image
kesi's blog
image image image image
Monday, January 07, 2008

himala sa pisika! :) adelfa? read last part.


wala lang...1st monday of the year...nagiging iresponsable na ako. wah.

kaninang flag cem, narinig ko ang ibang rb...nag-uusap tungkol sa physics this and that. ako naman, walang kamalay-malay. may quiz nga pala sa physics tungkol sa ch.8-1: rotational motion! hala lagot! di ko man lang nabuklat ang physics book ko ngayong taon :|

pagkatapos ng flag cem, panic! PANIC! pagdating sa physics room, PANIC!!! [kahit di halata] naki-tsismis na lang ako sa pagrereview. andaming formula!!!! waaaah!!! at wala man lang akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nina dianne, verna, zaldy, at criselle. nyaaa. naisip kong, imememorize ko na rin lang ang mga pinagsasasabi nila at ia-apply na lang kung saan man pwedeng maiapply. sa isip ko, siguradong babagsak na ako sa nakaabang na quiz. kaya naman, nagdasal ako..."Lord, sana wala po si sir lim ngayon...kahit makalimutan niya lang ang quiz, ok na." how nice. pero ganyan talaga ang dasal ko nang mga oras na iyon. desperado na ngang talaga. na-praning na nga ako. sa bawat tunog na ginagawa ng pinto ng physics unit, napapalingon ako sa pintuan ng physics room, handang makita ang pagpasok ni sir lim. matapos ang ilang ulit ng pangyayaring ito, nangyari nga ang inaasahan ko...pero imbis na si sir lim ang pumasok sa physics room, si sir reggie [tama ba spelling? basta ung lab techinician ng physics unit...] ang dumating. gumaan ang pakiramdam ko. alam kong sa pagpasok niya, ipapaalam niya sa amin na kung hindi mal-late si sir lim, absent siya. maya-maya lang, innannounce niya, "absent si sir lim ngayon. sorry ngayon ko lang nabasa ung text niya." tapos isinulat ang "read chapter 8" sa blackboard. aba naman! himala yata ito.! pinagbigyan ako ni Lord...SALAMAT PO!!! MARAMING MARAMING SALAMAT!!!

matapos ang physics, hindi na break. chem na. ang aming 1st chem with sir tayco. naglakad ang rb papunta sa astb pero sa chem room naman pala kami. nyek. sayang ang gold [time is gold si ba?] at ang energy. pagdating sa chem room matapos "palayasin" ni sir ang li, simula na ang intro. about organic chem. pinag-usapan ang hybridization and stuff. eh kami naman, walang kaalam-alam. pinag-aralan nga nung 1st quarter...kay maam marla. sabi naman ni sir, "oh. that's why." tsk tsk. >:| dahil wala kaming maisagot sa mga katanungan niya, dinismiss niya na lang muna kami. magbasa raw muna kami tungkol sa hybridization. haaaaay...back to beginning...

nung math, binigay na ang perio results. di na ako nasurpresa. alam ko na ang mangyayari. :'( halata naman sa reaction ko... OO. BAGSAK AKO. how nice. pero inexpect ko naman ito eh. sa bagay, di naman ako masyadong nakapagreview dahil sa pag-aayos ng regalo ng mga rb... kahit siguro i-adjust ni maam de joya ung scores namin, di pa rin ako papasa. ganun kababa ang score ko :(( pero well...makakabawi naman siguro ako dahil sa quizzes, homework, at long tests ko. matataas naman ung scores ko dun eh. sana ma-retain ko pa rin ang 1.75.

walang pinoy. nag-review lang ako ng mog. un lang.

nung homeroom, nag-charades kami tungkol sa code of conduct. it's kinda fun pero di lahat nagparticipate. busy sa pagc-cram ng pagbabasa ng mog. at least panalo kami! go TEAM A!!!

nagbasa ulit ako ng mog matapos kumain ng lunch. halos nalimutan ko na nga ang istorya kasi antagal ko nang natapos ung buong libro :|

eng. ok naman ung test sa mog. [some portions. NO LEAKAGE! :) ]

imbis na chem ang sunod sa eng, since na-move nga ang chem, break dapat. pero na-move din ang pe para 2:30 ang uwian namin. so...pe. parang replay lang nung meeting nung thursday. alam ko na kung ano ang sasabihin niya. teehee. wala lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

ADELFA!!!

grabe. dumarami na ngang talaga ang natatagpuan ko dito sa bahay. may nakita pa si mommy na baby powder at naiwan din ni sam ang 'devil wears prada' dvd niya. haaaaayyy... oi mga adelfa...claim nio naman... crowded na ang locker ko. penshoppe paper bag w/ umbrella, flowery bath towel, baby powder... :|


4:52 PM