro. dahil wala nang matinong palabas nung 11 kasi puro countdown na lang, umakyat na lang ako sa study room at naghintay ng libreng computer. habang naghihintay, pumupunta rin naman ako sa kwarto nina ate kitel para manood ng napakagandang fireworks. nagd-drawing rin ako ng mojo jojo sa libro ni liz. wow. what a year-ender. mga 15 minutes na lang before 12 am [so...11:45 for short...], natapos na sa paggawa ng mga testi sa friendster si ate kitel. nakapag-computer na ako. so, naghanda na ng mga messages sa ym para saktong 12 am masesend. andaming countdown ni ate joanne. nakakalito. kainis nga eh. nung tamang countdown na, biglang na-dc ang dsl. grrrr... sayang ang pagsesend ko...inulit ko pa tuloy. pagkatapos nun, sumilip-silip sa terrace para manood sa fireworks ng kapitbahay [di kami nag-fireworks. awwww]. grabe talaga. ang ganda ng view. halos magka-stiff neck na kami sa panonood. parang sa taas talaga namin sumasabog ang fireworks. nagpost sa blog [?], nag-media noche [mmmm....chicken macaroni soup, fiesta ham with pineapple flavored honey and keso de bola sandwich, hot chocolate :d ] at nag-greet na rin sa multiply buddies :) 1 na kaming lahat nakatulog. dun kami natulog sa kwarto nina mami at dadi...naka-aircon pa. hehehe.
7 na ako nagising. at sa lagay na un, ako ang pangalawang nagising [nauna si mami...]. breakfast tapos sinimulan ko ang paghuhugas ng pinggan. to start the year right, nagsimba na kami. yaay. un lang. c:
10:26 AM